Entries for March, 2008

At marunong pa rin pala akong magchinese! Hahaha --- anyways, I just went shopping with my mom sa Greenhills kahapon. Dami kong nabiling t-shirt. And then si mama bumili rin ng mga damit para sa sarili niya. And then, kumain kami ng Tacos sa Kamicos sa Shoppesville. Grabe sobrang sarap talaga ng hotsauce dun! Sarap iuwi and papakin! Wala talaga kong makitang Stripes na jacket na katulad nung jacket ni Deck! Tsk, walang Maldita-Man sa Greenhill eh! Wah.... then yun, nakita pa ni mama kaibigan niyan si Chato. Grabe, sobrang ganda ni Chato. Si Chato yung asawa ni Jose Marie Gonzales (yung nanampal na ex-congressman ng San Juan), and anak nila yung si Christina Gonzales. Ganda talaga kahit matanda na. Then yun, umuwi na. Tapos pumunta ko sa Katipunan to pay a visit kay David. Nagkwentuhan lang kami tapos nag PS2 sa condo niya. <--- relasyon??? Ugh...hahaha --- weird dahil humiga pa siya sa lap ko. Freaky parang gaguhan lang ano ba yun. And then umuwi rin agad ako and sabi and sabi ko na huwag na kami magkita ulit. Ayoko na. Walang mangyayari. Then sakay ng tricycle and jeep sa Aurora Blvd. Nagpuno pa yung jeep dun sa Cubao! Grabe parang gusto ko tuloy ako na lang magdrive nung jeep dahi gustong gusto ko na umuwi! Tapos yung katabi ko sa jeep pauwi grabe super tulog --- gusto ko batukan! Nasasanggi na niya yung kambyo nung jeep. Natatawa na lang yung driver. Super traffic talaga dun sa Cubao ano ba yun. 11pm na nun traffic pa rin. Ayun, tapos habang nasa jeep kinakain ko yung nabili ko sa harap ng Ministop na Chicharon and Quail Eggs. Then nakipagchikahan muna sa kapitbahay kina Alex. Anyways yun, update you soon. Nagswimming pala ang buong family ngayon pero hindi kami sumama ni Reamaur. Anyhows... yun... update you soon Mr. T! Gagawa pa ko report sa PRTEMAN! Love you mwah!
Currently listening to: Samson by Regina Spektor
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on March 2, 2008 at 11:43 AM in Everyday Drama | Post a comment
Ayun, gumagawa ako PRTEMAN report so this will be quick. Cathy, pinsan ko, invited me to go with her sa Greenhills kasi magpapapeel siya ng mukha. So I said yes. When we got there, the doctor was out. So we just decided to stroll around and let ourselves be devoured by the tiangge and super daming people. We got hungry, kumain muna kami sa Kamicos ng Tacos! Hot sauce there is love. Then, di pa nakuntento, nagShawarma naman kami. Then di pa nakuntento, nagStarbucks kami. Nagkape and Blueberry Muffin. Then may binili siya sa National Bookstore. Then hindi nakuntento, dahil naisip ni Cathy bumili ng contact lenses, sa Galleria naman kami tumuloy. Eh andun yung clinic nung titang doctora ni Page sa Galleria, so dun si Cathy nagpaPeel. Pati tuloy ako nagpafacial ng di oras.  After nun, ayun, bumili siya ng contacts pati tuloy ako napabili. Hayz, namiss ko na tuloy salamin ko. Hirap pala maglagay and magtanggal ng contact lens. Pero kakayanin ko toh kesa sabihin ko sa nanay ko na nawala ang aking salamin na pagkamahal mahal at baka masampal pa ko pagsinabi ko. And then yun, weird it was raining nung pauwi na kami. Hmmm... so yun. Then ngayon super gawa ako report. Nagbreak lang ako hahaha --- kumain rin pala kami ng Bicho Bicho sa Galleria! OMG takaw namin! Eto ngayon kakain ko lang ng noodles. Hahaha --- nasusuka na ko sa kabusugan! Wah... update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya, I appreciate ya! Hindi ko alam baket parang excited na ko magbukas! Wah... sige sige...
Currently listening to: Stolen by Dashboard Confessional
Currently reading: PRTEMAN Book
Currently feeling: rushed
Posted by jjcobwebb on March 2, 2008 at 11:41 PM in Everyday Drama | Post a comment

Hahaha --- gusto ko ipost toh dahil naaliw ako. Nilagyan ko na rin ng mga side comments ko bawat signs kuno.

17 Signs That You Like Someone


Seventeen:
You look at their profile constantly
- paano kung chismoso ka lang talaga?

Sixteen:
When you're on the phone with them late at night and they hang up, you still miss them even when it was just two minutes ago.
- eh di magtext text kayo! siguro walang cellphone toh...

Fifteen:
You read their Texts and Ims Over and over again.
- hmmm... eto puwede toh... hahaha...

Fourteen:
You walk really slow when you're with them.
depende kasi yung speed ng lakad ko sa kasama ko. kung mabagal siya, mabagal din ako at kung mabilis siya, mabilis din ako...

Thirteen:
You feel shy whenever they're around.
- not true! hindi ako mahiyain. walanghiya ako, ay friendly lang pala. ang kasama ko nahihiya sa kin! or kinahihiya ako! wahahaha...

Eleven:
When you think about them, your heart beats faster but slower at the same time
- labo labo labo... eh di parang parehas lang yun, normal... faster and slower at the same time? anlabo pota!

Ten:
You smile when you hear their voice.
- mahirap ata toh! paano pagsinigawan ka? smile ka pa rin?

Nine:
When you look at them, you can't see the other people around you, you just see him/her.
- ano itoh? isa ba siyang multo? apparisyon? transfiguration? parang may magic lang...

Eight:
You start listening to slow songs while thinking about them.
- nyak! eh paano kung Gloomy Sunday pakinggan ko?

Seven:
They're all you think about.
- hirap naman nito! kailangan ko naman mag-aral para makagraduate na ko!

Six:
You get high just from their scent.
- opium anyone???

Five:
You realize you're always smiling when you're looking at them.
- baliw ka?

Four:
You would do anything , just to see them.
- pwede pwede pwede

Three:
While reading this, there was one person on your mind this whole time.
- pwede pwede pwede ulit

Two:
You were so busy thinking about that person, you didnt notice number twelve was missing
- ay di ko nga napansin...

One:
You just scrolled up to check & are now silently laughing at yourself.
- hindi, ako naglalaugh, kinikilig ako... yikeee...

Naman naman! Inlove inlovan. Sige Mr. T! I'm off! Hahaha... God bless me sa reporting tomorrow! Mwah!

Currently listening to: Melt Away by Mariah Carey
Currently feeling: sleep
Posted by jjcobwebb on March 3, 2008 at 01:01 AM in Everyday Drama, Features | 10 comment(s)
Naaliw lang ako kanina sa hickey nung guy sa train. Ang laki and ang pula pa! Halatang halatang naglove making! Amp! Kawawang guy, paano niya kaya itatago sa magulang niya yun. Anyways, pakielamero ako. So yun... INTPHIL, nanood lang ng Buddhism film. And then parang ang sipag naming 4 kanina mag-aral. Gumagawa kami ng report and METHODS sa Conserv bago mag PRTEMAN and after mag PRTEMAN. Our report went well Mr. T! Hmmm... then umuwi na agad kami. Had lunch pala sa Z2 , take note hindi C2 tulad ng mga previous post ko! Tanga lang! 4 na taon na ko sa DLSU hindi ko alam yung tamang tawag dun. Yung EBISNES presentation namin dapat kanina pala! Tsk, naku po! Patay kami! Anyways yun, umuulan na naman weird. And then uhmm... ay si ate Ningning pala, pinsan ko, dumating na sa Pinas! Yey! And then uhmm... actually yun lang ginawa ko. Ay nagGateway pala ko kanina tumingin tingin sa Odyssey ng mga CD and DVD. Grabe may DVD na Videoke tapos 200 songs ang andun! Parang type kong bilhin pero mga luma naman mga songs and mostly tagalog. Tapos tumingin tingin din ako sa Fully Booked ng mga Comics. Hahaha --- kala mo libro noh? Tapos yun, sakay train then uwi na. Update you soon Mr. T! Okay okay? Super pagod ako and I don't know why... I think I need to sleep... Mwah!
Currently listening to: Let Me Love You by Mario
Currently feeling: dead tired
Posted by jjcobwebb on March 3, 2008 at 10:28 PM in Everyday Drama | 8 comment(s)



Here I Am


This is a crazy world
These can be lonely times
It's hard to know who's on your side
Most of the time

Who can you really trust
Who do you really know
Is there anybody out there
Who can make you feel less alone
Some times you just can't make it on your own

If you need a place where you can run
If you need a shoulder to cry on
I'll always be your friend

When you need some shelter from the rain
When you need a healer for your pain
I will be there time and time again
When you need someone to love you
Here I am

If you have broken dreams
Just lay them all on me
I'll be the one who understands
So take my hand

If you reach emptiness
You know I'll do my best
To fill you up with all the love
That I can show someone
I promise you, you'll never walk alone

Well if you need a place where you can run
If you need a shoulder to cry on
I'll always be your friend

When you need some shelter from the rain
When you need a healer for your pain
I will be there time and time again
When you need someone to love you
Here I am

Everybody needs somebody who
Keep a heart and soul in two

Well if you need a place where you can run
If you need a shoulder to cry on
I'll always be your friend

When you need some shelter from the rain
When you need a healer for your pain
I will be there time and time again
When you need someone to love you
Here I am
Here I am
Posted by jjcobwebb on March 4, 2008 at 12:10 AM in Everyday Drama, Songs and Poems, Features | 2 comment(s)

... na may dalang maleta at kaaahon pa lang sa tubig yung binigay kong idea kay Sherry para dun sa project niya for JPICC. Save the water kasi yung theme. Cute di ba kung gagawing t-shirt yung idea ko? Hahaha --- anyways yun, nakausap ko ulit sina Sherry and Beck just like the old times, sayang nga lang wala si AK. Grabe sobrang biling ng panahon, dati frosh pa lang kami ngayon si Sherry pagraduate na (hindi pa rin siya sure kasi sa Thesis niya). Silang 3 Computer Systems Engineering pa rin, ako lang ang nagshift. Ewan ko, sobrang mahal ko silang 3. Namiss ko naman sila ngayon (emo emo emo). Pero kasi naman, sila ang unang una kong naging kaibigan nung frosh kami. With Alda, Rina, and Joan. Pero kaming 3 na lang natira sa DLSU kaya sobrang  naging close ang bonding namin. Hmmm... I miss those dance night-outs sa Greenbelt, Red Box days, yung band ni AK,  hahaha --- mga time na tinutulungan nila ko sa NETANAL, sa COMPASM, sa COMPRO1 and COMPRO2, nung inoperahan si Sherry, mga tambay moments. Mga times na naglalab kami sabay sabay. Mga uwi namin ni Sherry na hating gabi. Nung nagDivisoria kami ni Sherry ng 12am na! at sobrang dami pa. Hayz --- forever kong itretreasure yun Mr. T! Kahit close ako ngayon kina Tin, Aubrey and Deck, iba pa rin pag sila Sherry, AK and Beck eh. Narerealize kong may 2 Jacob tuloy. Anyways yun... basta masaya ko kanina and parang ang gaan ng pakiramdam ko. Super mahal ko sila :). Well mahal ko naman lahat ng kaibigan ko. So yun...

