Ng sakit kong insomia. Susme, eto na naman ako, past 3AM na and gising pa rin. Kanina ko pa pinipilit sarili ko matulog pero natatalo ko ng mga iniisip ko. Ano ba naman ito. Gusto ko na matulog pero feeling ko pagsikat pa ng araw ako makakatulog. Bigla ko tuloy naalala dati rati, mga ilang years ago, ganitong oras may mga kausap ako sa phone. Chikahan hanggang mag-umaga. Hays, those were the "days". Siguro hindi ako makatulog kasi nakatulog na ko kanina. Hmmm... anyways, ayun, ano nga ba kwento ko...

Ayun, since Wednesday na pala, nung isang araw na gagamitin kong transition word, ayun, nakasalubong ko si Allan sa MRT! Oo si Allan. Si Nytlyf. Maliit ang mundo Mr. T! Yung isa kong kaibigan kaGym si Allan and yung isa kong kaibigan, kakachat ko lang kanina at sabi bagong officemate niya raw si Allan. O di ba? Mga nakilala ko lahat sa blog yang friends ko na yan. Parang mga nakilala kong mga bakla dati. Mga magkakakilala rin! Hahaha! So ayun, Allan sikat ka na! Magthank you ka sa kin! Hahaha! Joke! Matagal na rin kami di nagkita ni Allan. Baket di mo kasama si Mike? Hahaha! Pero ayun nga, naaliw ako at talagang namention pa ko sa blog niya...

Pagbaba ko ng Cubao MRT, may humawak sa balikat ko, si Jacob! Natuwa ako, naka-headphones siya tapos ewan, basta cool siya manamit as always. Katuwa talaga! Eh naka-earphones din ako nun, nag-hi na'ko palabas. Sabay text kami na papasok kami pareho sa work. Kamiss yung batang yun!

Talagang bata! Oo alam ko mas bata ako! Hahaha! Che! Hahaha! Sige ako rin magsasabi, kamiss yung matandang yun! Wahahaha!

Ay bago pala muna ko pumasok nung isang araw, namili ako ng mga underwear, socks at mga pulbos at deodorant. Wahahaha! Bumili rin ako para sa kapatid ko. Magrereklamo dapat ako sa nanay ko na wala ng mga matitinong medyas eh, kaso narealize ko, shet! Hindi na pala ganun ang buhay! Iba na eh! Wah! Shet, masakit man sa bulsa, kailangan. Importante yan. Grabe Mr. T! Kailangan ko talaga matuto gumastos ng tama! So yun…

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa OsMak, taranta na lahat ng tao. Alam mo baket? Ewan ko ba, baket uso mga virus! May meningocoximia na naitakbo sa ER. Positive! Tapos namatay! Eh di lahat kami taranta! Lahat kami sa pharmacy nagfacemask. Super inom agad kami ng Ciprofloxacin para pananggalang sa kung ano mang virus. Basta, weird. Nakakaparanoid pala pag may ganung eksena. As in sinara na yung ER para idisinfect! Tapos yun, trabaho as usual. Tapos nung umaga na, umuulan ulan. Super antok na ko. So sa staff house muna ko nakitulog Mr. T! Ayun, around 3PM, nagpunta ko Makati Ave., may tinanong sa Music 21. Tapos dumirecho ko ng GB3 para mamasyal mag-isa. Tapos umuwi na rin agad. Then naligo ako agad. Baka mamaya may virus na ko. Bumalik pa naman ako nung OsMak bago ko umuwi from staff house to bahay. Basta scary. Susme, uso ata, pati yung swine flu na usong uso! Katakot gumalaw ngayong panahong toh! Shet!

Then yun Mr. T! Nanood na lang ng TV buong maghapon. Sina Erwin and Emo andito sa bahay kanina. Si Mama kasi nagluto ng spagetti kasi birthday ng pinakamamahal kong Kuya. Mahal ko yun kahit gago yun! Wahaha! Tas eto, naguupdate na naman ng blog. Sabi nga ni Sir Lawrence, na isa sa pinaka kinahahangaan kong tao, na nakilala ko rin sa blog, WELCOME TO MY LIFE. Oo grabe, pero okay na rin toh, Ate ko naman tinutulungan ko. Sino pa bang magtutulungan kundi magkakapatid di ba? Pinagbabayad na ko ng nanay ko ng mga bills. SHET! Wala na kong pera sa totoo lang. Wah! Wish ko lang di ako palayasin ng nanay ko dito. Ay pwede rin, sa bahay ni Ate ako titira! O kaya dun sa staff house ng mga pharmacists. Wahahaha!

So yun na muna ang update ko Mr. T! Mag-aalas quatro na. Ano ba yan. Oo na pupunta na kong SM mamaya para magbayad ng mga pinababayad ni mama. Grabe, pati orasan sa bahay sa kin pinapabili. Ano ko maraming pera? Kumusta na naman si Mama Mr. T! Maghahanap ako ng trabahong mas mababa ang pay kesa sa binibigay ni Ate. OA na si Mama ng kakahirit! Shet! Anyways, yun na nga. Miss ko ng mabuhay. Ano raw? Hahaha! Sige sige Mr. T! :D

Currently reading: Windows Live Writer
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on April 29, 2009 at 03:50 AM in Everyday Drama, Malling, Family, Drugstore | 5 comment(s)
Comment posted on April 29th, 2009 at 02:48 PM
sleepasil ka 1-hr before mo balak matulog. natural antok yun, herbal kasi. dapat kunin na nila akong spokesperson sa dami ng pinag-recommendan ko nun. hahaha
Comment posted on April 29th, 2009 at 11:01 AM
magtake ka ng diphen.
nakaka-antok yun!
proven ko na yun eh!
hahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on April 29th, 2009 at 04:44 AM
namiss mo na mabuhay, ganto gawin mo... magresign ka yan ang balak ko, pumunta sa puerto mag pahinga at manlalake I mean maki socialize pala..

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 29th, 2009 at 04:48 AM
pasama naman manlalake! hahaha! sira ka! nu ba. hirap ng walang pera ngayon ah! haha!
Comment posted on April 29th, 2009 at 05:09 AM
oo nga no.. ako eh matutulog na asa house na ko wala trapik eh.. alas singko na kawawa mga may insomia... mornyt!