Remember When We Held On In The Rain?
Nakalimutan kong sabihin na dumalaw pala si Wekwek dito sa office kahapon Mr. T! Mga 4pm-4:30pm nagkukuwentuhan lang kami sa labas ng office. Hehehe! Actually andun kami sa agaw pansin niyang kotse. Dapat mag-uundertime ako kahapon para samahan siya sa Makati bumili ng Halloween costume para sa office party nila, pero sabi niya wag na. So okay, nagkuwentuhan lang kami. Then bumalik sa office para kumain. Haha!
Parang love ko na mga tao dito sa office. Shucks.
Remember this Mr. T? : What's Wrong???
Isa yan sa pinakacontroversial na post ko Mr. T! Grabe, ang iksi niyan pero nabasa ata ng buong batch yan! Pero buti, bati na kaming 3. I don't wanna delete that post. Pinadedelete sa kin nung dalawa pero sorry. Isa yan sa pinakamakulay na blog post ko ever.
So baket ko naman binalikan yan? Wala naman masyado, last night kasi, super YM kami ni Wilmer. Parang walang nangyari. Maldito si Wilmer pero mabait naman sobra yun. Mean siya at times pero mabait yun. Wala lang natuwa lang ako dahil after all these years, friends kami. Binalikan namin mga HS days kagabi. Tapos kwento siya about his work. Baket ganun, ang lakas ng pananampalataya niya sa kin na kaya ko rin gawin yung work niya. Sales siya eh. Sabi ko hindi naman ako matalino, eto sabi niya, imaginine ko na lang daw kung kaya nung mga pinakamatatalino sa batch makipagsales. Hmmm... may point siya noh Mr. T!? Bagay raw ako dun. Siguro nga. Ewan ko. Mga tao sa paligid ko mataas paniniwala sa kin pero ako to myself? No. Baka maglunch kami one of these days.
Work related, last night nag-usap kami ng nanay ko. Tinanong ako kung gusto ko raw mag-abroad. I said no. Hindi ko talaga trip mag-abroad Mr. T! Hindi ko naman ako nagmamadaling yumaman. Haha! Wala lang, weird, baket kaya ako tinanong ng nanay ko. Ano ba yan, Kuya ko nasa abroad na, tapos si Bruno mag-aabroad din. Kumusta naman? Henaku, dito na lang ako sa Pilipinas. May mga alepores. Hahaha!
Speaking of alepores, grabe, bibingo na talaga mga kasambahay namin Mr. T! Isa na lang talaga. Naasar na ko pero ayoko talaga sila awayin. Hindi ako ganun. Naki-usap ako kanina sa kanila na ayusin naman nila trabaho nila. Nakakaiyak na sa totoo lang. Nakakaiyak sa inis! Hay...
Dahil sa hindi ako pumayag sa taxi kanina dagdagan ng 50php yung babayaran ko, binaba ako nung driver sa Ortigas! Shet, hirap maghintay ng cab dun! Mukha naman daw akong mapera baket ang kunat ko! Shet! Sabi ko OJT lang ako. Hindi ba siya makaintindi? Ayun, after 30mins saka lang ako nakakuha ng cab. Salamat naman at mabait yung driver. Umuulan pa. Nakakalungkot. Hay...
Ang topic ngayon sa 90.7 ay: "Baket Ka Single?" Eto ang top 5:
5. Dahil hinihintay mo si destiny
- Hindi raw mangyayari si destiny kung wala kang gagawing paraan. Destiny happens when one starts doing something. Hehehe...
4. Dahil ikaw ay busi-busihan
- Papasok ng 6am tapos uuwi mga 6pm-8pm. Dinner at kain na lang sa
bahay tas tulog. Sa Sabado kuntento na sa pagfeFriendster at Multiply at Facebook. Sa Linggo masaya na raw sa luto ng nanay niya. Hahaha...
3. Dahil ikaw ay perfectionist
- Yung tipong may dumi lang sa kuko ayaw mo na. Yung nakakita ka lang
raw ng balakubak ayaw mo na rin. Hello naman daw, hindi naman daw
perfect si Nicole, medyo lang! Hahaha... ano ka raw ba maputi? At
sobrang kinis at hindi kita mga pores mo sa mukha at kulay mo pantay
hanggang singit! Kabaliw talaga si Nicole! Kalerkeyness! Hahaha...
2. The friend theory
- Yung mga magkakaibigang ayaw raw aminin mga feelings nila for each
other. Na ang tagal tagal na lab naman raw nung isa yung isa hindi
maamin amin dahil sayang raw ang friendship. Or dahil because sapagkat
baka masira ang friendship
1. The X-Factor
- Ang mga taong hindi makaget-over sa nakaraan. Yung hinahanap yung katangian ng ex niya sa bawat taong nakakadate at nakikila or prospective jowa. Ayon nga kay Nicole, pwede ba, nakipagbreak siya sa jowa niya dahil sa religion. Hindi marunong sumamba yung ex niya sa isang tunay na DYOSA! Hahaha...
Di ba ang akma ng topic Mr. T! Nakakatuwang pakinggan. Kakalungkot isipin. And yes, in not more than 2 weeks, I'll be turning 23. At parang wala pa rin akong natutunan sa buhay na toh. Matututo ba ko? Hmmm... ewan ko. Bahala na. Yung iba nga diyan kala nila natuto na sila at marami silang alam, when in fact, natututo pa rin sila. Akala lang nila may alam sila. Pero ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung akala nila ang ganda-ganda at ang popogi nila! Hahaha... shucks ang labo nun.
Um-okay na si Ate. Thank you Lord. Thanks sobra.
Anways, update you soon Mr. T! Trabaho muna ko.
bry (guest)
Aubrey (guest)