EM-TECH, Web 1.0, 2.0 and 3.0 ang pinagusapan. May pinagalitan pa si Sir sa class kanina. Ang ingay kasi. Buti nasagot nung pinagalitan yung tinanong ni Sir dahil kung hindi magququiz kami kanina. Then yun, nakipagmeeting ako sa aking METHODS groupmate. Bukas magpapaconsult na kami para sa aming Theoretical Framework. Lord paki enlighten si Doc Loyd. Then, kumain sa Eric's. Sina Tin, Aubrey and Jobet nag-isaw party! Then si Tin nakihamon dun sa mga tindero na bumubuo ng Rubik's Cube na pagnabuo niya may yosi siya --- hello --- expert ata sa pagbuo ang Kristine! So yun --- then ginawa yung EBISNESS. Tapos naglab muna ko. Then EBISNESS! Naku naman! Kala namin si Ms. Mavic absent, tapos nung free cut na, nakasalubong namin sa labas! Shux, pumasok pa! Ayun, tapos nagcampaign TAPAT sa room. Si Gretch Santos pala tumatakbo. iVovote ko yun. Narealize ko na mas parang okay ang Tapat kesa sa Santugon. I've been Santugon simula first year, pero parang naiba pananaw ko. Anyways, I don't like politics so yun. Then nagreport group nina Geri. Then pinakita na namin website namin kay Miss. Ayun, then si Deck, Tin and Aubrey, nagisaw party na naman. Pati ako napasama tuloy. Ang tatakaw talaga namin! Ano ba ito!  Then eto, kagigising ko lang at pinoproblema ang PRTEMAN deliverable. Gusto ko sanang matulog ng maaga ngayon para hindi ako malate bukas sa INTPHIL. Sige eto muna Mr. T! Update you soon... mwah!

Currently listening to: Oxygen by Colbie Caillat
Currently reading: Pao's YM Window
Currently feeling: crashed
Posted by jjcobwebb on March 4, 2008 at 09:11 PM in Everyday Drama | 9 comment(s)
Sa isawan sa Castro:

Jacob  : Aubrey pakagat na lang diyan sa isaw mo, ayaw ko bumili
Tin    : Sinawsaw niya sa maanghang na suka yan ha
Aubrey : Wala yan, pumapapak nga yan ng chili sauce at hot sauce...
Jacob  : Oo nga eh, kulang na lang sili papakin ko!

Now I know why "it" hurts so bad... :P
Currently listening to: Here I Am by Leona Lewis
Currently reading: Chris' YM Window
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on March 5, 2008 at 01:02 AM in Everyday Drama | Post a comment

...and never pa ko nakaramdam ng super kilig na tulad nito. OMG! Sakit na and ngawit na bibig ko kakasmile and puso ko parang gusto nang lumabas sa chest ko sa sobrang kilig! Ayoko matapos tong feeling na toh... :D

Currently feeling: intoxicated and high
Posted by jjcobwebb on March 5, 2008 at 02:06 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Hahaha, sobrang natawa ko sa comic strip na toh! Got this from Karla's website nga pala. I'm citing her blog para hindi ako makasuhan ng kahit anong plagiarism. I even asked for her permission. Thanks Karla! :D Enjoy!

Currently listening to: We All Fall In Love Sometimes by Jeff Buckley
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 5, 2008 at 06:39 PM in Features | 7 comment(s)

Okay, inaantok na ko at kakabantay ko lang ng drugstore kaya super flash update. INTPHIL sobrang aga ko naman! Wala pang 8am nasa school na ko! And then went home muna para ayusin yun PRTEMAN. Pasalamat mga groupmates ko hindi ako nagalit sa kanila dahil nakausap ko yung Project Manager nung company at iinterviewin na namin siya bukas. Then balik sa school, kumain muna with Tin, Aubrey and Deck sa Cerealicious. Ang sarap nung kinain ko kaninang Harry Nutter. Then, salamat kay Lord, medyo naapprove at hindi nakatay ang Theoretical Framework namin sa METHODS. And yeah, wah pinasasama ako ni Karol sa Ateneo sa Friday dahil may shooting sila with Regine! I need to be there! Hindi ako papasok bukas! So yun everything's running smoothly. Plus kanina pa ko nakangiti at kinikilig at namimilipit! OMG! May sira na ata ako Mr. T! Update you soon bye bye! 

Currently listening to: The Little Things by Colbie Caillat
Currently feeling: buoyant
Posted by jjcobwebb on March 5, 2008 at 09:06 PM in Everyday Drama | Post a comment
Kaya yun, tulad ng sinabi ko, siguro ganun talaga Mr T! Hintay hintay na lang muna tayo...
Posted by jjcobwebb on March 5, 2008 at 11:57 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Well I wish. Imagine, moving heads, mushroom and heads, strobes, lasers, uv lights, loud music, everybody dancing, a drink in my hand --- it's pure bliss! It's ecstacy oh my goodness. I have been wanting to dance since 6:00am in the morning. I kept imagining I'm dancing all day. On the train, on the cab, in Makati, in the bookstore. Basically everywhere Mr. T! The last time I danced the night away was at Sherry's birthday back in 2006 in Greenbelt. I so love dancing! But unfortunately parehas kaliwa ang aking paa. But hey, who says you can't dance kung parehas kaliwa ang paa mo di ba?

So anyways yun, as scheduled, Milton and I went to Makati to interview Ms. Clair Ching. For Pete's sake Paolo, where in the world are you right now? I don't wanna drop you from the group. I just need you to do your part. Ms. Clair was all accommodating. I thought maldita siya pero she was cool. Unfortunately, after the interview, she and Milton kept talking about programming-geek stuff. I wasn't all there when they were talking about AGILE, TRAC, C#, Java etc... blah blah. I just smiled like a beauty queen when they were talking. I wish I had a knife that time and killed them both! Hahaha --- just kidding. But anyways, after the interview, I met up with Aubrey and Deck in school. But before entering south gate, I saw Luis. He's inviting me to Trinoma again but I refused, tinatamad ako.  So there, kumain muna kami nina Aubrey and Deck sa HP then tried getting my Grad pic but until now the casual photos are not yet in. Then I met up with my METHODS groupmates to talk about the Theoretical Framework again. Then went home with Aubrey. We rode the MRT this time. She's supposed to meet some friends up in SM North kasi and ako, matutulog. Tapos there was this guy pa on MRT na may booger na nakasilip sa ilong niya grabe. I so want to tell him about it but Aubrey didn't want me to.  So yun, kagigising ko lang ng 6pm then nanood American Idol. Now, I don't know what to do. Parang dami kong slack time lately. Might as well enjoy it...

Side note: Usher's song is #1 na in the US! Wahh... I hope Mariah's song will soon reach #1 rin! Thanks to Usher's massive digital sales he reached the top spot! Mariah's song is not yet released digitally though! It'll be number 1!!! Surprisingly, after Jason Catro sang Hallelujah on AI, Jeff Bukley's version is now #2 on iTunes! Freaky! Sobrang influential ng AI! And yeah, I didn't like Ramiele's rendition of Against All Odds. I just can't help but compare it to Mariah's version! Oh well, I still hope she makes it to the Top 12! Okay Mr. T!? I'm out!

Currently listening to: Hed Kandi - So Many Times (Remix) by Gadjo
Currently reading: Karol's text message
Currently feeling: bouncy
Posted by jjcobwebb on March 6, 2008 at 09:10 PM in Everyday Drama | Post a comment

My cousin Jep wanted me to take this test and so I did. Sadly, he's more expensive than me --- hahaha ! This is my worth:

bedroom toys

*Estimations based on averages taken from advertised male and female private escort sites.

Currently listening to: Blue Six (Beach House) by Hed Kandi
Currently feeling: effervescent
Posted by jjcobwebb on March 6, 2008 at 09:24 PM in Online Tests | 2 comment(s)

Sleep Tight by John Jacob Webb

Fragile
I've been slumberless
The wind will take me
I'm gonna be free

Angels
They have no wings
They are intangible
But they don't deceive

Gray shadows
Hanging over me
Don't know what to do
But all I want is you

Chorus:
Sleep tight little one
Sleep tight
The road before you bends
Your story must now end
Sleep tight little one
Sleep tight
I'm haunted by my illusion
Can't experience bliss

The flowers
They won't weep when I'm gone
The candles
They'll be dancing when I drift

Demise
My soul wants to sleep
There goes my many dreams
Keep me in your heart

Childlike
I kept it all inside
So hard to let is show
Now I must let it go

Outro:
I'll find my peace
I'll be at ease

Posted by jjcobwebb on March 7, 2008 at 01:25 AM in Songs and Poems | Post a comment

I'm not in the mood to update today Mr. T! Sobrang daming nangyari ngayon. Naguguluhan din ako. Hindi ko alam. Naiinis na ko sa sarili. I'm sorry, I'm sorry. I'm really sorry. Ang bigat ng feeling ko. I'll update you when I'm better --- and I don't know when...

“Have you ever been in love? Horrible isn’t it? It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it means that someone can get inside you and mess you up. You build up all these defenses, you build up a whole suit of armor, suit of armor, so that nothing can hurt you, then one stupid person, no different from any other stupid person, wanders into your stupid life…You give them a piece of you. They didn’t ask for it. They did something dumb one day, like smile at you, and then your life isn’t your own anymore. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in the darkness, so simple a phrase like ‘maybe we should be just friends’ turns into a glass splinter working its way into your heart. It hurts. Not just in the imagination. Not just in the mind. It’s a soul-hurt, a real gets-inside-you-and-rips-you-apart pain. I hate love”.

- Neil Gaiman

These lines make me feel good somehow:

Aris  : Sobrang type ka ni Gerwsin sabi niya. Go for Gold na mayaman yun!
Jacob : No thanks hindi naman ako mahirap

Seph  : I like you. You want to kiss?
Jacob : No thanks. Maawa ka naman sa bf mo...

Louie : You want to go to my place?
Jacob : No, I have things to do

Mawi  : He's the 35th Richest Young Businessman
Jacob : He's damn rich so what?

Dave  : When are you coming back?
Jacob : Let's not see each other anymore

Deck  : Dami daming nangangarir sa yo ayaw mo pa
Jacob : Pft...

There's one person in my mind right now. You know who you are. O well. Naiinis pa rin ako sa sarili ko. I'm sorry kung nakukulitan ka na. Sobrang pagpasensiyahan mo na ko. Yun lang kasi ang alam ko para mapalapit sa yo :(

Currently feeling: dejected
Posted by jjcobwebb on March 7, 2008 at 11:06 PM in Everyday Drama | 10 comment(s)

Oo Mr. T! Totoo yan! Sobrang pagod lang ata ako kahapon kaya parang sira ulo ako kagabi. Okay, don't mind my previous post. I'm feeling much better now. And if I keep on posting eeeemosheenaaal entries and the likes, I'm not living up to my blog's title. So I'm okay now. I'm alive. I'm back from being someone I don't know last night! Hahaha... No time to cry --- I'm making the most of life.

So there, yesterday was a blast. Got a new phone, N95 (my sister gave it to me) and Karol's shoot for his thesis went well and I was able to see Regine Velasquez (yeah that's the reason I was there). Around 1:30pm I was already in Sonolux Bldg. in Ateneo.  Hmmm... Chris Ng was there din pala and some UP peeps (sorry I forgot their names) helping Karol and his thesis partner shoot and direct the production. So basically here's what happened.

2:00pm Still shooting --- still no Regine --- inaantok ako

3:00pm Still shooting --- this time the deaf and mute were already shooting their parts. Chris went home na.

3:30pm Regine Velasquez materialized!!! Karol asked me to serve food to Regine and her staff in another room. I don't know but it's prolly a dressing room...

Karol  : Jacob halika 
Jacob : Baket, wait lang inaayos ko mga upuan para sa mga bata
Karol  : Okay na yan halika na bilis
Jacob : Baket?
Karol  : Serve ka muna ng food kay Regine
Jacob : PUTANG INA! 

