Unang Bisita Ni Jeffrey For 2009
Hello Mr. T! Kasisimula pa lang ng linggo and eto na naman ako. Wah! Baket hindi ako napapagod? Tao ba ko? Anyways, eto na ang kwento ko. Sisimulan ko sa pagsabing andito sa Pilipinas si Jeffrey. At good luck naman, sa Thursday agad babalik ng Taiwan! Hays…
So yun, nagbantay ako ng drugstore sa RCBC til 2PM. Lunch sa Binalot then tumambling papuntang school dahil andun si Tin, Aubs and Matty. And siyempre, andun din si Jeffrey, kaso sa CSB siya. So yun, mineet sa library sina Tin and Aubs. Kwentuhan. At for the first time in my DLSU life, kinatok kami ng kabilang room. Tawanan kasi kami ng tawanan sa 4th floor ng lib. So lumipat kaming 3rd floor. And may special entry ako about dun sa langaw sa library sa susunod. Ayun, andun din si Matty. Nagpaphotocopy. Then tumambay kami sa Amphi. Kwentuhan. About life. Future at grabe, nakakalungkot. Wala lang. Suddenly we were talking like adults. And alam mong ayoko ng ganun. Gusto ko laging masaya. Hahaha! Pero ganun talaga ang buhay. Alangan namang patigilin namin ang oras di ba Mr. T! Kinuha rin pala nina Aubs and Tin TOR nila. And yun, hinintay si Jeffrey sa CSB matapos and then umalis na rin kami ng DLSU. Pa-Makati sina Tin and Matty. Si Aubs naman pa Pedro Gil. Then nung nasa South Gate na kami, nakita ko na si Jeffrey sa malayo, ang payat as usua. So nagcab kaming 4. Tin, Matty, Jeff and Ako. Then bumaba si Tin sa Makati Ave. Si Matty sa may Glorietta 3, kami ni Jeffrey sa Glorietta 5.
Siyempre namiss namin ang isa’t isa ni Jeffrey. Hahaha! So kaming 2 muna nagbonding. Hahaha! Gusto muna magsnack ni Jeffrey so nauwi kami sa Jollibee. Jollyhotdog kinain namin! Weee… then nakakaloka may tumawag ng “Miss” kay Jeffrey. Sobrang natawa ko. Hahaha! Then yun, after magJollibee, nagpasama muna ko kay Jeffrey sa Park Square maghanap ng firewire para sa videocam namin. At grabe, hirap hanapin. Lahat kasi yung presyo nagrarange sa 400php+. Awa ng Diyos, yung huling store na napuntahan namin, 185php lang yung firewire. Ayun, eh di may dukot akong 200php! Hahaha! Then yun, ano pa bang pwede gawin sa Makati di ba Mr. T!? So, dating gawi! Videoke sa Timezone Greenbelt 3!!! Hahahaha!
Una sa maliit na room kami napunta na kita lahat ng tao. Grabe ayoko dun. Buti umalis na yung mga tao dun sa malaking room and lumipat na kami ni Jeffrey dun. Matagal bago dumating sina Shyla and Rhitz sa Makati. Nakakailang oras na kami ni Jeffrey sa Timezone, wala pa rin yung 2. Pero around 7pm plus, si Shyla naunang dumating.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Si Shyla eh yung friend ni Jeffrey sa Taiwan na bumalik na sa Pilipinas. Nakilala ko si Shyla last year Mr. T! Ayun, sabi ng mga tao sa Facebook magkapatid daw kami ni Shyla dahil hawig kami. Basa sa eye-glasses lang. Anyways, ayun, tumaba raw ako sabi Shyla. And yun, nagsing-along na rin si babae. Ang saya Mr. T! Kasi game na game rin si Shyla sa kahit ano. Galing work pala siya sa ad company. At namigay ng calling cards! Hahaha! Then si Rhitz dumating na rin. And si Barry, pinipilit pa rin naming humabol. Galing party si Barry and hindi sure kung makakahabol dahil family party yun. So yun, naghanap kami ng makakainan after magvideoke.
