Si Bella
Si Bella ay nakakatawa. PT siya sa Grepalife. Tumatambay siya sa pharmacy pag wala siyang ginagawa. Nilalandi niya ko parati. Baka raw maging lalake pa ko. Nakakatuwa siya. Naiinis daw siya baket may nagpapadala sa kin ng bulaklak at cake tapos sa kanya wala. Dapat daw magpakalalake ako para kami na lang. Ano siya hilo? Hahahaha! Pero super funny siya Mr. T!
Anyways, nakipagmeeting ako kahapon with Erwin dun sa gagawa ng bagong system para sa OsMak. Grabe, wala naman akong ginawa dun tumungo tungo lang. At Oo at Hindi lang sinabi ko. Hahaha! Then ayun, pinakain ko mga tao ng cake na binigay sa kin. Ibang klase na raw talaga ako, may flowers na may cake pa! Aba, hindi naman ako nanghingi ah! Binigay! Hahaha!
Then pagkauwi pinapila ni Mama sa lottohan para tumaya sa Lotto. 170M na kasi ang mapapanalunan! Grabe na ito! Hahaha! Sige sige update you soon Mr. T! Wala naman masyadong nangyari ngayon eh. Mwah!Hayz...