Entries for October, 2007

          Grabe Mr. T! Nalockan ako sa banyo ng Red Ribbon kanina. Talagang kailangan ko pang itext si Barry para manghinggi ng tulong. Buti may guard sa labas ng CR sabi ko, "KUYA PABUKAS". Eh ang sakit pa man din ng wrists ko ngayon. Ayun, hindi ako pumasok today ng RELSFOR at BPOUTSR, grabe nilalagnat ata ako kaninang umaga. Pero METHODS pumasok ako. Nagpaconsult kami kay Doc Loyd dun sa topic namin. Anyways yun, kasama ko si Matty and Anne pinuntahan namin si Ange sa may Y602, buti nasubmit ni Mikael company profile namin sa PRTEMAN. Anyways yun, tapos dapat pupuntahan ko si Ate sa ospital pero palabas na pala siya at gusto pa kong sunduin sa school sabi ko tatambay muna ko. Ayun, kumain kami ni Barry sa Tropical and then nagcake sa Red Ribbon. Pumasok akong CSB para hiramin payong niya. Anyways, yun, tapos andito na sa bahay. Naginstall na naman ng The Sims 2 sa PC... tsk tsk tsk. Update you soon Mr. T! Ayt? Love ya!!! Mwah!!!

Posted by jjcobwebb on October 1, 2007 at 09:20 PM in Everyday Drama | Post a comment
I feel so weird right now Mr. T! But anyways, here are the things that happened today: We had a Contest-Quiz awhile ago in LITERA1. We were "PHYSICALLY DIVIDE" (term used by our teacher when the teams weren't grouped together yet! I felt she was a goddess when she said that. It was like a supernatural power when I heard it.... "PHYSICAL DIVIDE ---- zhazam") into 2 teams for the contest and the rule was whatever point we're gonna get for the game was going to be our first exam quiz grade. There, we got 18 correct answers out of 20. Not bad though. Then had TECNPRE, goodness Mr. T! We thought our business proposal presentation was not due til Thursday, and unluckily we had to present 30 minutes before the bell. My group mates left me empty handed in front of the class with no PowerPoint Presentation or whatsoever, just my crazy ideas. Luckily, I got away with it, and the class just kept on laughing while I was presenting our or my proposal. My proposal was, for the service business would be a spa --- which I called "Subtle Bliss ---- An Ethereal Experience", and for the product business, "Pitas Mo, Luto Ko" --- a vegetable version for the Dampa. Anyways, Mr. Molano suggested that it would be nice if we'd merge the 2 business proposals. I'm thinking of doing a blueprint for this plan on The Sims 2 later. Anyways, there, hmmm... then had PRTEMAN, nothing much happened Mr. T! Mr. Sipin just gave us a case study that we answered for 1.5 hours. We had to answer the case by group. And since none in our group don't have the PRTEMAN book, I had to borrow one of my classmate's book just to photocopy the whole Chapter 3 just for us to answer the case given. Anyways, we were able to finish it in less than 30 minutes.It was really raining super hard Mr. T after PRTEMAN! Then I went to CDRKING to buy a USB cellphone charger for 50 pesos. Then met up with Aubrey, Tin and Ivan. I feel so tired right now Mr. T! And yeah, I'm here right now at Mr. Ernie Zshornack's wake here in Sucat. He's Erwin's dad by the way. Hmmm... what else, I was suppose to sing for the mass pala but when we arrived the mass already ended. It's okay, I'm malat anyways... hmmm... what else... basta yun...labo ko shet... Mwah!

