Sobrang walang ginawa masyado sa office. Libre kape courtesy of Ms. Jags. Natapos ko na kasi lahat ng pinagawa ni Ms. Diane for the week kaya parang nagbasa basa lang ako ng mga E-book the whole time nasa opisina ko. Masaya rin pala maging useful. Yung feeling mo useful ka. Wala lang kasi tinatanong na ko nina Ms. Jags, Ms. Lyn and Ms. Diane sa mga process eh kaya feeling ko useful na ko. Ayun, had lunch na naman magisa sa Chowking. Sobra ko namang binusog sarili ko grabe! Tapos yun, napagusapan na naman namin ni Chris magkita. So un-Chris like di ba? Pumapayag na ngayon sa kin makipagkita ng walang pahirapan?

Grabe, dati nag-uusap lang kami ni Chris na sa 3rd time na magkita kami late pa rin ako, or sa 5th or sa nth... at ngayon ilang beses na kami nagkita. Parang kahapon lang talaga yun. Nakakatuwa isipin Mr. T!

So yun, nasa Megamall ako habang nagpapa-interview si Chris sa isang company sa Ortigas Center. Tumakas daw siya sa office niya. Then nagkita kami sa St. Francis Square para kumain ng Siomai. Parang ewan lang yung mga text ni Chris nung naghahanapan kami sa St. Francis Square. Parang pang-eyeball lang yung mga tinetext. Amp! Ayun, oo, 100 pcs na siomai raw pala ang gusto ni Chris. Kaso wala yung siomai stand na gusto niya. Hahaha! Ayoko naman kumain sa Hong Kong Style ek ek. Yak yun eh.

Anyways, naisip namin ni Chris na sa Metrowalk na lang kumain. So nilakad namin from St. Francis Square to Metrowalk. Nakailang tawid kami, ilang overpass, ilang stop light. Nung nasa Metrowalk na kami, narealize namin eh puros inuman lang dun. Naisip ko, since nasa Ortigas na rin, sa Greenhills na lang kumain. Himala, pumayag pa rin si Chris! Hindi kaya may sakit siya. Imagine mo naman Mr. T! Nilakad namin yung street sa likod ng Union bank tapos umikot kami bumalik din kami sa Julio Vargas. Di ba? Bagon hobby ata namin ang paglalakad. Buti na lang nakakuha agad kaming cab kaya ayun.

Sa Greenhills, may pinakita akong store ng t-shirt kay Chris. Mga Negativity t-shirt. Wala lang. Then naghanap ng makakainan. Since ang daming tao sa Gerry's at TBoy at hindi consumable yung babayaran namin if ever sa Family World KTV,  so, napad pad kami sa Max's. Ayun, dun kami kumain. May eksena pa dun kanina. Hahaha... hindi siya importante sa blog so hindi ko na isusulat. Ayun, had Kare-Kare and Sizzling Chicken Sisig ba yun? Tapos if I know talaga fan si Chris ni Mariah din! Hahaha...

Then dapat, magvivideoke kami, kaso nawaiting list kami eh. So inaantok na rin si Chris. Naawa rin ako kasi siyempre alam kong pagod din yun. Ako sa totoo lang energetic pa dahil sa kape ata ni Ms. Jags. Ayun, masaya Mr. T! Tapos sumakay ng cab. Nakisabay ako til Petron Ortigas then nagjeep. Grabe, nakasabit ako sa jeep the whole time hanggang makababa. Hahaha... it was a night. Sayang wala kaming pics. At next week nasa Makati si Chris for training! Weeeeh! Saya! Sana sabay kami umuwi. At next Friday lalabas ulit kami! Yey!

Sabi nga sa kanta ni Sheryl Crow: "If it makes you happy, it can't be that bad."...

Night Mr. T! :)

Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on September 26, 2008 at 11:01 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, OJT | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.