Bubbles
Hindi ako magaling magbigay ng payo tungkol sa love. Pero pag hinihingan ako ng ibang tao, tinatry ko makatulong kahit papaano. And kanina may nanghingi, eto sinabi ko...
"Naalala ko yung sinabi sa kin dati: Kung magiging tayo man, isipin mo na nasa loob tayo ng isang bula. Nasa loob ka ng sarili mong bubble, and ako rin nasa loob ng sarili kong bubble. Kasi may kanya kanya naman talaga tayong buhay. Yun yung bubble natin. Pero, sa gitna natin, may isa pang bubble. Tawagin natin siyang TRUST. Siya yung nagsisilbing link nating dalawa. Dahil sa TRUST na yun kaya tayo magkamasa/magkadikit. Andun din tayo sa loob ng trust na yun. Pero, once na pumutok at mawala yung trust na yun. Magkakahiwalay rin tayong dalawa..."
Ayun, feeling ko tuloy venn diagram yung analogy na yan. Haha! Pero nice noh? Hindi ko makalimutan yang sinabi sa kin na yan. Hanggang ngayon dala ko yung analogy na yan. Hinding hindi ko makakalimutan.
Anyways, around 4PM na ko nakauwi kanina galing duty. Nagkameeting kasi sa OsMak kanina. Si Ate may mga binilin na gagawin bago siya umalis for States maya-maya na actually. Tapos mga concerns ng isa't isa. Yung date ng outing at kung anu ano pa. Nagpakain rin si Ate ng Pizza, Manok at Ice Cream kanina. Despedida na rin niya at birthday rin kasi nung isang pharmacist na si Diane. Sabi despedida na rin ni Jerry dahil lilipat na siya sa RCBC. Haha! Ayun, bali boss muna namin si Erwin. Yung asawa ni Ate. Mas lax si Erwin kesa kay Ate. Haha! Speaking of Erwin, dapat iboblog ko dati na never kami nagkaroon ng conversation pa kaming 2 lang nasa kotse. Oo, grabe. Pag kasama ko ni Erwin, laging dead air talaga. Hahaha! Either wala kaming matinong mapag-usapan or wala lang kaming connection. Hahaha! Basta weird. Sa lahat ng tao, sa kanya ko madalas tahimik. Dead air talaga. Haha! Pero naguusap kami nun ha. Drugstore stuff pinaguusapan namin. Hahaha!
So yun nga, pagkagising ko, ang daming ULAM. As in! Laing, Binagoongan, Adobo, Kaldereta. Naku, kala ko para kanina or may birthday. Dadalhin pala ni Ate sa States. Hahaha! Para sa mga kamag-anak namin dun. Good luck naman talaga. Tapos yun, nalagay lahat sa bagahe. May mga natira pang pork flakes para sa Adobo. Pwes naglutulutuan ako. Haha! Wish ko lang talaga masarap yung pagkaluto ko. Sabi naman ni Mama okay lang. Pero feeling ko ang alat. Tapos yun, binigyan kaibigan ko nung Adobo. Hahaha!Then nagmuni muni sa Aurora Blvd Mr. T! Ang sarap ng feeling sa totoo lang. Ang sarap manahimik. Ang sarap tumunganga. Sabi nga ni Peal kanina sa kin na kanina pa ko nakatunganga. Ewan ko, ang sarap ng feeling. Yung walang laman utak mo. Ang sarap minsan ishut down ng mundo para magrest lang yung mga boses sa utak mo. For once kung pwede lang. Mga panahong toh, gusto ko matulog sa may beach na ako lang yung tao dun sa beach. Walang ingay. Walang ibang tao. Ako lang at mga stars at yung dagat at yung buhangin. Pwede ba yun? Hays... update you soon Mr. T!