Posted by jjcobwebb on October 2, 2007 at 11:35 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Hello Mr. T! Quick update lang dahil hilo na ko. Had RELSFOR at late ako. And then nakipagkita kay Bel sa Gox Lobby. Tapos had BPOUTSR reporting, grabe hirap ng mga tanong ni Sir. And then nagKENNY ROGERS tapos PROVIDENCE with Tin, Aubrey and Deck. Tapos BPOUTSR makeup class. Tapos nagYUCHENGCO ako. And then sinundo ako ni ate sa school para makasama ako sa patay. Ayun, daming tao kanina. Pumunta mga tao ng Planet tapos pati si Tita Mercedes, Lourdes and Ate Bibing. Ayun, basta daming tao, nosebleed ako. Wahaha... sige Love ya! Mwah!
Posted by jjcobwebb on October 3, 2007 at 11:16 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Hello Mr T! Ang labo ko! First, our LITERA1 teacher wasn't present. Grabe, I rushed my way to school (yes rushed! as in pawis na pawis mukha ng sabog) dahil akala ko late na ko at may assignment pa kami. Anyways, yun. Absent siya, nagLab muna ko and then saw Mity, ayun sabi wala nga raw LITERA1. And then, dapat TECNPRE at BPROUTSR ako pero I went home muna tapos bumalik ako nung talk na sa TECNPRE. Weird. Naligo muna ako sa bahay para fresh naman ako. So yun, til 7:30pm ako sa school, kami ni Aubrey, Deck, Tin and Angelica. So bali yun lang naman. Nagkaconflict pa yung LASARET sched ko at RELSOR outreach ko. Punta ako sa SPS sa Monday... hay... kaiinis... update you soon Mr. T! Mwah!
Currently listening to: I Am Changing by Jennifer Hudson
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on October 4, 2007 at 10:47 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! You'll find out why ganyan yung title. First, birthday celebration ng pinsan kong si Jerold kanina. Pero October 3 pa yung original birthday niya. Since weekday, cinelebrate ng Saturday. Anyways yun, mga nangyari yester, had a bad RELSFOR morning. Wala akong Bible and assignment. Buti akala ni sister Marave absent ako nung Wednesday and sinabi niya okay lang. Tapos tinanong pa ko kung tagaBF Homes ako! Kamusta naman! Porket WEBB lang BF Homes na? Anyways yun, tapos grabe pinagrecite pa ko. Duduguin ako dahil bawal magtagalog shet.

          So yun, tapos nakita ko si Sheila sa Gox Lobby, nakiupo muna ko tapos ginawa ko na rin yung pinapagawa sa METHODS. Ayun, umupo na mga blockmates niya nung tumagal. Pinaguusapan nila ang Facebook. Grabe, ngayon lang nauuso yun eh ang tagal ko ng may account dun. Anyways, yun, had BPOUTSR nung 11:30am na. Tapos case study lang naman yung ginawa. Afterwards, umuwi na sina Tin and Aubrey. Si Deck naiwan kasi may meeting sila nina Carms for the SYSDEV2 project.

          So yun, I thought I could wait for METHODS to end to have lunch, which by the way ends at 3:30pm. So what I did was to not attend METHODS at all. Umattend naman mga kagroupmate ko. Ako kumain sa McDo with Angelica and Deck. So yun, after nun umupo sa Conserv kasi may make up class kami PRTEMAN. Dumating sa table si JM and Carms, dun sila nagkita kita nina Anjhe and Deck. Then PRTEMAN na, nagreport kami ng SDLC W-MODEL, naconfiscate phone ko ni Mr. Sipin. Sobrang kinabahan ako pero buti na lang binalik.

          And then yun, around quarter to 6pm, nagtext na si Jeffrey na nasa Tropical na raw siya. Weird nga eh, ako pa nauna sa kanya dun, san kaya galing yun? While waiting for Barry and Rhitz, nagProvidence muna kami for awhile and then tumawag na si Rhitz na malapit na raw siya. Umalis na kami ng Prov ni Jeff and met up with Barry sa CSB gate tapos yun, andun na yung kotse ni Rhitz. Since sabi ni Rhitz hindi na showing yung Lalaki Sa Parola sa Galleria, magisip na lang daw kami kung san pa pwede pumunta. Sabi ko na lang sa Galleria kasi dun na napagusapan at dun na lang rin tumambay.

Sa Loob Ng Kotse

          Grabe sobrang traffic papuntang Galleria. We took Quirino-San Juan way pero sobrang traffic pa rin. So bonding session muna sa kotse. Masakit ulo ko kahapon Mr. T! As in wala ako sa mood makipaglandian. Pero hindi ko na lang ininda. Sayang ang bonding moments with Jeff na paalis ng Taiwan. Ayun, kwento kwentuhan, tapos may nakasabay pa kaming poging nagdadrive --- hahaha. Picture picturan --- epal epalan. So yun, since tinumbok namin ang Greenhills Shopping Center, dun kami napunta. Ayaw na rin siguro namin makatikim ng traffic  sa Ortigas.

