082220081269 Isang taon na palang patay si Tito Boy. Grabe, ang bilis Mr. T! Parang last year lang nakikipaglamay lang kami tapos ngayon isang taon na  pala yun. Ang bilis. Ayun, galing kaming Marikina kina Ate Anabel. Ayaw ko ng sabihing kina Tita Nita dahil wala na rin si Tita Nita eh. Ayun, first death anniversary ni Tito Boy. Grabe, parang kanina lang ulit ako nakahawak ng rosary! Nung HS ako gabi gabi ako nagrorosaryo! Ano ba ito! Naguilty ako kanina habang nagrorosaryo. Siyempre, pagtapos magdasal, kainan! Yey! Ahahaha… tapos kwento kwentuhan na after magkainan. Picturan. Onti lang pumunta kanina Mr. T! Parang exclusive lang talaga sa mga kapamilyang close talaga. Ayun, buti kasama ulit si Dindin at masaya na naman ang gabi ko. Hahaha… wala talagang katulad yung pinsan ko na yun. Walang dull moment pagkasama yun. Ayun, tapos nagMini Stop kami ni Din. Kwento about buhay. Tawanan. Emote-an. Kung ano ano. Masarap makipag-usap sa babaeng yun kahit may pagkagaga talaga. Anyways, past 12 na kami umuwi. Si Lola super gusto na ring umuwi. Ayun, eto nag-uupdate ako ngayon sa yo Mr. T! Inaantok na rin ako. Dahil, sa likod kami ng Pick-up nakasakay ni Dindin! Wah! Imagine from San Juan to Marikina nasa likod kami? Kumusta naman ang air-pollution! Update you soon Mr. T!

Habang nag-uusap ang magpinsan sa swing:

Dindin   : Grabe Hakob, mag27 na ko wala pa rin nangyayari sa buhay ko...
Jacob    : Meron yan maghintay ka lang…  
Dindin   : Nung nag-aaral ako di ako makapaghintay magtrabaho. Ngayon, parang habambuhay na lang magtatrabaho ka. Nakakapagod. Kung puwede lang maging bum!
Jacob    : Hmmm... parang ako? Hahaha...

Ay, nakachat ko pala si Jeffrey sa YM kaninang hapon Mr. T! Our topic went like this:

Jacob    : Basta, may mist of something that I don't know eh...
Jeffrey  : See, sabi ko sa yo eh...

Hmmm… chismis ito. Pang The Buzz!

Currently listening to: Dance With My Father by Luther Vandross
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on August 23, 2008 at 01:55 AM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.