Hello hello Mr. T! Namiss na kita. Kung nakausap mo si Twitter, siguro alam mo na kung san ako galing. Yes, sa Singapore. At alam na alam mo na first time kong makalabas ng bansa. Hahaha! Dahil this year lang ulit narenew ang passport ko. Nung nag-US di ako nakasama. Nung Australia hindi rin. Nung nagSingapore sina Rhitz hindi rin. Nung nagyayang magHong Kong si Barry hindi rin. Nung nag Thailand hindi rin. Hahaha! Kasi expired ang passport ko ilang taon na ang nakalipas. Hahaha! Pero ayun nga. Sobrang iba ang feeling sa ibang bansa. Though hawig ang mga tao sa Singapore dito sa Pilipinas (malamang Asians!), iba pa rin yung feeling. Lalo na at right-hand drive sila. Feeling ko mamatay ako dun pagtumatawid kami. Prone pa naman ako sa bundol at tatanga tanga ko pag tumatawid.

Anyways ayun. Maliit lang ang Singapore Mr. T! Pero wala akong masabi sa disiplina ng mga tao dun. Ang linis ng kalsada. Mga tao hindi nagyoyosi kung san san. Ang ayos ng traffic system. Wala kong nakitang skwater. Puro turista. Walang pekeng mga bags at kung ano mang mga napepeke dito sa Pinas. may tax refund. Kumpleto sila ng accessories ni Barbie dun. Hahaha! Yung tawiran nila ang ayos. Walang pasaway na tumatawid. Ang bus may oras di tulad dito ikaw pa hihintayin ng bus. Ang MRT nila mga corporate people ang gumagamit. Hindi ka na magbabayad ulit kung lilipat ka ng train sa MRT nila. May refund din yung MRT nila! Puro puno ang paligid nila. Ang ayos ng mga sidewalk walang mga nagtitinda tulad dito sa Pinas. Walang takatak boys. Ang kalsada para sa kotse lang talaga. Ang over pass para sa mga tumatawid lang talaga. Grabe parang ang safe safe na lugar. Kahit nakatsinelas kami the whole time nung naglalakad kami, ni hindi umitim paa namin. At ang mga ilog nila walang basura. Ang daming attractions. Ang gaganda ng mall. Wala kong masabi. Sobrang ayos. Sobrang ganda.

image

Pero yun lang ang maganda sa kanila. Hahaha! Sa Pinas maraming peke! Mas makakatipid! Hindi mo kailangan magmadali dahil ang bus sobrang dami. May jeep pa! May taxi! Ang MRT dito parang sardinas. May thrill! Hahaha! Dito may Makati, the Fort, Enchanted. Hahaha! Maraming beach. Dun wala. Dito masarap ang pagkain. Though puros maanghang dun at i like talaga! Meron din naman ditong Bicol Express. Hahaha! Dito kahit san pwede magyosi. At hindi $18 per bottle ang beer dito! Sa $18 na yun, lasing na ko! Hahaha! Dito may mga nagtitinda sa bangketa. Pwede kang magshopping sa kalsada. Dito may Divisoria, may tricycle. Hahaha! Hindi ka huhulin kung bet mong dumura kung san. Hindi mo kailangan ng basurahan para magtapon ng basura. Dito ang ilalim ng tulay pwedeng maging bahay. Dito lahat magulo pero sanay mga Pinoy! Dito mura lang malasing. Ang sistema dito magulo. Pero yun nga ang masaya, magulo pero lahat masaya at para sa Pinoy, maayos yun. Hahaha! Mas gusto ko pa rin dito sa Pinas kahit ang ayos ayos sa Singapore. Di ako pwede dun. Di ako maayos eh. Utak ko pa lang di na bagay dun. Hahaha!

Anyways, sobrang saya Mr. T! Nag Sentosa kami, Singapore Flyer, Universal Studio, Marina Sands, Ocean Park, Pagawaan ng alahas, Casino, Songs of the Sea, yung Place na Puros Orchid, Orchard Road, Ion Plaza, Lucky Mall, MRT, nagBus, Raffles Hotel, Sa Merlion, China Town, Buddhist Temple etc. At nawala pa ko. Hahaha! Kumpleto na sana ang buong cast ng pamilya Mr. T! Si Papa na lang ang wala. Sumama rin si Wena yung maid ni Ate. Si Allan ang stress reliever ni Ate. At yung jowa ni Bruno kasama rin. Ay may kulang pa pala, jowa ko. Char! Wish ko lang! Hahaha! Mineet din naman si Ate Babylyn dun yung asawa ng pinsan ko. Ayun, sobrang saya Mr. T! Sabi nga ni Barry pagpunta namin dun ano pa gagawin ko kung lahat ng singit ng Singapore napuntahan ko na? Hahaha! Oo nga!

Shopping to the max si Madam Josie and Madam Darlene. Isang Chanel na bag. 4 na LV na bag. 2 Gucci na bag. 2 LV na shades. SILA NA!!!  Kastress sila panoorin magshopping sana ganun din ako in the future. A boy can dream --- este gay. Hahaha! Bwiset di ba? Ako nabili ko lang yung iPad connector na super mura. HDD na 500GB na super mura. Tas Barbie car and Barbie pool na wala dito sa Pinas. Tas mga ilang t-shirts at pasalubong. Hampas lupa ko lang. Hahaha! Yayaman din ako!!! LOL! Pero super laki ng tax refund na binalik sa min Mr. T! Halos $4000. Nastress ako nung nagcompute ako ng total na binili kung 7% ang tax refund. Baket walang tax refund sa Pinas? Tas di pa nakuntento ang mga gaga mega shopping pa rin nung mga binebentang kyeme sa eroplano. Ayaw paawat. Parang walang bukas kung gumastos.

Sabi ni Ate sa summer daw Australia or Japan naman daw. Wish ko lang matuloy dahil sa schedule niyang pangmayaman, mahirap na naman magset ng lakad. Masarap pala lumabas ng bansa Mr. T! Nakikita mo ibang kultura ng mga tao. Napaisip ako tuloy, paano sa Europe noh? Dun lahat iba pati mga tao. One day pupunta ko dun. Ayun, nagamit ko rin Mandarin skills ko ng onti sa Singapore. Pati English. Hahaha! Masaya Mr. T! Sana lang next time si Papa andito na. Tagal ng pinagreresign ni Ate ayaw pa rin magresign. Siguro may pamilya na sa Saudi yun? Hahaha! Sana naman wala. Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Christmas na. So Christmas entry ang kasunod nito. New Year na rin sa susunod na linggo, so mga year-end entries na halos isusulat ko. Sige sige, bibilhan ko muna mga teammates ko ng regalo. Balik trabaho na ko ulit mamaya :) 

P.S. for the first time, sumagot sa kin si Jeffrey ng “Secret” nung may tinanong ako sa kanya. para kong nasampal! Hahaha! o well, mababalik din sa dati ang lahat. naniniwala ako :)

Currently listening to: Paul's chat window
Currently feeling: birds chirping
Posted by jjcobwebb on December 23, 2010 at 01:45 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.