Terryaki Boy

          Ayun, nakapark din kami sa wakas. Ang layo nga lang sa Teriyaki Boy. Anyways yun, as usual Chicken Don na naman sa kin. Ayoko kasi naguulam ng Japanese food eh. Dapat papak lang. Hahaha. As usual, usap for life at bonding for life. Tapos nung busog na busok ako. May complimentary Maki at Gyoza pa kami from Rhitz --- hahaha. So yun... naghanap ng dessert ang mga hindi busog at napagdesisyunan nila, after umikot ikot sa Promenade, na sa...

FIC

        ....kumain. Labo, mukha kaming busabos dun sa may bench sa may Promenade. Anyways, masaya naman kami kahit mukha kaming epal dun sa gitna ng Promenade. Hindi naman sila naka FIC for their information. Weird, nakita ko si TJ tapos hinihintay niya si Karol. Grabe, nung sinabi kong sumibat na kami, si Karol --- nagGrand entrance! Ayun, ayoko magpakita kasi baka akalain niya I stood him up dun sa production nila. Eh totoo lang naman sinabi ko kanya eh, class ko from 8am-6pm. Ano pa kayang makikita kung tumuloy pa kong UP di ba? So yun, magdidinner sila ni TJ and sa CIBO yata sila kumain.

Cheesecake Etc.

          Hindi pa natauhan ang aking mga frienships, kumain pa kami sa Cheesecakes Etc. Eto na kung baket Oreo Cheesecake yung title nito, umorder lang naman kami ng isang buong cake nito. Walang slice slice whatsoever. Napurga ako Mr. T! Gusto ko ng isuka. Pero sayang ang 500php or 125php each times 4 kami. Hay, yun, at first kami lang customers, tapos nung tumagal dumami. Swerte ata kaming 4. Ayun, lakas ng ulan while sobrang sakit na ng ulo ko that time Mr. T! Tapos time to go na, naisip namin na ihatid na si Jeffrey sa Alabang since mahirap na umuwi ng ganoong oras kung magcocommute lang.

Sky Way or Hell Way?

          Naku nagbayad pa si Jeffrey para lang matraffic din kami sa Sky Way. Mas hindi pa traffic siguro kung hindi kami ngSky Way. Anyways yun, bonding as usual sa loob ng kotse habang traffic. Tapos nagpamasahe ako ng ulo kay Jeffrey at humiga na rin ako kay Jeffrey sa sobrang sakit na ng ulo ko. Grabe.

Alabang Hills

          Alast! nakarating din kami sa bahay ni Jeffrey. Nakigamit muna kami ng CR. Tapos nanghingi ako ng Biogesic. Wala kuya ni Jeff kaya yung pinsan niyang si Mark yung nagbukas sa min ng pintuan --- hahaha --- wala lang. So yun, sobrang sakit na ng ulo ko Mr. T!

Dreamland

          Pagkalabas na pagkalabas dun sa village nina Jeffrey nakatulog na ko Mr. T! As in, last na naramdaman ko eh yung parang umulan tapos nagising ako at nahatid na pala si Barry. Grabe! Nawala sakit ng ulo ko Mr. T! infairness. At hindi raw umulan, parang basang daanan lang Mr. T!  Ewan ko kung dream lang yun Mr. T! Pero parang muntik kaming mabangga or nahulog yung kotse sa isang hole. Wah... yun... zzzz....

P.S Nagcracrash pa rin THE SIMS 2 ko sa PC!!!! Hindi ko alam kung baket!!!!

Currently listening to: Runaway by The Corrs
Currently feeling: in love
Posted by jjcobwebb on October 6, 2007 at 09:18 PM in Everyday Drama | Post a comment