Shocked. I was ice-cold. Enters the room:

SHOCKED! STARSTRUCK!!!

Jacob   : Hello po...
Regine : Hello din
*Jacob gets the food*
Jacob   : Here po, have some snacks po muna (voice shaking hands shaking)
Regine : Ay, thank you pero we just ate
*Jacob sees Regine's dog (it was a male Shi Tzu)*
Jacob   : Oh, what's his name?
Regine :
George, tao na yan!
*Jacob laughs. Gets phone*
Jacob   : Ms. Regine, is it okay if I take a picture with you
Regine : Sure sure
*Jacob, naghanap ng pwedeng kumuha ng picture*
Jacob   : Manong, papicture naman kami ni Miss Regine
*Manong takes picture. Jacob shaking. Jacob already froze. Hindi alam kung paano ngingiti*
Jacob   : Thank you po Ms. Regine
*Dumami tao sa loob ng dressing room. Sumibat na ko*

3:30 -4:30pm Regine shot "I Can" video with the deaf and the mute. She was so bait! As in! Gusto ko na siya. And mind you, there was no TF involved! Good thing Karol's thesis mate knew Regine's PA that's why they got Regine for free! So there, OMG, sobrang surreal Mr. T! And when Regine's part was through, she left immediately. Hay, what an experience. But the most exciting part of the day was just about to happen.

There was this guy. Cute, chinito, matangkad, lower batch from Xavier. Karol introduced me to him and then siyempre he was introduced to me rin. Ayun, we immediately clicked when we were sitting beside each other inside the studio. He was madaldal. I was madaldal. The question of the day was: "Do you think Karol is gay?". I answered: "I don't know, try asking him". Then kwento kwento kwento ulit. Sobrang click and di ko magets baket sobrang click. Then he asked me: "Are you gay?". I stared at him and said: "Duh?". I didn't ask him na cause he was obviously gay. So, the cameraman called our attention and told us that our conversation was being picked up by the mic. So what we did was to go outside and head to the dressing room.

There was no one there. The aircon's temp was freaking low. There was a super cozy sofa. We sat there (and sat really close to each other) and continued our conversation and what happened next is... You end the story readers...I'll leave it to your imagination --- mwahahahaha! I don't wanna say his name kasi baka his boyfriend might stumble on my site eh.

Then around 7pm the shoot was finished. It's a wrap Mr. T! Then me and this guy made sabay sa kotse ni Karol. Dapat kakain kami with KRV pero umuwi na si KRV! Wala na rin daw siyang pera! Sayang naman. Then yun, Karol returned some stuff muna sa Kamias and then we dropped off the guy sa North East Greenhills. Then Karol and I ate sa The Old Spaghetti House. (TOSH)

- End of the day -

P.S.'s

Saw the layout for our HS yearbook na Mr. T! Bow talaga ko kay Karol.

Hindi ganun kaflawless si Regine.

Sadyang malandi ang mga bakla

Everytime pumapasok talaga akong Ateneo, I can't help but say:  "Mas maganda talaga ang campus ng Ateneo" --- okay shoot me with your arrows Archers!

Okay I'm out...

Currently listening to: Goodbye To Love by The Carpenters
Currently feeling: energized
Posted by jjcobwebb on March 8, 2008 at 04:58 PM in Everyday Drama | 13 comment(s)

Oh di ba ang close talaga namin ng pamilya ko Mr. T? Hay, ayun, wala na namang kaming magawa. We went to Trinoma. Kasama rin mga pamangkins. Basta basically kasama lahat except si Papa, Kuya and Page. Sayang, sana mas masaya siguro kung kumpleto di ba. Dadating din yung araw na yun. Anyways yun, weird ni ate and mama, dun pa sa Landmark bumili ng mga kaldero at kung anu-ano. Hindi na lang sa Divisoria. And then, we ate sa Cafe Breton. Sobrang dami ko na namang nakain Mr. T! Hayz sarap sarap. Then nagTimezone lahat kami. Ang mga kids may sariling mundo, tapos ang mga matatanda nagDEAL OR NO DEAL na game. Enjoy naman lahat. Hahaha --- never kong naimagine na magtiTimezone ako kasama pamilya ko. Grabe ang saya saya. And then, umuwi kami nung sarang sara na ang Trinoma. Closed na lahat ng ilaw. Hahaha --- fun fun fun. Hindi ko talaga pagpapalit sa kahit ano sa mundo pamilya. Sana si Papa and Kuya umuwi na para kumpleto and mas masaya. Anyhows, ayun update you soon Mr. T! :) Oh happy day!

Pahabols:

Pimples are invading my face again

Kapal na ng mustache and goatee ko --- I should shave

Kanina pa ko text ng text! Hindi pala ko UNLITXT and may mga katext pa kong hindi GLOBE! OMG!

Currently listening to: Gimme More by Britney Spears
Currently feeling: super happy
Posted by jjcobwebb on March 8, 2008 at 11:51 PM in Everyday Drama | Post a comment

Grabe parang ginagawa naming mall ang Duty Free! Ayun, had lunch sa bahay nila ate. Tapos together with Mama, Erwin, Ate and Bambi (pinsan namin) umalis kaming Duty Free. Tapos, there we met up with Grace and his husband. Kasama rin si Amanda, anak nila. Ayun, tapos si mama nagLacoste Lacoste na naman. Ako, wala kong pinabili. Pinapipili akong Havaianas pero sukang suka na ko sa tsinelas. Ang sadya ko talaga dun eh yung fragrance ni Mariah! Since wala pa yun sa kahit anong mall, naisip ko na baka meron dun. So? Meron nga!!! Tapos ayun, nung hinawakan ko, muntik pang mabasag! Ahahaha --- sa sobrang excitement! Shux para lang akong bata! Hahahaha. Tama yung description ng mga fans, amoy roasted marshmallow and tiares. At sabi ni Mama amoy Rosal. So naghanap akong pics ng tiare and rosal sa internet! Parang isa lang sila! So yun, and then nagrocery kami. Si mama daming biniling GATAS!!! Dahil ang payat payat ko na raw! Well uhmmm --- oo pumayat ako at hindi ko alam bakit. From 130lbs - 110lbs. Hindi ko alam baket ganun. So yun, then kumain sa Kenny Rogers. Hindi pa tunaw yung kinain ko sa bahay ni Ate kumain na naman. Oh well, hindi ko talaga alam baket payat pa rin ako. Then umuwi na.

Pahabol

Isang shop sa Duty Free:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Currently watching: Saving All My Love For You Live 1985 by Whitney Houston
Currently feeling: glad
Posted by jjcobwebb on March 9, 2008 at 10:11 PM in Everyday Drama | Post a comment

Si Paolo ay isang pasaway na bata Mr. T! Hindi ko masimulan part ko sa paper sa PRTEMAN dahil hindi niya pa ginagawa yung pinatraranscribe ko! So? Slack!!! Ahahaha. Wala kong magawa kaya sinagutan ko muna toh:

50 Things About Your Love Life

1.  Nagka bf / gf ka na ba?
    Sadly wala pa

2.  May crush ka ba ngayon?
    Malamang

3.  Mas bata or matanda sa yo ang crush mo?
    Mas matanda

4.  Do you believe in love at first sight?
    Hindi. Lust at first sight oo

5.  San mo madalas nakikita crush mo?
    Sa YM lang :(

6.  Sinong huling sinabihan mo ng I love you?
    Mom ko

7.  Eh ng I hate you?
    Wala

8.  Hugs or kisses?
    Both

9.  Sex or foreplay?
    Foreplay

10. Wait, are you a male or a female?
    Debatable --- hahaha

11. What's your birth sign?
    Scorpio

12. Do you believe in Astrology?
    Minsan

13. Eh sa destiny?
    Minsan din

14. Have you ever cheated on your bf/gf?
    Wala pa nga eh! Sa malamang I won't!

15. Kelan ka huling umiyak?
    Can't remember

16. Kelan ka huling kinilig?
    Last week lang

17. Sinong nagpaiyak sa yo?
    Ewan

18. Eh nagpakilig?
    Secret :P

19. Does first impression last?
    No

20. First thing you notice in a person:
    Kung kalbo, maganda nose and smile

21. Flabs or abs?
    A combination of both

22. Geeky or Hot?
    Both. Si Jeffrey may alam ng aking mga nerd fantasies! Hahaha...

23. Taller or shorter?
    Preferably same height. Bast not too tall or not to short

24. Chubby or thin?
    Tama lang

25. Kiss on first date?
    Kung gusto ko siya and gusto niya ko, why not?

26. Kiss inside the movie house?
    Why not?

27. Hold hands on first date?
    Same as 27

28. Gusto mo ba ikasal?
    I don't know. Ang bata ko pa!

29. Do you wanna have kids?
    Yep yep yep!!! Cute kids!

30. Best place for a honeymoon?
    BEACH! Kahit saan basta malinis at tahimik at kaming 2 lang!

31. San mo gusto ikasal?
    Ano ba! Hindi ko pa alam! Huhu

31. Ilan gusto mong anak?
    2 lang

32. You hug him/her or He/she hugs you
    Both

33. Do you like being tickled?
    Paglandian oo. Pero pagseryoso ko baka masapak kita!

34. Kinky or Vanilla?
    Hala ano yan?

35. Open relationship?
    No! Gusto ko akin lang siya at sa kanya lang ako!

36. Long distance relationship?
    Kakayanin...

37. Last time you saw your crush/bf/gf?
    Past few months

38. Naloko ka na ba ng bf/gf mo?
    Wala nga eh! Pero if ever baka mabaliw ako!

39. Kaya mo makipagtanan?
    Hindi!

40. Love is all that matters?
    Minsan

41. Love moves in mysterious ways?
    Oo naman!

42. Pwede ka bang madevelop to someone you met online?
    Oo naman!

43. Love will keep us alive?
    Hell to the no! Ano ito? Joke?

44. Relationship with a person you meet in a bar?
    Not sure

45. Eh sa Friendster?
    See #42

46. Favorite love story mo?
    The Notebook --- aw!

47. Favorite love song?
    Ngayon makaBubbly ako eh!

48. Will you post this on your Friendster?
    Hindi. Sa blog ko oo

49. Nagkacrush ka na ba sa friend mo?
    Oo naman

50. Name the person you really like?
    Well 3 lang sila. Yung iba liked na. I won't tell :P
Currently feeling: antok
Posted by jjcobwebb on March 10, 2008 at 02:16 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Hindi kasi puwedeng slice yung cake kanina eh! Muntik ko na bilhin yung isang buong cake! Hahaha! Anyways, just got home from Araneta. My mom asked me to buy us tickets for the Earth Wind and Fire concert tomorrow. Sorry Colbie Caillat.

The day started with my INTPHIL professor teaching us on how to meditate. It was relaxing Mr. T! Basically, I found out that meditation is simply breathing. Yep yep! Sometimes, masarap huminga. We don't notice it, but really, there are times that we really forget to breath. And then, break. I was alone sa conservatory. Playing with my laptop and new phone. I was trying out if my new phone's Wifi capabilities are working. And yes, it did work! Hahaha --- good thing DLSU has Wifi all over the campus. Anong school pa kaya merong ganun? Wahahah! Beat that! Then, PRTEMAN. A group reported lang and then quiz. Deck got the highest score sa quiz so he got a bonus grade from Mr. Sipin. Grabe narealize ko ang cute ni Queenie kanina while reporting (lesbianism?) --- hahaha. Then had lunch sa Z2. Ayun, it was my first time to eat "Bangus Kare Kare"! Good thing I love bangus else I smashed my plate to the caferia lady for not telling me it's fish! Joke! And then, we stayed inside the conservatory for 2 hours. METHODS, METHODS, METHODS. Then Jobet came. METHODS METHODS METHODS. 2 hours later we ate at Red Ribbon. Then Tin's group met up with their thesis adviser and then we headed home. Aubrey brought her car and Deck was to meet someone. So it was just me and Tin walking til Quirino station.  That's basically what happened this day Mr. T! Sobrang akong ako na toh. I'm back to my old self. :D

Sa LRT UN Station:

Jacob: Tin! Tignan mo o yung 2 babae naghahalikan
*Tin lumingon*
*Mga tao nagsilingunan din*

OMG --- synchronized lingon! Mga usisero!!!

