4 Years Ago
Hello Mr. T! Kagigising ko lang. Kaliligo ko lang. Kakadinner ko lang. Hmmm... kumusta ka naman? Para akong magkakalagnat ngayon. Ang init kanina nung katawan ko nung naliligo ako. Pero medyo nawala nung naligo ng malamig na tubig. So, kaninang umaga, super akyat ako sa Andrew Bldg. hanggang 11th floor --- using only the stairs. Ang dami kasing nakapila sa elevator malalate ako. So yun, para akong magbablack out kanina sa sobrang taas! Ang pinakamataas ko pa lang na naakyat dun eh til 8th floor. Last year pa yun. Naisip ko tuloy, gawin ko kaya every MW Mr. T!? Exercise yun ha. Sobrang bilis ng pump ng puso ko kanina. Sarap ng feeling. At ang sarap dahil ang ganda pa ng tugtog sa iPod ko kanina. Then as usual fun si Sensei nung JAPALA1 then WIRTECH naman. Sobrang naginternet lang ako. Kagroup ko na sina Jes, Val, Deck para sa project. Then hinatid si Deck til South Gate. Ang ganda ng site sa SJ Walk Mr. T! Grabe! Tapos nakasabay si Kate pagkabalik sa Gox. Then thesis meeting. Papasok ako bukas ng 10am. Hay... tapos, nakita ko si Sherry sa GOX! Pasado na sila sa thesis nila. Buti naman. Grabe ang bilis ng 4 na taon Mr. T! :( Dati nagpapakilala pa lang kami nina Sherry sa block. Ngayon --- hayz... shucks nakakalungkot tuloy isipin. Tapos yun, kumain kami sa McDo ni Sherry. Parang masaya na nakakalungkot dahil parang dati lang nung kumakain kami sa McDo tapos 182 units pa kailangan namin para grumaduate. Ngayon si AK graduate na tapos si Sherry pasado na. That leaves me and Beck in school til we don't know when. Hay... shucks nalungkot naman ako ngayon. :( 4 years was so fast. :( Hindi ko inakala. Tapos yun, rode LRT1 to EDSA then MRT til Ortigas dahil makikipagkita ako kay Pinggoy.
Ayun, hmmm... as usual I'm fashionably late. Tsk, ewan ko ba. Tapos yun, nung nagkita kami mas matangkad pala siya sa kin at hindi siya kalbo. Hahaha... I was expecting kalbo siya pero kulot siya. Anyhows, bumili na kami ng ticket para sa Boy Culture na movie --- at nung 2006 pa pala yun! Then umikot ikot muna dahil 30 minutes pa kami maghihintay if ever pumasok kami agad ng movie house. Ayun, usap usap. Nakakatuwa si Pinngoy. Hahaha...fun fun. Hindi siya mahilig magTimeZone so medyo lumayo ako dun. Then pasok sa sinehan. The movie sa okay. Not so bad not so good. Ayun, hindi ko namalayan tapos na yung movie. Sobrang antok ko kasi eh.
Tungkol lang sa isang male escort named X na may roommate na gusto niya at mahal niya. Si Andrew yung roommate niya tapos si Andrew gusto rin pala si X hindi niya lang maadmit. Nagkakaselosan na pala sa mga ginagawa ng isa't isa. Mabait kasi si Andrew before, until nagexplore explore na. Pero gusto pa rin siya ni X. Tapos si Andrew ayaw niya pagiging escort ni X. Basta ganun... hanggang narealize nila na mahal talaga nila ang isa't isa. Ganun... ata. Hahaha... super antok kasi ako...
Hahaha... salamat din sa Auntie Anne's ni Pinggoy may kinain kami sa loob. Then, since naalala ko, sinabi sa kin Pinggoy na lagi raw namemention sa blog ko ang Promenade at di pa raw siya nakakapunta dun, sabi ko punta kami para makita naman niya. Ayun, we rode the bus then bumaba sa Greenhills. Last punta niya raw dun 2000 pa. Ang gala ko talaga Mr. T! Ayun nakita niya rin. Then kumain ako ng Shawarma habang pinapanood niya ko. Hahaha... hmmm... then yun, sumakay ulit kami sabay ng bus pauwi. Ayun Mr. T! Nakakatuwa. As usual ang daldal na naman. Hahaha... Ateneans... tsk tsk tsk. Then pagkauwi super bagsak. Nakatulog agad.
Interesting notes:
Pinggoy : Baket parang may memories ka sa Mendiola?
Jacob : Ay oo, meron dati sa kin nanligaw taga San Beda
Pinggoy : Ahhh... si Soy! Yung matangkad, gwapo, maputi at volleyball player?
Jacob : Paano mo alam? Hindi naging kami at wala rin nangyari sa min
Pinggoy : Sa blog mo. Nakikita ko sa Beda nung HS ako sila College...
Jacob : Ahhh... maganda rin katawan nun...
Pinggoy : Kala ko ba walang nangyari?
Jacob : May time na natulog ako sa house nila dati nung nagbar kami. Nagdamit sa harapan ko. Yun lang :)
Hmmm... Soy is also 4 years ago Mr. T! Musta na kaya siya... :) Wala na kong narinig from him ever since I told him I don't like him at Gateway pa! With matching iyak iyak pa siya! Ay nagkita kami kasama si Ryce ata last year. Back then, I had the guts to tell people I don't like them. Now? I still have the guts to tell people I don't like them. Poor me. Hmmm... those days... ang bilis nga ng 4 years Mr. T Parang excited lang ako magcollege nun. Ngayon sawa na ko. Make the most out of it na lang siguro. Sige Mr. T! Update you soon... :D