Hello Mr. T! Curacha is back. Shucks si Nanay Jong tinawag kasi ako niyan eh. Parang nagiging totoo tuloy. Hahaha! Pero aylavet! Hahaha! Dapat magbabantay ako ng drugstore ngayon pero dumating yung empleyado so I didn’t have to man the store.

Anyways, sobrang dami ng nangyari kahapon Mr. T! As in, 12PM pa lang, hataw na ang aking schedule. Wala sa plano lahat ng nangyari kahapon Mr. T! Akala ko masasantabi ko ibang commitments ko. Hahaha! Commitments talaga eh noh? Artista? Hahaha! Anyways, the day started sa bus. May nakatabi akong pogi. Lumipat siya sa tabi ko ang dikit siya ng dikit. Feeling ko gay yun. Sarap kausapin kaso nakakahiya. Hahaha! So walang nangyari, di ko rin nakausap. Sa Galleria bababa eh. Amp!

Birthday nina Sheila, Jonas and Angelo

Around 1PM nasa Greenhills na ko Mr. T! Ang aga ko di ba? Kala ko kasi 2PM magkikita. Tapos 3PM sila nakarating sa Greenhills. So habang naghihintay kina Sheila, nag-ikot ikot muna ko and pumunta ko sa Nokia Care Center para magtanong tanong ng kung anu ano dun sa babae sa receiving area. Hahaha! Sobrang tagal ng daldalan namin nung babae. Mga 30 minutes kaming nag-uusap and ang dami ng nakapila. Pero marami akong tanong eh, bahala yung mga nakapila. Sa ibang counter na lang sila. Hahaha! Then yun, saktong 3PM, hindi pa ko makipadaldalan dun sa babae sa counter, tumawag si Sheila. Hahaha! Natawa yung babae sa counter nung sinabi ko kay Sheila na naglalakad na ko papuntang Promenade pero nakaupo pa rin ako dun sa Nokia Care Center. Hahaha! Then yun, after makipagusap sa babae ng 5 minutes more, tumakbo ko papuntang Promenade Mr. T! Grabe, pawis na pawis ako. Sabi kasi ni Sheila ako na lang hinihintay. And yes, ako na nga lang hinihintay! Waaahhh…

Parang buong IT and CSE ng CCS Catch 2T8 andun. Pero siyempre exaggerated ako. Hahaha! Pero ang dami palang inivited sa triple celebration nina Sheila, Jonas and Angelo. Parang buong block nila eh pati buong CSE. Masaya naman mga CCS people kahit mga programmer sila. Hahaha! Pero buti naman friendly friends ako sa mga CCS people. It was fun.

Ang bilis ng panahon grabe, dati mga nag-aaral lang sila lahat. Ngayon grabe, nasa IT industry na sila. Halos lahat nagtatrabaho sa HP, Asus, Trend, IBM, Canon, O&B etc. Grabe, gusto ko tumambling. Ayoko sa ganun magtrabaho Mr. T! Hahaha! Nakakatakot maging IT ngayon Mr. T! Tignan mo nangyari sa Intel. Shucks. Basta, ayoko magIT. So yun, nanood kami ng Yes Man. Grabe ang dami namin parang field trip lang. Pero masaya. Nagkagulo sa pagbilang pero umayos naman dahil nakapasok na ang lahat.

DSC00944 image
DSC00951 DSC00950
DSC00954 image

After watching Yes Man, sabi nina Sheila, ilead ko raw ang buong bayan sa Family World KTV. So yun, nag Family World KTV kami. May second floor pala ang KTV na yun ha! Ngayon lang ako nakapasok! Then yun, siyempre lahat ayaw kumanta. So nauna ko, ice breaker. Hahaha! Then yun, lahat nagkantahan na. Tapos ayaw magsi-order. Sabi ko consumable yung 2K na babayaran namin! So ako umorder ng kung anu-ano. Aba, nung nilapag na mga inorder, ang bibilig naubos! Hahaha! Grabe Mr. T! Haha! Pero masaya. Tapos biglang nagmisscall si Jeffrey habang nasa videoke ako. Nafeel ko nasa Pilipinas na ang aking mahal na kaibigan. So yun, around 7PM kami natapos sa KTV Mr. T! Then sumunod naman, dinner na. May mga nauna ng umalis Mr. T! May mga dumagdag din nung kainan na. It’s nice to see those people you haven’t seen for a long time kagabi. Si Mark Quito nakita ko kagabi. Andun. Naaliw naman ako. Haha! Mabait yung kulot na yun sa kin eh. At hindi na siya afro sayang. Kalbo na siya. Then yun Mr. T! sa Gerry’s Grill magdidinner. Kailangan ko umalis agad Mr. T!  Magkikita kita mga ADB people and friends. So tumambling ako papuntang MOA kasi 7PM ang start nun. So medyo kumain muna ko sa Gerry’s and then tumambling na papuntang MOA.