Currently listening to: Ain't Nobody by Chaka Khan
Currently feeling: between awake and asleep
Posted by jjcobwebb on March 10, 2008 at 06:57 PM in Everyday Drama | Post a comment
Ganda ng song na toh by Alanis. Pero before yan, narealize ko, kasi awhile ago, yung prof namin sa INTPHIL di ba nga pinagmemeditate kami. Then he went like this,

"Imagine someone you hate enters the room. He may not be someone you hate but someone you're angry with. He could also be someone you dislike or had a fight with."

Grabe Mr. T! wala akong maisip na tao!!! As in! Narealize ko wala ata akong kagalit baket ganun. Ano ba yun, as in wala talaga akong maisip --- tsk tsk tsk...

Anyways here's the song and lyrics



Simple Together by Alanis Morissette

You’ve been my golden best friend
Now with post-demise at hand
Can’t go to you for consolation
Cause we’re off limits during this transition

This grief overwhelms me
It burns in my stomach
And I can’t stop bumping into things

I thought we’d be simple together
I thought we’d be happy together
Thought we’d be limitless together
I thought we’d be precious together
But I was sadly mistaken

You’ve been my soulmate and mentor
I remembered you the moment I met you
With you I knew god’s face was handsome
With you I suffered an expansion

This loss is numbing me
It pierces my chest
And I can’t stop dropping everything

I thought we’d be sexy together
Thought we’d be evolving together
I thought we’d have children together
I thought we’d be family together
But I was sadly mistaken

If I had a bill for all the philosophies I shared
If I had a penny for all the possibilities I presented
If I had a dime for every hand thrown up in the air
My wealth would render this no less severe

I thought we’d be genius together
I thought we’d be healing together
I thought we’d be growing together
Thought we’d be adventurous together
But I was sadly mistaken

Thought we’d be exploring together
Thought we’d be inspired together
I thought we’d be flying together
Thought we’d be on fire together
But I was sadly mistaken
Currently listening to: Simple Together by Alanis Morissette
Currently feeling: complicated
Posted by jjcobwebb on March 10, 2008 at 11:06 PM in Everyday Drama | Post a comment

Ayun, galing school Mr. T! Isang bagay lang nangyari ngayong araw gumawa kami ng...

"METHODS"

Oo grabe. Yun lang. Tapos naglunch sa may Eric's with Mighty and si Aubrey grabe lahat ng nirereply sa king text binabasa niya! Iniinvade niya privacy ko --- huhuhu. And then si Jeffrey pala nagonline kanina. Si Barry and Rhitz nagmeet pero di ako nakasama kasi sobrang dami ng ginagawa. Anyways yun. Mamaya update kita. Manonood pala kaming Earth Wind and Fire sa Araneta maya maya! Dami ko rin gagawin sa METHODS! Wah! Tapos defense na sa Friday. Judgement day na naman ulit. Pero mas confident na talaga ko ngayon sa proposal namin. Sige Mr. T! Sarap ng ulam naming Laing ngayon and masakit na contact lens ko linisan ko na! Hehehe --- hay hay hay... weird ng feeling ko ngayon *looks at the entry before this*. O well, I thought...

OMG! NEWS FLASH! May tumawag sa phone ko!!! Ngayon lang mismo bago ko ipost toh! OMG! Buti wala si Aubrey kung hindi mangingialam na naman yun!!! Wahahaha!

Currently listening to: Pagdating Ng Panahon by Aiza Seguerra
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on March 11, 2008 at 05:56 PM in Everyday Drama | Post a comment
Ayan ang closing song sa concert ng Earth, Wind and Fire. Hay, nanay ko hataw! Nauna pang sumayaw sa kin! Grabe hiyang hiya ako pero okay naman dahil nagsayaw na lahat ng tao nung patapos so napasayaw na rin ako. Okay, isang reason na naman ang Earth, Wind and Fire kung baket gusto ko maging Black ang aking race. They sound so gooood! Galing! Taas ng boses! Kakafrustrate! Ang galing talaga! So yun, kinanta nila lahat ng hits nila. Bow ako sa boses grabe! Gusto ko maging negro for their voice! Hayz, anyways, back to work...
Currently listening to: Lil Love by Bone Thugs-N-Harmony feat. Mariah
Currently reading: Chris' YM
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on March 11, 2008 at 11:55 PM in Everyday Drama | Post a comment

Nawala antok at pagod ko Mr. T! Just got home. Kumain kami salabas ng family with Tita Nene and Manang Luz plus Thelma and Wyna (2 kasambahay ni ate.) It was Emo's graduation pala kanina that's why dined out. Ayun, sa  Max's Sct. Tuazon kami kumain. As usual lamon na naman ako. Sobrang tahimik ko kanina habang naguusap ang buong pamilya. Para akong may sakit. Tapos tungkol pa sa mga magkukulam pinaguusapan kanina habang naghihintay ng order. Nagsalita naman pala ko kanina habang naguusap usap sa hapag-kainan:

Ate            : Maghoholy week na san kaya okay pumunta?
Mama        : Di ba nakapunta ka na dun sa Mindoro?
Ate            : Oo, kaso di maganda dun
Tita Nene  : Dun na lang kina nanay sa Catanduanes. Iniimbita nga tayo di ba ni Ester
Erwin        : Mga beach sa North magaganda. Hindi nga kayo pumunta sa Sipocot nung binyag ng anak ni Uday eh gusto niyo pa magBicol

*Sabay hirit ako*

Jacob    : Ang lalayo naman ng gusto niyong puntahan nakakapagod. Kung magsilent retreat na lang kaya tayo

*There was silence. Tumingin lahat sa kin*
Ate        : Sige kaw na lang para maliwanagan ka!

Pft! Masarap din naman minsan manahimik ha! Minsan na nga lang ako magsuggest tinawanan pa ko. Hmph! Seryoso ko nun ha!

Anyways, after nun dapat pupunta kamin Oceanarium dun sa may Luneta. Kaso til 9pm lang pala sila. So umuwi na lang kami agad. 

Sa school naman, had INTPHIL, tapos gawa METHODS, then PRTEMAN then gawa METHODS. From 9am - 5pm gumagawa kaming METHODS. Buti nakapagmock defense kami kanina! And Doc Loyd loved our framework this time. Sana this is a good sign that he's gonna pass us na! I feel positive naman na papasa na kami. Hello programming pagnapasa na namin toh! 

Eto mga tumatakbo sa utak ko kanina habang gumagawa ng METHODS:

Java, SQL, C++, C#, Access, ASP, .NET, VB.NET <--- ang nerd shet! Ayoko ko magprogram I swear! Simple lang naman gusto ko gawin eh, maging isang STAR! Hahahaha! Ayoko talaga magprogram! Tatanda ako ng maaga at papangit ako! Baka hindi na ko magkajowa nito! Hahaha...

So yan mga nangyari ngayon Mr. T! Nawala talaga antok at pagod ko ano ba toh!  Ang lakas lakas kasi ng volume ng TV sa kotse kanina parang mga bingi lang yung mga tao!

Napanood ko si David Archuleta kanina sa American Idol! Pero sabi ni Simon: "Hot mess" raw performance niya. Si Malubay naman, "Bored to death". Naku, sana wag muna sila matanggal! Hay, 2 paborito ko sila eh. Anyways yun, sige update you soon Mr. T!

Note: Kanina pa ko naeLSS sa Hallelujah ni Jeff Buckley! Shete! Ayaw umalis sa utak ko!!! Ang haunting pa naman nung song... yay!

Currently listening to: Because Of You by Ne-Yo
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on March 12, 2008 at 11:05 PM in Everyday Drama | Post a comment

I felt the need to post this YM conversation. Weird ni Earl puta! He can afford to get drunk on a weekday! Grabe! Babala: This is a bad example of drinking during weekdays! Si Earl po ay taga CSB! Kayo na lang humusga kung anong merong buhay ang mga tagaCSB! Wahaha... pasantabi sa mga tagaCSB

Earl (3/13/2008 12:08:04 AM): hey dawg
Subtle Bliss (3/13/2008 12:08:13 AM): baket
Subtle Bliss (3/13/2008 12:08:17 AM): ano yan dawg dawg na yan?
Earl (3/13/2008 12:08:23 AM): suuuuuuuuuuuuuuuuuuup?
Earl (3/13/2008 12:08:25 AM): hehe..
Subtle Bliss (3/13/2008 12:08:26 AM): musta ka naman
Subtle Bliss (3/13/2008 12:08:28 AM): para kang lasing ah
Earl (3/13/2008 12:08:32 AM): im aight dawg
Earl (3/13/2008 12:08:36 AM): im stoned dude
Subtle Bliss (3/13/2008 12:08:40 AM): lol. binato ka?
Subtle Bliss (3/13/2008 12:08:41 AM): labo
Subtle Bliss (3/13/2008 12:08:43 AM): fuck off Earl!!! you're drunk!!
Earl (3/13/2008 12:08:48 AM): yeah dude...
Earl (3/13/2008 12:08:52 AM): ehk suhk toe
Subtle Bliss (3/13/2008 12:08:59 AM): nyay
Earl (3/13/2008 12:09:17 AM): i like sinosikat dude
Subtle Bliss (3/13/2008 12:09:25 AM): ano?
Earl (3/13/2008 12:09:26 AM): they are a good band......
Subtle Bliss (3/13/2008 12:09:32 AM): i don't give a damn!
Subtle Bliss (3/13/2008 12:09:33 AM): lol
Earl (3/13/2008 12:09:42 AM): aright....
Subtle Bliss (3/13/2008 12:10:25 AM): sumakit ulo ko sa yo hayup ka
Earl (3/13/2008 12:10:37 AM): what?
Subtle Bliss (3/13/2008 12:10:47 AM): you're an animal! lol. you make me sick! don't be makulit please!
Earl (3/13/2008 12:10:53 AM): ow.
Subtle Bliss (3/13/2008 12:10:54 AM): manahimik ka nga jan
Earl (3/13/2008 12:10:54 AM): hehe..
Earl (3/13/2008 12:10:56 AM): sawry
Subtle Bliss (3/13/2008 12:10:58 AM): para kang tanga
Subtle Bliss (3/13/2008 12:10:59 AM):  itulog mo na yan Earl!
Earl (3/13/2008 12:11:05 AM): nah dude
Earl (3/13/2008 12:11:08 AM): im just steadeh
Earl (3/13/2008 12:11:15 AM): feelin the vibe of the song dude...
Subtle Bliss (3/13/2008 12:11:16 AM):  ha? high ka ba?
Subtle Bliss (3/13/2008 12:11:32 AM):  tarantado ka matulog ka na! talk to me when you're sober

Currently listening to: Let's Wait A While by Janet Jackson
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on March 13, 2008 at 12:45 AM in Everyday Drama | Post a comment

Lord, I'm so tired right now. Dito ka lang muna sa tabi ko. Kanina pa ko umiiyak hindi ko lang pinaalam sa kanila. Napapagod na talaga ko... :( I'll escape the world first and help me forget everything that's causing me pain and anguish. Let me see beautiful things instead. I can't always pretend that I'm happy. Nahihirapan na talaga ko eh. Madaming masamang tao sa mundo and sana maliwanagan sila Lord. Please ilayo mo ako sa kanila. Dito ka lang muna sa tabi ko. I need your help. I desperately need your help.