         Hello Mr T! Wala lang, the whole afternoon nasa bahay ako nina Kristine. Andun sina Aubrey and Jobet din. Ginagawa nila SYSDEV2 nila and ako naman hindi ko alam kung baket ako nandun. Anyways, yun, panalo si Pacquiao, panalo DLSU, san ka pa? Kyla's rendition of the Lupang Hinirang was so formal. Nothing to be impressed about... Hahaha... yun, I rode the LRT2 tapos nagJeep ako and then tricycle papunta sa village nina Kristine. So yun, ang lamig sa kanila. Tapos inabutan pa ko ng ulan. Around 2:30pm andun na ko sa kanila. Anyways yun, si Tin may niluto, imbento niya, panag Sandwich na ham na fried. Masarap naman siya infairness. Tapos yun, super bagal ng Netbeans sa PC at Laptop ni Tin and Aubrey respectively. Tapos pinakita niya HS Yearbook niya and mga baby pictures nilang magkakapatid. Andun yung ate niya and si Rocky and lola niya. Sayang wala si Kevin --- hahaha. Sana matapos nila yung screenflow nila sa Wednesday para sa Thursday okay presentation nila. So yun, around 8:30pm, sinunudo ako nina Ate. Nagdadrive si Erwin tapo si Reamaur and Emo nasa harap and kasama rin si Mama. May bago silang kotse kaya trip nila kong sunduin --- oh di ba. Social talaga ng kapatid ko, 900k yung bili niya dun, dating 1.4M nabili niyang ganung presyo. Hindi na talaga siya mareach. So yun, hmmm... tapos kumain kami sa may Katipunan dun sa Country Side. Masarap naman yung pagkain dun, had Kaldereta na sobrang sarap, Sinigang sa Miso and BBQ. Masarap masarap. Tapos yun... umuwi na. Hehehe... ayun muna update ko Mr. T! Mwah!!!

Currently feeling: back ache
Posted by jjcobwebb on October 7, 2007 at 11:41 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ano ba yan, puros Xtin na lang yang title ko Mr. T! Hahaha --- anyways, I wasn't late for my RELSFOR class. It was held sa Smart Room kanina dun sa Miguel. And then, our teacher gave us an incentive na starting on Wednesday, ang perfect attendance and no late students won't be taking the final exam in RELSFOR. Saya di ba! Ginanahan naman ako dun. So yun, and then nakipagchat sa YM with Jeffrey from 910-1130am. Sobrang wala akong gigawa. Tapos BP na, grabe talaga, naduduling ako sa antok kanina kay Mr. Sipin. Iidlip sana ako kaso baka bumingo na ko kay Mr. Sipin. Tapos yun, naglunch kami nina Aubrey, Tin and Deck sa Kenny Rogers. Parang walang bukas yung inorder namin. As usual busog na busog na naman kami. Ang bibigat at ang lalake ng tiyan namin kanina. Grabe baket hindi ba ko tumataba eh sobrang takaw ko na! Wah. Anyways, yun, tapos nagConserv, nakiupo kami dun sa may natutulog. Buti mabait. Sabi ni Deck amoy laway daw yung table --- hahaha. So inalcoholan namin. And then had METHODS. Grabe hindi ko talaga malaman kung anong gusto ni Dr. Loyd! Nakakaiyak na. Parang lahat ng proposals ng mga groups mali. So yun, nagusap usap kami ng mga groupmates ko kung ano talaga gusto naming gawin. Magkikita kami tomorrow for the finalization ng proposal due on Thursday. Sheila was absent pala. And then, kasama ko si Anne bumalik kaming Coserv. NAKASALUBONG NAMIN SI ATKINS! Amfufufu! Pogi shet. So yun, tambay muna sa Conserv then umuwi na.

          Eto ang mas mabigat sa kinain namin kanina Mr. T!, nasiraan ang LRT sa CENTRAL STATION at pinababa kami lahat! Wow! Wowowee Part 2? Naku, since wala kami sa mood ni Tin makipagsiksikan, naisipan naming bumaba na lang at magjeep papuntang RECTO station or any station ng LRT2. So yun, mukha kaming palaboy ng Maynila. Buti naman nakarating kaming LEGARDA station ng buhay. Dumaan kami dun sa likod ng SM MANILA at from there napadpad kaming San Sebastian at Mendiola at yun. LRT2 na sa awa ng Diyos. Nakasabay pa namin si Justin sa LRT2 at tinatanong kung baket kami dun sumakay. Anyways yun. Pagkadating ko sa bahay, tulog agad ako. Tapos around 9pm na ko nagising. So yun, si Rhitz nagiinvite manood tomorrow nung gusto naming panoorin pero sobrang bawal ako tomorrow eh. Sana na lang matuloy sila and hindi ako maging hadlang sa pageenjoy nila tomorrow. So yun Mr. T! Yan muna as of now. Update you soon ayt? Mwah mwah!

