Christmas Pa Rin Kasi
Parang ang haba ng Pasko! Ubos na mga regalo ko, ubos na pera ko, pero ang saya, saya ko, Hahaha! Last Friday, nung Pasko, nagEastwood kami kasama mga relatives namin na Mapalo. Nood movie tapos ikot ikot tapos kumain. Then yesterday, nagTagaytay (ang dami kong beses napunta dito ngayong taon!) kami. Sa Highlands. Then gumimick kami ni Mama and company kagabi sa Metrowalk. Sobrang saya. Christmas is soooooo long. Ayun, shet hindi ko na talaga makwento lahat Mr. T! Preoccupied utak ko sa mga dapat pang gawin at tapusin ngayong 2009. Hindi ko pa rin narurundown mga nangyari simula last last week bago magPasko. Grabe na toh. Wala pa rin akong Year-End churvas. Naku naku hindi pwede toh. Mamadaliin ko. Picture picture muna…

![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
Ayan, o di ba? Ayoko maglagay ng super daming pictures kasi baka hindi na magload tong blog ko sa kakalagay ko ng pictures. Si Papa na lang kulang. Pagkauwi niya na papapicture ulit kami ng ganyan! Haha! Bihira kami magkafamily picture eh kaya pagbigyan mo na ko Mr. T! Kuha kahapon sa Highlands. Wala lang natuwa ako sa picture eh. Ang laki na namin lahat. Hahaha! Nakakatuwa tignan noh? Wala lang. Sobrang mahal ko pamilya ko Mr. T! I am well-loved and I am surrounded by people who believe in goodness. Hahaha! Hay, ang saya saya kahit nakakapagod nakakangarag. Nakakaexcite mag 2010. Parang ang daming opportunities na dadating. Oo optimistic ako. Baket ba! Hahaha!
Sabi nga ni Jeffrey kahit per line na update na lang gawin ko sa mga nangyari bago magPasko, sige itatry ko Mr. T! After ng entry na toh. Susubukan kong alalahanin lahat. Si Ritz di pa naguupload nung pics nung annual Christmas dinner namin. Wah! So good luck sa kin.…