DHL
Grabe Mr. T! Daming nangyari na naman kahapon. Napapagod na ko sa buhay ko sa totoo lang. Baket ang kaladkarin ko? Haha! Pero aylavet. Really, kung anu ano nangyari kahapon, pero masaya naman ako kasi mababaw ako Anyways, eto na kwento na...
JAPALA2 quiz 2. Grabe wala akong alam. Di ako nakapagreview. Hahaha! Si Luis text pa ng text na agahan ko raw pumunta sa school dahil wala siyang kasama. Eh ako super antok and bagal kumilos so hindi kami nagkita before class. After nung quiz, kasama sin Gian, Cartsy, Pat and Beck, ginamit nila akong medium para sa thesis nila. Hindi ata sila makahanap ng taong magkakasya yung dinala nilang damit. Ang liit liit naman kasi at pambabae. Sure sila magkakasya sa kin yun. So ako inapproach nila para sa thesis nila. Basta color black damit ko tapos lalakad sa white floor and background. May ganun ganun pa talaga sa CSE! Haha! Then yun, super jinabar ako Mr. T! Tawa sila ng tawa. Ako rin grabe. Ang init kahapon. Then after nun, si Barry and sina Tin nagtetext na asan ako. May lakad kami ni Barry talaga. Sina Tin naman nadaan para bumisita galing silang NBI. O di ba magtatrabaho na sila. Then yun, kina Tin muna ko pumunta sa S. Conserve...
Andun sina Deck, Tin, Carmz, Aubs and Angelica. Ayun, super tawanan kami. Nererelive ng mga college memories. Potek sadness talaga Mr. T! Pero tawa kami ng tawa pa rin. Basta ang saya Mr. T! Bigla akong nalungkot sa kinwento ni Tin:
"Huy, tumawag sa kin yung HP"
"Talaga ano sabi?"
"Ngayon ko lang narealize na nakakahiya pala pag may bagsak..."
Kumusta naman Mr. T! Di ba? Si Tin 3 lang bagsak! Ako lampas lampas 5! CGPA ko pa kumusta naman. Ayoko muna isipin dahil baka malungkot lang ako. Saka na yun di ba? One step at a time. Dadating ako dun, saka na ko hahanap ng paraan pag andun na ko mismo. Hays...
Then after tumambay sa Conserve, pinuntahan ko na si Barry sa CSB. Pero dumaan muna ko sa isawan. Hahaha! Then punta na ko CSB. Nagmerienda muna ko sa canteen ng CSB. Hahaha! Then off to Bicutan para hanapin ang mahiwagan DHL.
Mr. T!, nawala kami. Grabe, ewan ko ba. Napunta kami sa Airport, McKinley Hill, sa The Fort, ano ba yan! Lower Bicutan, Upper Bicutan, C5! Wow talaga. Sabi ko kay Barry kasi derecho lang eh. Tinawagan pa namin si Ritz! As in parang nasa puros squatter's area na kami ng Taguig. Tapos may nangyari pang kinabahan kami ni Barry pero natawa afterwards. Ayun, super tanong kami sa mga tao. Awa ng Diyos, nakita na namin ang SM Bicutan!!!
First time ko dun sa mall na yun. Tapos may DHL dun, nagtanong si Barry. Hindi rin nila alam. Good luck. So ako nagfit na lang ng mga damit. Hahaha! Sunset na nun Mr. T! Pinagisipan namin ni Barry kung itutuloy pa paghahanap dun. Hinanap namin. Narating namin yung area dun sa nakalagay sa address na binigay kay Barry, walang DHL. Tumawag si Sabs, nagiinvite magdinner. So nagATC na lang kami ni Barry...
Natatawa ko kasi naalala namin si Jeffrey pag ATC ang nababanggit. Haha! Anyways, yun, si Sabs pala nasa Hershey's na nagtatrabaho. May dala siyang chocolates for us. Hahaha! Then kumain kami sa isang Steak House na nakalimutan ko yung name. Then ayun, gabi na eh. So umuwi na kami while hoping madadaanan namin ni Barry ang DHL. Wala. Binaba rin pala namin si Sabs dahil taga Paranaque lang siya.
Pagkauwi, hinila na naman ako ng nanay ko sa patay. Yep, patay pinsan nilang si Uncle Ben. Sa Novaliches. Minsan gusto ko maniwala sa pamahiin. Kasi naalala mo yung sinabi kong panget ang panaginip ko lately? Nabunutan kasi ako ng ngipin sa dream ko. Di ba sabi pag ganun may mamatay na kamag-anak? So, si Uncle Ben yun. Freaky. So pumunta kami. Ayun, kwentuhan with long time no see relatives. Then ako siyempre sa pagkain ang attention. Amp! Haha! Then yun, kumain sa Lugaw Republic after then uwi. Sobrang late na kami nakauwi Mr. T! Anyways, update you soon okay? Mwah! Ang dami kong naiisip na gusto ilabas dito sa blog ko kaso ayoko mabasa sila ng ibang tao. Update you soon Mr. T! :-)
Aubrey (guest)