Bulalakaw: La Union 2009 Entry
Pambungad Na Larawan
Finalists ng Century Tuna SuperBAD. Hahaha!
April 30, 2009
Hello Mr. T! Eto na ang pinakaantay mong update. Hahaha! Actually sobrang delayed na toh. Hmmm… paano ko ba sisimulan, sige ganito na lang, kasi nasa Gateway ako last Thursday, April 30, 2009. Medyo wala akong dalang cash nun. Plano ko talaga magwithdraw kaso nakita ko yung linya sa ATM ang haba, sinubukan kong manghiram na lang muna ng pera. Pumasok agad sa utak ko si Barry. So tinext ko siya kung asan siya. Tamang tama, papalapit na siyang Gateway. Nagdadrive siya. So nakipagkita ko sa kanya. Dinaanan niya ko sa harap ng Araneta sa harap ng Shopwise. Kasama niya sa loob ng kotse si Benson. Papunta pala sila sa La Union. Bigla akong niyaya ni Benson na sumama raw ako. Since alam kong plano talaga naming nina Barry umalis, sabi ko sige. Sasama ako. Biglaang sama yun.
Biglaan
Walang plano plano. Sabi ni Benson, 12AM daw yung alis nung bus. So yun, after ng pinanood kong movie, dumiretso na ko ng bahays sabay ayos ng mga gamit ko and paalam sa nanay ko na aalis ako papuntang La Union. So yun, around 11PM, pumunta na ko sa McDonald’s Cubao. Dun kasi yung meeting place. So andun sina Barry, Simoun, Benson, and others. And yes, kasama si Ritz. Napapayag din namin agad. So yun kasama sina Sabs din. Sina Erin, Tess, Rocket, Denys, Ian, Van, Dearden at Val. O di ba? Yung iba sa kanila dun ko lang nakilala. Naging close naman kami agad. Hahaha! Then yun, bago mag 12AM, nagcab na kami papuntang Partas para sumakay ng bus. Then yun nasa Partas na kami…
May 1, 2009
Partas Maraming tao sa Partas. As in ang daming tao. Expected kasi Holiday kinabukasan. Alam mo Mr. T! hindi kami nakasakay. O di ba? Ilang bus ang dumaan pero hindi kami nakasakay. Sobrang 1M years ata. So habang naghihintay, nagkukulitan na muna, laro ng cards, lakad lakad sa Cubao. Kumain ako sa Jollibee with Benson, Barry and Rhitz. Wala, ganun pa rin, nakabalik na kami lahat. Walang gumagalaw na tao sa pila. Sobrang tagal, so nung sobrang tagal na talaga ng waiting time, sina Benson and others umikot para maghanap ng ibang bus line. Then tumawag sila and sabi na sa Florida may paalis na na Bus papuntang La Union. Onti lang ang tao. So yun, nagVan kami ng mga natira papuntang Espanya. Then sumakay sa bus ng Florida. Grabe, halos 6AM na kami nakaalis. So yun, may araw na nung gumalaw yung bus. Then siyempre, walang tulog lahat, kanya kanyang katabi. Meaning sandalan yung katabi. So si Rhitz katabi ko sa bus Mr. T! Then yun, hindi ko alam kung san banda na ng Manila ako nakatulog. Ang alam ko, hanggang magStop over na sa La Union, saka lang ako nagising...