Amen 

Currently feeling: miserable
Posted by jjcobwebb on March 13, 2008 at 07:34 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

If something will go wrong, it will

This has happened before

I need to stop crying

I thought this day's gonna be a rewarding but it wasn't 

Now I don't know how to get this off my head

All effort wasted

Thanks Kristine for waiting kanina. Baka di na ko nakauwi ng bahay at buhay kanina. And magpapakalbo na talaga ulit ako...

Currently feeling: 

unhappy, miserable, depressed, gloomy, down, blue, wretched,cast, dejected, despondent, desolate, forlorn, sorrowful, melancholy, woeful, dreary, lifeless, unexciting, cheerless, bleak, dismal...

Posted by jjcobwebb on March 14, 2008 at 06:52 PM in Everyday Drama | Post a comment
Almost. May mga natira pa. Something to divert my attention to... o well...
Posted by jjcobwebb on March 14, 2008 at 08:00 PM in Everyday Drama | Post a comment

I'm better now. A little. Siguro pagtapos ng Holy Week okay na ko. So yun, was in Eastwood with Tom from 12am - 6am! Oh di ba bonding? Kasi even if I try my hardest to sleep yesterday, hindi pa rin ako makakatulog dahil maraming iniisip or sadyang di lang talaga ko natutulog. 

So yun, pakilala ko muna si Tom kung hindi niyo siya kilala. Nagkakilala kami ni Tom sa Multiply. If my memory serves me right, I replied sa isang post ni Tom sa Multiply. And the rest was history. So yun, almost one year na yung reply ko na yun and until now Tom and I are still talking and seeing each other --- though not often. 4 times na kami nagmeemeet simula May and everytime kami nagmeemeet parang nagiging super close kami lalo. We don't even text and chat much ha pero parang ang close close namin talaga. Sa 4 times namin na nagkita na yun, 4  na lugar din pinagkitaan namin. Promenade, Greenbelt 3, Megamall and yesterday sa Eastwood. Okay, para matapos ang kuro-kuro, may BF siya. 3 years na sila. Okay? So walang kahit ano pagnagmemeet kami. It's a pure friendly meeting.

So yesterday, lungkut lungkutan ako. Naghahanap ako ng makakausap sa YM and offline na halos lahat ng tao. But Tom's was online. So usap. I mentioned what I was feeling yesterday and he immediately asked me kung gusto ko makipagkita and makipagusap. To my bore, and my inability to sleep, I said yes. I left the house around 11:35pm and by 12:00am I was in Eastwood na. So yun, may trabaho pala ang sira. Nawala naman sa isip ko na dun pala siya nagtratrabaho. Bigla naman akong nahiya dahil bumaba pa and lumabas pa talaga ng office si Tom. Sobrang bait niya. Sabi niya hindi naman siya busy and "lunch time" naman daw nila kay okay lang. Okay sabi ko, ang saya ng Lunch Time nila hating gabi. I took a stroll again in Eastwood after 1 year of not being there. Maraming bago and marami ring luma. Ayun, while walking super kwento ako kay Tom. While walking din, parang napansin ko ang daming Highschool ang gumigimmick sa Eastwood. Puro bagets sabi nga ni Tom. And narealize ko hindi na ko bagets. So yun, ganun pa rin yun mall, yung Starbucks, yung SBC, yung sinehan. May mga bagong bukas lang and may mga nagsara. So kumain kami sa Pasto ni Tom. Buti na lang nagdala ko ng pera kung hindi nilibre na naman ako ni Tom. Nakakahiya na. So yun, umalis na yung mga kumakain dun sa Pasto pagpasok namin and kaming 2 lang andun sa loob.

So super kuwento siya and super kwento din ako. Weird dahil until now si Tom hindi niya alam ang totoong status nila ng BF niya. We talked about it. Nahihirapan siya sitwasyon nila so nagsuggest ang tanga (ako nagsuggest). Nagsuggest ako na magDowneDowne muna siya or G4M muna kung ganun. Hala nasababon pa ko. He called those sites "Meatshops" and tinawanan niya lang ako. Wala raw matinong tao dun and walang naglalast na relationship dun. So ako, Oh. NapaOh na lang dahil sumasangayon din naman ako somehow. Tapos ayun, ako naman pinagkukuwestiyon na baket wala pa rin akong lovelife blah blah. Sabi ko kasi hindi pa handa yung tamang tao for me --- may ganun talaga --- hahaha. So anyways, yun usapan ng kabitan, commitment, kaputahan, kahalayan ang naging topic ng paguusap namin. Mga manloloko, mga unfaithful, mga malilibog na tao at masasamang tao. People who hurt you, mga 2 timer, mga pasaway, mga panloloko. Marami akong natutunan sa kanya kanina. He was so open. Sobrang nakikita ko ugali ko kay Tom kaya siguro click kami. Tapos yun, ang bigat nung kinain namin at ang mahal pa leche! Napakain ako ng 400php para sa isang tinapay na parang Shawarma! At 100php na bottomless iced tea! Anyways, the coversation was all that mattered a while ago. Tawa here, tawa there. Those smiles and kwentos. Grabe siya muna nagDebit sa card niya nung kinain namin dahil wala raw siyang barya. Natakot ako kala ko libre na naman. Pero binayan ko naman siya. He made me forget na may laman ang isip ko. So yun, stroll sa Eastwood while naguusap. Then around 3am wala nang bukas na kapihan na matambayan, sa McCafe kami muna tumambay at nagkape. Pero bumalik muna siya sa office niya para kunwari andun siya. Every 30 minutes bumabalik siya sa office niya and babalik sa McCafe para samahan ako. Nung una nasa loob kami ng McCafe, pero punyeta, nagpatugtog ng mga senti na kanta yung barista! Grabe, hindi ko talaga kinaya lumabas ako! So sa labas ako umupo and tumambay. Good thing dala ko ang INTPHIL readings kong 200pages. Salamat sa pagbalik balik ni Tom sa office niya at natapos ko ang binabasa ko. So yun, lumiliwanag na. May araw na. Marami ng taong nagsisiuwian. Si Tom parang nagCut sa trabaho. Ang saya saya kahit inantok na ko. So yun, sabay kaming umuwi. Nagjeep til Cubao. Bago kong natutunan yun Mr. T! May jeep pala na papuntang Libis galing sa Cubao and vice versa. Bagong natutunan from Tom! Ngayon kahit di na ko magpahatid or taxi pagpupunta dun --- hahaha. Yun sa harap ng jeep kami sumakay. Buti may dala kong jacket dahil ang lamig ng hampas ng hangin. So yun, medyo nakalimutan ko mga nangyari sa kin kahapon. Sobrang salamat kay Tom. Ang bait bait niya grabe. It was worth the puyat :)

Currently listening to: Pilgrim's Theme by Bukas Palad
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on March 15, 2008 at 02:19 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)
Grabe, I'm so tired na Mr. T! I forgot to turn off my laptop pa the whole day! Ayun, was in Quiapo with my Mom the whole afternoon. She bought me another pair of glasses. Now cheaper cause I might lose it again she said. We also raided Quiapo for bags, watches, shirts etc. Then went home na before dinner. I was super sleepy na kanina but Ate called and invited us to go Oceanarium. Then we headed to Oceanarium. Nagdinner sa MOA and uwi around 11pm. I can't make kwento now cause I'm super sleepy na Mr. T! Update you soon. :) Gnyt!
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 16, 2008 at 01:05 AM in Everyday Drama | Post a comment

Okay, I wasn't able to tell you stories yesterday Mr. T! So here are some:

While waiting for my glasses inside the optical shop yesterday, there was this UST girl, she was with her mom. I should know she's from UST because she was wearing a UST uniform. Pretty, yeah, makinis, yeah, mukhang mabait yeah. I don't know but while waiting, I really had this feeling that she kept glancing at me. Kapal ko noh? And she was. So I stared at her. OMG, she smiled! I really got confused and didn't know what to do. So I smiled back. I smiled like the third picture from the left on my blog's banner. Then she smirked, and so did I.  Thankfully my glasses were ready soon after that stupid smiling incident happened. I didn't look at her again. After my mom and I stepped out from the shop, I told my mom about the smiling thinggy. My mom laughed. Gumwapo raw ako dahil nagpakalbo ko. WHATEVER INAY!!! So yun, super scary and funny talaga. 

Then sa Oceanarium, we were with our cousins. Sobrang cool ng Ocean Park Manila. But my Ate told me that Hong Kong's much better. So from there got home na then slept.

A while ago, this morning I realized that I'm really controlled by my heart and that I don't even use my head sometimes.

Think:

Kung kakabreak niyo lang ng BF mo and wala pa ni-isang buwan kayong magkahiwalay. Kaya mo makipagdate agad sa iba? Or magmahal agad sa iba?  Worse makipagrelasyon agad sa iba? Di ba hindi? Oo nga tama yun. Narealize ko rin dahil kung ako rin naman mahal ko yung taong kakabreak ko lang, it will be very hard for me jump into a new relationship. And if ever naman pumasok ako sa bago, it will be very unfair dun sa taong kakarelasyunin ko. Minsan kailangan mo rin ilagay sarili mo sa katayuan ng iba.

Oh well, spread your wings first. Land when you're ready :)

Currently listening to: Butterfly by Mariah Carey
Currently feeling: cool
Posted by jjcobwebb on March 16, 2008 at 04:16 PM in Everyday Drama | 7 comment(s)

Okay, he suggested that title. I was thinking of another title but anyways the should have been title will appear in the latter part of this entry. So... what happened yesterday?

Palm Sunday --- Shangri-La --- Meet The Parents (actually family) --- Step Up 2 --- Muntik Ng Meet The Parents Part 2 --- The MMDA Incident --- SM Megamall til it closed --- EDSA --- Dapat GB3 --- Trinoma --- Parking Lot --- Joyride (Circle, Katipunan, UP, Abada, Marikina, Aurora Blvd, Libis, C5). Uwi ng 3am.

Now:

INTPHIL Q1 --- Kain sa Eric's --- PRTEMAN --- Conserv --- Greenhills --- Promenade --- Meet The Spartans --- 10,000 BC --- Mexicalli --- Dapat World Family KTV pero next time na lang siguro. Then uwi. 

Tignan natin ngayon kung sino susuko sa "Exclusive Dating" na toh. But for sure, it's not gonna be me :P

Currently listening to: Yesterday by The Beatles
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on March 17, 2008 at 10:26 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Was at Rhitzjoy's house the whole afternoon til 7pm Mr. T!. Pero nagmeet up muna kami ni Barry sa CSB kanina para sumabay ako sa kanya papunta. May fire drill pa kanina sa CSB. Imagine, sobrang init kanina and may fire drill. Nabilad tuloy sa ilalim ng araw mga taga CSB.  Anyways ayun, si Barry and Rhitz gumagawa ng ice cream for their upcoming business while ako tulog! Antok na antok talaga ko eh kaya yun while they were making ice creams, ako super tulog. Hahaha, nakakahiya sa kapatid ni Rhitz na nandun din sa kwarto. Anyways yun, pero before ako matulog, inubos din pala namin ni Barry yung calamares na ulam nina Rhitz and ako kinain ko rin yung fried chicken na nandun sa lamesa. Sobrang kain talaga. Then si Rhitz naglabas nung spicy crunchy crablets. Hahaha, I'm allergic to crabs pero ang sarap talaga kaya wala kong paki that time. And then yun, traffic sa EDSA nung pauwi. (Barry and I pala can't leave earlier since coding yung car ni Barry). Then yun, we had to take the Rockwell route para mas madali.

