Nagulat ako at may nagmessage sa kin na babae sa Friendster Mr. T! Mas bata sa kin. At eto ang message niya:

"Kuya Jacob!".

Hindi ko siya mamukhaan. Matagal kong inisip kung sino siya. Binrowse ko Friendster profile niya. At nagulat ako dahil isa pala siya sa naging estudyante ko sa PKK noong 2003. Bigla akong napangiti at nareply ako agad agad. Ganito ang nireply ko:

"Uy, Arianne! College ka na rin! Ganda mo na ah. San ka na aral at course mo?"

Nagreply siya ulit:

"Yey, kala ko nakalimutan mo na ko kuya Jacob. BS Nursing ako ngayon sa UERM"

Nagreply naman ulit ako:

"Galing mo talaga. Alam kong kaya mo yan."

Eto na pinakahuli niyang reply:

"Salamat po kuya Jacob :-)"

Nakakatuwa dahil ilang taon na ang nakaraan nung nagPKK ako Mr. T! Natatandaan pa rin ako ng mga naging estudyante ko. Actually hindi lang si Arianne nagmessage sa kin, sina Elisa, Cyril, Eurmajest atbp ay nagmessage na rin sa kin. Hindi ko lang sila naging estudyante Mr. T! Hindi lang din nila ako naging Computer teacher at Adviser. Naging parang magkakaibigan din kami nung panahong tinuturaan ko sila. Naging parang kapatid. Naging kuya rin nila ko Mr. T! Naging Kuya Jacob  nila ako.

Ang PKK nga pala ay isang programa ng Xavier noon. Mga volunteer students from Xavier and ICA ang mga natuturo buong summer sa mga matatalinong Grade 6 na estudyante ng mga pampublikong paaralan sa San Juan. Ayun, masaya ko dahil kahit paano pala nakatouch ako ng buhay ng ibang tao. Hindi rin lang pala ako sa PKK nagturo noon, pati sa ERDA, sa may Pandacan nagturo din ako. Yun naman every Saturday dati. Wala kong naging contact sa mga estudyante ko sa ERDA dahil sobrang bilis lang nun eh. Parang ilang Saturdays lang yun.

Mabalik tayo sa mga naging estudyante ko sa PKK. Ayun nga, naalala ko na palagi akong late nun sa Homeroom ng klase ko! Adviser pa naman ako! Well hindi naman akong laging late, let's say lagi lang nauuna mga estudyante ko sa kin nun. Grabe, ang sarap sa pakiramdam balikan mga nangyari nun. Naalala ko pa nung first day kung san lahat nagpakilala mga estudyante ko pati ako pati sa Ida, assistant adviser ng 6G. Naalala ko rin nung may nahuli akong nagcheating. Naalala ko rin nung may inter-section cheering contest nun at uso sa mga bata nun ang Sex Bomb at sila ang pinagisip ko ng cheer at ako naglead para maging synchronized sila. Grabe, pati yung mga times na ang hirap nila patahimikin. Yung mga times din na parang walang nakikinig sa kin sa klase at yung mga times na ang hirap nila papilahin ng derecho! Hahaha... nakakatuwa balikan Mr. T! Mga oras na pumipila lahat para sa recess. Yung mga oras din na nagdadasal kami bago magklase. Nakakatuwa isipin na minsan pala naging teacher din ako kahit teacher-teacheran lang. Masarap magturo sa kanila. Masaya gumawa ng lesson plan. Masaya magcheck ng check paper. Masarap makipagkwentuhan sa mga estudyante. Masaya ako dahil naibahagi ko nalalaman ko sa kanila. Masaya ako dahil may mga natutunan din ako sa mga kwento nila sa kin tungkol sa mga buhay nila . Natutuwa ako at nagvolunteer ako nun sa PKK. Marami akong natutunan sa mga bata. Sana lang may natutunan din sila sa kin Mr. T!

Isa sa mga hindi ko makakalimutan eh nung Graduation Day na nung mga bata. Yung last day na naming magkakasama at may mga programang ginawa para sa kanila. At sila rin may ginawang programa para sa amin. Naalala ko pa nun bumili ako ng relos na tig-120php tapos ilan yung advisees ko nun. Gulat ng nanay ko at ang galante ko raw nung panahon na yun. Tapos naalala ko rin yung sinabi ni Wilmer na maiiyak ako once ihug ako nung mga bata pagtapos na ang lahat. Sabi ko kay Wilmer nun, hindi ako maiiyak. Pero mali ako Mr. T! Habang kumakanta pa lang yung mga bata nun nung "One Friend", grabe, humahagulgol na ko sa iyak. Sobrang touched ako sa kinanta nila. Sa mga letters na binigay nila sa kin. Sa mga kulitan namin nun. Sa mga asaran. Yung binigay nilang paggalang sa kin. Hinding hindi ko sila makakalimutan Mr. T! Minsan naging parte sila ng buhay ko. Sana itinuturing nila ako na naging parte rin ng buhay nila. Sana magkareunion kami one time. Magset kaya ako? Hmmm... 

Minsan iniisip kong magJVP. Laging sumasagi sa isipan ko toh Mr. T! Naopen ko toh sa nanay ko and payag na payag siya. Pero ang tanong, kakayanin ko kaya? Hmmm...

Currently listening to: Right Here Waiting by Richard Marx
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on August 19, 2008 at 01:42 AM in Everyday Drama, Features, Randomness, School | 5 comment(s)
Comment posted on August 19th, 2008 at 09:21 PM
nice naman, teacher :)
one jeepney away lang mula sa house namin ang ERDA. la lang :)

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 19th, 2008 at 11:58 PM
hahaha... taga manila ka pala :)

muhh (guest)

Comment posted on August 19th, 2008 at 07:27 PM
hahahaha kuya.

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 19th, 2008 at 07:36 PM
:)

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 19th, 2008 at 02:05 AM
hahaha... salamat petitay
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.