Off From Office Til Wednesday
Yep. Prepare for defense, and for defense day. Masakit na ulo ko Mr. T! Since kaninang umaga pa lang nung super tinatapos ko yung kailangang file ni TRS department. Hay, sobrang yun lang ginawa ko buong time. Ni nakalimutan ko na maglunch halos. Di ko alam. Parang ang panget pa ng update ko about my birthday. Paran walang kwentang update. Hmmm... I left the office around 3:30pm para makaabot sa mock defense pero na late ako. Nagalit si Doc Loyd bukas nalang daw. Ayun, TECNPRE bazar na naman. Si Vergs and Mighty nagbabantay ng booth nila. Ako nakibantay na rin tsaka si Sheila. Kita ko rin sina Dansen and Kathrina. Kwentuhan. OJT and thesis with TECNPRE pa sila! Grabe! Tapos, yun, kita ko rin si Lee. First time niya kong kinausap. Nagulat ako dahil sa YM niya lang ako kinakausap madalas. Naglakas loob kaninang kausapin ako! Haha! Okay naman kausap.
Tapos nagkita kami ni Barry sa Red Ribbon mga 6pm na. Kumain ako since napagod ako magMRT and LRT. Hay... tapos yun, may kasama siyang friend pero umalis agad. Tapos hinintay namin si Majo sa Starbucks. Sasabay rin kay Barry umuwi. Sa katagaln ni Majo sa Starbucks at nung friend niya mag-usap, nayosi ko tuloy yosi ni Majo sa sobrang bored kahihintay. Haha! Ayun, nakita ko rin si Luis na naman! Haha! Gusto pa kong isabay sa LRT kanina pero sabi ko ihahatid ako ni Barry. Tapos yun, si Majo may sinamang model na friend na babae. Tapos iniinvite kami nung friend ni Majo sa fashion show nila. Papakilala raw kami sa mga gay models. Hello naman. Ano kami ni Barry atat? Excuse me. Masaya na kaming nag-eemote. Haha! Bumaba yung gurl sa malapit sa EDSA si Majo sa Pasig. Ayun, wala lang tawa kami ng tawa ni Barry sa kotse. Kung anu ano pinagkukuwentuhan namin. Then dumaan ako ng drugstore para magbantay ng isang oras then umuwi na rin agad.
Eto nag-uupdate ng walang kabuluhan. Sabi nung pharmacist I need to rest my eyes. Pero hello naman, araw araw nakaharap ako sa PC! Hay! Musta naman yun! Sige isge update you soon Mr. T! Naghahanda na naman ako malungkot ulit dahil sa thesis. Hay... God bless us. :-) And oh, nakakahiya kay Mike, napag-usapan kasi naming magkikita ngayong Monday, nawala sa isip ko. Sorry. Dami kasi kailangang gawin ng week na toh eh. Ayun, busy busihan na naman, kahit ako di ko na alam gagawin ko una. Dami nga rin pala ng bumati sa kin sa Facebook ngayon ko lang nabasa. Pati ang dami kong di nareplyan sa text. Salamat sa lahat. Balik estudyante ako bukas sa school til Wednesday. Sige sige Mr. T! Update you when I can. Tulog na po ako! Night!