Florida Bus
Ayun, nga tulog ako the whole time. Yung iba gising na. So kawawa kaming napicturan. Wah! Then yun, sa stopover, dun na rin kami kumain. So yun, okay naman yung pagkain. Pero kadiri yun CR nung naihi ako. Ayaw ko talaga ng panget na CR. Tsk… then yun, gising na ko the whole time hanggang makarating kami sa lugar nina Simoun…
San Juan La Union Tanghaling tapat na kami nakarating sa harap nung City Hall. Dun kasi malapit sina Simoun. Then yun, nadaan din kami sa simbahan. Then ayun, nilakad na rin namin hanggang bahay nina Simoun then pili na ng kwarto. Kasama ko sa kwarto si Barry, Rhitz and Benson. Tabi kami ni Benson sa malaking kami. Sina Barry and Rhitz dun sa double deck. So yun, nakatulog ako hanggang mag-gabi…
May mga nagpupusoy, may mga nagsusungka. Usap usap. Kwentuhan. Ako tulog. Wahahaha! Sarap kasi nung kama Mr. T! As in paghumiga ka, talagang makakatulog ka talaga! Wahhh… so yun, pagkagising ko kumain then napag-usapan na tignan yung beach. Oo gabi na at titignan ang beach. Gusto ko ang ganung view, parang sobrang enchanting ang kahit anong body of water pag sa gabi mo siya makikita. Then yun, nilakad naming yung beach galling sa bahay nina Simoun
Beach, First Night
Bumisita lang kami. Tumingin tingin. Ikot ikot sa beach. Fineel at muna kung anong feeling nung beach sa gabi. Wala masyadong stars dahil maulap. Pero nakakita ko ng bulalakaw. Siyempre nagwish agad ako Mr. T! Then yun, bumalik na rin agad sa bahay nina Simoun. So yun, pagkabalik, parang inubos namin yung bilihin nung tindahan dun Mr. T! Then bumili na rin ng alak…
Inuman Session, First Night
Mild inuman palang Mr. T! Wala pang nalasing. Si Barry as usual namula lang. Hahaha! Then yun, may mga madaldal na tulad ni Benson. Tapos yun, hindi ako masyadong uminom. Hahaha! Dahil alam kong tatamaan agad ako dahil super antok ako nun eh. So medyo shot shot lang. Then yun, kwentuhan, nood ng TV, yung iba nagpupusoy na naman. Dumating na yung second batch ng kasama sa outing. Sina Yizvette, Renz at kapatid niya and si Rey (na ex ni Benson). Hahaha! Ang saya kaya asarin ni Benson! Then yun, ewan baket sarap na sarap ako matulog dun sa kama na yun. Hahaha! Then, natulog bandang alas 3am na rin yun. Mamalengke pa kinabukasan. So yung mga dapat sasama sa palengke, hindi na nakasama…
May 2, 2009
Alupihang Dagat, Tulya, Tahong
Pagkagising ko, nakita ko ang dami ng nakalagay sa lamesa. Puro seafoods. So ayun, hindi pa naman luto. Nakita ko si Barry naghihiwa ng mga panggisa, naku hindi marunong. Siyempre, tinuruan ako. Then yun, pinepare naming mga kakainin. Pati yung tahong na ibabake. Siyempre ako feeling housewife, ako naman nagpakafeeling na talaga. Hahaha! Then yun, nung matapos magprepare, nakatulog na naman ako. Good luck talaga sa kin. Siguro eto ginagawa nila nung tulog ako…
Hindi Ako Allergic Sa Tulya At Tahong
Sobrang concerned si Barry sa kin, kala niya lahat ng seafoods allergic ako. Sabi ko sa mga ka-uri lang naman ng hipon. So yun, binilhan pa nila ko ni Ritz ng ibang ulam. Sweet! Pero sayang kasi sa tulya at tahong hindi naman ako allergic eh. Then yun, lunch na! Sarap ng kinain namin Mr. T! Then after kumain, bonding bonding. One thing though, hirap maghugas ng pinggan dun kasi hina ng tubig sa lababo. Pero kaya naman. Then yun nagsimula ng mag-ayos para sa camping kinagabihan…
Beach… May mga pumunta sa surfing site. May mga natira para magayos ng mga tent at magswimming lang sa beach. Dun ako sa later. So yun, hinakot na mga firewoods, mga tent, mga pagkain, mga damit, tumungo na sa beach para mag-ayos ng camping site at magswimming. Ang lakas ng alon. Talang dinadala kami sa shore nung alon. Nakakapagod ha! Pero Masaya. Then dadating pala yung kuya ni Simoun. Naku! So lahat kami nataranta. Siyempre naman nakakahiya pag nakita niya mga pinagagawa namin dun. Pero okay lang, then yun, may mga naiwan sa campsite para magbantay, then kasama ko sa bumalik sa bahay para magluto at magprepare ng mga dadalhin sa bonfire session…
