Must Love Dogs
Matagal na dapat tong entry na toh Mr. T! Pero eto na, popost ko na. Hahaha… para naman masaya ang mga unang post ko for September. Presenting --- our dogs! Whheee…
![]() O di ba? Kunwari behave sila? |
![]() Siyempre, kailangan, kasama ako sa pic! Hahaha… |
Yorky
- Binigay siya sa amin ng isa naming Tita. May kapatid siya actually and nasa tita namin yung kapatid ni Yorky. Yorkshire Terrier na Askal yan si Yorky. Sadly, patay na si Yorky. At ayoko idetail paano siya namatay. Ilang months bago kami nakaget-over sa pagkamatay ni Yorky. Ang galing pa naman ni Yorky magbalance dati sa bola. Sana nasa Dog Heaven na siya ngayon…
Prince
- As soon as namatay si Yorky, bumili Ate ko ng bagon aso kasi kapatid ko di pa rin matigil sa kaiiyak sa pagkamatay ni Yorky. Si Prince ay isang Poodle. Malandi si Prince. Parang laging gusto mangagat pero hindi pa siya nakakagat talaga ng tao. Feeling matapang lang. Marunong si Prince magSit, Roll, Crawl, Talk and Shake Hands! Hahaha…
Kootchie
- Binigay siya ng friend ni Mama bago siya yumao. Nagkacancer kasi yun eh and wala na siya. Alam niyang mahal namin mga aso and sa palagay niya magiging maganda kalagayan sa amin ni Kootchie. Sobrang parang tao si Kootchie. Gusto niya lagi siyang nilalambing and minamahal. Si Kootchie nga pala ay isang Shi Tsu. Parang pang princess ugali ni Kootsie grabe! Wala siyang alam kung hindi kumain, matulog at magpalambing. Sobrang regal na aso.
Spike
- Binigay ng friend naman ni Ate si Spike. Dapat yung kapatid ni Spike na si Beauty ang nasa amin ngayon. Kaso, namatay si Beauty. Malikot si Spike. Minsan pinapalo ko na yan sa sobrang kalikutan. Pero ngayon, natututo na, pagtinitignan ko nagbebehave na siya! Throw anything at him and ibabalik niya sa yo yun. Si Spike ay isang Cocker Spaniel. At super gaslaw ni Spike! Grabe! Hahaha…
Yan… okay ba Mr. T!? Kilala mo na mga aso namin? Hahaha… actually kilala mo naman siya since may mga entries ako about them dati pero walang pics at isa isa dahil hindi naman sila sabay sabay na dumating. Buti pa tong mga toh they love me back. Ayun, grabe 12 hours akong tulog! Ano ba ito! Natatakot pa ko sa internet connection ngayon dahil paputol putol. Update you soon!
babolschua

subtlebliss (guest)