Shake Rockwell And Roll
Kagagaling lang namin ng family galing sa Rockwell. Nanood ng Shake Rattle And Roll X. Grabe lang kwenta. Hahaha! Nu ba naisipan nina Ate para panoorin yun. Hahaha! Pero naaliw ako kay Marianne. Tapos after nung movie kumain kami sa bahay ni Ate. Tapos nakita pala namin si IC Mendoza at Kim Chiu sa Rockwell. Aliw! Andun pa naman sila sa Shake Rattle And Roll X. Then namili rin kami ng mga libro sa Fully Booked pala. Hahaha! So yun...
Tapos na ang Pasko. Pero dapat ang diwa ng Pasko laging nasa puso natin. Weeeee... namigay ako ng tig-50php (nakapagpapalit ako sa pinsan kong taga BDO! Hahaha!) kanina sa mga pamangkin ko. Actually, pati pamangkin sa mga pinsan. Imagine mo na lang Mr. T! 13 kapatid ng tatay ko. May mga anak yun. May mga anak na rin mga anak nila. So binigyan ko yun. Dami noh? Lagas ang pinaghirapan ko sa HSBC. Hahaha! Pero masaya naman. Babalik sa kin yun in multiples. Tapos yun. Naaliw ako kay Tito Fredie as in buong kalsada pumila sa kanya kanina. Tapos ako assistant. Taga tatak ng mga nakakuha na ng pinamimigay niyang pera. Masaya masaya. Masarap magbigay kesa manghingi sa totoo lang.
Then yun. Dumaan na rin ang Pasko. Masaya. Masaya. Masaya. Wala pa namang kulang sa pagkatao ko as of now dahil I feel complete these days. Sana magtuloy tuloy tong feeling ko na complete ako dahil ayoko magdrama! Ayok muna ng drama. Hahaha! :-) It's really our choice to be happy. May kakayahan tayong pasayahin ang mga sarili natin. Hindi nakasalalay sa ibang tao ikaliligaya natin. Isa yan sa mga natutunan ko ngayong taon Mr. T! And I choose to be happy. At New Year naman next week!!! Weeee...
nytlyf (guest)
Jacob, nag-Centrum ka na? Hehe.
jjcobwebb (guest)
princesscha

jjcobwebb (guest)
jong

merry christmas!
jjcobwebb (guest)
jong

anung kaguluhan ito?!
:D
jjcobwebb (guest)