Weeee… thanks sa Mushabelly! Aylavet! Hahaha! Pati kapatid ko natuwa sa Mushabelly Horse. Tumutunog pala siya pag pinindot mo yung belly niya. Haha! Fun fun fun. Thanks again. And alam kong Mushabelly talaga regalo mo since nakalagay sa blog mo. Haha! And I quote:

“bumili ako ng 2 maliliit na Mushabelly para ipang regalo. pagkabayad ko tinext ko agad kung nasan siya, para puntahan ko sana siya kung saan man siya nanduon. pero hindi nagreply... nung nakauwi na uli ako ng Taft at bago ako maginternet tinawagan ko. nakailang ring din bago nagsabi ang operator ng "Sorry the number you...." pinatay ko na. kinancell ba nya yung tawag pag ganun yung sinabi ng operator or namatay ang phone niya. di ko kasi alam eh. anyway, yung text ko nga pala sabi ko lang "Hey where ka ngaun? May gift kasi ako sau. Bigay ko sana. Kahit kunin mo na lang.." kasi alam ko naman na ayaw niya akong makita or what... well, nararamdaman ko naman yun eh. hindi naman ako manhid, makulit lang talaga ako. kaya nagtetext pa din ako palagi. pagnaalala ko siya, pagnamimiss ko siya. kahit alam kong naiirita na siya sa kakatext ko.  Posted December 19, 2008

Akala mo hindi ko alam blog mo noh? Binabasa ko rin kaya yun! Hahaha! Medyo madrama ka rin pala ha! And inassume ko na ako yan. Mahilig ako mag-assume eh. Hahaha!Pero thanks thanks sa regalo. Natuwa naman ako. And kung gusto mong kasama sa school pag wala kang kasama. I’m just a text away. Okay? :-) Thanks ulit. Alam kong ayaw ko lumabas name mo sa blog na toh. Kaya ayan. Thanks. :-D Pictures below.

DSC00928

011420092138 011420092139

Pangalan ng Mushabelly eh Feris. Ayun, day started sa LRT2 and LRT1. Pinagmamadali ako ni Luis pumasok kasi wala siyang kasama. So yun, pagkadating ko sa school may 30 minutes pa kaming pwedeng tumambay. So tumambay kami sa Agno habang super yosi si Luis. Ayun Mr. T! Tawanan lang kami ng tawanan ni Luis the whole time nasa Agno. Pinapansin namin lahat ng dumadaan. Then hinatid ako ni Luis sa Andrew nung mago-one o’clock na.

Classmate ko sa JAPALA1 si Beck! Wee! Ang saya noh Mr. T! Anyways, lagi namang masaya si Sensei. As in ang saya saya talaga namin kanina. Grabe sakit ng tiyan ko katatawa. Maaga nagpadismiss si Sensei. Hmmm… aliw. Then ayun medyo nagkwentuhan muna kami ni Beck and ako bumalik na sa Gox para may isubmit kay Sir Ona. Yep, mga final requirements ko sa OJT. Pero bago ko pala isubmit, nakiupo muna ko kina Wyka and Gerald. Aba, sila na! Actually feeling ko matagal ng sila. Nung nakasabay ko pa lang sila sa LRT feeling ko nun sila na. After noon. Sinubmit ko na kay Sir Ona yung mga envelopes and ako tumambay muna sa lobby. Then naglab ako nagbasa muna ng mga blog ng tao. And then pumunta sa conserve para makipagkwentuhan and kunin na rin yung gift. Thanks ulit. Then si Luis natapos na sa klase niya. Medyo tumambay kami sa Agno ulit. Nakita ko sina EJ and Aaron! Then eto ang maganda, bonding din kami ng aking magaling na guro sa Agno kanina. Ayaw niyang kaming dalawa lang ang magbobonding kasi baka isipin ng tao alam mo na. Pero yun, kasama si Luis, nagkwentuhan kami sa Agno. Our conversation went like this:

“Alam mo ang panget ng kulay ng buhok mo. Sana di ka na nagpakulay…”

“Huwag ka ngang insecure Sir! Ikaw lang nagsasabi niyan!”

“O yosi o, libre…”

“Eto si Luis mahilig magyosi…”

“Hindi okay lang”

“Ang landi naman ng Agno ngayon andito kayo…”

“Eh andito ka rin eh! Kaya super landi na! Hahaha!”

“Hay naku Sir sige na alis na kami. Magturo ka na! Tama na ang landi! Hahaha!…”

Tawanan kami ng tawanan ni Luis after Mr. T! Imagine, yung teacher na kinatay katay kami sa thesis defense eh magiging close ko pala! Amp! nagtetext-an pa kami ngayon! Haha! Then yun, nagProvidence kami ni Luis then after singing, foodtrip. Kita mo ba mga pictures sa taas Mr. T! Okay noh? Hahaha! Nag-ubos kami ng pera para sa mga yan kanina. Fried isaw, tokneneng, gulaman, balunbalunan etc. Then sabay kaming nagLRT ni Luis. Grabe ang saya ni Luis kasama Mr. T! Tapos nakakatawa pa kasi parehas may kulay ng buhok namin. Hahaha! Aliw aliw. Feeling ni Luis magkasing-age lang pala kami. Grabe ang laki ng tanda ko sa kanya. Hahaha! And then yun, basta fun fun. Buti na lang naging friend ko si Luis nung 2007! Kung hindi uuwi agad ako sa bahay. Siguro ang swerte ko sa libre Mr. T! Libre rin kasi ni Luis kanina eh. Pati token sa Prov and mga kinain namin! Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! And may American Idol na naman pala. At guilty raw si Leviste.  Buti naman. At manonood muna ko ng mga dinownload ko kagabi. Haha! Super nood lang ng TV noh? Di halata! Hahaha! Sige sige. Out muna ko. :-)

Currently watching: TV Patrol World on ABS-CBN
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on January 14, 2009 at 07:10 PM in Everyday Drama, Food and Dining, School | 6 comment(s)

Aubrey (guest)

Comment posted on January 14th, 2009 at 07:34 PM
weh?? sila na! aba akalain mo, nakuha rin ni wyka si ge hahaha

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 14th, 2009 at 07:37 PM
hansama mo gurl! pero oo nga! hahaha... ang sama ko rin shet!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on January 14th, 2009 at 07:31 PM
sarap namang maging student... tambay, yosi, tawanan... :D

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 14th, 2009 at 07:32 PM
ay di po ako nagyoyosi. :-D tambay lang at tawanan... hehehe... :-D
Comment posted on January 14th, 2009 at 07:37 PM
very good! ako din di na nagyoyosi, 10 years na ata.. pag nakakaamoy nga ko ng usok ng yosi, hinihimatay ako!

joke lang. hahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 14th, 2009 at 07:38 PM
hindi ko talaga trip. inom lang talaga bisyo ko.