It's a symbol to address someone on social networking sites today. I'm addicted to it! Hahaha!

Sobrang lakas ng ulan Mr. T! Grabe, kauuwi ko lang galing sa bahay ni Ate. Inayos ko mga laptop nila. Tapos nanood kami ng mga videos ni Ate sa Facebook at habang nanonood:

Ate: Hakob, lagay ko kayang pera ko sa account mo...
Me : NOW NA! Hahahahaha!
Ate : Ang bilis ng sagot. Ulol! Hahaha! 

Chaka! Paasa. Hahaha! Anyways, ayun, bago ko pumunta kina Ate, nagkita kami ni Migs sa Megamall. Nagdinner, ikot ikot then umuwi agad. Nilakad ko from RBC to Megamall. Sarap maglakad sa Ortigas Center! LOL! Ayun, kumai sa Pollo Locco. Nilakad til Galleria then hinatid ako sa bus ni Migs. At sa bus! SUSME! May titig ng titig sa kin. Feeling ko ang ganda ko kanina! In fairness, kahawig ni Rustom Padilla yung tingin ng tingin kanina, nung hindi pa siya si Bebe Gandanghari ah! Grabe, hindi ko trip makipagtitigan! Feel ko talaga booking yun. And never ako nakaencounter ng ganito for the longest time. Last kong nakipagtitigan sa LRT pa, nung paalis na yung train at ako naiwan. Mega titigan kami nung bading na kahawig ni Cogie Domingo! One of my biggest regrets yun! Char! LOL! Hahaha!

Anyways, planado na ang aking Friday and Saturday night. With Barry and Rhitz tomorrow. With Tin, Deck, Angelica and Matty on Saturday. 3 weeks ko na di nakikita sina Barry. Yung sina Tin naman halos 4 na buwan na ata! Weee... kakaexcite!

At Mr. T! Wahhhh... niloloko ko ng mga officemates ko kay Yob! Wahhh! Kailangan daw magkaroon kami ng formal introduction. Takte talaga! Nahihiya ako sobra! Parang tanga lang talaga. Buti sana kung bading si Yob eh di naman! Char! Hahaha! Kinakabahan talaga ko bukas! Shy ako in real life! Hahaha!

Ayun, hmmm... gusto ko na magpagupit. Baka sa Sunday na lang ako magpagupit. Hmmm... anyways, onti onti na kong nagbubukas ng kamay ko Mr. T! Sabi ko nga, saka na ang bukas, ang importante ang ngayon. Ayoko lang in the end bibiritan ako or bibirit ako ng "You Lost Me" ni Christina Aguilera. I never want that to happen. Basta, ang importante ang ngayon. :) Oo maulan ngayon! Ulan ng ulan. Importante yan sa mga halaman at sa dam! LOL! Labo ko na Mr. T! Update you soon! ILY, IEY, IAY! Mwah! 

Currently watching: Juicy! on TV5
Currently feeling: tired
Posted by jjcobwebb on September 2, 2010 at 11:54 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.