San Juan Town Fiesta 2009
Sobrang parang nawalang bahala na kita Mr. T! Grabe ang dami na nangyari... pero buhay pa ko huwag ka mag-alala! Anyways...
Really had a blast yesterday Mr. T! Sobrang saya, kahit na si Benson lang yung friend ko na pumunta sa min, okay lang, sobrang saya pa rin. Taga-Cavite pa si Benson ha pero nag-effort talagang pumunta. Hmph para sa mga friends kong mas malapit ang proximity sa kin! Hmph ulit! Wala na kayo sa kin! Joke lang! Pero nagtatampo ko sa inyo. O well, pero ganun talaga. Moving on, sobrang saya kahit si Benson lang talaga kahapon bisita ko. Simula nung sinundo ko siya sa palengke ng San Juan hanggang sa naglakad kami papuntang bahay nina Ate. Hanggang naulanan kami. Hanggang sa lumamon kami. Hanggang sa nagvideoke kami. Hanggang sa nag-inuman. Fun fun. Hanggang sa nanood ng news. Hanggang sa nag SM Centerpoint kami. Hanggang sa nagChicharong bulaklak kami hanggang sa nag-ice cream kami and hanggang sa hinatid ko siya sa LRT2. Weee... saya saya. First time ako nagdala ng kaibigan sa min na ininterview ng nanay ko. Basta ang dami nangyari kahapon. Could've been better kung andun pa ibang mga kaibigan ko. At gustong gusto ko pag kinakanta ni Benson ang Closing Time! Kahit minsan off pitch. Bagay talaga yung song sa kanya. Parang ang gwapo niya. Hahaha!
At ewan ko ba sa sarili ko, nalasing na naman ako kagabi. Good luck talaga sa kin pag naging alcoholic ako. Grabe, gaan pa rin ng ulo ko hanggang ngayon. So yun, daming handa, daming tao. Pero uulitin ko, si Benson lang talaga pumunta. Thanks Benson! :-) At parang mas mataas ang boses paglasing? Di kaya? Hahaha! Update you soon Mr. T!
jv (guest)
Aubrey (guest)
SORI NA OK, FRIENDS? :)
jjcobwebb (guest)
jong

panay ang facebook mo siguro kaya napapabayaan mo na si Mr. T... :)
jjcobwebb (guest)
Oo sobrang saya kagabi. Though masakit pa rin ulo ko, masaya pa rin! Hahaha!