Talaba Talaba
Hello Mr. T! Nagtatayp ako ngayon ng report ng kapatid ko! O di ba ang bait kong kuya! Hahaha! Pero blog muna ko, hmmm... ayun, kauuwi lang namin kanina from Tiendesitas kasama family and mga employees sa drugstore. Wala namang occasion. Trip lang namin kumain sa labas. Kanina, though, maraming beses na kaming omoorder ng talaba pag kumakain kami minsan sa labas, kanina ko lang talaga siya natikman ng buong buo. Grabe... hahaha... wala akong masabi. Mahilig ata talaga ako sa mga raw. Nagustuham ko siya in fairness! Ilang attempts bago ko nakain pero di lumaon, masarap pala siya. Parang tahong lang. Ayun, natulog after lunch tapos ginising nung paalis na papuntang Tiendesitas! Hahaha! Sarap ng buhay ko tulog ng tulog! So yun muna Mr. T!
Habang kumakain ng talaba:
Bruno : Hakob, aphrodisiac yan...
Jacob : Talaga, paano naman naging aphrodisiac toh
Bruno : Yung itsura niya...
Jacob : *Pinansin maigi itsura* Yak! Anong aphrodisiac? Nakakawalang gana nga lalo! Hahaha!
*Tawanan sina mama and ate*