As promised, February 15 na! Bukas na ulit blog ko! Weee...

Belated Happy Valentine’s Day muna sa yo Mr. T! Mwahaha! Grabe, wala man akong date, kasama ko naman mga kamag-anak ko kahapon buong araw. Sisimulan natin ang kuwento sa Kabihasnan Fair ng LSGH. Ginising ako ni Mama dahil panonoorin daw namin yung pamangkin kong si Emo kasi may sayaw sila. Hindi ako nagising kasi ang aga! Pero around 10AM sumunod ako sa LSGH. Ayaw ko mastuck sa bahay at magmukmok. Wala rin naman akong date so sumama na lang ako sa pamilya ko. Wow fair nga! Unang unang tumambad sa kin si Troy Montero! Naku, anak ni Aubrey Miles kasama niya. Tapos deny deny pa si Aubrey Miles! Hahaha! Anyways yun…

021420092316 021420092320
021420092324 021420092318

Andun sina Mama, Erwin, Emo, Kobe, Ate, Kathleen, Page and yung classmate niya. And yung yaya pala ni Emo. Ayun, first time ko makapasok sa LSGH. Mas malaki ang XS! Pero pero, grabe, since hindi nga ko mahilig sa mga chinito, at gusto ko mga metiso, natuwa ako sa LSGH! Grabe, ang sarap mag-aral dun! Hahaha! Seriously, mas feel ko yung mga estudyante ng LSGH kesa sa XS. O di ba? Pero wala kong magagawa dun ako pinag-aral. Hahaha! Sabi ko nga kay Mama na sana dun na lang ako pinag-aral eh! Hahaha! So yun, sina Page and yung classmate niya tuwang tuwa! Puros lalake eh! Mga Assumptionistas kasi yung dalawa. Walang lalake sa school nila! Hahaha! Basta, bigla kong namiss maging GS and HS. Hays… at fair din pala ng XS last week. Shucks, next year bibisita nga ako sa XS pagfair.

Then yun, kumain kain kami. Fish and Co., pansit, Snow Cones, Cotton Candy at kung anu-ano pa. Hays, nakakatuwa Mr. T! Dami kong naalala bigla. Parang gusto ko bumalik back in time. Yung nagbabantay kami ng booth. Yung nahuhuli ng jail booth. Yung mga rides. Hays, nakakatuwa. Then yun, around afternoon, umalis na kami. Yung classmate ni Page and siya nagpaiwan and dinaanan na lang nung pumunta sina Ate and Erwin sa Shang. Pagkauwi, nakatulog muna kala ko kasi walang gagawin. Tapos ginising na naman ako ni Mama.

First death anniversary ni Tita pala kahapon Mr. T! Yep, babang luksa niya pala kahapon. Ayun, kaya pala ko ginising ni Mama dahil aalis kami at pupuntang Marikina with relatives. O di ba? Nawala sa utak ko talaga na Valentine’s Day kahapon. Buti na lang nagbusy busihan ako! Hahaha! So yun…

Una muna, dumaan kami sa sementeryo para dalawin puntod ni Tita Nita. Grabe Mr. T! Ang bilis ng taon. Isang taon na yun. Naalala ko dinadalaw pa namin si Tita sa hospital last year. Hayz, alam ko masaya na siya kung asan siya ngayon. Malaki utang na loob ng pamilya namin sa kanilang mag-asawa nung nabubuhay pa sila. Siyempre, ganun na lang kami magbigay respeto sa kanila. Then yun nga. Ginamit yung truck ng Planet para magkasya lahat ng sasama papuntang Marikina.

Kasama mga close kong pinsansi Din and Precious. Ayun, kaya hindi masyadong boring! Di ba? Then yun, unang una naming ginawa, nagdasal. Grabe, naglitanya kami ng mga Santo! Kami ni Din and Precious grabe, nainip. Hahaha! Seryoso, bigla kasing nagrosaryo tapos tinawag lahat ng Santo! Eh lahat ng pagkain nakahapag na! Musta naman di ba? Naduling kami kadadasal! Pero okay na rin yun, minsan lang naman kami tumawag sa lahat ng Santo! Hahaha! After magdasala ma simple presentation na hinanda sina Ate Katherine and Annabelle. So yun Mr. T! May video. Naiyak naman mga Tita ko and si Mama. Then yun, kainan na!

