Aura 101
“Huwag pigilan ang friend pag may aura na siya…” --- Luis’ Facebook
Grabe Mr. T! Sobrang saya ng gabi namin kahapon. Ibang klase. Umalingawngaw na naman boses namin sa may Starbucks katatawa at kakakwentuhan at wala kaming pakielam a mga taong nasa loob at labas ng Starbucks. May tama na ata kasi kami kahapon. Hahahaha!
Unahin muna natin ang nangyari nung Wednesday. Nagcheck in sa Crowne with Barry, Benson and Rhitz. Ininvite ko sila. Tapos nagbreakfast kami. Kaso for 2 lang yung breakfast so si Barry and Rhitz nagbayad na lang. Then umuwi rin kasi may pasok. Hahaha! Hinatid ako ni Rhitz sa OsMak.
Thursday, after 3 years, nagkita ulit kami ni Aizel. Yep, si Aizel. Yung naging friend ko nung 2nd year college ako. Siya yung nakipaglandian sa kin dati sa Friendster. Akala niya kasi nun ata tunay na lalake ako. Nagkita kami sa Trinoma. And what do you know, walang nagbago sa kanya Mr. T! Sobrang nakakatuwa. Ako raw mas mukhang naging bata. Ewan ko pero sobrang parang ang close close namin nung Friday. Kumain sa Gerry’s Grill and then nagMusic 21 sa QC. Kasama na namin yung friend niyang si Yey nung nagMusic 21 kami. Sobrang saya grabe. Inubos ko yung mga natira sa bucket na beer grabe. Tinamaan na naman ako. Ang saya saya talaga! Pictures namin at ayan si Aizel mukhang gaga:
![]() | ![]() |
Then yun, Friday, nagkita kami ni Benson dito sa San Juan. May nakadate siya sa Centerpoint so nagkita na rin kami. Tamang tama balak kong magDivisoria nun, tinanong ko siya kung gusto niya ko samahan, payag naman ang lolo mo. So from PureGold, to Centerpoint hanggang bahay, nilakad namin. Dito na siya nagdinner sa bahay. Then around 10PM kami umalis papuntang Divisoria. Awa ng Diyos wala kaming nabili at kumain lang kami. Ay may nabili pala kami, hahaha! Isa lang. Then since late na rin, dito na natulog si Benson sa bahay.
Dito na siya nag-almusal, naglunch, at dito na rin siya nagsiyesta hanggang nag-invite sina Luis at Bea na lumabas. Habang hinihintay namin ni Benson text nung dalawa, internet lang kami n internet at nanood lang ng mga missed episodes namin ng Glee at Supernatural. Ayun, then around 6PM umalis na kami para sundan sina Bea at Luis sa Music 21 sa Jupiter. Kasama ko si Benson then si Che sumunod at lahat kami tumambling sa kwento ni Che! Hahaha! Aliw! Then nagdecide kung san kakain dahil late na din nun, 9:30PM napagdesisyunan namin na sa Harbor Square na kumain. Benson had to leave, birthday daw ni Nar, so natira kaming 4. Grabe ibang level pagtawa namin kahapon Mr. T! Parang walang bukas. Ang sarap sa pakiramdam tumawa. Si Luis, since ang jowa nasa malayong lugar, gusto magMalate. Sabi ko go ako kahit ano. Si Che game din pero si Bea kailangan umuwi. Ang dami dami naming kinain Mr. T! After eating, si Che hinatid si Bea at pumunta muna sa jowa niya sabi niya susunod siya sa Malate or derecho sa bahay ni Luis. And ako sa kotse ni Luis. Inuwi ni Luis kotse niya para in case raw malasing, mas madali umuwi. So yun, punta sa bahay ni Luis pero si Che sabi dederecho na lang sa Malate. So nagtaxi kami ni Luis.
Nung nasa Malate na kami, parang ang onti nung tao. Hindi gaya nung Halloween na sobrang saya. Nalungkot ng onti si Luis at ako. Kasi onti na tao tapos si Che parang drawing na rin pagpunta. So nasa labas kami ng Bed ni Luis. Hindi namin alam kung san kami papasok na bar. Kung sa Bed or sa Obar. Hindi rin kami makapasok dahil hinihintay namin si Che at ayaw namin masayang pera namin kung papasok kami sa ayaw naman ni Che. Pero sabi ko random na lang bahala na, sa Obar kami nauwi. Ang ganda ganda talaga ng eksena sa Obar Mr. T!
So nasa may island bar kami ni Luis pumwesto. Nakasight kami agad ng cute. Well, parehas naming sinabing cute yung guy ni Luis. Super inom kami ng Red Horse Mr. T! Hanggang nauwi kami sa Tanduay Ice. Tawa kami ng tawa. Promise Mr. T! Tingin ng tingin sa king yung guy! Hahaha! Ako napapatingin din. Tapos tatagalan niya ang titig, ako rin. Nakikipagititigan talaga siya! Clue na yun! Saktong si Che dumating! Si Luis sabi lalabas muna siya at susunduin si Che. Pagkabalik ni Luis sa loob, katabi ko na yung guy! Hahahaha! At si Luis malaking eksena talaga! Pinagmamadali akong lumabas dahil si Che raw hindi na papasok. So ang aking aura went down the drain. Hahaha! Hairstrand na lang talaga at booking na yun. Hahaha! Nagpalitan na kami ng pangalan at tirahan at nagsayaw na kami at umeksena talaga si Luis. Hahaha! Tawa na lang kami ng tawa paglabas. Then si Che andun. At si Benson, andun din sa Malate. Nasa Bed siya at sabi magkita daw kami Malate. So yun,si Che and Benson nasa Malate. Then nagStarbucks kami and tinawanan na lang namin lahat ng nangyari. Tapusin ko ang entry na toh sa conversation namin ni Luis:
“Sana yung yosi mo kanina tinapon mo sa harapan niya…”
“Ano ba believe in goodness!”
“Ganito ka noon, heto ka na ngayon” *sabay tapak ng yosi*
“Ahahaha! Pangkontrabida naman! I believe in goodness eh…”
So yun, around 4AM umuwi na kami. Maaga pa kasi ako kailangan sa bahay ng mga kapatid ko. Si Benson sumabay na kay Che and kami ni Luis different cabs. Ngayon ko lang narealize na hindi pala masaya pag 2 lang kayo sa Malate Mr. T! 3 or more talaga dapat para masaya. Kasi nung kaming 2 lang ni Luis sa loob ng Obar, inantok kami kung wala yung cute guy na nakacap na aura ko na sana! Hahaha! Sumaya lang nung dumating si Che, hinila ko ni Luis palabas, ginaya ni Luis si Recto at ang ingay ingay namin sa Starbucks. Hahaha! Sobrang saya! Sobrang saya kasi si Luis baliw sobra! Hahaha! Hanggan ngayon, tawa pa rin ako ng tawa. Para na kong masisiraan ng bait.
At kanina nasa bahay ako ni Ate at Kuya. Sinubukan ko yung motor ni Kuya. Ang saya pala! Hahaha! Effortless, marunong agad ako. First time ko gumamit nun at parang pro na ko. Well feeling ko lang. Hahaha! So yun.
Update you soon Mr. T! Love ya!
jjcobwebb (guest)
last summer ako grumaduate.
oo mukhang ikaw nga si timothy dahil parang ikaw lang korean na kilala ko dito. ikaw kelan ka gagraduate?
jjcobwebb (guest)
jjcobwebb (guest)