Sa school wala naman masyadong nangyari. Tin's METHODS group went back to the company sa Makati pala kanina. So yun, same same lang. Sige sige update you soon Mr. T!

*Thinks about the other Mr. T! --- hmmm*

Currently listening to: In Him Alone by Bukas Palad
Currently feeling: steady
Posted by jjcobwebb on March 18, 2008 at 09:56 PM in Everyday Drama | Post a comment

I stumbled upon this site 4 days ago and I would just like to share it. Spock - the best for people search is the name of the site. It's not like other friend networking sites in where  you have to log in to search for friends or whoever. Spock - the best for people search is basically a "people" search engine in where you could actually obtain general to specific information about a person you are looking for. On the other hand, like other friend networking sites, it enables the user to search other people by names, e-mails, tags. These tags are different keywords created by the user (eg. student, de la salle university, computer science). On the search result pages, there are links to the person's other and different location on the net. It's not hard to navigate their site because it has a basic user interface in where the main page only contains a textbox and a search button. They're still in BETA though, there would still be improvements with the site. You could even sign up for an account in Spock - the best for people search. The cool part is, it lets you have this Search Widget on your site so visitors could actually have an instant access to Spock -  the best for people search.  

 

Currently reading: Spock.com
Currently feeling: steady
Posted by jjcobwebb on March 19, 2008 at 10:26 AM in Features | 1 comment(s)
It's sad that when I grow my hair back, you won't be able to see them or me (again). Sad sad sad... oh well. But we're friends... :P
Posted by jjcobwebb on March 21, 2008 at 12:32 AM in Everyday Drama | Post a comment

So uhmm... my here's my update Mr. T!

Holy Wednesday:

It was Deck's birthday. We ate at Kitaro. Then I met up with Regie sa Promenade. Nag Family World KTV kami. He sang a Chinese song, naaliw ako grabe. Then we watched Fool's Gold. Medyo tumambay sa Fully Booked. Then kumain si Regie. Tumambay ulit sa Fully Booked. Then pumunta kaming Ateneo. Nagusap usap. Had fun. It was a blast. Kung puwede lang sana hindi magend yung gabing yun --- but it did sayang. Then hinatid ako and was home around 1am or earlier. 

Maundy Thursday:

Our Visita Iglesia was different yesterday. Unlike other visitas where we just stay inside Manila, yesterday, we went out of town. Churches in Antipolo and Laguna kahapon Mr. T! Nakakapagod sa van pero it was worth it. Medyo nalilinawan ulit pananampalataya ko.

I'm happy and getting enough rest Mr. T! Natatakot lang ako sa week ahead.  

Currently listening to: The One by Mariah Carey
Currently feeling: steady
Posted by jjcobwebb on March 21, 2008 at 10:24 AM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

"See the problem with relationships
In general is that it's always a game
In the beginning they'll do
Anything to have you
And once they do it's never the same
And I, know everyone out there can relate
So the question is
One: do I really wanna trust this feeling
Two: do I wanna let it pass me by
Three: do you think it's only superficial
Four: could it actually be different this time
Someone to love me
Someone to be my everything
Maybe I've stumbled upon
"

-Mariah Carey

Posted by jjcobwebb on March 21, 2008 at 10:37 AM in Everyday Drama | Post a comment

I have lots of things to do but I'm slacking. I'll do everything tomorrow I promise! So...

I hate so say this, but there are really some people who have well written life stories. And mine is not (Well I think). I can't stop reading Migool's blog lately. It's addictive! I've read it like 10 times now and it's really making me smile everytime I read it!!! I want to share his blog but he told me not to tell anyone about his blog so I won't.  O Jesus! Gusto ko rin ng ganung story... o well... 

Currently listening to: Caught Up In A Rapture by Anita Baker
Currently reading: Gerswin's text message
Currently feeling: cool
Posted by jjcobwebb on March 21, 2008 at 03:30 PM in Everyday Drama | Post a comment

I'll be hitting Boracay with my family 2 months from now. I need to burn my flabs as soon as possible so I could flash my hard-rock abs --- hahaha feeling!

Hmmm... baket ganun, when you desperately need someone walang dumadating, pero when you really stop thinking about it / them --- dami namang dumadating! Hirap tuloy mamili! Weird...

Full moon ngayon. Ganda...

It's a good feeling to help someone realize what he really wants and who he really loves.  Thank you Regie. Hope you and Daigo will be happy now. It was fun while it lasted! And yeah, I am happy for you too :)

Sira yung left-click ng touchpad ko!!!

Good Friday is sooooooooooo boring. Dito kumain sa bahay sina Ate and Erwin and pudpod na kamay ko kakatext!

The internet connection was fucking up kanina. Buti na lang naayos na!

And si Gerswin, nagsorry na about what happened between me and his ex. He invited me to go out tomorrow. Libre niya raw. So okay...

Currently listening to: Bleeding Love by Leona Lewis
Currently feeling: calm
Posted by jjcobwebb on March 21, 2008 at 10:49 PM in Everyday Drama | Post a comment

Do you like meeting people online? Do you like making friends online? Are tired of all the superficial people you meet online? Do you know your do's and don't when dating someone you just met online? Or do you know how to act on your first date? Where to find real and true people online? Do you feel that all Dating Sites are the same? Well, search no more because OnlineDatingTips.org has the answers. OnlineDatingTips.org is a free service in "where singles can learn to ropes of dating online and seek out the best Dating Sites for free".

OnlineDatingTips.org can guide you through just about any aspect of dating online. The site has a quick navigation for online Dating Sites, online services and tips for online dating. It also offers guide in choosing a dating service that suits you best. There are also quick links to other match making Dating Sites as well. Choose from articles that teach you the basics of internet dating and articles that could help you decide on how to pick the right dating site. It doesn't only help you pick the right dating site or teach you the basic etiquette on online dating, it also gives you tips for successful dating and finding a lasting relationship online.

So? What are you waiting for? Your match might be waiting for you. Visit http://www.onlinedatingtips.org now. 

Posted by jjcobwebb on March 22, 2008 at 12:37 PM in Features | 1 comment(s)

Thoughts.com is a free blog community. With free unlimited bandwidth, it allows anyone to post unlimited online journals and blogs. Post hundreds and millions of pictures, images, photos, videos or even podcast. The fun part here is you could add friends and be rated by them or rate them for the quality of their posts.

Thoughts.com doesn't only give anyone the service of unlimited bandwidth for posting their media online, instead, the intention actually of this site is to create a social network that centers on blogging --- a place where people can discuss and meet others. They even also have this very functional Community Forum in where users and account holders could discuss just about anything under the sun. In the Community Forum, users could actually interact more personally to other users. There are General Discussion, Help Section and some section for specific interests.

One cool feature that this site has is their idea of rating system. This allows other people to rate every post you make. This rating system is important because it helps to determine your average user rating. The exciting part here is, when you become one of the top users, the site gives you a prize ---- Free Vacation! They do this annually. Hmmm --- a motivation for quality posts.

One thing though, their templates are limited. But they're still in BETA and further improvements might be seen in future development. 

Visit http://www.thoughts.com if you want to try it out. A place for blogging, media sharing and forum. Your free vacation might be waiting for you

Posted by jjcobwebb on March 22, 2008 at 01:20 PM in Features | Post a comment

Hello Mr. T! I'm back and Happy Easter! Ang tagal ng bayad sa kin para sa pinagsusulat ko sa baba ha! Anyways, nothing much happened yesterday. I just stayed at home, nagvideoke. Then sina Ate andito ulit sa bahay. Tapos uhm... yun lang naman talaga actually nangyari. Boring noh? And yeah, there was this guy pala I met up with. Weird kasi he's also from San Juan and he messaged me sa YM. Hindi ko siya kilala pero kilala niya raw ako. And di ko alam paano niya nakuha YM ko!! So no harm naman. I met up with him. He likes me raw pero di ko siya like. So yun, masarap magpahinga. Ay nilakad ko rin pala from bahay ni Ate hanggang sa bahay namin. Roughly 30 minutes din yun. O di ba workout? So yun.

 And yeah, grabe, I found this mobile game ngayon ngayon lang. It's cool and fun and a bit weird. It's called Voice Breaker. You use your voice to shout at your phone. With the strength of your voice or shout, the building will be destroyed bit by bit. Tapos you should avoid hitting passers-by with falling debris or else the policeman will take you to the police station. You also get plus points if you're able to destroy a helicopter flying over the building.

Ayun, basta fun. Sumasakit na throat ko kanina pa. I tried playing a Mariah Carey song and effective naman!

By the ways, it only works on Symbian S60 3rd edition. (N-series and E-series)

Click here to download the game. 

Hahahaa! Sige sige I'll update you as soon as possible. Time to work na! Hahaha...

Currently listening to: Emotions by Mariah Carey
Currently feeling: cool
Posted by jjcobwebb on March 23, 2008 at 11:36 AM in Everyday Drama | 5 comment(s)

Just got home from Trinoma. Yep, lumabas kami ng buong pamilya ngayon. Sunday eh. So there, daming tao grabe! Tuwang tuwa Ate ko and mom ko sa Trinoma dahil sobrang daming tindahan ng damit dun. Puwes ako hindi! Ayun, habang nireraid nila ang mga botique, kami ng mga pamangkin ko nasa Timezone. Naglalaro! Hahaha --- fun fun! Tekken 6, Fast and Furious, Dance Freak, Time Crisis. Muntik na ko manalo sa Stacker! Wahhh... anyways, hindi kami High Score sa Photo 2k6 ng aking mga friends! 2nd na lang kami! Anyways yun, had dinner sa BreadTalk. Grabe! Yun bill namin kanina pwede ng makabili ng bagong colored cellphone sa sobrang laki! Natuwa ata kami sa kakukuha ng tinapay! Basta yun fun fun! Supposedly, we were to watch the Pinoy Big Brother Teen Edition Opening Night! Kaso dumaan kami sa ABS-CBN and nakita namin sobrang daming tao. So hindi na lang kami tumuloy. Ayun, time to work ulit! And yeah, nakita ko si Lloyd, HS classmate ko, sa Trinoma. He complimented my looks --- hahahah. Sige sige love you Mr. T!

Currently watching: Happy Tree Friends Podcast
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on March 23, 2008 at 09:39 PM in Everyday Drama | 7 comment(s)

Okay, ang luwag ng mga trains ngayon. Bakasyon na lahat ata ng school and ang La Salle meron pa din! Huhuhu! Anyways, ayun, just got home from Marikina. 40 Days ni Tita Nita ngayon. Ang bilis grabe. Ayun, masaya na naman almost mga pinsan ko sa Marikina. Fun fun fun. Daming food and siyempre ako super kain. So yun, pero before kami pumuntang Marikina, tulog ako sa bahay nung pagkauwi from school. Wala naman masyadong ginawa sa school. Ngayon ko lang nalaman na si Socrates ay gay! Hahaha --- fun fun fun. Tapos yun, PRTEMAN review lang. Then uhmmm... nagLaptop lang kami ni Deck sa Lobby while waiting for Tin and Aubrey ipaprint thesis nila. So yun lang naman then tulog na tulog ako kanina. 3pm ako nakatulog and around 7pm na ko nagising. Ewan ko kung paano na naman ako matutulog mamaya. And yeah, nakasabay ko pala si Katrina (cousin ko) sa LRT2 kanina. Pauwi rin siya. Super daldalan kami sa train. So yun muna Mr. T!

