One Day Before That One Day
Kahit muntik na kong masuka sa pag-akyat ng Andrew til 11th floor at pagkapasok ko sa classroom eh wala namang klase. Kahit na hindi kami nakapagreport sa WIRTECH. Kahit na pinagmumura ko ni Sheila kaninang umaga. Kahit na from 8am - 8pm ako sa school ngayon. Kahit marami akong pimples ngayon. At kahit na ang laki ng problema namin sa thesis, mapapawi lahat ng ito bukas dahil uuwi at makikita ko si Jeffrey bukas. Yes Mr. T! Andito siya sa Pilipinas for a 1 day bonding moment! Parang Mariah lang noh? Isang araw lang sa Pinas! Hahaha... anyways yun. Hmmm... hahamakin ko lahat ng hahadlang sa pagkikita namin bukas ni Jeffrey. Walang makakapigil sa kin kahit ilaglag pa ko ng groupmates ko sa thesis! Hahaha... basta! Ayun ayun... salamat kay Matty kanina ang laki ng tulong niya sa min. Salamat din sa pagpapatawa sa kin kanina nung mag-isa na lang ako sa thesis room. Salamat din kay Matty dahil nalaman kong may mga iba pang uri ng bakla habang pabalik kami sa Gox galing sa McDo. At sila ay mga:
- Curious Effem
- Tripper Effem
- Discreet Effem
- Effem na Top
- Dicreet na Trans
- Top na Trans
- Curious Trans
- Bi Effem
- Bi na Trans
- Straight Acting Effem
- Straight Acting na Trans
- Straight Acting na halata
- Bi-curious na Effem
- Bi-curious na Trans
- Bi-tripper
- Trisexual <--- pati sa mga non-living things pumapatol! (e.g thunder beads, dildos, etc) Hahaha...
Hahaha... gusto ko lahat sila mameet at makilala. Salamat at pinatino ako ni Matty ngayong araw na toh dahil kung hindi baka nagbreakdown na ko kanina sa thesis room! Naisip namin baket sa mga bakla may discrimination pa din. Hay... anyways ayun. Ay ay, sa LRT1 kanina parang may 2 karpinterong mag-on as in! Labo! Magkaholding hands talaga sila! As in get-up nila pangconstru! Hindi ako nanlalait pero yun talaga eh. Nagulumihanan talaga ako kanina. Tapos on the bright side, may dalawa pang magsyota sa LRT2 kanina ang cute taga UST (babae at lalake po). Napapasmile ako tuwing nagkukulitan sila kanina. Nakakilig.
Ayun, masaya ko. Dahil uuwi si Jeffrey bukas. Sobrang excited na ko Mr. T! Update you bukas! Wahhh... sige populate ulit DB. Mwah Mr. T!
P.S. Sana po wag umulan Lord.