Birthday kahapon ni Lola and Che. Dumaan muna ko sa bahay ni Lola and onting bonding sa mga pinsan and then dumirecho na sa Music 21 para icelebrate ang birthday ni Che. Andun sina Celine, Luis, Loiuse, Carlo, Pau and Seth. Masaya yung birthday ni Che. For the first time in a long time puros masasayang kanta sinalang namin sa videoke. Nauna si Luis umuwi dahil pinauuwi na siya ni Robert. Siguro mga ilang minuto lang pagkaalis ni Luis, nakita ko yung phone ko na puros miscall ni Ate. So tumawag ako kay ate. Tumigil panandalian yung kasiyahan sa birthday ni Che kahapon Mr. T! Kailangan ni Bruno ng dugo nung gabing yon. Type O yung kapatid ko. Walang may type O sa ming magkakapamilya. As in mismong yung oras na yun. Nanginig ako sa kaba. Siguro pag may kinalaman na talaga sa pamilya ko ibang level yung nararamdaman ko. Muntik ako maiyak. Parang ang walang kwenta kong kapatid kahapon. Then sinabi ko kay Che. Pinatigil na ni Che yung celebration. Then sabi ni Che na type O siya. Since nakainom na kami ng 1-2 bote ng beer. Uminom muna kami ng maraming tubig para malabas namin mga ininom namin. Then together with Louise and Carlo lumipad kami papuntang St. Luke’s. Then tinawagan ko si Barry and Rhitz. Nauna pa si Barry sa ospital kesa sa min. Type O din pala si Barry. Then si Rhitz sumunod.

Grabe, dun ko naramdaman may mga tunay akong kaibigan Mr. T! 12AM na nung oras na yun. Si Rhitz galing pang Pasay. Si Barry talagang bumangon pa. Gusto ko maiyak kahapon sa pasasalamat. Si Barry kahit maldita yun grabe, wala kong masabi sa kabaitan. Si Rhitz din kahit tawa lang ng tawa yun napatunayan ko pagiging kaibigan niya kagabi. And si Che, kahit 2 years ko pa lang siya kiala, she offered na walang pagiisip. Kaya lagi kaming lasing nun at nagpapakagaga, mabuti rin pala puso. Nag I love you ako sa kanilang lahat kagabi. Then yun, sadly, si Che di naapprove dahil irreg yung period niya. Si Barry naman mas maraming white blood cells. Then medyo nagbonding kami then pinauwi ko na rin sila since late na at may mga pasok sila bukas. Awa ng Diyos, nakakuha na kaninang umaga ng dugo. Nasalinan na kapatid ko and sana yung count na 16 platelets niya eh tumaas na. Sabi naman ni Mama okay na si Bruno. Sana magtuloy tuloy na. Si Page naman, okay na rin. Sana magtuloy tuloy na. Ituloy ko na raw ang party sabi ni Mama and Ate. Sana bukas maging okay na ang lahat. Grabe, sana rin makapunta mga pinakamamahal kong kaibigan. Sobrang thankful ako may mga kaibigan akong tulad ng mga kaibigan ko. Na kahit sira ulo ako, baliw ako, may sakit ako sa utak, haha, handa silang dumamay when I need them the most. Sabi nga ng pamilya ko kagabi I am lucky to have the friends I have right now. Sabi ko, kung alam niyo lang gaano ko kasaya dahil kaibigan ko sila. Hirit naman ni Ate: “Sila kaya masaya sa ugali mo?” --- tama! Galing humirit ng bruha! Hahaha! Anyways update you Mr. T! Pag naupload na ni Celine pictures kahapon. Love ya Mr. T! And sana tuloy tuloy na paggaling ni Page and Bruno. Lord, Kayo na po bahala sa paggaling nila. Salamat po.

Currently listening to: Christmas Time is in the Air Again by Mariah Carey
Currently feeling: thankul
Posted by jjcobwebb on November 19, 2010 at 09:39 PM in Everyday Drama, Updates, Family | 1 comment(s)
Comment posted on November 24th, 2010 at 07:10 PM
you are so lucky to have them. :) kudos to a great friendship there!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.