Pagkagising ko puros miscall ni Tin bumulaga sa phone ko at mga texts ni Matty na nasan ako. Wow! Nasa Greenhills naman sila ngayon. Kasama si Tin this time. Grabe! Ang yayaman! Walang katapusan ang gimickan! Walang katapusan ang pagshoshopping. So sabi ko, sige, sunod ako. Kumain sila sa Gerry’s Grill sa Promenade. Siguro after 2 hours saka ako dumating. Hahaha! Naghihiganti raw ako sa nila dahil kahapon super late si Matty! Imagine ilang minuto lang layo ko sa Greenhills! Hahaha! Ayun, sabi nga ni Tin, wag daw maniwala pag sinabi kong kumain na ko dahil once may pagkain sa harap ko, kakain at kakain din ako. Totoo, dahil pagkadating ko sa Gerry’s Grill, inupakan ko yung Bicol Express, Pakbet at Inihaw na inorder nila bago ako dumating! Hahaha! Nagyoyosi nga pala yung 3 sa labas nung pagkadating ko sa Promenade, si Aubs, Tin and Deck! Mga sushal talaga eh noh? Yosi yosi-han! Yak! Hahaha! Tapos yun, magshoshopping sila ako makikitingin lang. Habang pumapapak ng Chicharon, naglakad lakad kami sa Theatre Mall, sa Shoppesville, sa Tiangge, sa Virramall at sa The Shops. Lahat yun pinuntahan namin Mr. T! Hmmm… daming magandang damit Mr. T! Gusto ko man bumili, wala ako sa mood. Sa The Shops, may nabili si Tin sa Bayo. Si Matty naman nakifit din sa Bayo. Hahaha! Tapos, naisipan namin magVideoke dahil ang tagal na naming 5 hindi nakakapagVideoke together. Sa Family World KTV kami nag videoke Mr. T! Siyempre mura, 85 per head per hour tapos consumable pa! Puros mga bago yung videoke dun Mr. T! May Take A Bow, Bleeding Love, Touch My Body at Bye Bye. Marami pang iba! Tapos kumain kami na parang patay gutom kami Mr. T! Hahaha! As usual naman yun! Hmmm… so yun… eto mga naganap kanina. Siyempre kainlangan ng picture! 

082120081248 082120081250
082120081252 082120081261

Bago mag-gabi, naghiwawalay na kami, si Tin nagcab, tapos sina Aubrey, Deck and Matty nagbus papuntang EDSA. Hinatid ko sila dun sa Bus station.

Eto ang masayang part ng araw,  papatawid ako sa Wilson St. nang may tumawag ng pangalan ko! Wahh… kotse nina Ate! Huli! Galing Greenhills! Hindi ako nakagalaw ng ilang minuto! Hahaha! Hindi na ko nakasakay dun sa kotse dahil GO sila. So tinawagan ako ni ate sa cellphone at pinasunod ako sa Unimart dahil mag-gogrocery siya. Ayun, grabe, eto ang komprontasyon:

Ate     : San ka galing?
Jacob   : Sa school
Ate     : School wala kang dala? Nakaporma ka pa? At Greenhills?
Jacob   : Nyek, may inayos ako sa school tapos dumaan dito. NagMRT ako!
Ate     : Tigilan mo ko ha...
Jacob   : Oo na! Sinamahan ko mga kaibigan ko sa Greenhills hindi kasi nila masyadong kabisado dito
Ate     : Yun ang sabihin mo! Wag kang magsinungaling!
Jacob   : Oo na! Sinabi na nga yung totoo!
Ate     : Itulak mo tong cart

Hindi ko tinulak yung cart. Binigay ko sa katulong ni ate yun cart. Hahaha! Kasama niya si Emo and Wyna na yaya ni Emo. Ayun, tapos si Mama nagtext din. Sabi dadaanan ako sa bahay dahil may bibilhin siya sa Greenhills. Tinext ko sabi ko nasa Greenhills na din ako kasama si Ate! Ayun! Lahat pala ng tao kanina sa Greenhills ang tungo! Amp! Si Mama andun na rin pagtapos namin mag-grocery. Tapos hinintay na namin yung driver. Ayun, pagtapos mag-grocery, nagpaCBC si Emo sa Cardinal Hospital dahil 4 days ng may fever yung bata. Sina Mama nauna na umuwi. Sumama ako sa loob ng hospital. Grabe ang pogi nung doctor sa ER! Hahaha! Tapos yun, habang andun kami sa Lab Testing Room ata yun, may lalaking pogi rin ang nakapila tas may hawak na canister and na overheard namin ng Ate ko na ganito sinasabi. “Is the count dependent on the quantity?”. Nagtinginan kami ni Ate. Sabay tingin sa canister. Sperm count ito! Since nurse si Ate and hindi ako familiar sa mga ganitong bagay tinanong ko si Ate, si Emo katabi:

Jacob     : Pagsperm count ba paano kinukuha?
Ate       : Sarili mo
Jacob     : Magpapalabas ka ng sarili? Ang effort!
Emo       : Mommy sino yung lalabas?

Ate       : Wala! Yung dugo mo lalabas mamaya pagkinunan ka nung nurse!

Ayun, buti hindi umiyak si Emo nung kinunan siya ng dugo. Tapos si Erwin dumating sinundo kami. Sa bahay ako ni Ate nagdinner. Duna ko pinatutulog ni Ate sa bahay nila kanina. Ayaw ko, tapos after dinner hinatid nila ako sa bahay and kinuha na rin agad nila yung result nung CBC. Pagkadating ko nakatulog ako agad. Eto ngayon, gising na naman ako Mr. T! Hmmm… update you soon okay? Mwah!

Currently listening to: Stolen by Dashboard Confessional
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on August 22, 2008 at 01:02 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | 1 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 22nd, 2008 at 01:50 AM
yep. pogi! hahaha...

oo nga eh! wala na nga akong pera kalalayas! hahaha! shete!