Embos
Grabe Mr. T! Ang aga ko nagising! 6AM pa lang nag-aayos na ko dahil orientation nga sa OsMak with pharmacists. Ayun. Grabe, pagkagising ko, unang balitang tumambad sa kin eh na carnap yung truck na pandelivery ng drugstore! Grabe Mr. T! Mahirap na mahanap yun siguro. Ayun, bumili ng bago si Ate. Parang wala lang. Shet noh? Sana kaya ko rin yun! Tapos yun, with other employees, pumunta na kami dun sa OsMak sa harap ng Market! Market!
Alam mo ba Mr. T! Na may Rembo? Co-rembo? Pembo? Co-pembo? Sembo? Co-sembo? Membo? Co-membo? At grabe! Makati pa rin sila? At parang pag andun ka, para kang nasa Tondo? Grabe, kala ko all that glitters and Makati! May ganun din palang lugar ang Makati!
So yun, pumasok sa ospital para imeet mga tauhan. Then kumain sa Chowking. Nagorient si Ate. Tapos grabe mga benefits ng mga empleyado ha! Kahit ako gusto ko na rin maging empleyado ng Ate ko! Hahaha! Take note:
- Free rent sa staff house
- Libreng bigas
- Libreng tubig at kuryente
- 2,000 allowance per month
Wow! Ano toh charity? Hahaha! Magpapaampon na lang ako sa ate ko Mr. T! Hahaha! Pero yun nga, after nung meeting sa Chowking, yung clinical pharmacist ang nag-orient sa mga pharmacist. Yun, gumawa na ng shiftings. Nilagay ako ni Ate sa pangmadaling araw na shift since sabi niya hindi naman ako natutulog! At ang hirap ko gisingin. Ayun, before lunch bumalik kami sa drugstore sa N. Domingo. Dapat pupunta kong Makati pero may mga idedeliver pala sa kung san san so yun. Susunod pala dapat ako sa UP para sa awarding ni Karol Mr. T! Kaso ang init talaga nun! Iniisip ko pa lang yung init sa Katipunan, tinamad na ko. Sorry talaga friend. Pero congrats. Magaling ka naman talaga! So yun, nakideliver na lang ako ng mga gamot.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Kita mo ba yung nasa taas Mr. T!? Una dumaan kami ng City Hall ng Makati para may ipass na mga papeles. Then tumuloy sa RCBC, kinuha ko na mga gamit ko dun dahil hindi na ko dun. Hahaha! Then tumuloy sa Mapua. Ayan, nagtour kami ni Carmi sa Mapua nung pumasok si Manang Luz and Marlet sa loob ng Mapua. First time ko dun sa parang bridge sa taas sa harap ng Mapua. Hahaha! Namiss ko mga tambay days ko sa school with friends nung nakita ko yung mga estudyanteng nakatambay sa may fish ballan. Then nag McDo kami ni Carmy. Tapos may dala rin sina Manang Luz na chicha galing sa canteen nung school. Ayun, then sa Unilever and Honda naman kami nagdeliver. Super traffic sa UN grabe! Around 7PM na nakauwi ng bahay. Si Carmi sa UN LRT station na pala bumaba. So yun Mr. T! Pagkadating kong bahay super tulog ako. Nainis ako nung ginigising ako para mag-dinner. Shet! Pota! Anyways, I still feel bad for the truck. Sana karmahin ng bad yung nagnakaw nun! Tsk!
Anyways, update you soon Mr. T! Si Sherry pupunta na sa Redbox with us nina AK and Beck! Shucks parang reunion lang! Hahaha! Miss ko na ang mga babaeng toh! Wahhh… sige sige Mr. T! :D Nakakapagod ang nagdaang araw. Mentally, physically and emotionally. Nakipaginuman pa pala ako sa mga pinsan ko! Yikes! Pero masaya! Hahaha! Sarap sumama sa delivery. May libreng pasyal! Hehehe!
muhh (guest)
hmmm, ayusin mo smile mo't pilit pa rin. namimiss ko na blog mo. hahahaha.
jjcobwebb (guest)
baket busy busihan ka na ba?
jong

pero sana marecover pa. sayang din un noh?!
bonniefazzyoo (guest)

jjcobwebb (guest)