Pero wala pa ring tatalo nung nagSplash Island kami nina Rhitz and Jeff tapos may bagyo! Second runner up ang nangyari ngayon!

Hello Mr. T! It was uhmm… a tiring day today. Sobrang dami ng nangyari at sobrang haba ng araw na kailangan kong habulin ang oras kanina. Ayun, finals sa JAPALA1. Wah… saya talaga ni Sensei! Hahaha! Ang kulit! After namin magFinals may picturan pa kami sa classroom. Ayun, sana pumasa ako ng JAPALA1 Mr. T! Tapos nun, walang WIRTECH. Plano talaga namin magkiita kita ni Aubrey, Deck and Matty para gumimick. Nasuspend ang class. Ayun, grabe, lakas ng ulan tapos daming estudyante sa DLSU kanina. Nasa North Conserv si Deck. Iniwan ko pala iPod ko kay Deck bago magFinals sa JAPALA1. Habang wala pa si Aubrey, nagbasa basa muna kami ni Deck ng kung kani-kaninong blog. Mga after 1 hour dumating si Aubrey. Kaya pala natagalan traffic at wala siyang payong! Wala atang bagyo sa Cavite! Hahaha! Anyways yun. Pagdating ni Aubrey, wala pa rin si Matty, so kumain muna kami ni Deck ng Siomai sa Z-squared at bumili ng Fit N Right sa Animo canteen. Malakas pa rin ang ulan. Si Matty matatagalan makarating daw sa school so sabi niya mauna na raw kami sa MOA. Habang naghihintay sa train, grabe, tawanan kami ng tawanan sa station. Shete. Kung ano anong pinagagawa namin. At buti talaga hindi jumackpot yung mukha ni Aubrey sa kili-kili nung mama na nakatiwangwang sa train nung pasakay kami nung una. Hahahaha! Mga ilang train nakalipas bago kami nakasakay Mr. T! Naghintay kami sa EDSA ng jeep papunta MOA. Ambon na lang yung meron nun. Buti naman di ba? Sa jeep. May daddy! Grabe! Ang pogi niya! As in pogi talaga! Mga late 20’s siguro yun. Kaso yung asawa niya ang haggard ng itsura. Yung baby nila buti kahawig nung tatay. Life is unfair! Hahaha! Ayun,  hanggang sa jeep nagtatawanan kaming 3. Sa MOA, naisipan na naming kumain dahil anong oras na Mr. T! Gutom na gutom na kami at ang laki ng MOA! Pero una pala, dapat magiice-skating kami. Kaso sabi ni Aubs, sa birthday niya na lang daw! Yey! Tapos yun, Congo Grille unang choice, kaso gusto namin malapit sa dagat at may view. So pumunta kami dun sa may mga resto malapit sa bay. Pero bago kamin nakarating dun, eto muna pinagagawa namin sa daan…

P1010154 P1010156
P1010159 P1010160

Oh di ba? Parang mga Tuguegarao lang! Pati sa MOA nagpictorial! Hahahah! Ayun, naghanap kami ng bukas na kainan Mr. T! Ayun, napadpad kami sa Harbor View Bistro. Nakalimutan namin na buhay pala yung lugar na yun pag-gabi. Anyways, etong mga picture na lang siguro ang magsasalita para sa sarili nila.

P1010168 P1010169
P1010170 P1010172

3 lang kami Mr. T! Pero ang dami naming inorder! Kare-kare, Sinigang na Salmon, Calamares. Ang laki ng servings sa totoo lang. Si Deck kala ko mas matakaw sa kin sumuko. Ako, nag-extra rice pa! Hahaha! Kung nagtataka ka baket may biglang sumulpot na bakla na nakagray sa huling pic, si Matty na after 48 years nakarating din. With matching neck-tie, super laking bag, and bling bling na belt. Nagshopping kasi siya sa Greenhills kahapon ng wardrobe niya! Sobrang traffic kanina Mr. T! sabi ni Matty at ang humid daw. Hahaha! Pota ang bakla ni Matty kanina! Panalo! Ayun, inubos ni Matty yung tira-tirang Calamares. Buti talaga, nagtira ko! Hahaha! So yun. Muntik na kaming tumambling sa bill Mr. T! Hindi kami handa sa ganung bill! Hahaha! Pero kinaya naman namin. Naglakad pabalik ng MOA. Eto ang naganap nung pabalik kami…

