Back Mr. T! Ayun, eto ang aking masayang update about what happened with Nanay Jong and her daughters, Jamie and Chu. Weee, excited na ko magkwento…

Wala akong tulog nung Friday and Saturday and came Sunday wala pa rin. As in super zombie mode na ko. Ang lutang lutang na ng utak ko. Hindi ako pwede matulog nung Sunday morning dahil maaga akong pinapunta ni Sheila sa kanila. So yun, breakfast, then lunch then tumuloy na ko kina Sheila para bayaran ang limpak na salapi na kailangan niya. Sobrang traffic, fiesta pala ng Sto. Nino kahapon and traffic talaga.

Magkikita dapat kami nina Nanay Jong and daughters with Allan ng 3PM. Pero since sobrang traffic sa place ni Sheila, nagtext ako na 4PM ako makakarating. Then yun. LRT then MRT ako papuntang Makati since duna ng meet up place.

I’ve met a handful of people from the internet but yesterday was really different Mr. T! It was a mom with her daughters. Beautiful daughters. Pero before mag3PM, nagtext si Allan na hindi na raw siya makakapunta. Aba good luck. Sorry nabadtrip ako since ilang hours na lang bago magkita nagcancel pa siya. And ayoko ng ganun. Ayoko ng nagcacancel an hour before something. Makitid utak ko. Any excuse won’t matter unless may namatay. Sorry. Ganun talaga ugali ko. Anyways ayun. Sobrang sikip ng LRT at MRT at good luck talaga. Sabog na ko lalo pa kong sumabog. Amp! Then ayun…

Big Buddha

Sa Big Buddha kumakain sina Chu, Jamie and Nanay Jong. OMG lang talaga Mr. T! Ang daming inorder ni Nanay Jong! Haha! Pero bago yun, super kaway na si Nanay nung nasa labas pa lang ako ng resto. Hahaha! Then yun beso beso with every-all. Dun pa lang ang saya ko na. Nahiya naman ako dahil ang aayos ng mga bruha! Hahaha! As in. Ako super sabog. Or magaganda lang talaga sila? Haha!
Then yun, pinaubos nila sa kin yung inorder nila. As in Mr. T! Ang dami. Sana napicturan ko eh. Sadly, may nagtrigger ng allery ko sa mga pagkain. Yung noodles ata. Then yun, pero naubos ko yung pagkain, except dun sa noodles. Haha! Then yun, kwentuhan kami, inaasar namin si Chu. Si Jamie nagkwento rin about sa mga peepz sa HSBC and then after kumain, naghananda na ang lahat para sa Pagvivideoke! Hahaha! Saya saya! Naman! Tapos nakita ko sa pics yung ex ni Chu! Wow pogi! Pinipilahan din pala si Chu ng mga lalake si Chu noh? Hahaha! Haba ng hair! Tapos parang si Chu lang topic namin grabe. Pati future school ni Chu pinaguusapan namin. Hahaha! Basta, masaya, pero nangati ako sa noodles talaga so I had to order a soda para macounter react. Then yun, off to Red Box Mr. T!

image image
image image

Red Box

Ayun, ang lamig ng room na nakuha namin Mr. T! Pinatay ko ang air-con. Ewan ko kung napansin nila pero pinatay ko ang air-con. Super barado ng ilong ko kahapon. Barado, meaning di ako masyadong makakanta ng bongga. Pero dahil nga sabi ko wala si Allan, idodoble ko effort para masaya and buhay ang aming pagkikita ni Nanay Jong. Then yun, I started the videoke session. And then yun, kumanta na ang lahat. Then nalunod kami sa iced tea Mr. T! grabe ano ba yun! Hahaha! Then si Chu rin aba! Diva diva-han and si Jamie! Hahaha! Diva diva-han na ang lahat. Super saya! Go go go! Then nagduduet kami ni Jamie. Tinutupad ko raw mga pangarap niyang kantahin. Hahaha! Sobrang aliw. Sobrang tinry ko talaga best ko to sound good and make Nanay and her daughters happy para talaga happiness ng bongga ang lahat. And sana nasiyahan naman sila sa kin. I had fun them with them kung alam lang nila Mr. T! Then na-extend pa kami dahil may mga pinakanta pa si Jamie and si Chu rin super kanta. Si Nanay kumanta rin kaso rockstar daw siya eh. Mga kanta niya iba sa min ni Jamie Hahaha! Then yun, sabi ni Jamie pa pagkinasal siya sabi niya ako raw kakanta. Sabi ko why not. Tapos si Chu, ewan ko ba, ang eemote ng kinakanta. Niloloko nga namin siya eh. Parang feel na feel at may pinaghuhugutan ng feelings! Hahaha! Ang saya sobra Mr. T! Past 5PM kami pumasok ng Red Box and past 8PM na rin kami nakaalis. At Dancing Queen huli naming kinanta. Then yun. Matakaw family rin ang mga kasama ko! Aba, hindi pa sila kuntento sa kinain namin sa Big Buddha. Tinanong ni Jamie favorite food ko sabi ko JAPANESE. Then sabi niya Terriyaki Boy daw. Aba, nahiya ako pero sabi niya wag tumanggi sa grasya so ako, inabuso ko na! Hahaha! At winner pala ang Won't Go Home Without You ni Nanay Jong! Hahaha!