Kuya Jacob
Si Sabs pauso. Tinatawag akong kuya Jacob. Hindi ko alam baket. Pero ang alam ko, pagtapos ko magluto, maglinis nung bahay, at magprepare nung mga dadalhin sa camping, bigla niya na lang ako tinawag na kuya Jacob. Hahaha! Ewan ko weird lang kasi kapatid ko nga hindi ako tinatawag na Kuya eh. Pero okay lan naman sa kin. Then yun, nung nagluluto ako, bigla na lang naging mausok buong bahay. Masakit sa mata, kasi naman pala walang bintanang nakabukas. Sorry naman, naka-aircon buong bahay. So pinabukas ko mga bintana. So yun, napagdecide naming na dun na kainin yung tilapia para hindi na messy sa camping site. Then yun, kumain then may mga nauna na asa camp site. Nakakahiya kasi sa kuya ni Simoun. Andun na sila sa campsite. Akala kasi ayos na lahat. Then naiwan kami nina Ate Tess and others para maglinis nung bahay so medyo nahuli kami ng dating. Yung mga galing sa surfing site, nakabalik na rin and nauna na sa camping site. So yun, after maglinis and all, tumungo na kami sa campsite sa beach…
Bonfire Nakasindi na yung bonfire. Ayos na ang tent. Kumpleto na lahat. Dala ang ang mga hotdog. So yun, nagstart na ang camping. First time ko maexperience toh. Ang saya pala Mr. T! Ayun, luto luto ng hotdog. Inuman. Kwentuhan. Picturan. May nakita na naman akong bulalakaw. Hahaha! Si Barry namula na naman. In fairness to Barry, umiinom na talaga siya. So yun, Masaya na ang lahat. Maayos ang lahat hanggang…
Si Benson at Van
Nakipaginuman sila sa kuya ni Simoun. Ay good luck talaga. Nagblack out yung dalawa. Unang nagblack out si Van. Nakakatakot. Bumubula bibig niya. Tapos tirik mga mata niya. NapaOMG talaga ko. Kala ko mamatay siya nung oras na yun. As in humampas talaga mukha niya sa buhangin. Hindi pa natapos yun dun, si Benson, nagwawala na rin. Naku Mr. T! Buti na lang wala akong tama. Tumulong pa ko sa paghimasmas nung dalawa. Grabe, pinalitan din naming mga damit nila. O di ba? Iba yung case ni Van at Benson. Si Benson nung lango na, tawa ko ng tawa. Yung kay Van nakakatakot. Then yun, after maayos yung dalawa and naayos na kung san sila matutulog (sa labas ng tent actually), nag-ayos na rin yung iba, then ako, si Rhitz, Dearden and Sabs, naiwan na gising para bantayan yung 2 lasing. So kami yung nasa harap nung bonfire buong time. Buong gabi hanggang mag-umaga…
May 3, 2009
The Guardian Angels Siyempre mega paypay ako sa mga lasing. Para lang malamigan sila kahit papaano. Wow naman! Dapat akong bigyan ng award sa pagkalingang tunay! Hahaha! Then yun, kaming 4 na lang ang gising. Nagsesenti, nageemote, kwentuhan at pilit binubuhay yung bonfire. Ayun, may mga asong umikot ikot sa campsite. Naku talaga. Si Dearden naman takot na takot. Tapos yun, wala lang, ewan ko paano kami nakatagal na gising. Ako dapat matutulog na at papasok na sa tent. First time kong makakatulog nun sa tent! Pero si Benson, biglang nagsuka nung pagkatayo ko. Shet! Hindi na lang ako natulog. So yun, nilinisan naming si Benson then ako umupo na lang din sa tabi nung mga lasing. Shet talaga! Hahaha! So inabutan na kami ng kalembang ng simbahan. Yung araw inabutan na rin kami. Unang nagising si Barry. So pinaalam naming kung pwede na kaming 4 mauna sa bahay para makatulog na rin. Ginising si Simoun para itanong kung may susi siya ng bahay. Naku wala. So yun, nagbakasakali na lang kami na baka magising naming Kuya ni Simoun sa bahay pag kinalampag naming. So dinala na naming ibang gamit papuntang bahay…
Ayaw Magising
