The saga with thesis boy continues Mr. T! Yesterday, after JAPALA2 umuwi agad ako para matulog ng unti dahil may pasok na naman sa OsMak. Natawa ko dahil sira yung elevator sa Andrew. First time ko pa naman mauna sa line sira naman. Tapos nagbrowout sandali sa fire exit stairs. Sobrang dilim. Kaya pala walang elevator nun. Magbobrowout. Then yun, may quiz. Wala kong alam. Haha! After nun umuwi na ko para bumawi ng tulog. At nagising ako sa text na ganito...

"Uy, asan ka? Hindi kita nakita sa thesis room kanina..."

"Aba! Hinahanap mo ko ha! Iba na yan! Haha!"

"Napansin ko lang wala kasing maingay and wala kasi akong kasama pauwi. Asan ka na?"

"Sorry bahay na ko. Iba na yan ha! Hinihintay mo pala ko sa thesis room ha. At alam mo pag wala ako! Hahaha!"

"Masama? Wala lang kasi akong kasama pauwi. Naisip ko train ka rin..."

"Sayang nasa bahay na ko. At sinira mo tulog ko. Hahaha!"

"Aw, sorry sorry..."

"Sige sige, ingats na lang pauwi..."

Ayun Mr. T! Hindi ako kinilig. Weird. Hahaha! Baket ganun siya? Weird weird. So yun, natulog ako. And bigla kong namiss si Luis. Hmmm... tagal na namin di nagkikita. Lagi na lang text and YM. 

Then yun shift na naman sa OsMak. 6PM-10AM. Hayness. Pag papunta pa naman ng OsMak kitang kita yung ilaw ng Market Market! Grabe! Kalahating tambling lang talaga yung mall! Sarap gumala! Pero okay lang. Hindi naman masyadong toxic kanina. Si Kat pa rin yung pharmacist and PA sina Joyce and Jane. Okay naman Mr. T! Marami kasi akong baon na pagkain kaya okay lang! Hahaha! Tapos nung mga wala pang mga reseta, nagshasharing kami ni Kat ng mga buhay namin. And natutuwa siya sa kwento. Haha! Aliw na aliw siya grabe. Haha!

So yun, nagiging marami lang talaga yung ginagawa pag paumaga na. Tapos bago kami umalis si Ma'am Stela grabe nagalit pa. Chief pharmacist siya ng OsMak pala Mr. T! Pero hindi sa amin, dun sa nurse na hindi iendorse yung kukunin na gamot sa pharmacy. Ayun, navoid tuloy yung mga gamot na pinepare na. Sayang naman yun. Then yun, sumama muna ko kay Kat dun sa staff house. Tinignan ko yung lagay. Okay na. Maayos na Mr. T! Nagbreakfast pala ko sa harap nung OsMak ng tuyo! Grabe sarap! Haha! Kasabay ko yung mga pang-umagang duty na employees. Sina Ira and Joan.  Ang daming duty pag-umaga. Super busy kasi talaga pag-umaga yung shift eh.

Ay hindi ko pala nasabi na magsasara na yung Planet sa RCBC. Pero, malaking pero, napag-usapan na ng may-ari and nina Ate about sa mga nangyayari and about dun sa ginagawa ng director na doctor. Ibaba na yung memo dun sa director at papalitan na siya. O ha! So, hindi na magsasara ang Planet sa RCBC. Okay di ba? Hindi na kasi sumusunod sa contract si Dra. Tiangco eh! Buti pa noong si Dr. Yutuc yung director eh! Tsk tsk! Baka patalsikin na si Dra. Tiangco Mr. T! Buti nga! Ang dami niyang under the table transactions ha! Tsk tsk. Serves her right. Pero ewan ko, baka or baka hindi na iwithdraw ni Ate yung branch na yun. Depende sa ibabang hatol ng may-ari ng Grepalife over the director. Let's wait and see...

Basta ayun Mr. T! After nun dumaan muna ko ng Gateway bago dumirecho ng bahay. May binili lang. Parang tagal ko na rin di nakapuntang Gateway. As usual may mga bading na mag-on. Napapasmile na lang ako sa sarili ko sabay sabi "Buti pa sila..." --- oo madrama ko. Kebs. Gusto ko rin eh. Hay. Mr. T!, kelan kaya? :(

So yun. Antok na ko Mr. T! Update you soon okay? Pagod na ko.

Currently listening to: Samson by Regina Spektor
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 12, 2009 at 11:50 AM in Everyday Drama, School, Drugstore | 1 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

GHV2 (guest)

Comment posted on March 12th, 2009 at 03:21 PM
Be open to possibilities... Malay mo...