Currently listening to: I Didn't Know I Was Looking For Love by EBG
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on October 8, 2007 at 09:46 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun, andun ako sa Thesis Room, G409, the from 4-6pm. Andun din sina Tin and Deck and Aubrey. Nagpapatulong sina kay Neil and George. Anyways, parang Game Cafe yung thesis room. Halos lahat ng andun nagcoCounter Strike! Kamusta naman di ba. So yun, pero bago yun, nagCase na naman kami sa PRTEMAN and group ni RINA and VAL ang nagreport sa TECNPRE. Hindi pala ako nakapasok sa LITERA1 Mr. T! 11:30am na ko nagising. So yun, dumating na yung pinadalang PC ni Kenneth. Sobrang ganda shet. Tapos si Rina naman, yung report nila sobrang galing. Nakakaamaze talag si Rina! Idol! Amp! Anyways, yun muna Mr. T! Update you soon ayt?? Love ya!

Currently listening to: Even The Nights Are Better by Air Supply
Currently feeling: in love
Posted by jjcobwebb on October 9, 2007 at 10:48 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hi Mr. T! I'm back! First, birthday ngayon ni Jeffrey! Happy birthday sa friend ko! Tapos, ayun, I wasn't late for my RELSFOR class this morning. In fact, I was even 10 minutes early. Hmmm, thanks to the insentive she gave us last Monday, ginaganahana akong pumasok ng RELSFOR. Anyways, after RELSFOR, si Jeffrey ang bait, pumunta ng school para samahan ako for my uber long break. 9:10am-11:40am that is.

          So yun, we met up sa may Tropical Hut --- grabe, hindi na ata ako sanay na nakaformal, nakaayos at naka-eyeglasses si Jeffrey but anyways yun. Kumain kami Jollibee, usap usap forever. Cute-seeking forever, kain-forever and kung anu ano ever. NagChicken ako tapos siya Sandwich (Don't worry, I'll tell you why I need to say this). So yun, still 1hour and 30 minutes still before my class. Ayun, we went to Providence muna. Grabe, naubos namin yung 100php kakakanta. Kaaliw, naabot ni Jeff yung True at Changes In My Life. Hahaha --- galing ko ata magturo. At narealize ko sobrang fan siya ni Rachelle Anne Go. Anyways yun, since late na ko for my class, nilubos lubos ko na rin at nagpahatid ako kay Jeffrey 'til Gox. Ayun, wala naman pala si Mr. Sipin, absent. So tumakbo ako para habulin si Jeff pero para siyang may fading powers. Naglaho siya agad. So tinext ko siya. Kaso walang reply. So tumambay na naman akong Thesis Room. Ayun, nagkaSunog sa Gox. Ganda di ba? At nagtext si Jeffrey na gusto niya magTropical. So yun, may sunog sa Gox or Tropical? Sa Tropical ako pumunta. Anyways, this time, ako nagSandwich at si Jeffrey nagChicken. (See, I told you why I needed to say that!). So yun, usap-ever, kain-ever, and kung anu ano ever. Ay, kaya nga pala pumunta ng school si Jeff kasi aawardan siya dahil Cum Laude siya. 1:30pm yung start ng program tapos 2:30pm ang end. Ayun, ang saya saya. May certain kind of happiness pag kasama ko si Jeffrey. Hindi ko alam kung dahil sobrang close na kami or sobrang connected and attached na ko sa kanya. (Yuch ha! Hindi ako in love! *vomits*). Basta, we're closer than ever before. And we connect so much recently. Unfortunately, pupunta na siyang Taiwan but anyways. Ayun, pumunta na siya AKIC tapos ako pinuntahan METHODS groupmates ko sa Gox.

          Grabe galing mag-isip ni Vergara ha! Around 2:30pm umalis na rin ako sa meeting namin. Tapos mineet si Tin and Ivan. Naghahanap sila ng e-PCI. Hindi pala pwede magdeposit dun sa BDO. So nilakad namin yung Quirino PCI. Grabe, pawis na pawis ako. Tapos may nadaanan pa kaming mga lalaking nagrarace ng TOOTHPICK sa kanal! Ganda di ba! So yun, since past :30pm na at wala pang text si Jeffrey, ako na nagtext at sinabing uuwi na lang ako. And 3pm na rin. By 4pm kailangan niya na umalis kasi may family dinner sila. Natagalan daw kasi may kainan pa --- wow kainan pa rin! So yun, umuwi ako with Ivan and Tin and ayun, tulog na naman sa bahay... May due raw sa TECNPRE tomorrow. Shux sobrang hindi ko alam kung anu yun. Update you soon Mr. T! Mwah!

