Jack's Loft With The Bodyguard
Hahahaha… ganda ng title noh? Anyways, ayun, kagigising ko lang na naman! Wahhh! Nakatulog kasi ako pagkauwi Mr. T! eh. Anyways eto ang kwento of the day. Hmmm… JAPALA1 as usual masaya. May bago na naman akong pangalan kay Sensei, Belo Model naman ngayon! Wah… kung ano ano na lang pangalan ko kay Sensei Mr. T! Tapos had WIRTECH. Galing talaga ni Deck magprogram. Hindi ko pa rin alam baket hindi natanggap si Deck sa HP *winks at Deck*. Tapos yun, uhmm… meeting with groupmates sa thesis room. Hahaha… ang pasaway ko talaga Mr. T! Sabi kasi ni Sheila magdala kami ng laptop kaso ako hindi nagdala. Wala lang, feel ko lang hindi magdala. Wala rin naman nangyari nung hindi ako nagdala eh. Anyhows, tapos yun, kumain sa Eric’s, inayos laptop ni Sheila, gumawa ng video ng I Will Always Love You na lipsync tapos tumunganga sa thesis room. Nakakatamad talaga. Ewan ko baket pa ko pumunta sa thesis room. Eh ginawa lang naman namin eh ayusin yung laptop ni Sheila at maginstall ng mga bagong programs. Defense kanina nina Jing and Joa and groupmates. Ano kaya ang verdict? Minsan abuso na ko sa group, pag nagalit kasi si Sheila mabilis mawala eh. Tignan mo, nakuha pa naming magpictorial! Hahahaha…
Tapos yun, ang aking Bodyguard ay nagtext na na gising na raw siya! Mga bandang 1-2pm na yun eh. So sige sabi ko mga 4pm pa ko pwede. Dapat sa Gateway na kami magkikita ni Bodyguard kaso nagpumilit siyang sunduin ako sa school. So sige, sabi ko siya bahala. Anyways yun, around 5pm nasa Red Ribbon na siya. Ako umexit na sa thesis room May meeting ulit kami bukas though. Tapos yun, like nung una kaming nagmeet, nagkakape na naman siya Mr. T! Wah… adik din sa kape! Ayun, medyo haggard na ko kaya hindi muna ko masyadong nagsasalita. Grabe, ayaw ko talaga mag-isip kanina tapos pinag-iisip mo pa ko! Huhuhu! Pero buti na lang ikaw na nagisip ng mga gagawin kanina kaya medyo nawala yung stress ko. Wahhh! Sa susunod ikaw mag-isip. Huhuhu! Ayoko ng nag-iisip ng mga gagawin pag haggard ako! Anyways yun, sa RP Midtown kami nauwi ni Bodyguard Mr. T! Una, ikot ikot muna kami. Tapos since sira ang cellphone niya, tumingin kami sa mga cellphone stores sa top floor ng RP. Ayun, ewan ko kung may prospect na cellphone na siya. Tapos yun, since padinner na, naghanap kami ng makakainan. Since talagang ayaw ko mag-isip kanina, pinaubaya ko kay Bodyguard kung san at ano ang aking kakainin. Ayun, sa Jack’s Loft kami kumain Mr. T! Nagrereklamo ako nung pagpasok namin na ang init nung lugar pero nung kumakain na kami, sumobra naman yung lamig. Minsan talaga kailangan magingat sa mga hinihiling natin! Tapos yun, nagIce Cream kami, tapos chocolate cake at yung grilled chicken na may mashed potatoes ang kinain namin Mr. T! Ayun, sorry talaga kung hindi ko naubos yung chocolate cake kanina. As in sobrang tamis niya. Wahhh… mamatay ako sa tamis. Death by Chocolate ba yung name nun ulit? Ayun, tapos fishbowl iced tea.
Biglang umulan. Tapos ang lakas pa ng kulog at kidlat. Si Bodyguard may nakikita pang fireworks. Pero paglumilipat ako sa side niya kung san nakikita yung fireworks, wala naman akong nakikita! Parang jinojoke ako eh! Amph! Tapos yun, since may pasok siya ng 8PM, around 7PM umalis na kami Mr. T! ng Midtown. Buti may payong ako. Pagtapos awayin ni Bodyguard yung payong ko na wala sa panahon pag dala ko. Kasi nung paalis kami hindi pa naman umuulan, pinansin niya payong ko. Yan tuloy umulan! Hahaha… ginamit mo rin ang payong ko! So yun, lagin advantage ng pagiging matangkad ni Bodyguard Mr. T! Hahaha… super payong talaga yung role niya kanina. Naaliw naman ako! Hahaha… pero eps kasi nababasa pa rin ako dahil hindi kami masyadong kasya sa aking tiny umbrella! Hahaha! So yun, nagLRT kami and LRT2 pabalik. Ayun, lakas ng tama naming dalawa pati sa LRT nagpictorial. Hahahaha… so yun. Bumaba rin siya sa J. Ruiz station Mr. T! Since may malapit sa ming sakayan papuntang Ortigas, hinatid ko siya dun. Ayun, tinahak namin ang madilim na kalsada ng J. Ruiz. Tapos yun, since walang bus na nadaan, nagjeep na lang siya Mr. T! Hehehe… ayun. I’m learning to be happy again Mr. T! and I feel that this is a good start. Thanks Bodyguard. ;-)
Note: Libre na naman ni Bodyguard yung kinain ko. Nakakahiya na pero broke talaga ko these days. This is not the first time na lumabas kami ni Bodyguard. I’ll find time to write about it pagtapos ng defense. Update you soon Mr. T! Night!
GHV2 (guest)
deck (guest)
subtlebliss (guest)
deck (guest)
subtlebliss (guest)
muhh (guest)

subtlebliss (guest)
Aubrey (guest)
subtlebliss (guest)