Maldito Na Kung Maldito
Pero lagi na lang ganito. Pagkagising ko kanina, andito mga pinsan ko. Kausap si Kuya sa phone at pumalakpak tenga ko sa mga narinig kong usapan at mga sinasabi ng pinsan ko. Grabe, minsan iniisip ko parang anong pananagutan ni Kuya sa inyo at padala kayo ng padala ng kung anu-ano? Pft! Siguro nga hindi ako katulad ng Ate at Kuya at ni Bruno na mapagbigay. It just not me. Wala kong pananagutan sa inyo. Magbibigay ako kung gusto ko magbigay. Eh kung kami kaya manghingi sa inyo minsan? As if naman di ba? Padalan mo ko nito, ganyan, ganun, nun, niyan. It's been like this kahit nung bata pa kami at yung si Papa nasa abroad. Lagi na lang may padala rin si Papa para sa mga pinsan kong ugh... minsan naman sana magtrabaho sila di ba? Wala kong pake kung sabihin ni Mama na maldito ko at mayabang at masungit. It's just that I really don't have any business with them. Hindi namin responsibilidad bigyan sila ng material na bagay. I'm sorry. Abusado na minsan. Kung ako man mag-aabroad, hello, ni isang balik bayan box di ako magdadala pauwi. Sisiguraduhin kong briefcase at mga luggage lang dala ko pabalik at pauwi. It's just not me. Sorry...
aubrey (guest)
hay naku wala yang pinagkaiba sa mga relatives kong akala pinupulot lang pera sa desyerto. i know how u feel.;)
jjcobwebb (guest)
nainis ako kahapon eh. mga abusado na. hindi ko naman kaya magsalita ng kung ano dahil wala pa naman akong napapatunayan sa buhay eh. one day, pag kumikita na ko ng sarili kong pera, they'll hear from me. :-) miss you aubs.
Rhodge (guest)

jjcobwebb (guest)