Sa UM si Jacob nagpaload, nalaglag ang sukli and hindi napansin:

Cute Guy: Pare, sayo ba yun?
*Jacob looks at guy*
Jacob to himself: Fuck ang gwapo!
Jacob: Ay, oo, salamat
Jacob to himself: Shet anong pangalan mo?
Cute Guy: Sige tsong...  

Sa Lobby habang naglalaptop:

Deck: Jacob, tignan mo 2 o'clock mo nakabrown kanina pa nakatitig sa yo
*Jacob looks*
Jacob: Hindi naman ah ---- ay oo nga nakatitig!
*Jacob looks away*

Update you soon Mr. T! Mwah mwah!

Currently listening to: Please Send Me Someone To Love by Fiona Apple
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on March 24, 2008 at 10:44 PM in Everyday Drama | 12 comment(s)

I'm uber lethargic. Daming dapat gawin pero di ko pa ginagawa. Kung pwede lang magkadengue bukas para may excuse ako tomorrow sa mga gagawin! Sana masagasaan ako ng kotse tapos mahospital ako --- pero buhay! Argh! Sakit pa ng ulo ko! Ang daming gagawin! Ang daming gagawin. Hindi ko alam ano sisimulan! Bukas ang thesis documents and re-defense. May quiz din PRTEMAN! Grabe, kaninang umaga ko lang nalaman yan! Galing pa kong MMDA! Pagod na ko! I think I'm going crazy... ugh... yay... wah.... huhuhu... HEEEEEEELLLLLLLLPPPPPPPPPP!!! I'm biting my fingernails again!

Sana matapos ko ang bukas with flying colors... if not, this might be my last entry because I'll be dead! >;P

Currently listening to: Papi Chulo by Lorna & La Factoria
Currently feeling: numb
Posted by jjcobwebb on March 25, 2008 at 06:15 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)
Wala lang, yan yung title kasi nakasando ako ngayon. I rarely wear sando pero sobrang init talaga ngayon. Hmmm... buhay pala ako Mr. T! I survived this day with flying colors! Ayun, yesterday, I had to escape all my things-to-do so sumama ko sa Greenhills and bought new clothes. Then good news from Fernando na sa April 2 na ang redefense. INTPHIL Quiz#1 was okay. PRTEMAN Quiz#2  So-so. Conserv with Tin, Deck and Aubrey. Sobrang bilis na ng laptop ni Deck pala. Ivan and Smhat was at McDo together with the 3. Ate at McDo. Then consulted our thesis panelists a while ago (Dra. Pablo and Doc Loyd). Hmmm... sige, we're off to Tiendesitas muna Mr. T! I'm gonna write something later.
Currently watching: American Idol
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on March 26, 2008 at 07:13 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)
John, your emotions are triggered by your underlying belief in Honesty

In other words, your commitment to leading an honest life, and your belief in the truth, directly affect how, and how often, you experience certain feelings.

For example, your test results indicate that you're most fulfilled when you can share all your thoughts and feelings — good or bad. That factor is directly related to your fundamental belief in honesty and the range of emotions it triggers.

True!

Click here to take the test.

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 27, 2008 at 01:46 AM in Online Tests | 2 comment(s)
Mag-isa lang ako sa school ngayong araw na toh. Hindi pumasok ang aking mga friendly friends. Parang it's 2005 all over again. Nung 2005 kasi, kasama ko lang palagi, bag ko, mp3 player ko, buhok kong laging nakagel (well kalbo ko now), my cellphone and myself. Hay, as much as I want to have lunch a while ago, hindi ko kaya. Parang ang lungkot talaga. Gusto ko pa naman ng Chicken McDo kanina pero hindi ko kayang kumain mag-isa. I miss those days tuloy nung si Jeffrey, Barry and Rhitz mga hindi pa busy and hindi pa rin grad. Ang emo ko shet! Wala lang, kung kanina kasi andun rin sila sa Taft, siguro isang text ko lang sa kanila and nasa Glorietta or Greenbelt na agad kami. Oh well, those were the happy days. So yun, as usual, muntik na naman ako masagasaan sa Taft. Maraming salamat sa aking earphones at sa mga artist na pinakikinggan ko --- ikamamatay ko kayo! Hahaha. So yun, maaga ako nakauwi dahil wala naman gagawin sa school and wala ring laskwatsa. Natulog ako sa kwarto ng kapatid ko dahil sobrang lamig ng aircon dun. Sobrang sarap grabe. Malapit ko na matapos ang dapat gawin sa METHODS. Ang dami ko ring pera ngayon katitipid buong linggo. Hmmm... and yeah. Happy Birthday Mariah! As if mababasa and maiintindihan niya tong blog ko! And someone messaged me, asking me to delete a specific entry I wrote way back. Hmmm... so yun lang actually mga nangyari ngayon. Kalahati ng araw tulog ako, kalahati ng araw nasa tenga ko yung earphones. I'm gonna post something I wrote sa lab kanina nung naghihintay ako ng class and binubutingting ko ang cellphone ko. Sige sige, update you soon! :D
Currently watching: That Chick [Live] by Mariah Carey at The Hills
Currently feeling: glad
Posted by jjcobwebb on March 27, 2008 at 08:41 PM in Everyday Drama | Post a comment
“I see all people falling in love right now. 
But I do believe magbrebreak din sila…”

I’ve been pondering on this text message since I received it.

I don’t know but probably some people enter a relationship without actually knowing what a relationship is and what it really involves. At times, people are lead by their emotions, and a lot of times, their carnal desires into diving into a relationship (romantic), worse a committed relationship without deeply thinking what and how it should be and its implications. I’ve never been into a romantic relationship before, but stories of whoever’s make me think that a committed relationship involves hard-work. Loving alone is not what a relationship should be based on, but rather the willingness to compromise and enter each other’s world.  Maybe with these factors, people would more likely have successful relationships --- I guess.

When we were young, we were lead to believe in fairy tales and happy-ever-afters. Love is always romantic and it sweeps us off our feet --- and that’s how it should be, they told us. Well yeah, this is innate in relationships, but the true test of love springs from each others enthusiasm to explore each other’s world.

“Fairy tales don’t always have a happy ending” (Fergie’s Big Girls Don’t Cry)

I agree because loving is not only sharing in the delights that life gives us or the benefits one gets from the other person. Rather, love also tells us to traverse life’s bumps and bruises and hardships and all negative forces --- together --- but how? Communication is the answer perhaps. By mutual exchange of ideas, one learns and finds out the needs and experiences of the other person. What moves them, their beliefs, their dreams, their hopes and their expectations. Misunderstanding is inevitable yeah, but, by learning how to be open and receptive to the other person and by treating them with respect, both can find their way even in the most difficult situations. Both have to listen carefully to each other’s heart and understand what each other has to say.

Stepping into a committed relationship is a journey that one takes with another person. Loving and caring for each other with an open heart, one will find that he or she can attain personal transformation. Evolving along the way and learning lessons about oneself that one might not be able to do on his or her own.

I guess that’s how it should be. Well probably it’s just me. I don’t know. But for now, that’s what I believe in. I’m going to wait and see…
Currently listening to: Angel by Sarah McLachlan
Currently feeling: thoughtful
Posted by jjcobwebb on March 27, 2008 at 09:30 PM in Everyday Drama | 6 comment(s)

Nagbabasa basa ako ng blog ko habang hinihintay ko email ni Deck and I stumbled some emooossshhheeenal entries I had. Grabe, panalo tong mga toh! Eto yung mga times na sobrang lungkot ko talaga! Baka private yung iba dito:

Kung Hindi Na Lang   |   My Final Blog Entry   |   3:25 AM   |  Enough Is Enough   |   Taking Chances Part 1

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 28, 2008 at 02:56 AM in Everyday Drama | Post a comment
Hello Mr. T! Grabe 2 oras pa lang ako natutulog ngayong araw na toh. Hmmm... muntik na ko pumunta ng Divisoria mag-isa sa sobrang pagkabored sa bahay ng buti na lang nagtext si Aubrey na nasa school sila. So dali dali akong pumuntang school. And yun, may dalang car si Aubrey. We headed sa Mall of Asia.

Mall Of Asia


Kasama si Deck and Matthew and Aubrey, pumunta kaming Mall Of Asia. Nahuli kami ng MMDA dahil mali ang lane namin! May balat ata ako sa puwet dahil pagkasama ako ng mga kaibigan ko sa car laging nahuhuli sila ng MMDA! Ayun, nagikot ikot, naglakad lakad and then pinanood yung mga nagiice skates. So dahil sa panunood, naisipan namin na mag-ice skates next week. So bali yun, then si Barry tumawag hinahanap ako. So sabi niya susunod raw siyang MOA. Then yun, since nasa school lang naman si Barry, mabilis siyang nakarating sa MOA. Kumain kami sa Tokyo Tokyo nung wala na kaming magawa. After nun, since si Aubrey natatakot sa traffic sa South, umalis na silang 3 nang maaga and naiwan kami ni Barry. Soon after makaalis nina Aubrey, si Rhitz tumawag and sabi na nasa Manila na raw siya. Magkita na lang daw kami sa Serendra.

Serendra


Ihing ihi na ko kaya bumaba na ko at naghanap ng CR habang si Barry nagpapark. Dapat magkakape kami kaso naisip namin ang corny kaming dalawa lang. Binalikan namin yung unang unang beses namin pumuntang Serendra nung halos wala pang mga stores and ginagawa pa lang yun. Then, kala ko may bibiling libro si Barry so nasa Fully Booked kami habang hinihintay namin si Rhitz. Nagbasa basa kami ng kung anu-anong libro. Tapos nalaman ko na hindi lang pala Archie ang gawa ni Dan Decarlo. Meron din pala siyang mga  iba pang comics na puros babaeng sexy ang laman --- cool! Then yun, sobrang gusto ko bilhin yung He’s Not Just That Into You na libro. Hahaha --- kaso sabi ni Barry walang kwenta. So yun, si Rhitz tumawag and sabi nasa CSB siya and may EAT-ALL-YOU-CAN na naman yung kapatid niyang Culinary Arts. Ininvite kami so sige na naman kami. Pero, pagkalabas namin sa parking, nagtext si Rhitz na wag na lang daw dahil andun si Gavin Go. Naisip ko rin na wag na dahil baka kung anong intriga pa lumabas. So si Barry nag C5 na and nagdecide na kumain na lang kami sa Eastwood.

Eastwood

Daming tao! Ugh! Naghahanap kami ng kainan and nauwi kami sa Fazoli’s. Ayun, grabe parang palengke eh paano ba naman ang mura mura ng pagkain! Eh sa sobrang mura din napadami order namin ni Barry na hindi na namin maubos yung kinakain namin. The last time kumain ako sa Fazoli’s eh nung birthday ng friend ko and exclusive yung place para sa amin that time. Ganun pala yun pag regular days, exaj parang palengke. Nagkita kami ni Tom, kasama niya friend niya. Ayun, sinamahan namin si ni Barry sa Mall para bumili ng food then naghiwalay din agad kami. Then umikot ikot muna kami ni Barry. Naisip namin  ni Barry baket laging ang layo-layo ng mga pinupuntahan namin eh yung Eastwood sa likod lang ng bahay niya as in yung tunnel lang ang dadaanan and andun ka na and 20 minutes away lang sa bahay namin. Weird we never hung out in Eastwood often. Then yun, we had to go dahil padami na ng padami ang mga tao. Pero nagMcFlurry muna ko bago umalis hahaha... fun fun fun. Barry and I concluded that Eastwood is the place to be! Inaantok na ko pero parang wala pa rin ako sa mood matulog. Anyways, update you soon Mr. T!


Notes:
Nakita ko sa Eastwood si Edgie after 3 years nung last kaming nagkita sa Abada! Hi hello na lang kami ngayon how sad! Dun ata siya sa Eastwood nagwowork. Si Bobby and Angelo nakita rin namin nung pauwi kami. Hmmm...

