Nung Grade 6 at Grade 7
Shet! Killing time, bigla kong naalala tong pre Highschool days namin nina Karol, Wilmer, Lamar and Gareth. Shucks. Ang bilis ng panahon Mr. T! Grade 6-7 lang kami nun nung naging magcoclose kami. Si Karol lang talaga connection ko nun kaya naging friends ko lahat sila. Friend ko si Karol na friend si Gareth and and Wilmer. Best friend ni Gareth si Lamar na friend din si Wilmer. Hahaha. Naaliw naman ako bigla. Sobrang daming nangyari sa amin dati. Sobrang saya din. Ang saya, bigla silang pumasok sa utak ko ngayon Mr. T! Gusto ko silang makasamang 4 ulit. Shet! Ang alam ko may Neo-Prints kami. Pero hindi ko na alam kung san ko nadikit yun. Natuwa naman ako bigla.
Things we did those days:
- Sabay sabay kaming bibili ng slush pag lunch
- Dahil di pa uso ang flash drive nun, nageexchange kami ng mga floppy para sa mga pictures ng kung anu-ano (wholesome po yun)
- Pupunta sa isang secluded place sa football field dala dala ang mga folder na puros lyrics ng kanta
- Pupunta sa ping-pong area tas uupo sa mga ping-pong tables at ilalabas din ang folder ng puros lyrics ng mga kanta
- Iikutin ang buong grade school building habang nagkukuwentuhan
- Maglalakad sa grade school gym. Uupo dun sa may hagdan ng stage at magkukuwentuhan
- Lilibutin buong Angelo King Multi Purpose Center. Yung sa taas sa may Faculty Room dati
- Pag dismissal, diderecho sa bahay ni Lamar para mag-internet. Grabe, Mozcom pa lang ISP nun at dial-up. Tuwang tuwa na kami pag narinig na namin yung Vrrrinngg.... wisssh... tttttoooottt... hahaha!
- Ilalabas ni Lamar ang recorder nila at kung ano anong kanta irerecord namin noon
- Magmemerienda sa bahay ni Lamar
- Susunduin ko tuwing umaga sa bahay nila si Lamar tas sabay kaming pupuntang school
- Magdadance dance revolution
Everything ended nung nagkaroon ng conflict si Lamar and si Wilmer na hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano yung dahilan. Grabe! Pero siguro naman kinalimutan na nila yun. Grade 6 pa yun hello naman di ba? At nung pinagsabihan ako ni Gareth ng mang-aagaw ng best friend. Wah! Pero hindi ko talaga ginawang best friend si Lamar nun. Tapos isama mo na nung inaway ko si Lamar bago mag-graduation nung Grade 7. Grabe, alalang alala ko pa rin yung issue baket ko siya inaway. Pero wala na sa kin yun. Ako mismo tumawag sa kanya nun days before graduation. And yung regalo niya sa kin nung grad, nasa kin pa rin. Tapos si Karol din pala inaway ko rin nun. Dahil sa dahilang tumawag siya sa bahay nun. Eh hindi ko naman pinapatawag! Hahaha! Buong Grade 7 magkagalit kami! Until Batch Night nung nagsorry ako at binigyan ko siya ng card. Hahaha! Shet! Hahaha!
Ang saya talaga nung mga panahong yun Mr. T! Grabe, ang lalayo na ng narating ng 4 na toh! Shet asan ako ngayon? Hahaha! Si Lamar nasa States tinuloy ata pagiging math wizard at dun pa nag-aral. Si Wilmer ang saya saya sa L'oreal. Si Karol nasa Australia! Pinadala ng UP! Shet! Si Gareth nasa Canada ngayon nag-aaral. Ako? Andito! Nagbablog tungkol sa kanila! Hahaha! One day soon talaga. Hindi na ko mangangarap sa blog na toh dahil ikukuwento ko na natupad mga pinangarap ko! Magkakaroon din ako ng time to shine! Hahaha! Natuwa naman ako. Ang sarap isipin. Ang saya balikan. :-)
Oo, blame Facebook!!! Siya may dahilan baket bigla ako naging nostalgic! Hahaha!
GHV2 (guest)
GHV2 (guest)
jjcobwebb (guest)