021420092325 021420092331
021420092336 021420092341
021420092339 021520092357

Maraming handa as in. Hindi kasya sa isang lamesa. Ang dami pang nakatago! Then kwentuhan. Tawanan. Then picturan. At kung anu ano pa. Then natuwa ako sa pusa nila sa bahay. Kaso grabe, puros balahibo. Katurn off! Hahaha! Then pumunta kami sa club house ng Rancho. Then nagswing swing dun. Naglaro. Monkey bars. Then sina George sumunod. Grabe, nakipaglaro ako sa mga bata! Napagod ako. Ibang energy nila. Imagine mga 5-8 years old sila. Pinagtutulungan ako. Shucks! Hahaha! Tinatalunan ako! Ano ko? Clown? Hahaha! Pero masaya. Then may mga sumunod, sina Donna rin sumunod. Yung iba nauna na sumabay kina Donna. Then around 11PM umalis na kami. At si Katrina sabi gumimick raw kami at siya bahala. So yun sabi okay lang. Si Mama payag naman since kamag-anak mga kasama. Then yun, sa Antipolo pa si Katrina at nagbihis at text ng text. Sa bahay nina Lola tumuloy muna sina Precious and Brian. Ayun, pinahiram ko muna ng pants si Brian para makasama. Then around 1AM dumerecho kaming Guilly’s Island.

Grabe, ang haba ng pila. Mga ilang minutes kaming naghintay para kay Katrina! Hahaha! At pagkadating, kita ang cleavage! Hahaha! Then sa haba ng pila na yun, nakapasok kami agad! Hahaha! Yun isang pinsan namin na si Sarah, andun din. Manager na dun! At nung nakita ko, party outfit din! Kita rin cleavage! Ibang kalevelan rin pala mga pinsan ko pag hindi kaharap mga nanay nila. Sabi nila walang sumbungan. Sabi ko kebs! Hahaha! Then yun, ang saya na! At nalasing daw ako. At ayon sa kuwento ng mga pinsan ko, I did the following:

  • Inubos ko yung mga beer sa bucket. Pati mga beer nila ininom ko!
  • Nung pina-inom nila ko ng hot sauce, inubos ko raw!
  • Nakipag-sayaw ako kung kani-kaninong babae!
  • Kinikiss ko raw mga pinsan ko!
  • Pati yung lalaki naming pinsan hinalikan ko rin!
  • Sinasampal ko na raw sila. Hahaha!
  • Ang kulit kulit ko raw
  • CR daw ako ng CR!
  • Ilang bote raw nabasag ko!

Ayun, hahaha! Ang comedy! Siguro totoo nga. Kasi pagkakita ko sa sapatos ko may hot sauce nga! Ano ba yun! Hahaha! Pagkagising ko nasa bahay ako ni Lola. Around 10AM yun. Then umuwi ako and tinuloy ang aking tulog sa bahay. Nagising ng 5PM and ngayon, kauuwi ko lang dahil sale sa SM Centerpoint. Namili mili. Hayz Mr. T! At kung nakipagsayaw man yung mga babae sa kin, for sure sila nauna! Hahaha! Sige sige, ayun mga nangyari kahapon. Update you soon Mr. T! :-) At ang dami kong pimples lately… :-(

Currently listening to: Listen To Your Heart by Roxette
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on February 15, 2009 at 10:12 PM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | 14 comment(s)
Comment posted on February 16th, 2009 at 10:35 PM
belated v-day. nalashing ka ng bongga ah hehe pero saya ka naman tama sila kulang sa lovelife,sana makita mo na rin sya hehe : P

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 17th, 2009 at 01:35 AM
naku. sana. nafefeel ko malapit na! haha! wish!
Comment posted on February 16th, 2009 at 11:54 AM
anong nangyare bket nagsara ang blog??

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 17th, 2009 at 01:36 AM
wala naman. nagpapamiss. hahaha! at gusto ko post vday ako mag open para walang bitterness pre vday. haha!

GHV2 (guest)

Comment posted on February 16th, 2009 at 09:10 AM
At ayaw mo pala ng chinito ha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 16th, 2009 at 09:21 AM
nasawa ata ako nung HS. Hahaha!
Comment posted on February 16th, 2009 at 07:57 AM
ako din di ko alam na may paalaman palang nangyari dito sa blog ko, kaya nagtaka ako bakit naka-private ang profile mo.

buti naman girl nag-enjoy ka nung v-day. see? kahit walang lovelife, mas happy ka pa sa may lovelife! masaya maging single at pinag-aagawan ng mga boys, ikaw yun! :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 16th, 2009 at 09:21 AM
masaya pero alam mo na. sana talaga next vday may kadate na ko! hahaha!
Comment posted on February 16th, 2009 at 03:22 PM
wag mo i-pressure si cupid! ahahahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 17th, 2009 at 01:36 AM
oo naman. i'm letting him be. :D
Comment posted on February 16th, 2009 at 01:52 AM
So meron palang announcement na feb 15 ka babalik..bkt parang d ko nabasa yun? hahaha

anyways, belated happy valentine's!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 16th, 2009 at 09:20 AM
belated Happy Vday din! :D

Tom (guest)

Comment posted on February 16th, 2009 at 01:30 AM
Buti naman up na uli si Subtlebliss. Kaninong pusa ang nasa pic? Gusto ko nun! Haha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 16th, 2009 at 09:20 AM
Sa pinsan ko yung pusa. Ang cute nga eh. Kaso yung balahibo katurn off talaga! Sanay ata ako sa aso namin na hindi naglalagas! Haha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.