Sa New Bombay kami kumain. First time namin kumain dito. And ang sarap ng pagkain nila Mr. T! Exquisite talaga! Indian food siyempre. Then puros curry yung food. And ang sarap din nung mga sawsawan nila. So kain kami ng kain and tawa kami ng tawa. Puros Indian din mga kumakain. Pero ayon ng kay Shyla “Okay ng amoy chili powder huwag lang amoy kili-kili”. Hahaha! Then simot na simot mga kinain namin. Mr. T! Then dumating si Barry. O di ba nakahabol? Nagsuper drive ata galing Cubao! Hahaha!
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Then ayun, after eating. Si Jeffrey may hinihintay pa palang friend. Si Helen. Atenista and lola mo. So, pinuntahan namin si Helen sa MRT Ayala Station and then naghanap ng place to eat dessert. Medyo sara na ang lahat ng kainan nun Mr. T! So sa McCafe kami bumagsak. Ayaw ni Ritz sa Starbucks eh. So nilakad namin til McDo GB1. Hahaha! Para malapit daw sa parking ng GB5 and GB3. So yun, friend na nakilala rin ni Jeff si Helen sa Taiwan. Then yun, sa labas kami ng McDo nagkwentuhan ng bonggang bongga na parang walang bukas. Libre pala lahat ni Barry yung dessert. Hahaha!
Then yun, super tawanan, kuwentuhan, gaguhan. Chismisan at kung anu-ano pa Mr. T! Ang saya kagabi tapos medyo malamig pa. Since may curfew yung dalawa, si Shyla and Jeff, around 12AM naisip na namin maghiwa-hiwalay. Ang bait din ni Rhitz, kahit taga Pasay siya, hinatid niya til may malapit sa UST si Helen dahil dun siya nakatira. Tapos kaming 3, Shyla ako and Jeff, sumabay kay Barry. Sa may GB3 nagpark si Ritz and sa may GB5 nagpark si Barry. Then yun, Mr. T! Nakalimutan ko pa yung binili kong firewire sa McCafe. So binalikan namin nung nakasakay na kami sa kotse. Siyempre hindi na namin nilakad, nagkotse na kami. Awa ng Diyos andun pa!
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Then nauna si Jeffrey. Sa Alabang. Tambling talaga ang layo Mr. T! Hahaha! Tapos nakiihi muna kina Jeffrey. At si brother andun! Nakasando! Hahaha! Nagtinginan kami ni Barry. Hahaha! Then yun, si Shyla naman ang sunod, binaba namin sa Valle Verde 4. At si Barry nagpagas sa malapit na Shell sa min. Then yun Mr. T! Around 2AM na kong nasa bahay. And take note, tumawag nanay ko sa kin last night para hanapin ako! Aw! Nag-aalala pa rin pala si Mama sa kin! Hahaha! Sige sige Mr. T! Update you soon. Okay? :-) Ay si Shyla babaeng bakla Mr. T! Grabe! Tulad nito!
“Ay alam niyo ba na pagmalaki raw ilong ng lalake ibig sabihin malakit ti*e niya!! Hahaha!”
“Hahaha! Nice information ha! Totoo ba yan?”
“Tignan mo ilong mo Jacob ang laki! Hahaha!”
“Puta ka! Hahaha!”
Ang funny ni Shyla Mr. T! Aliw na aliw ako sa kanya. Parang super bonding kami kahapon dahil parang naging pair pair kami nung naglalakad. Si Jeff and Helen. Barry and Ritz and ako with Shyla. Saya! O di ba? Sige papasok pa kong school!
P.S Hindi ko alam sino pupuntahan ko mamaya. Luis sa Redbox or Status Single Movie with Ritz, Barry and others? Wala kong pera eh! Huhuhuhu!