Currently listening to: I'll Be Over You by Toto
Currently feeling: wide awake
Posted by jjcobwebb on October 10, 2007 at 09:09 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Kamusta ka naman? Wah, kamusta, inalarm ko ang cellphone ko para magising ako ng 9:00am pero nagising pa rin ako malapit na mag 10am. Anyways yun, medyo nalate ako for my LITERA1. So yun, grabe ang prof ko, meron siyang mga super old na books na nabili niya sa isang publishing house sa may Espanya raw before it closed down. Tapos, meron din siyang kopya ng NOLI at FILI, as in yung sulat mismo ni Rizal ha! Grabe, sobrang naaliw ako. Pero ang sakit sa ilong and hinatching ako dahil sa amoy ng lumang libro. Anyways, ayun, pina-analyze sa min yung sulat ni Rizal sa NOLI at FILI. Kagroup ko si Ayles, Maruel and some guy. Hahaha. Ayun, grabe si Ayls, sobrang magobserve. Medyo ang tagal namin sa paganalyze. Gusto niya ata sobrang precise. Anyways ayun, buti naman natapos din namin. And then nakiupo ako sa SYSDEV2 nina Tin. Ayun, sila nagrereport. Wala raw transaction process yung system nila. Kailangan nilang dagdagan. Pero naaliw ata mga classmates nila dahil walang nagtanong. So yun, TECNPRE, hindi pa tapos paper namin. So hindi pumasok si Deck, Aubrey and Anjhe ng TECNPRE. Kaming 2 lang ni Tin pumasok dahil may ginawa na kami nung gabi. So yun, nagreport lang group nina Jeri and Lillet. Anyways, haba ng report nina Jeri. Sobrang inantok ako. Tapos pinagisip pa ko ni Sir Molano ng tanong sa group kasi sobrang ingay ko ata. Tapos yung report naman nina Lilet sobrang okay. Much better than  Jeri's group. Kung hindi sana sobrang haba nung report nila eh mas okay. So yun, kumain muna ako sa Eric's. Sumunod si Tin, Aubrey and Deck. Nag-isaw sila. Ako ng Hotdog Sandwich at kwek kwek. Si Jobet andun din, nanghingi pa ng 2 piso tapos si Anjhe rin and Ian andun. Sabi ko kay Anjhe maghanap ng calculator dahil may case sa PRTEMAN. Ayun, si Tin umuwi na. Ako late sa PRTEMAN dahil nauna pumasok si Anjhe. Ayun, nagdiscuss si Sir ng may mga numbers na sobrang di ko nagets. At nagbigay nga ng Group Seatwork. Ayun, grabe, wala kamin alam ni Anjhe at Mikael. Ayun, bait ni Rina and Camille, nagpaphotocopy sila ng pinresent ni Sir. Ayun, hindi pa rin nakatulong, so yun, we ended up copying the seatwork of our seatmates. Pinapass niya sa kin eh, so kinopya namin. Hahaha... so yun.... mga atat kami ni Anjhe magANIMO party so nagmamadali kaming pumuntang YUCHENGCO.