Sa kotse ni Barry habang pauwi:

Jacob: Gustong gusto mo si Jenny baket di mo ligawan?
Barry: Nililigawan ko naman eh. Kaso pag iaask ko lumabas or magmovie or kumain laging busy laging busy
Jacob: Aw, baka naman marami lang talaga siyang ginagawa
Barry: Nyek, pag ganun laging excuse, walang interest yung tao sa yo. Exaj naman kung laging busy di ba? Kung gusto ka rin nun magmamake time for you yun.
Jacob: Ganun ba yun? Hmmm... *thinks*
Currently listening to: Butterfly Kisses by Bob Carlisle
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on March 29, 2008 at 12:39 AM in Everyday Drama | Post a comment

Kanina ko pa pinapapak isang buong box and mauubos ko na! Slob!!! Ayun, dumating na yung PSP and Nintendo DS na pinadala ng kuya ko. Sayang hindi para sa kin! Hahaha. Hmmm... katulong role ko sa bahay kanina. Naghugas ng pinggan, nagsampay, nagmop etc. Hmmm... ayun, tapos natulog na naman ako sa kwarto ng kapatid ko dahil may aircon dun. Kawawa naman ako walang aircon. Then nagpapedicure dahil kadiri na nails ko sa paa. Wala lang, masaya ako ngayon. Sobrang gusto kong magMonday night na! Yiheee! Hay... nakakaexcite! Hahaha... tapos naalala mo si Edgie di ba Mr. T!? Ayun, nagtext siya sa kin kanina. Nakakahiya nga tinanong ko pa kung sino siya dahil di na nakasave number niya sa phone ko. Ayun, we're still friends pa rin daw. And kung kailangan ko ng company he's just a text away. Narealize ko tuloy, may kwenta naman pala kong tao dahil naaalala pa rin ako kahit ng mga taong nakalimutan ko na. My bad tsk. Anyways, yung lang ang kaboringan ng buhay ko ngayong Sabado. Nilaro laro ko lang din mga aso namin --- o di ba bonding? And nagvideoke ako dito sa bahay! Hahaha! So yun, update you soon Mr. T! Wah... sana talaga Monday night na!!! Hahaha... kaexcite! Hindi ako matutulog ng late ngayon dahil wala namang pagpupuyatan! Hay hay hay... :D

Currently listening to: Simple Together by Alanis Morissette
Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on March 29, 2008 at 11:53 PM in Everyday Drama | Post a comment

Just got home from Trinoma (Again!!!) with family. Nasusuka na ko sa Trinoma talaga ha! But before that, had lunch sa bahay ng sister ko. Had to use the bike pauwi sa bahay dahil naiwan ako nung hinatid sila mama sa bahay din. Umulan habang nagbibike ako! Saya noh! Parang magcocolopse ako after magbike ng 20 minutes! Imagine mo parang 3 baranggay yung pagitan ng bahay namin and bahay ni ate! Sobrang puros slopes pa yung pabalik sa min! Pull of gravity at its best! Ayun, buti hindi ako hinimatay. Buti na lang umuulan at nagfeeling akong gumagawa ng Music Video! Anyways, magbabakasyon bukas sister ko and husband niya sa Australia for 1 week. Buti pa sila! Nyways, sige sige, update you soon Mr. T! Can't wait for tomorrow! :)

Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on March 30, 2008 at 09:22 PM in Everyday Drama | Post a comment

Shux, di ko alam kung anong isusulat ko Mr. T! Iba feeling ko ngayon. Para kong nakadrugs! Ang high high ko! Sobrang saya ko! It feels so good. Basta kasama mo lang yung taong gusto mo at kahit hindi kayo nag-uusap ang sarap pa rin ng feeling eh. The fact na present lang siya sa tabi mo at nandun siya --- hay --- ang saya saya. Gusto mo lang siyang titigan ng titigan. Kahit napakatahamik niya, parang music ang silence na nanggagaling sa kanya kanina. Sana nga hindi tumatakbo ang oras kanina. Para kong lasing ngayon. The rain checks were worth it... :D Hay Mr. T! Sana hindi matapos yung ganitong feeling. Hindi ko talaga alam isusulat ko ngayon. I'll write when I'm sober so probably tomorrow or whenever :D. T'was a good way to end the first quarter of 2008. Hihihihi...

*lasing sa kasiyahan*

Currently listening to: Dreaming of You by Selena
Currently feeling: sobrang saya
Posted by jjcobwebb on March 31, 2008 at 11:40 PM in Everyday Drama | Post a comment

Hay Mr. T! Eto isa to sa mga araw na pinakahihintay ko. Yes, yes, yes!!!  Nagkita kami, for the second time ni Cheeseburger. After almost 3 months. Grabe sobrang saya ko talaga now. Hindi ko masyadong maeexpress into words kung gaano kasaya pero sobrang saya ko talaga. Anyhows, ayun. Kala ko talaga hindi na naman matutuloy dahil sa sobrang daming attempts ko na pilitin si Cheeseburger na makipagkita sa kin, karaniwan and 100% sure hindi natutuloy. Tulad na lang nung last time na  hindi man lang niya sagutin yung phone niya na dapat magkikita kami sa Katipunan. Yung second time naman eh yung dapat magpopost Valentines date kami. Every plan was a mess Mr. T! Siguro nga marami siyang ginagawa nun or hindi talaga siya interesado. Kala ko talaga jinoke niya lang ako nung sinabi niyang Monday 7:30pm sa may A Different Bookstore. Naexcite naman daw ako dun! As in super excited! Feeling ko talaga napilitan lang siya nun dahil sobrang kulit ko na! Basta, ang mahalaga ngayon, nagkita kami kanina sa Eastwood. I chose to mark this entry as private dahil baka sobrang magfeeling na si Cheeseburger. Isipin niya na patay na patay ako sa kanya --- er well, partly true. Anyways, ayun, left the house around  6:30pm. 7:30 and meeting time naming and sa A Different Bookstore  kami magkikita. Anyways, dapat magcacab ako pero nakita ko wallet ko medyo wala na siyang laman so I had to take LRT2 then bumaba ako sa Cubao then took the jeepney going to Libis. Grabe Mr. T! Sobrang init at siksikan ng jeep na nasakyan ko! Shux, sayang ang pabango and effort ko sa sarili ko kanina para kay Cheeseburger. Nalanta lang ako sa loob ng jeep. Anyways, ayun, punyeta! Text ako ng text nung una tapos hindi nagrereply. Natakot ako baka magmukha na naman akong tanga dun. Tapos yun, buti na lang nagreply at nauna na naman pala si mokong at nakabili na ng ticket! Nakahinga naman ako ng malalim. Naku talaga Mr. T! Kelan ko ba mauunahan si kalbo? Unfair kasi eh!!  Basta yun, Horton Hears A Who pala ang napagusapan naming panoorin. Anyways, akala niya siguro hindi ko alam yung bookstore na sinasabi niya. Sorry siya medyo gala lang talaga ako. Hahahaha! (Wow sayang saya si puta!). Ayun, grabe, nagshave pa ko ng bigote at nagcut ng nails para sa date na toh Mr. T!  I really want to look my best para kay Cheeseburger. Hihihi.

Anyways, ayun, nakarating din sa Eastwood ng buhay! Pawis na pawis na ko grabe at may dala pa talaga kong jacket. Wala lang para sa kung sakaling lamigin ako sa sinehan nun and in case of emergency. Hahaha! Anyways, ayun, nakatalikod si pogi nung pumasok ako nung bookstore then umupo muna ako sa sofa nung bookstore. Grabe, may powers ata si Cheeseburger Mr. T! Lumingon at nakita ako! Oh di b a! HINDI AKO LATE!!! Ang usapan 7:30pm ang meeting! I was there before. Naunahan niya lang talaga ako! So yun, then umikot muna kami sa Eastwood Mr. T! Grabe, hindi ko mapaliwanag naramdaman ko Mr. T! Parang gusto ko matunaw sa sobrang kaligayahan. Tapos hindi niya pala alam na may hikaw na ko parang nagulat pa siya. Anyways, ayun, tapos medyo umakyat na kami sa cinema tapos medyo kumain muna. Nakakahiya, parang ang takaw takaw ko kanina Mr. T! Naghotdog on sandwich na ko tapos sa NYFD pa ko! Parang patay gutom lang dib a! Tapos ako na bumili ng Popcorn naming dalawa. Oh di ba ang sweet? And then habang andun usap usap. Wala kong masabing matino or makwento. Masyado kong natuwa dahil nagkita ulit kami. Tapos yun, wehad to go inside the cinema na dahil magsisimula na ang movie. At first akala ko unti yung tao. *Thinks: I can hold his hands pag di pa rin dumami ang tao pagstart ng movie* Sadly dumami! Tsk. Kelan ko kaya mahahawakan kamay niya? Ayun, the movie was sooo uber nice. Hindi ko maexplain kung gaano kaganda yun movie at kung ano ako kasaya dahil dun sa katabi ko.

Hay... sa tingin mo Mr. T!, nababaliw na ko? Anyways, may 30 minutes plus pa si Cheeseburger bago pumunta sa work niya so umikot ikot muna kami sa Eastwood ulit. Nagtataka siya baket raw ang tahimik ko unlike nung una kaming nagkita. Ewan ko ba, para kong na starstruck. Hahaha. Sobrang kaligayahan ata. Ayun, tapos bumili muna ko ng water na 1L. Nakakahiya na talaga baka isipin ni Cheeseburger yung tiyan ko hindi napupuno! Hahaha, ayun, tapos nalaman ko na nagyoyosi pala siya before and then inistop niya! Hay, he’s so lovely Mr. T! Gusto ko siya isquish kanina. Anyways, umupo at pinatay naming ang oras sa may McDonald’s. Umupo kami sa may labas ang medyo nagkwentuhan. Ewan ko ba, mas gusto ko tumunganga sa harapan niya kanina kesa magkwento.  Sa tingin mo Mr.T! Baliw na ko? Basta yun, kung ano ano lang pinagusapan. Medyo wala ngang pumasok sa utak ko kasi ewan ko ba. Hahaha... Gusto ko ishave kanina bigote ni Cheeseburger Mr. T! Ang haba eh. Pero either way, ang cute niya! (Hahaha, ang landi ko shet!). Absent na naman daw yung supervisor niya. So baka marami na naman daw siyang gagawin. Buntis raw ata kasi. Anyways, kailangan niya na magtrabaho, siyempre para sa future namin! Hahaha! Nananigip ng gising! (Hoy Jacob gising!). So, hinintay niya ko makakuha ng taxi bago siya umalis. (Sweet ha!) Then grabe sobrang bilis dahil 10 minutes lang nasa bahay na agad ako.

It was a splendid night Mr. T! Kung pwede lang kumanta ng A Whole New World kanina eh. Hay, ewan ko ba Mr. T! Kahit ineepal na niya ko minsan at ginagago, hindi ko magawang i un-like siya. Yung ginagawa niya makes me like him more and m ore eh. Ang emo ko ba? Basta it was awwww... kung puwede lang talaga maging kami eh. Pero I don’t know, maghintay hintay na lang muna talaga ako til I don’t know when. Mahirap ata makagetover sa taong minahal mo ha. I really like him. Anyways, sana di natapos yung gabi kanina. Sana panaginip na lang yun at hindi na ko nagising... *puts hands on cheeks*. I’ll wait Cheeseburger. I’ll wait. 

Currently listening to: Underneath the Stars by Mariah Carey
Currently feeling: high
Posted by jjcobwebb on April 1, 2008 at 12:37 AM in Everyday Drama | Post a comment
« 2008/02 · 2008/04 »