Okay, matagal na kong kinukulit nitong bagong friend na to lumabas and so I said yes kahapon. Nung tinamad ako nangulit pa rin so wala akong magawa. Shucks. So yun, I'm slowly opening my doors.  Pinakilala to ng HS classmate ko and schoolmate niya rin nung college. Anyways, kumain then kuwentuhan, nagkape, kuwentuhan. Akala ko Mr. T!, marami na kong alam about sa lifestyle that I'm living, hindi pa pala. Akala ko ganun ganun lang yun. Hindi pa pala. Akala ko 2 lang ang bar para sa mga taong ganun, hindi rin pala. Akala ko mga EB and SEB's lang nagaganap, di rin pala. Akala ko ang dami dami ko talagang alam, hindi pala talaga. Naculture shock naman ako sa mga binanggit ng bagong friend ko kanina. Akala ko talaga alam ko na, hindi pa pala talaga. Hindi ko na talaga alam ngayon kung kaya ko pa ngayon maniwala sa matagal ko ng pinaniniwalaan tungkol sa mga bagay bagay. Hindi ko na alam, nagulo lang utak ko. Marami pa kong dapat malaman Mr. T! Medyo kailangan ko talaga buksan ang pintuan ko, medyo lang... anyways it was a night full of chitchats. And shucks, hindi ko kinaya nakita ko kanina Mr. T! Ibang level (BFF message me for details)

Before Eating:

Friend: Matagal na kitang nakita sa Taft tumatawid dati kasama mo yung matandang kalbo cute mo nga nun eh
Me      : Hindi ako cute! Hindi yun matanda! Hindi yun kalbo! Receding hairline lang! Wag mo aawayin yun friend ko yun! Ako lang may karapatan mang-away!

While Eating:

Friend: Dati nakasabay na rin kita sa LRT2 nagkatinginan tayo
Me    : Talaga? Cool naman...
Friend: Hindi mo ko napansin?
Me    : ....

After Eating (Clumsy playing full blast):

Friend: *Inaudible voice*
Me     :  Hah???
Friend: *Inaudible voice*
Me     : Hah hah???
Friend: *Inaudible voice*
Me     : Ah... OO... (?)

Coffee Shop

Friend: Naalala ko rin sa HP kumakain kayo ng friends mo sa parang dimsum house
Me    : Stalker?

Friend: Pure ka ba?
Me    : Ha? Anong pure?
Friend: Chinese
Me    : Ha? Hindi ano ba! Gusto mo Chinese din?
Friend: Hindi naman. Bat mukha kang Chinese?
Me    : Labo ba mata mo or singkit na ko dahil sa eyebags ko?

Friend: Gusto ko yung partner ko dadalhan ako ng food sa condo ko. Tapos pagSunday relax lang nood DVD blah blah...
Me    : Okay, change topic!

Car

Friend: Puwede ka ulit bukas?
Me    : Sobra sobra na tong libre mo sa kin.Gusto mo pang magRed Box tayong 2 lang. Wala naman akong pera kasi summer. Nakakahiya sa yo.
Friend: Ako naman nag-aya eh
Me    : Sige pag hindi ako tulog bukas

Ang daming dumagdag na kulay at bagay bagay sa utak ko kanina Mr. T! Lalo lang akong naguluhan. At 23, ang dami niyang alam at ang dami niyang pera!!! Pero isang tao lang laman ng utak ko the whole time habang nag-uusap kami :( I think I might just want to shut my doors again cause it's a scary world out there... really scary... :

Currently watching: Forever by Mariah Carey
Currently feeling: traumatized
Posted by jjcobwebb on May 7, 2008 at 03:20 AM in Everyday Drama, Gayness, Food and Dining | 2 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Tom (guest)

Comment posted on May 7th, 2008 at 03:15 PM
It's a scary world out there... Really scary... -- Agree. Oo, maraming nangyayari Jacob. Nakaka-shock talaga kapag namulat ka.

subtlebliss (guest)

Comment posted on May 7th, 2008 at 04:39 PM
Katakot nga eh. Kuwento pa lang yun ha, what more kung andun ka. It's better na maging ignorante ka na lang sa mga ganung bagay minsan. Di ba nga, hindi mo kailangan tumikim ng lason para patunayan lang na lason yun. Okay na yung alam mong may ganun. Yay talaga.