Kuya Kenneth’s Birthday
Hello Mr. T! Haha! Musta ka naman? Ako mabuti. Eto, SL ng ilang araw. May sakit ako na ayaw lumabas. Sobrang init ngayon grabe. Siguro nagkakasakit tao dahil mainit tapos papasok sa aircon tapos lalabas tas papasok. Weird weird. Ayun, kauuwi lang ng bansa nina Ate kaninang umaga. So maraming pasalubong. Tapos kauuwi lang din namin. Nagdinner kami dahil birthday ni Kuya. Sa Promenade kami nagdinner. Super kwentuhan habang nasa restaurant. Parang walang bukas. Tapos nakita ko yung 2 aso nina Kuya pala kanina. Ang cute! Mga Golden Retriever sila. Si Chase and Martina. Ang cute sobra. Yakap ako ng yakap sa kanila kanina. Ayun, bukas na outing ng team namin. Grabe, ang dami pala namin, hindi ko alam kung kakasya lahat sa van! May mga bitbit pa kasing ibang tao. Tapos nung Monday pala birthday nung kaibigan ko. Masaya naman. Parang kagaguhan pero super nag-enjoy ako. Tapos ano pa ba, ayun nga, yung nabanggit ko last time Mr. T!, yung sinasabi ni Ate, napapaisip talaga ko. Sana lang maliwanagan ako. Pero aayusin ko na mga kailangan. I need help from Jeffrey sa mga bagay na ganito. Nagkita rin pala kami nina Barry and Rhitz nung Monday. Nanood kami ng Beastly. Parang Beauty and the Beast na modern. Feel good siya. Love story kyeme kyeme. Bukas papasok na ko. Ugh… ayaw ko pa pero kailangan. Night shift na kami next week. Tapos manonood pala ko ng Justin Bieber concert sa May 10. Hahaha! Di ba ang saya? Ano pa ba… anyways, baka kasi namimiss ko na ko Mr. T!, post ako ng mga bagong pictures ko. LOL!. Para naman updated ka sa kin. Baka kasi iniisip mo pinababayaan na kita ang hindi na ko nagpopost ng mga pictures ko. So sige eto:
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
Ang random ng mga pictures ko. Hahahaha! Yung unang picture (L-R), yun yung first abroad namin nina Barry and Rhitz together. Sunod Easter Sunday. Yung sunod, Visita Iglesia, tapos yung kasama officemates ko, Biyernes Santo. Yung nasa hotel, baby shower ni Izzy yun. Tignan mo si Barry, mukhang BV na naman! Haha! Tapos yung super sayaw, nung nagparty party kami nina Anjhe, Tin and Matty Lahat kami nalasing. Hahaha! Random sobra. Hindi ko na nakwento yung mga yan Mr. T! Sorry ah. Pero at least may feel ka. Hahaha! So ayan muna update ko. Ay yung camera ko pala para bukas. Hindi pa rin ako nakakapag-ayos ng mga gagamitin. So good luck talaga sa kin. Hahaha! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya Mr. T! Mwah!