Nung kuya ni Simoun.Kinalampag ko na yung pinto. Grabe tulog pa rin. Good luck. Buti na lang may mga patpat sa labas ng bahay nina Simoun, dun muna kami nahimlay. Naku talaga. Ang init. Hilong hilo na ko sa antok. Dumating na lahat ng nagcamp, andun pa rin kami. Grabe, tagal nabuksan nung bahay Mr. T! Pagkadating na pagkadating sa bahay. Nakatulog agad ako. So yun, medyo okay na mga nalasing kagabi. Naligo na rin sila. So yun Mr. T! Tulog na naman ako. Si Benson nung nakahiga ako at humiga siya, grabe yakap ng yakap! Kulit ng kulit! Naku talaga! Then yun, hindi talaga ko makatulog, naglunch na muna kaming lahat. Then ayun, buti lumabas ng room si Benson, nakatulog na ko. Hanggang magising ako at nagluluto na si Tess ng dinner. Tortang talong…
Pack Up After dinner. Inayos na namin mga gamit namin. Naligo na kami. Naglinis ng bahay. And around 11PM pumunta na dun sa may bus waiting shed. Ayun, parang wala kaming masakyang bus. Dahil puno lagi yung bus bago sa min makarating. So yun, kumain muna kami sa katabing burger stand. Hahaha! Hanggang naisip ng kuya ni Simoun na pumunta sa station ng Genesis. So yun, buti na lang, may papaalis na bus papuntang Manila. Then lahat kami, nagtricycle papunta dun. Tawa ko ng tawa kay Benson nung bigla siyang nagHi kay Rey nung nasa tricycle kami. Nasa likod kasi nakasakay sa likod ng ibang tricycle si Rey nun eh. Tapos kaming 3 nina Ritz. Katabi ko si Benson sa loob. Basta naaliw ako kay Benson sobrang laughtrip shet. Aylavet! Saya saya…
Genesis
Around 1AM. Umalis na yung bus. Katabi ko pa rin si Ritz para may masandalan ako. Pero hindi ganun ang nangyari.Dahil hindi ako nakatulog. Ang galaw galaw nung bus. Parang nasa Realto lang kami. Tapos si Rhitz puros joke pa. Pinagtitripan namin si Barry. Sakit ng tiyan ko kapipigil tumawa kasi tulog lahat ng nasa bus. Nakakaidlip ako ng onti Mr. T! Then yun, nagstop over na naman sa may panget na CR! Tsk! Siyempre takot ako magutom, bili na naman ng pagkain. Then bumalik na sa bus dahil papaalis na. Nakaidlip ng onti. Then pagkagising ko nasa bandang Pampanga na kami. Naisip ko na wag na matulog dahil malapit na lang. Then nung nakita ko nasa Balintawak na, ayun, nagising na sense ko. Ang saya saya na ng puso ko dahil Manila na rin sa wakas!
May 4, 2009
North-Ortigas-Makati
Ayun, may mga nababa na sa North, sa Ortigas, together with Barry, Rhitz, Yizvette, Benson, Sabs, Renz and his sis, sa Makati kami bumaba. Plano kasi naming manood ng sine lahat. So yun, grabe ibang iba yung Makati. Parang ang sarap ng feeling. Sabi ni Yizvette sa bahay na lang muna nila kami magstay since wala pang bukas na mall. Sa Makati rin naman yung bahay nila so dun kami natungo. Dala dala mga gamit namin. Pumunta kami dun
Bahay Nina Yizvette
Ayun, medyo nagpahinga, habang andun. Humiga, nood TV. Then nag-almusal muna sa malapit na carenderia. Then yun, bumalik sa bahay nina Yizvette. Si Barry, gusto kunin kotse niya sa bahay nila and then babalik na lang sa Makati. Then yun, together with Ritz, Benson at ako, si Barry nagcab papunta sa kanila…
Bahay Nina Barry
Ayun, wala kasi parents niya kaya malakas loob naming pumunta. Then yun medyo nagpahinga ako. Pero maingay si Benson at Ritz. Si Benson harot pa ng harot nung nakahiga ako. Nung ako na nangharot, natakot ata lumayo! Buti naman! Si Barry hinatid pala muna sis niya sa Marikina. Then binalikan kami. Tawa kami ng tawa sa mga pictures ni Barry nung bata. Then yun, dumaan naman kaming Greenhills para sunduin si Van. Pero nagpagas muna si Barry sa N. Domingo. Dun ko nalaman na kapitbahay pala naming si Benson dati…
Greenhills
Sinundo namin si Van sa North Greenhills. Ayun, after sunduin, since nawala nga phone ni Sabs sa La Union, naisipan namin na bilhan siya dun ng phone. So ayun, si Ritz nag-abono. Super antok na ko. So habang naghahanap silang phone, nag-almusal ako sa Starbucks. Then yun, sa awa ng Diyos. Pagtapos ng mga negosasyon, nakabili na rin sila ng phone na gusto ni Sabs at may features na sinabi ni Sabs. Then naghahanap ng malulunchan. Rack’s dapat. Kaso naisip naming sa Makati na lang. So yun, pumunta na kaming Makati.