ADB Friends sa MOA

Past 8PM na ko narating ng MOA. Nasa Cabalen ang mga ADB peepz. Buti na lang kumain na ko sa Greenhills. So tipid, hindi na ko kumain sa Cabalen. Ayon nga kay Tom, buong Philippines andun. Masaya kasi nakita ko na naman mga peepz ng ADB Mr. T! May mga dumagdag. Hindi ko kilala yung ibang dumagdag pero masaya naman Mr. T! Usap usap.Kain kain. Tawa ko ng tawa kay Ellis Mr. T! Grabe. Sumakit tiyan ko. Patawa kasi ng patawa. Pero sobrang saya talaga.

image image
image image
image image

Si Peter panalo! May flowers galing sa jowa niya! Hahaha! Medyo hindi ko kinaya yun flowers. Pero nakakatuwa wala lang. May history kasi kami ni Pete long long ago back in 2005. Masaya kong masaya siya. Hahaha! And good for him. Then yun, tumayo kami at eto mga usapan. Si Ellis kahit kelan ang sakit sa tiyan! Hahaha!

“O san na tayo?”

“Bedspace na tayo tutuloy”

“Ano? Let’s Face It tayo pupunta?”

“Gaga! Ano ka ba! Bed Space! Anong Let’s Face It?  Hahaha!”

Tawa ko ng tawa Mr. T! Ang funny talaga ni Ellis. Pero hindi pala Bed Space name nung Bar, kung hindi Bed Scene. Then dun kami tumungo. Straight bar ang Bed Scene. Iniisip namin baka isa lang may-ari ng Bed and Bed Space and Bed Scene kasi same font yung BED eh. Sa tingin mo Mr. T!?  Then dun nag-inuman ang sangkabaklaan Mr. T! Ang saya saya. Ginawa namng gay bar yung Bed Scene. Siguro tumambling yung mga straight na tao sa loob! Hahaha! Fun fun fun. Tapos si Ellis hinulaan ako. Marunong pala manghula si Ellis Mr. T! OMG di ba? Kaso kaya niya lang makita every quarter ng year. So hinulaan niya ko hanggang sa nakikita niya. Meaning til March lang. Natawa ko sa mga sinabi niya kasi tugma. Hahaha! It was fun and creepy at the same time. Around 12AM I had to leave na Mr. T! Kasi for the longest time, siguro since nagsimula ang taon, umaga na ko umuuwi. Ayoko mabad shot sa nanay ko. So nagbabay na ko sa mga ADB peepz and then dumerecho na sa bahay namin. Buti hindi ako nalasing! Hahaha! Dahil biglang nagtext ang Steve. Malungkot daw siya. Gusto niya ng kausap. At sagot niya lahat. Wow sagot lahat pala lahat ha! So? Tumakas ako.Na nakapambahay lang, nagpants ulit at tumambling papuntang Makati…

Makati, The Fort, Malate, Spiral with Steve

Nagkita kami ng panget na si Steve sa may Wendy’s Makati Ave. Binayaran niya cab ko. Hahaha! Then yun, malungkot lolo mo. Nag-away daw sila ni Patrick. Yung boylet niya ngayon. So ako, a friend in need ang drama. Gusto raw magbar ni Steve. So ako sabi ko sige basta sagot niya. Hahaha! May tickets si Steve sa Government. For free. Pero sabi ko pwede rin kami makapasok for free dahil you know. Pero ayaw niya ng Government. Sabi ko okay. Hirap daw magkalat sa sariling city. So sabi ko sige. Anything goes ako. Pero tumalon talon muna kami ng mga bars dahil guest-list siya sa kung sang sang susyal na bar sa Makati. Kailangan niya raw pumirma sa mga attendee list para maguguest list pa raw siya paulit-ulit. So okay, tumambling tambling kami sa mga bar sa Makati. Then sa Embassy nagpirma din siya. Party person shet. Napagod ako dun Mr. T! Nakakahiya pa nung hinihintay ko siya sa mga labas ng bar kasi mukha talaga kong basura and lahat ng tao nakaayos. Ako nakatsinelas.

