Tang ina lang yung taxi driver kanina Mr. T! Shet! Inaway pa ko. Okay, sabi ko sa sarili ko, cool lang. Stress yun. Nakakapagit. Haha! Pero okay din, mas mura yung fare ko kanina. Pero uminit ulo. Buti magaganda yung sounds kanina dun sa taxi niya. Kung hindi, nasira ng bongga umaga ko.

Anyways, sinundo ako nina Ate yesternight dito sa office. Yep, nasa Serendra sila nina Erwin and Tito Robert. Tinotour yata ang aking tito. So yun, since sabi ko hindi na ko sasama sa pagsstroll, tawagan na lang nila ko kung tapos na sila maglakad lakad and mamili. Ayun,  8pm ng bumaba ako ng office and andun na rin yung kotse.

Pagkasakay ko ng kotse:

Ate : Ang gwapo nung kasabay mo lumabas nakita mo?
Jacob : Nyi, kafloor ko yun, di ako naguguwapuhan dun! Landi mo lang! Haha!

Ayun, katabi ko si Tito Robert sa kotse kahapon. Okay, ang topic sa kotse, ANG AKING FUTURE. Amp. Oo lang ako ng oo buong time nagsasalita si Ate and si Erwin and si Tito Robert. Nung nagsasalita ako and pinapahayag ang aking self, grabe, natakot ako, I sounded like and adult. Shet! Tae lang talaga. Sobrang hindi ako yung kausap nila kagabi. Haha! Yun ang aking subconscious self! Haha! Napaisip ako bigla sa kotse kagabi Mr. T! Malapit na rin ako grumaduate and mga bagay bagay about my future started to sink in last night. May mga pangarap din pala ako.

Habang nag-uusap sa kotse:

Jacob : Magkano kaya sahod ng mga VP sa HSBC noh?
Ate :  Mga 6 digits yun. Baket balak mo maging VP? Haha!
Jacob : Baket hindi, ang laki ng sahod nun. Mabubuhay na ko.
Ate : Sus! Kita ko lang sa isang araw sahod nila sa isang buwan!
Jacob : Aba! Nung mid 20's ka ba ganyan na kita mo?
Ate :  Hindi!
Jacob : Yun! Gaga! At 10 years ago, medrep ka lang ng Bristol! Yabang neto! Haha!

Ganyan lang kami mag-usap pero hindi talaga mayabang Ate ko. Pag gaguhan moments lang nagyayabang yan. Amp! Pagmemedrep, pag-aabroad, pagiIT, pagbaBangko, pagtatrabaho sa mga bonggang hotel, pagbubusiness etc. Yan ang mga bagay bagay na ibinato sa kin ng Ate ko kagabi. Okay, since hindi ko nakayanan pinaguusapan sa kotse kagabi, pinalitan ko yung topic. Haha! At ang topic, ilan naging X ng Ate ko at baket wala pa rina kong jowa! Haha! Ayun, mas okay. Mas walang stress yung topic. Haha! Then kumain kami sa JT's sa Gilmore. Then went home na rin. And ang bilis ng oras. Kita ko na lang mage 11pm na agad. Nakakapagod yung araw kahapon. Litong lito ko sa pinagawa dito sa office. At eto tambak na naman siya. Haha! Sipag ko talaga! Ahihi...

So yun Mr. T! Bigla ko tuloy naalala yung isa sa mga favorite religious songs ko! Pilgrim's Theme! Amp! Pero hindi ako magpapari ha! Nu ba! Haha!  Sige update you soon Mr. T!

"Each must go his way, but how can I decide
Which path I should take, who will be my guide
I need some kind of star to lead me somewhere far
To find a higher dream in the greater scheme of things

- Pilgrim's Theme, Bukas Palad"

Currently listening to: Pilgrim's Theme by Bukas Palad
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on November 28, 2008 at 10:30 AM in Everyday Drama, Family, OJT | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.