Nasobrahan ata ko ng kapaparty nung holiday Mr. T! As in. Sabi ng nanay ko tumigil na raw ako kalalayas ng bahay. Sabi ko naman, sino ba kasama kong lumayas ng bahay the whole holidays, di ba sila? Labo! Hahaha! Anyways, medyo okay na ko ngayon.

Hindi ako pumasok. Pero gising ako ng maaga kanina pa kasi yung bahay nina Ate nagfeature sa Umagang Kay Ganda! Hahaha! Pinakita silang magpamilya. Si Erwin, si Ate at si Emo! Hahaha! Bonggacious! Ayun, pakaway-kaway pa after nung show sila. Haha! 

Tapos na ang holidays. It officially ended yesterday, 3 Kings. Nung January 1, nagreunion kami sa Marikina as usual. Nakasanayan na naming mga Webbs. Siguro 3 years old pa lang ako tanda ko nagrereunion na dun. Kahit wala na si Tita Nita, tuloy ang tradition Mr. T! Nung gabing yun, feeling ko magkakalagnat na ko. 

Nung January 2 naman, 7th death Anniversary ni Nanay. Hays, naalala ko pa rin yung January 2, 2002. Fresh pa rin sa utak ko yung mga nangyari nun. Anyways, nung January 2 rin, super shopping kami ng pamily sa Greenbelt 5 and Greenbelt 3. Parang walang bukas nung nagshopping kami. Tapos nanood ng Ang Darling Kong Aswang sa Greenbelt 3. Then nagdinner sa The Recipe. Libre naman ni Kuya. Tas nagtext ibang kamag-anak namin, gusto raw mag comedy bar. Puno ang Laffline at Punchline. So napadpad kami sa Malate, sa may The Library. Ayun, may sakit na talaga ko nung gabing yun dahil hindi na ko matawa!

Kahapon, after one year ata, nagkita kami ulit ni Aldrich! Yep, ang aking ever goodness na blog friend na naging super friend ko na. Hahaha! At may regalo pa sa kin! Isang malaking upgrade si Aldrich Mr. T! Naiba talaga itsura niya the last time kami nagkita. Pumayat din siya! Hahaha! Ayun, tas hinatid niya ko sa bahay. Sa Greenhills pala kami nagkita. Kahit may sakit ako nag-effort ako pumuntang Greenhills kasi nakakahiya may regalo pa siya tapos siya pa pupunta sa bahay di ba? Ang kapal naman ng mukha ko nun Mr. T! 

Tas eto, nagpapagaling ako ng bongga para bukas makapasok na ko. Ang lago na rin pala ng buhok ko Mr. T! Pati bigote ko ang lago na rin. In short, ang panget ko na. Ang lalim na ng mata ko. Grabe, hays, ewan ko ba. Sana mamaya okay na okay na ko. Wala na naman akong lagnat, ubo na lang at nabibingi tenga ko. Yun na lang. Sana bukas magaling na ko. :-)

Update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya! Mwah!

Currently reading: Nokia website
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on January 4, 2010 at 12:26 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.