image image
image image

Terriyaki Boy

We had a very nice conversation nung nakaupo na kami sa Terriyaki Boy. We exchanged stories. Family stories. Love stories. Kung anu anong stories. And I felt good dahil kinukwento nila sa kin mga ganung kwento. Ang sarap ng feeling Mr. T! Nakakataba ng puso. Then yun, kain. Si Jamie umorder pa ng dalawang Sashimi, ako naman super kain lang. Nawala na rin hiya ko. Hahaha! Basta ang dami naming napagkwentuhan nung kumakain sa Terriyaki Boy. We had T-Boy Chicken then si Chu yung tempura. Good luck hipon! Amp! Hahaha! Then yun super tea ako nung nasa TBoy dahil energy ko drained na ng vocal chords ko. Hahaha! Then yun Mr. T! Almost 10PM kami ng maghiwa-hiwalay and siyempre hinug ko silang lahat. May bago akong mga kapamilya! O di ba? Nakakatuwa Mr. T! Ang saya Mr. T! One of the best people I’ve met through the internet, I met them last Sunday. Sana talaga napasaya ko sila. Kasi sobrang saya ko talaga kaluka. Nakasmile ako sa cab the whole time na pauwi ako. At sadness nubos baterya nung cam nung nasa Teriyakki Boy na kami. Sayang…

Then yun, pagkauwi ko, umattend ako sa despedida ng pinsan ko. So that’s a total of 69 hours of being awake and 3 hours of me sleeping. Hahaha!

Anyways yun Mr. T! Masaya ko dahil nakilala ko mga bruhang toh: Nanay Jong, Jamie and Chu. Sobrang nakakatuwa sila. I feel so wonderful nung Sunday. Kasi I didn’t have to pretend I am somebody else nung nagkita kami. Kung ano ako yun pinakita ko sa kanila and I think tanggap nila ko. And they were happy with what they saw (I hope). Ayoko mag-assume muna. Hahaha! Basta ako, masaya. I found a new family! Weeee… and salamat. Sobrang salamat Nanay Jong, Jamie and Chu. At alam ko ka na baket di nagssmile sa pics si Chu! Hahaha! ;P Peace tayo Chu! Haha! I love you Nanay Jong, Jamie and Chu! Mwah!

Next update, Wek’s birthday…

Currently listening to: Derick's YM Window
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on January 19, 2009 at 10:36 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | 8 comment(s)
Comment posted on January 20th, 2009 at 04:22 PM
thank you talaga may dear curacha! haha! lam mo, pagdating sa bahay, kinwento ka ni jami sa tatay nya. tas ang verdict? pag nag-ktv daw ulit sasama sya!!! sabay-sabay kaming simigaw ng "NOOOO!!!" tas tanung nya bakit?! eh kasi baka mahiya si jacob eh... aww... di ba?! favorite kasi nun mga songs ni stevie wonder.. para madinig daw nya ang iyong golden voice... woohoo!! hahaha! aliw!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 20th, 2009 at 09:34 PM
naku. okay lang. walang hiya na ko sa dami dami ng mga taong nangwalang hiya sa kin! hahaha... joke, naku pero baka mahiya nga ako. hahaha... may phobia ko sa mga tatay! hahaha...
Comment posted on January 20th, 2009 at 08:44 AM
teka, nakitaan ba si jamie dun sa red box pic or tanga lang akong tumingin ng picture? o_O

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 20th, 2009 at 08:46 AM
nakapekpek shorts si Jamie. Hahaha... balabal yung brown. Hahaha!
Comment posted on January 20th, 2009 at 06:17 PM
ah ganun ba? heheh...sabi ko na nga ba tanga lang ako tumingin ng picture eh. Hahahah!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 20th, 2009 at 09:40 PM
naman!
Comment posted on January 20th, 2009 at 04:17 PM
pekpek shorts ba un?! di naman masyadong maikli ung suot nya ah?! (yes... pinagtatanggol ang anak!) haha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 20th, 2009 at 09:37 PM
hmmm... singit shorts! hahaha...