P1010098 P1010105
Mall of Asia. Dito kami kumain. Dapat TGIF kaso daming tao. Lahat kainan maraming tao. So napa Tokyo Cafe kami tuloy. Kasam sina Wesley and Vivian. Employees sa drugstore. Birthday din ni Wesley kaya sinama na rin ni Ate.
Kasama ang buong family. Eto ang pamangkin kong pasaway habang naghihintay kami ng upuan sa Tokyo Cafe. Kung san san kami napadpad kakahanap ng Tokyo Cafe. Baket hanggang ngayon di ko pa rin kabisado ang Mall of Asia? Amp!


me and reamaur P1010119
Ang birthday celebrant! Wow! 20 years old ka na hoy! Amp! Parang magkasing edad lang kami! Happy birthday ulit Kuya Bruno! Hahaha…  Salad ang unang sinerve kaya may gana pa kong picturan ang pagkain. Mango Chicken Salad daw yun. Mukhang pangmayaman naman. Malamang, ubos.

P1010120 P1010114
Ganda ng lamesa nung wala pang laman. Nung wala pa yung mga inorder. Sayang hindi ko nakunan yung sandamakul na pagkain na pinag-oorder ni Ate. Hmmm… ganda ng kuha kaya nilagay ko dito! Hahaha… Pagtapos kumain,hiniram ko camera ni Erwin, asawa ni Ate, kunwari marunong ako gumamit ng SLR. Kay Erwin actually yung camera nakikielam lang ako. Pero ang ganda talaga ng quality ng SLR talaga! Wah… gusto ko nito!

P1010134 081620081221
Akala namin tapos na yung paglamon namin. Grabe mga dumating pa na mga crepe! Amp! Mas feel ko yung crepe sa Breton Mr. T! Hmmm… naubos as expected! Mga PG talaga! Hahaha… Kain, busog, lakad at kulang sa tulog. Eto mangyayari sa yo! Makakatulog ka ng di oras! Hahaha… salamat sa aking pamangkin para sa picture na toh! Amp! Dapat tutuloy kaming Serendra pero pagod na ang lahat at busog na rin ang lahat. So umuwi na lang kami.

Currently listening to: Dreamin of You by Selena
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on August 17, 2008 at 01:15 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | 2 comment(s)

Aubrey (guest)

Comment posted on August 17th, 2008 at 07:57 AM
mas mukha ka ngang bata kay rainier!:D bat parang puro reklamo ka pa kakain ka na lang nga eh hahaha

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 17th, 2008 at 01:41 AM
uhmm... oo and di ko gusto sadly. :-|
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.