Hello Mr. T! Just got home. Hay, galing kaming Landmark Makati ng family. Si Ate kasi iaadmit bukas sa hospital so bumili siya ng mga kung ano anong gamit para dalhin sa hospital at at --- para iwan lang dun! Wow aksaya sa pera!

Anyways, nagsibilihan din ng mga laruan mga pamangkin ko. Sana nagpabili na rin ako ng mga damit! Wahhh… then we headed sa Nestle sa may Aurora Blvd. para magmerienda.

May party sa loob ng Nestle. Hahaha… para kaming gatecrashers kanina! Sabi ni Erwin magpanggap na lang kaming invited! Hahaha… so hindi kami natuloy sa Nestle, instead sa Shaw Blvd. kami kumain. Sa Buon Giorni! Kala ko sa Tagaytay lang meron nito. Meron din pala sa Manila. Remember the entry I had with Ryanini? Here.

101120081683 101120081685
101120081690  101120081689

Had pasta and pizza. Ugh, di ko talaga type tong mga pagkain na yun pero pagkain pa rin siya so kailangang ilagay sa tiyan. Kasama pala si Manang Luz kanina. Siya kasi magbabantay kay Ate sa hospital. At dapat kanina magpapaadmit si Ate kaso, pinabukas na lang niya. Sana maging okay yung pag-opera sa kanya. I’m gonna pray for her. So yun, tulog ako sa van the whole time na pauwi. Tapos habang pauwi kinausap ako ni Erwin about dun sa system ng drugstore nila sa Unilever. Kung puwede raw intindihin ko para hindi sila bayad ng bayad ng malaki dun sa IT na 4x a week lang minemaintain yung system. I’ll try next week. So yun update ko ngayon Mr. T! Inaantok na ko talaga! Nag-ask si Rhitz kainina lumabas kaso kasama ko family ko. Hindi ko alam kung galit yung text niya kasi “Okay nevermind” yung reply. Shucks. Sabi ko lang naman “Ay sorry kasama ko family ko”. Never pa siya nagreply ng ganun. Baka galit? Anyways, yun muna Mr. T! Update you soon. :-) Inaantok na naman ako! Wahhh…

Currently listening to: You Were There by Southern Sons
Currently feeling: full
Posted by jjcobwebb on October 11, 2008 at 08:18 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.