P1010173 P1010174

Ayun. Parang gym pala yung playground. Parang dinadaanan lang namin ng pamilya ko yan pag nagmoMOA kami. Nakakatuwa pala! Hahaha! Para kaming mga bata kanina Mr. T! Enjoy na enjoy kami ni Aubrey jan sa kung ano mang tawag jan na nasa pic. Sobrang aliw! Ayun, gusto ni Matty manood ng cinema. So pasok kamin iMax theatre at naghanap ng magandang panoorin. Kaso, si Aubs napanood na yung kay Saray, ako napanood ko na yung Wall-E. Walang naganap. Nagpictorial lang kami dun sa iMax theatre dahil… dahil… dahil… maganda ang lighting! Hahahaha! Proof:

P1010178 P1010182
P1010185 P1010181

Ayun, di ba? Potek, parang mag-on kami ni Deck sa unang pic! Hahahaha! At baket ang taas ng buhok ko? Hahahah!  Ganda ni Aubrey noh? Si Matty ang ganda din! Hahaha! Ayun. Tapos, naisipan ni Matty na kumain. Hindi pa raw siya kumakain. Sana nakakain siya nung sa Harbor View Bistro kung di siya late. Gusto niya magSbarro. So okay kami dun. Sige. Sbarro. Pero siyempre maganda ang lights sa Sbarro, so…

P1010148 P1010147
P1010145 P1010150

Camwhore namin noh? Hahaha! Inabuso ko camera ng ate ko kasi Mr. T! Hahaha! Ayun, habang kumakain si Matty, may nagtext. Oo, may nagtext! Si Chris! Gusto kumain ng Cheeseburger! At gusto sa Eastwood! Pinamadali kong pinaubos kay Matty yung kinakain niya para makalayas na kami agad. Wah… si Matty, binabagalan pa talaga! Hahaha! Alam mo yung feeling ng gusto mo ng makalayas agad? Hahaha! Grabe taeng tae na ko umalis dun sa MOA. As in gusto ko na makaalis agad para makipagkita kay Chris. Anyways yun, with Deck, sa Buendia kami nababa. Grabe, tuwing natatraffic naiinis ako. Si Aubrey and Matty sa kani kanilang terminal sumakay. Si Deck nagbus na sa Buendia pabalik ng Las Pinas. Naku, ang haba ng pila sa sa LRT Buendia Station! So nagjeep ako papuntang V. Cruz. Buti unti yung tao. Ginamit ko na yung ticket sa LRT2 dun sa LRT1! Buti naman, pagkaakyat ko, may train agad na naabutan agad ako. Hmmm… so yun, by 6pm nasa LRT2 na ko. Sabi ko kasi kay Chris 7pm na lang kami magkita. Gusto niya 630pm. Sabi ko past 630pm ako makakarating dahil alam kong di kaya talaga ng 630pm ako makarating. By 6:15 nasa Cubao na ko. Nagcab ako papuntang Eastwood. Bago mag 7pm, mga 645pm nasa Starbuck’s na ko and andun na si Chris naghihintay.

Continued on next entry... (kainin ko lang tong Doritos sa tabi ko! hahaha...)

Currently listening to: God Must Have Spent A Little More Time On You by *Nsync
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on August 20, 2008 at 11:50 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School | 3 comment(s)
Comment posted on August 22nd, 2008 at 07:57 AM
someone's flooding their entries with pictures na rin.... hahahaha.. : o )
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 22nd, 2008 at 01:24 PM
you should try Windows Live Writer. Sobrang hassle free maglagay ng pics kasi. Hahaha...

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 21st, 2008 at 02:17 AM
yep yep. masaya talaga. :)