Promise, papasok na ko sa office bukas Mr. T! dahil next week dadalawin na ko ng L.O ko! Patay. Nakausap ko sa school kanina si Mr. Ona and yun. Sa Monday daw siya pupunta sa office and patay ako! Kunwari may ginagawa na lang ako! Haha!

Ayun, galing akong school pero kuwento ko muna nangyari sa Quiapo. Galing kami ni Mama ng Quiapo Mr. T! kaninang hapon. Binilhan na naman niya ko ng salamin for the fourth time! Wah! This time Armani naman. Oh di ba? Sa Quiapo bagsakan ng mga salamin eh. Kung sa mall binili yung salamin ko mga libo libo yun. Sa Quiapo half the price. Tapos yun, habang nagshoshopping si Mama, nanghingi ako ng pera pangkain sa Jollibee. Kumain na si Mama so ako na lang kumain and siya nagshopping. Ay pumasok pala muna kaming simbahan para magdasal. Tapos yun, sa Jollibee, ang hirap ng problema ko, kasi gusto ko ng Spicy Chicken Joy, Aloha, Jolly Hotdog and Black Forest Sundae. So? Binili ko lahat! Hahaha! Matakaw ba ko Mr. T! Anyways yun, around 4:00pm natapos yung salamin na pinagawa tapos dumiretso ako ng school para magbigay ng oral, este moral support sa king mga friends na magdedefense. Pero bago ang kuwento eto yung mga nawala kong salamin ngayong taon na toh. Yung huli yung pinakabago:

image image
image 112020081908

Ayan, yung naunang pic, November last year yan sa kwarto ng kapatid ko. Tapos yung sumunod, sa Antipolo yan, mga March, tapos yung isa sa thesis room mga July, tapos ayang last kanina lang yan sa Gox! Haha! Habang naghihintay sa verdict ng defense nina Tin, Aubs and Jobs. Haha! Grabe ang dami ko na naging salamin! Isama ko kaya pati mga contact lense kong nagsiwalaan din? Haha! At san ako pinakamaganda? Haha! At tumaas na grado ko! Kaya pala lagi akong nahihilo! Amp!

Ayun, speaking of thesis. Ampota. Tawanan na lang din natin mga nangyari sa aking mga kaibigan. Tulad nga ng sinabi ko kanina kay Tin, hindi naman magpoprogram mag-isa yung system kahit maglulupasay kami kaiiyak. Haha! Tawa lang! Habang hinihintay sila matapos ako ng lab para mag-enrol. Grabe, bukas pa pala ko pwede mag-enrol. Cross enroll na naman ako Mr. T! Saya! Haha! Then lumabas na sila, tapos yung Munchkins na para sa panelists na hindi kinain, well inupakan ko. Ayun, wala kong magandang maiipapayo bilang kaibigan. Andun ako para pasayahin sila :-D Miss ko na yung 2 gagang yun eh! Miss ko na rin si Deck! Wah!

Then si Jobs umuwi na, si Aubrey and Tin naiwan kasama ko. Tapos hinintay namin si Ivan na nasa Imus pa lang nung una kong tinext. Tapos nasa Bacoor na. Tapos nasa Qurino na! Bilis noh! Galing talaga ng jowa ni Tin! Haha! Ayun, sabi ni Tin fave ni Ivan yung orange na Munchkins kaso 2 na lang natira kaka kain ko. Yung isa brown pa. Haha! Ayun. ang pinakamagandang eksena sa lahat --- naiwan si Ivan sa LRT1! Hahaha! Grabe, kamamadali naming 3 dahil jumping train yung dumaan, si Ivan, ayun, nasarahan ng pinto! Hahaha! Naiwan si Ivan ang bagal kasi parang babae! Hahaha! Hinintay na lang namin siya ni Tin sa D.Jose. Then yun, LRT2 then umuwi na ko, may fried chicken sa bahay, go go go pa rin. Kain lang Jacob! Tapos pinasasama ko ni Mama magdeliver ng gamot sa Cardinal! Ay ayaw ko! Pagod na ko! Hahaha! Sige sige Mr. T! Update you soon! Ay oo, may napanood ako sa 2nd Avenue, yung Moment of Truth. Ganda nung palabas grabe! Hahaha! Update you soon! :-D

Pahabols. Dahil sabi ni Tin iblog ko yung sinabi ko kanina:

Tin : Oist, Jacob, isave mo para kay Ivan yung mga orange…
Jacob : Ah, wala akong flash drive. Haha!
Tin : Ay! ay! Kailangan mong iblog yan! Haha!

And yeah, last na talaga, ang hirap talaga mag-iwan ng comment sa Blogspot. Daming eche bureche! Haha! Nakakabobo ang daming options! Katamad! Daming dapat iclick at itype. Haha!

Currently listening to: Womanizer by Britney Spear
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 20, 2008 at 11:55 PM in Everyday Drama, School, OJT | 6 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Aubrey (guest)

Comment posted on November 21st, 2008 at 09:06 PM
yung joke naman na yan kahit korni at yung ginawang eksena ni ivan sa lrt nakakawala ng tae feeling dahil sa defense.:))

sabi nga ni tin, iba ka talaga. andyan ka lagi pag miserable, malungkot, emo ang mga tao. pampasira ng moment! hahaha salamat diba

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 21st, 2008 at 11:38 PM
oo! kasi ako lang dapat may karapatan mag-emote. at ako pag nagemote na! kapatusan na ng mundo dahil malungkot talaga ako! haha!

muhh (guest)

Comment posted on November 21st, 2008 at 11:37 AM
laughing > crying in making programs program themselves

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 21st, 2008 at 01:01 PM
naman!
Comment posted on November 21st, 2008 at 07:32 AM
ay oo, sa p.paterno? ang mura nga ng mga eyeglasses dun. ung mabibili mo sa mall ng 3,000 to 6,000 peysowseyses, sa paterno nasa 1000 peysowseyses or even less pa!!!

ang suki ko dun ung KAMLA.

san ka pa?! tyaga at ingat lang pagpunta dun...

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 21st, 2008 at 08:48 AM
isa kang malaking check! hahaha!