Nararapat na Siya’y pasalamatan Mr. T! Sa lahat ng oras di ba? Ayun, had a thanksgiving party kanina sa bahay ni Ate. Bagong design ng bahay nila. It’s Christmas all over the world tonight ang drama. Parang mall lang yung bahay! Simula umaga andun kami ang kauuwi ko lang. Daming dumating. Mga amiga ng nanay ko na maarte. Mga medrep. Mga tauhan sa drugstore, kamag-anak, and yes, si Tito Robert na ngayon ko lang nakita since pinanganak ako. Pero ang higit sa lahat, may buffet. Hahaha!

Yung interior designer nung bahay ni Ate andun din. Daming tao. Tapos yung kaibigan ni Ate na si Dra. Pedrasa andun din, pinilit ako kumanta sa entertainment room nina Ate. So ako kanta naman. Grabe, puros Mariah lang pinakanta sa kin! Hahaha! Kunin niya raw ako pagkinasal siya. Haha! Tapos kumain lang kami ng kumain. Kuwentuhan. Tawanan. Pati bestfriend ni Ate nung highschool andun. Masaya.Grabe. Nagpakababoy kami. Grabe. Tapos nagvideoke ng mga kamag-anak. Tapos nakatulog pala ko nung hapon sa kwarto ni Emo. Dapat sasamahan ko si Page sa dentista nun. Pero pagkagising ko, nakabalik na sila ng bahay ni Ate. Grabe, busog na naman ako. At sa wakas nakita ko na rin yung pinapagawang bahay ni Kuya na malapit lang kina Ate! Nafufrustrate ako grabe! Haha! Ano ito? Unahan maging mayaman? Shet! Iniisip ko kung sino bang kasunod ni Kuya eh ako na pala yun! San kaya ko dadalhin ng kapalaran ko! Hahaha!

Ayun, sa lahat ng nangyari kay Ate for the past months, dapat talaga magpasalamat sa Diyos. Thank you God sa lahat ng blessing and pag-aalaga sa pamilya namin at sa mga taong mahal namin. Thanks. Thanks.

Anyways, eto mga pictures kanina sa bahay ni ate. Simula umaga yan, hanggang sa bahay ni Kuya na inaayos na. Balik sa bahay ni Ate, hanggang sa playroom hanggang sa matapos sa entertainment room ng ako na lang nagvivideoke! Hahahaha! In chronological order:

PB072039 110820081808
110820081800 PB012009
PB011998 PB072013
PB082066 110820081794
110820081821 110820081822

Sabi ko sa mga kamag-anak namin kanina at mga bisita, birthday ko na rin yun. Hahaha! Anyways, pagod na ko Mr. T! Hahaha! As in. Hirap mag-entertain ng mga tao. Parang party ko lang talaga noh? And yun, nakakatuwa nakita ko na rin si Tito Robert. Wala lang parang lagi na lang kasi sa kuwento ko naririnig yun. And malaki rin pasasalamat namin dun, yun yung kumupkop kay kuya nung bagong salta sa Amerika kapatid ko. Sige sige Mr. T! Update you soon. :-) And I need to get rich fast! Haha! At hirap pala pag-usapan ang future mo sa harap ng mga kamag-anak mo. Tsk! Hirap kasi wala akong future! Hahaha! Good night Mr. T! :-) Dami pang pics sa camera ni Erwin. Sige sige. Night!

Currently listening to: Just Stand Up by Various Divas
Currently feeling: full and sleepy
Posted by jjcobwebb on November 9, 2008 at 12:26 AM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | 2 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

aubrey (guest)

Comment posted on November 9th, 2008 at 07:48 AM
nakakapressure nga ang pagiging mayaman ng mga kapatid mo! ikaw na sunod sa line-up wag mong sirain hahahaha. natawa naman ako sa mga amiga ng nanay mo na MAARTE. hahahaha

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 9th, 2008 at 09:34 PM
oo nga eh, kefrezure! tsk! hahaha!