A. Venue
Hindi ko alam yung pangalan ng Korean resto na kinainan naming 5! Hahaha! Sina Sabs tawag na ng tawag. Pero dun kami kumain. Ayaw ko yung pagkain. Weird, si Benson nagpatawa na naman! Ako grabe as in nasuka! Wah! Pero sa CR ko ginawa. Umakyat lahat ng kinain ko kaya siguro ako nasuka. Wah! Then yun, kinita na sina Yizvette, Sabs and others sa G4 food court. Then yun… since 5:45 pa panonoorin namin, nagikot ikot muna kami. Ako gumawa muna ng milago sa GB4. Habang naglalakad, nakasalubong ko si Matty. Shin Dang Dong pala name nung resto sa A. Venue
Matty
May problema si Matty. Pero salamat sa Diyos may trabaho na siya. Pero weird talaga Mr. T! Tulad nga ng sinabi ko sa kanya “Sabi ko sa yo!”. Hays, sana lang wag yung iniisip ko yung problema niya. Then yun, hinatid ko siya til MRT station. Then ako nagikot ikot mag-isa. Then yun nood na ng movie…
The Haunting In Connecticut
Hindi ako mahilig manood ng nakakatakot. Lalo na sa sinehan. Tawa na lang ako ng tawa nung napapasigaw ako. Nagkaroon pala kami ng pagtatalo ni Barry bago manood. Ayaw kasi ni Barry manood ng nakakatakot. Hello ako ba gusto ko? Sinabi ko na sayang yung hinintay namin para dun kung hindi kami manonood and nakakahiya sa mga kasama naming. Pati sina Sabs ata nasindak sa titig k okay Barry. Ako lang daw nakakagawa kay Barry nun. Chairperson kasi nila si Barry eh kaya hindi nila maganun. Pwes ako wala talagang pake. Nakakahiya kasi sa iba. Ayun, pumayag naman si Barry. Nagets niya gusto kong iparating…
Finale Ayun, then super sikip kami sa kotse ni Barry nung pabalik na kami sa bahay ni Yizvette. Naku talaga, dapat talaga magcacab kaming 3 nina Benson and Ritz, kaso yun nga, sobrang haba ng taxi lane! Wah! Then yun, siniksik na lang naming 3 sarili naming. Si Benson at Ritz nasa harap. Sobrang nakakatawa yung position nila. Then yun, buti na lang hindi kami nasita at buti na lang hindi naflatan si Barry. Hahaha! Then yun, kinuha na mga gamit sa bahay ni Yizvette. Dapat si Sabs and Benson sasabay kaso biglang sumabay si Renz and yung sis niya so yung 2, naglakad na lang dahil malapit lang naman Buendia from bahay ni Yizvette. So yun, unang binaba si Ritz, then lumipat ako sa harap. Then super gutom ako, nung nasa Greenhills na, nagpadrive through ako kay Barry ng Chicken Spaghetti at Aloha! Shet para kong patay gutom. Then yun, sumunod na akong bumaba. Then siguro si Van yun sunod dahil next street lang siya from street namin. Then yun. Pagkadating na pagkadating sa bahay. Tinanong ko sa nanay ko kung kilala niya yung name ng nanay ni Benson. Grabe kilala nga. Hahaha! Then natulog na ko agad sa sobrang pagod. Naghahanap ng pasalubong nanay ko. Kumusta naman, hindi naman kami namili!
So yun mga nangyari Mr. T! Hmmm… hindi detailed tong kwento na toh. Eto lang lahat ng naalala ko Mr. T! Sorry naman. Pero at least yung naramdaman ko last week at least maalala ko. Ang saya saya. Di ba? Ngayon naisip ko na hindi ako pwede tumira sa probinsya! Grabe! Walang mall, sarado na mga tindahan sa gabi! Grabe grabe. Pero masarap magstay ng sandal dun dahil walang stress. Walang usok ng sasakyan. Walang internet. Walang iniisip. Masarap din mapalayo sa tunay na mundong ginagalawan. Pero mahirap maglipat ng mundo. Hindi siya ganun kadali. Once in a while maganda. Destress kung baga. So ayan, alam kong walang magbabasa nito. Kebs. Ako magbabasa nito pag maglolook back ako sa mga nangyari sa buhay ko. Ang saya saya Mr. T! Update you soon okay? Mwah! I miss you! I appreciate you and I love you Mr. T! Mwah! Mwah!
Sobrang daming pictures Mr. T! Eto mga links sa Multiply ng mga nagdala ng camera:
Pics from Sabs:
http://sabs05.multiply.com/photos
Pics from Denys:
http://ish6913.multiply.com/photos
pics from Yzvette:
http://izvet.multiply.com/photos
pics from Simoun:
http://simounbautista.multiply.com/photos
from Rhitz:
http://rhitzjoy.multiply.com/photos
Ayan sa wakas napost ko na rin. Ayoko na masyadong maglagay ng maraming pics dito sa Tabulas. Ang tagal tagal raw kasi magload ng site ko! Kumusta naman talaga! Anyways. Ayan na ha Mr. T! :D
jong

girl, parang nawawala na ang "legendary" abs! haha!