No Time to Cry
Hello Mr. T! Welcome me back. Nakuha ko na yung result ng biospsy ko. Awa ng Diyos, gumagaling na yung sakit ko. Pero I have to deal with this for the rest of my life. Nakakalungkot pero ganun talaga. Next check-up ko sa August. Titignan kung babalik yung mga symptoms. Sana maintenance na lang. Sabi nga ng doctor, bawal ako malungkot at bawal ako mastress. Parang iniinvite ko lang yung sakit ko kung magiging malunkot at stressed ako. Okay ako Mr. T! Wala naman binibigay sa tin ang Diyos na hindi natin makakayanan. Umiyak ako nung nalaman ko yung sakit ko. Kaya ko toh. Siguro eto yung sign na dapat alagaan ko na ang sarili ko. I am okay and I will be okay.
Anyways, ayun, bum na ko Mr. T! Wala na ko sa Trend Micro. Pahinga muna ko ang magpapagaling. Then kung ano mangyari sa buhay ko bahala na. Pero alam mo, ilang buwan, ilang araw ko pinag-isipan kung gusto ko ba talaga mag-resign. Ayaw ng puso ko Mr. T! Nung gumagawa ako ng resignation, naiiyak iyak pa ko. Drama ko noh? Pero totoo! Iba ang Trend Micro. Iba ang mga tao sa office. Lahat well-grounded. Lahat mababait. Lahat friends ko. Lahat mahal ko. And siguro minahal din ako ng mga tao dun. Naiyak pa ko nung nag-uusap kami ng manager ko. Sabi ko pa na wala man akong love life, mahal na mahal ako ng mga tao sa Trend Micro and sapat na yon for me to feel loved. I needed to. And siguro, natouched ko rin buhay ng mga officemates ko. Tignan mo ang picture below:
Gumawa yung manager ko ng survey sa Facebook 5 days before matapos yung pagiging Trender ko. Hahaha! Sobrang nakakataba ng puso Mr. T! Almost buong floor bumoto. NO ang pinili nila. Sobrang nahirapan ako magdecide. Inisip ko na PUSO vs. UTAK na naman ang gagamitin ko. Puso for Trend. Sobrang mahal ko mga tao dun. Naramdaman kong mahal din nila ko. Utak para sa mga options na binigay sa kin ng pamilya ko. Siyempre kailangan ko din isipin kinabukasan ko Mr. T! Ayun, mutik na ko magretract sa totoo lang. Sabi ko, hihintayin ko lang resulta nung biopsy ko. And yun magdedtermine kung magreretract ako o hindi. Hindi maganda kinalabasan ng biopsy ko. I needed to rest. Bawal na rin ako mastress. Kailangan ko ng alagaan ang sarili ko. Ngayon, pinili ko naman ang utak ko. Mahirap din kasi minsan lagi sundan ang puso. Iniisip ko na minsan, isipin ko naman ang kapakanan ko. Sabi ko nga sa kanila, hindi man nila ko officemates, friends pa rin kami sa labas. Di ba Mr. T!?
Ayun, namiss ko mabuhay ng normal. Gising sa umaga and tulog sa gabi. Kahapon nagSerendra kami nina Bruno and Mama. Nagdinner kami and nilibre ko sila. Kailangan ko maging masaya. Let go of things not important in my life anymore. Sabi nga rin ng doctor, kung may dinadamdam ako about my past, i-let go na. Matagal ko ng binitawan mga bagay na hindi para sa akin. Kailangan. Kailangan kong gumaling. Dapat lagi akong filled with love and laging masaya. Kung ano man tong sakit ko ngayon, kaya ko toh. I have a big God. :) Sige update you soon Mr. T! May pupuntahan kaming ibang doctor para magpasecond opinion. God bless sa akin. I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya :)