Kahit muntik na kong masuka sa pag-akyat ng Andrew til 11th floor at pagkapasok ko sa classroom eh wala namang klase. Kahit na hindi kami nakapagreport sa WIRTECH. Kahit na pinagmumura ko ni Sheila kaninang umaga. Kahit na from 8am - 8pm ako sa school ngayon. Kahit marami akong pimples ngayon. At kahit na ang laki ng problema namin sa thesis, mapapawi lahat ng ito bukas dahil uuwi at makikita ko si Jeffrey bukas. Yes Mr. T! Andito siya sa Pilipinas for a 1 day bonding moment! Parang Mariah lang noh? Isang araw lang sa Pinas! Hahaha... anyways yun. Hmmm... hahamakin ko lahat ng hahadlang sa pagkikita namin bukas ni Jeffrey. Walang makakapigil sa kin kahit ilaglag pa ko ng groupmates ko sa thesis! Hahaha... basta! Ayun ayun... salamat kay Matty kanina ang laki ng tulong niya sa min. Salamat din sa pagpapatawa sa kin kanina nung mag-isa na lang ako sa thesis room. Salamat din kay Matty dahil nalaman kong may mga iba pang uri ng bakla habang pabalik kami sa Gox galing sa McDo. At sila ay mga:

  • Curious Effem
  • Tripper Effem
  • Discreet Effem
  • Effem na Top
  • Dicreet na Trans
  • Top na Trans
  • Curious Trans
  • Bi Effem
  • Bi na Trans
  • Straight Acting Effem
  • Straight Acting na Trans
  • Straight Acting na halata
  • Bi-curious na Effem
  • Bi-curious na Trans
  • Bi-tripper
  • Trisexual <--- pati sa mga non-living things pumapatol! (e.g thunder beads, dildos, etc) Hahaha...

Hahaha... gusto ko lahat sila mameet at makilala. Salamat at pinatino ako ni Matty ngayong araw na toh dahil kung hindi baka nagbreakdown na ko kanina sa thesis room! Naisip namin baket sa mga bakla may discrimination pa din. Hay... anyways ayun. Ay ay, sa LRT1 kanina parang may 2 karpinterong mag-on as in! Labo! Magkaholding hands talaga sila! As in get-up nila pangconstru! Hindi ako nanlalait pero yun talaga eh. Nagulumihanan talaga ako kanina. Tapos on the bright side, may dalawa pang magsyota sa LRT2 kanina ang cute taga UST (babae at lalake po). Napapasmile ako tuwing nagkukulitan sila kanina. Nakakilig.

Ayun, masaya ko. Dahil uuwi si Jeffrey bukas. Sobrang excited na ko Mr. T! Update you bukas! Wahhh... sige populate ulit DB. Mwah Mr. T!

P.S. Sana po wag umulan Lord.

Currently listening to: Disturbia by Rihanna
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on August 6, 2008 at 10:39 PM in Everyday Drama, Gayness, School | 6 comment(s)
Comment posted on August 8th, 2008 at 02:01 PM
lam mo rin ba ang ibig sabihin ng mga "paminta"? :)

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 8th, 2008 at 03:28 PM
hmmm... may uri rin ng paminta. hahaha... Paminta = bading pero mukhang lalake. Pwedeng super lalake, pwedeng may bahid, pwedeng nageffort lang para magmukhang lalake, at kung anu ano pa... hahaha... may categories na at differentiation talaga ang pagiging bakla ngayon eh. hahaha...

muhh (guest)

Comment posted on August 7th, 2008 at 08:19 PM
paano 'yung straight acting na effem?

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 8th, 2008 at 03:31 PM
straight acting na effem. yung babae na talaga kumilos. straight girl! hahaha...

Aubrey (guest)

Comment posted on August 7th, 2008 at 08:48 AM
inimagine q ung 2 karpinterong magkaholding hands! nakakasuka.:))

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 7th, 2008 at 10:31 AM
henaku kung nakita mo lang silang 2. ampota talaga.
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.