Hahaha, ako na lang tao dito sa thesis room Mr. T! Ang daming naiwan na laptop dito kaya hindi ko maiwan iwan tong room. Baka pag may nawala ako sisihin! Wahuhu. Ang dilim na sa labas. Nakakalungkot. How Do You Mend A Broken Heart pa yung tugtog ngayon dito! Wahh... rinig na rinig ko ang tunog na nagsisidaan na tren. Hay... nagpaconsult na pala kami kanina kay Doc Loyd, thesis adviser namin. Pinapapopulate na sa min yung database para raw makita na niya kung gumagana. Anyways, pupunta ko bukas sa bahay ni Sheila ulit. Hmmm... kasama ko si Luis kanina nung naglunch ako. Sa Animo Canteen kami kumain. Buti na lang naging magkaibigan kami ni Luis kung hindi napakaloner ko talaga ngayong term. At buti lahat din ng kaibigan ni Luis wala na rin sa school. Either umalis na or nakick out. Grad practice ng mga kabatch-ko-dapat kanina Mr. T! Ang frustrating nung nakita ko silang nakatoga! Hmmm... tapos tumambay kami sa EGI ni Luis after lunch at nagyosi siya. Ako mga 100m ang layo sa kanya hahaha. Tapos ang lakas lakas ng ulan kaya hindi kami makatuloy sa Gox. Pero bahala na, magkasakit na ang magkasakit at baka magalit naman sa kin si Sheila so sinuong ko na lang yung super lakas na ulan. Hmmm... tapos nakitambay muna si Luis dito sa thesis room since next class niya 4:20pm pa. Ayun, sina Jason and Jo andito rin sa thesis room namin kanina weird. Parang lahat ng tao may sakit ngayon Mr. T! Gusto ko na umuwi. Inaantok na ko. Kailangan ko pa pumunta ng bangko ng maaga bukas. Nung umaga pala had JAPALA1, buti nakasagot ako sa recitation. Grabe as usual laughtrip pa rin si sensei. Tapos WIRTECH naman, himala, gumana yung program ko. Hahaha... parang hindi ako. Anyways, tapos yun, antok na antok na talaga ko Mr. T! Gusto ko na umuwi. Baket kasi nagsoccer pa sina Vergara ampota! Natatakot talaga tuloy ako iwan tong mga gamit nila. Tsss... ayun lang naman update ko Mr. T! I miss my friends --- magparamdam kayo!

Napalaya na si Ces Drilon at mga kasama niya...

May patayan daw sa Boston ngayon! Kasama ko sa nakipatay! Hahaha...

I need a haircut...

Gutom na ko...

Si Deck absent na naman!

Super lamig na dito sa thesis room. Nagyeyelo na ko...

Update you soon Mr. T!

Currently listening to: Kissing by Bliss
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on June 18, 2008 at 06:48 PM in Everyday Drama, Randomness, School | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.