“Grabe, Steve nakakahiya toh! Tignan mo naman itsura ko!”

“Dude, alam mo namang it’s a Saturday night and you’re dressed up like that! Haha!”

“Wow! Kala ko mag-uusap lang kasi tayo! Di ko naman alam pupunta ka sa sushalan!”

“Okay lang yan. You look fine naman. Manong driver!”

“Tang ina ka! Hahaha!”

Then yun Mr. T! After niya pumirma sa mga guest lists kung san san, sabi niya magMalate kami. So ako sige. Bahala siya. Libre naman. Hahaha! Then yun Mr. T! Nakatulog ako sa kotse sa super antok. Hahaha! Then pagkagising ko Malate na kami. Then gusto ata manlalaki ni Steve. Ayaw niya sa Bed. Ayaw niya sa Obar. Chelu daw. Never pa siya nakapasok dun. So hinila niya ko papasok. Grabe panget nung crowd susme. Hahaha! Lumabas ako wala pang 5 minutes. Hinintay ko lolo niyo sa labas. Nakipagkwentuhan ako sa mga baklang nakita kong kilala ko sa kalsada. For the third week in a row this January, napakavisible ko sa Malate. And hindi ko gusto mga nangyayari Mr. T! Lalayo muna ko sa lugar na yun. Then tinext na ko ni Steve na umuwi na kami. Around 4AM na yun Mr. T! Then sabi ko go go go lang. At grabe, limang taon na kami magkakilala ng panget na Steve na toh, hindi pa rin daw siya gay. Okay. Fine. Whatever. Hahaha!

Nakacheck in lolo niyo sa Sofitel. Trip niya lang. Nagaaksaya yata siya ng pera. May condo naman siya. Sabi niya samahan ko siya matulog. Disclaimer: Wala pong nangyari sa min. Okay? Wala. Wala. Wala. Dalawa yung kama dun sa room and magkahiwalay kaming kama natulog. Then around 7AM, nagbreakfast kami sa hotel. O di ba susyal? Ayun lang talaga hinintay ko Mr. T! Yung breakfast. Hahaha! Then hinatid na niya ko sa LRT station and ako umuwi na. Natulog pagkauwi and hindi sumama sa Galleria with Family.

So yun ang update ngayon Mr. T! Update you soon okay? Good night and Gong Xi Fa Cai! Happy Chinese New Year 2009 :-) And masaya ko dahil si Jeffrey andito sa Pilipinas. Surprise daw dapat pero salamat kay Shyla at sa Facebook, nabuko ang planong surprise ng aking mahal na friend! Hahaha! For sure! Labas to the next level na naman toh! Weeee… excite na ko :-) Update you soon Mr. T! :-)

Currently listening to: I'm Yours by Jason Mraz
Currently reading: Ritz and Barry's YM Windows
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on January 25, 2009 at 11:14 PM in Everyday Drama, Gayness, Malling, Food and Dining | 6 comment(s)

Aubrey (guest)

Comment posted on January 27th, 2009 at 10:33 PM
muahahaha -- para sa ibang detalye ng post na to :D

muhh (guest)

Comment posted on January 27th, 2009 at 05:36 PM
wag ka mag-alala, 'di masyadong pang-cs/it ang intel. pang-ece iyon.

wapak.

Tom (guest)

Comment posted on January 26th, 2009 at 07:42 PM
Yes, iisa may ari ng bed space and bed scene, although di ko alam about bed.
Kaya ko nalaman kasi ang isang waiter nila dun alam ko sa bed space sa gb3 nagwowork. Kaya nagulat ako na nandun sya sa moa haha

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 26th, 2009 at 11:47 PM
ahhh... okay rin ang business na bar ha. tayo ka kaya ng gaybar sa south? hahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on January 26th, 2009 at 02:00 AM
hay, ang saya naman...

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 26th, 2009 at 09:25 AM
thanks sa pagbisita bluekyogre

yep yep. masaya nga ^_^

bisita ka ulit sa blog ko