Graduation Practice
This is it Mr. T! 2 days na lang ang gagraduate na ko. Isn't it nice? Hindi rin. Kasi wala kong mafeel na excitement kahapon nung rehearsals eh. As in hindi ako excited. Una, late ako sa pagkuha ng toga. Buti na lang mabait yung guard pinapasok ako. Tapos, hindi rin ako nagMass at hindi rin ako nagpaclass pictures. Eh kasi mas nafeel ko yun nung gagraduate sina Tin eh. Okay na yun. Mas marami akong kilala nun and mas marami akong ka-course. Eh ngayon, grabe parang lahat hindi ko kilala. Hahaha! Sobrang onti lang ng kilala ko. So tinawagan ko na lang si Benson at nagkita kami sa UM. :-)
Anyways, bait ni Benson, pumunta raw siya talaga ng school para samahan lang daw ako habang naghihintay para sa practice. Sweet noh? Hahaha! TagaCavite pa yan! Haha! Anyways, naglunch kami. Dapat sa Kenny Rogers pero nung sinabi ko na 5:30pm pa yung rehearsals ang 12NN pa lang nun, sabi niya sa RP na lang kami pumunta. So yun, pagkapunta dun, ikot ikot muna. Kwentuhan. Kung ano ano lang. May collection pala si Benson ng underwear. Hahaha! Sabi niya iregalo ko raw sa kanya sa birthday niya underwear na lang. Hahaha! Kinky! Anyways, after umikot ikot, sa Sushi-ya na kami kumain. Ayun, hilig pala sa maanghang ni Benson Mr. T! Grabe niya pinapak yung wasabi. Ibang level! Hahaha! Then yun, habang kumakain, kwentuhan ng kwentuhan. Tawanan ng tawanan. Hanggang sa natapos kaming kumain. Then nagdessert sa Mary Grace. Then umikot ikot ulit. Dapat pala nanood kami ng sine since sobrang tagal pa talaga ng hinihintay namin. Sabi nga rin ni Benson dapat nanood na lang kami ng sine. Pero okay na rin kasi ang dami namin napagusapan. Then ayun, hindi pa kami nakuntento, kumain pa kami sa Siomai House. Hahaha! Then lakad lakad ulit. Then ayun, buti na lang talaga hindi umulan. Kasi tuwing magkasama kami ni Benson talagang umuulan. Haha! Inuulanan kami. Haha! Yun, nung pabalik na kami ng school, si Benson naisipang lakarin na lang yung Malate. So nilakad namin. Sarap kasama ni Benson dahil parehas kaming madaldal. Dami niya ring kwento. Nakakatawa pa siya. Dami na naman naming napagkwentuhan. Tawanan ng tawanan. Para kaming mga sira. Pero sobrang saya Mr. T! Hanggang makarating kami sa DLSU. From RP to DLSU. Hahaha!
Then yun, dumirecho siya sa McDo since yung kapatid niya may pasok pala and sabay sila uuwi. And ako dumirecho na ng parking lot sa Sports Com. Buti na lang kilala mo mga katabi ko sa seat. From 5:30pm-7:30pm lang yung practice. Buti naman hindi 9PM natapos tulad ng nakalagay dun sa schedule. Hays, ayun, sobrang pagod. Pero sobrang saya rin Mr. T! Naglaro lang ako ng phone ko buong practice at nakatingin lang kay Enchong Dee buong practice. Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! :-) Ang saya saya ko :-)
And weird, parang nakakabasa ko ng mga text sa phone ko na wala naman talaga. Hahaha! Ano ba yan, wala na ata ko sa sarili ko. Or nanaginip ako kanina. Hahaha! Kasi wala naman talagang text na ganun. Pero feeling ko meron. Hahaha! Weird...