We shopped for polos, and slacks and leather shoes. Masaya Mr. T! 9am pinapunta na ko ni Ate si GH para maghanap na ng mga gusto kong polo etc. Ayun, mga 11am sila dumating sa GH dahil nagmass pa sila. Then sinundo muna ko nila sa Theatre Mall since lunch na and dun na lang daw sa bahay nila kami kakain. Then naglunch kami dun then back to GH. Ayun, masaya, dahil lahat ng itinuro kong long sleeves and tie binili ni ate. Then kumain kami sa Haagen Dazs. With Emo, Page pala kami and Ate. Ayun, after eating sa Haagen Dazs, nagpaparlor kami sa kaibigan ni Ate dun sa may malapit sa Cubao. Pati ako nagpamake-over na rin. May bago na kong haircut and pinathreading na rin ni Ate yung balbas ang bigote ko pati ung kilay ko sa gitna! Hahaha... then binaba nila muna ako sa bahay.

Birthday pala ni PJ. Wala pa akong regalo kanina and 1 hour na lang bago siya magbirthday sa GH din! Wah! Then yun, sa SM Centerpoint na muna ako bumili ng regalo and dun na rin ako bumili ng slacks! Grabe mahal nung slacks na nabili ko shete! Tapos bumili rin ng gift para kay PJ. Then off to McDonald's GH.

Bago pumasok sa McDo, binalikan ko yung t-shirt na gusto ko pang kaninang bilihin. Black siya tapos may nakalagay na "KOTRABIDA". Hahaha! Naaliw ako sa t-shirt then I proceeded sa McDo. Ayun, andun mga pinsan and all. Puros bata siyempre children's party. 1st birthday ni PJ toh so kailangan hindi ko mamiss. Pero tamang tama, pagkadating ko kainan na! Hahaha... then after the party, kami ng pinsan kong si Bambi nag GH ulit since kulang yung nabili kong slacks. So umikot ikot kami ulit sa GH. Bumili rin siya nung t-shirt na kagaya ng sa kin. Kaso sa kanya "ISNABERA". Hahaha... tapos suot suot namin habang nag-iikot kami sa GH. Then yun, buti na lang may nakita pa kong slacks. And nakabili rin ako ng bagong leather shoes. Ready na ready na para bukas! Hahaha... ayun ang update ko ngayon Mr. T! Sobrang haba ng araw na toh grabe. Ang daming nangyari. Nakakapagod. Hay... it was a day. Ngayon ko lang nalaman na ang dami palang necktie dito sa bahay.

At si Laarni nanalo sa PDA! Okay na rin! :-) At it's ADMU vs. DLSU sa finals. This is fun!

And I'm tired...

Naalala ko lang habang binibilhan ako ni Ate ng long sleeves:

Ate     : Pumili ka na rin yung pweden pang-gimik na long sleeves
Jacob   : Nyek, hindi naman ako mahilig gumimik
Ate     : Nakita ka nga ni Earl dati sa Government eh, hindi ka mahilig?
Jacob   : Nyak, birthday ng kaibigan ko yun kaya ako nandun nung araw na yun. Thrice pa lang ako nakakapunta dun...

Currently watching: Pinoy Dream Academy on ABS-CBN
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on September 14, 2008 at 09:48 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | 2 comment(s)

GHV2 (guest)

Comment posted on September 15th, 2008 at 02:20 PM
Jacob : Nyek, hindi naman ako mahilig gumimik
Ate : Nakita ka nga ni Earl dati sa Government eh, hindi ka mahilig?

Huli ka ng ate mo! Hehe. Buko ka!

subtlebliss (guest)

Comment posted on September 15th, 2008 at 02:37 PM
susme, February 9, 2007 pa yun! di ata siya makagetover! hahaha...
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.