          Nakasalubong namin si Anne at nagdali dali kaming pumunta sa Central Plaza para salubungin sina Deck. Ayun, nagtatambol na ang PEP para sa parade. May Picture picturan sa ASTRING-OSOL, nagpapicture kami. Tapos naghahanap kaming bandana pero ubos na. Ang lakas ng tugtog sa CENTRAL tapos ang dami ring tao sa AMPHI. So yun, naghintay kami ng ewan dun sa may Museum. Hindi namin alam kung ano hinihintay namin dun. So tinext ko si Beck kung san sila. Ayun, nasa Gox, tumawag siya kasama si Sherry. Ayun, ewan ko kung baket kami naghintay ni Sherry kina Beck, Mouse, Omai at Hazel eh sa Sportscom naman pala sila pupunta dahil magaaral si Mouse magbreak dance. Kala ko pupunta sa Party. So yun, with Sherry, sabi ko tumuloy kaming YUCHENGCO kung nasan sina Aubrey. So yun, grabe! Parang kasabay kami sa parada ni Sherry. The whole time kaming naglalakad kasabay namin si ATKINS!!! Feeling ko lahat ng pictures ni ATKINS na kinunan ng mga students andun kami. So sabi ko sa likod na lang kami ng SJ dumaan dahil papansin na. So yun, andun pa rin sina Aubs. Ayun, kamusta. Pinabantayan sa min ni Sherry and Philip yung place dahil pupuntahan nila si Jah sa McDo. Anyways, andun naman si Philip. Medyo tinamad na kami ni Sherry after 1 hour. So since nakakuha ako ng pics ni ATKINS at nakakuha na rin ako ng LASALLE BALLOONS. We decided to go at dinaanan muna namin sina Aubs sa McDo. Ayun, umuwi na kami ni Sherry. NagLRT1 kami like we used to before. Nakakaiba ng feeling. Sobrang tagal na naming di nagawa yun and masaya. Imagine since 1st-3rd year kasabay ko si Sherry. Hay --- I love Sherry. Anyways, si Deck pala bumalik ng bahay para magpalit. Ang daya kaya nawala rin ako sa mood dahil lahat sila nakabihis. Anyways, nung tinext ko si Aubs na gusto ko bumalik, sabi niya maraming tao. So nawalan ako ng gana. Ayun, nagANIMO part sila til 9pm ata or 10pm. And based from what I've heard, disastrous ang Victory Party! Ahahaha... naubos ang food, ang sikip, hina ng sounds, maalinsangan, hahaha... buti na lang hindi ako bumalik. So yun, si Sherry pala bumaba sa D. Jose. Tapos yun, ako umuwi na rin. :) Ayun, di ba --- nagANIMO PARTY SILA... We're Back, We're One, and We're #1! Go Lasalle! Hahahah... mwah!

Currently listening to: Later by Fra Lippo Lippi
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on October 11, 2007 at 10:12 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

          Okay, araw ng panlilibre ni Jeffrey ngayon and last day niya with us ngayong 2007 dahil bukas Graduation niya na and next Thursday he's off to Taiwan at babalik pa siya sa April --- sadness pero for his own good naman ata. So yun, sabi niya dapat by 11:00am andun na kami sa school para hindi makahabol kami dun sa Lunch ng kakainan namin. Sabi niya 12:00pm yung start til 2:00pm. So yun, nagising ako sa tahol ng aso Mr. T! As in, sa kwarto ni Reamaur ako natulog dahil lately dun siya nakatira kina ate. Anyways yun, sobrang init ng araw kanina Mr. T! As in. Nakafit pa kong damit at nagdadalawang isip ako kung magLLRT or magcacab ako papuntang school. So anyways yun, 10:20am na nung umalis akong bahay. Nagtext na si Jeffrey na nasa McDo na raw siya and maghihintay na lang siya dun. Anyways, dahil holiday walang traffic, mga bandang 10:40am nasa may Quirino na ko. Sabi ni birthday celebrant nasa Warzone na raw siya at dun na lang kami magkita. Kamusta naman parang alam ko yun di ba! So sabi niya malapit lang raw yun sa Providence. 10 minutes before 11am andun na ko sa may Providence. Hinahanap ko yung Warzone at ayun nga, malapit nga lang sa Providence. Hindi ko na tinext si Jeffrey na andun na ko so pumasok na lang ako sa loob. 

Warzone

          Ayun, grabe, pumasok nga ako di ko naman nakita si Jeffrey sa loob. Anyways tinext ko na lang siya at ayun lumabas na rin ng Warzone ang bruho. Ayun, since wala pa sina Barry and Rhitz, umupo muna kami sa may bench sa labas ng Warzone. Weird nga eh, katabi namin mga pedicab drivers, para kaming papasada rin ng pedicab. Hahaha... anyways, si Rhitz and Barry tinawagan ni Jeff at tinanong kung asan na raw sila. Si Barry, pupunta pang Pasig at Banawe tapos didirecho na lang raw sa Makati. Tapos si Rhitz feeling namin kagigising lang. Okay lang dahil malapit lang naman si Rhitz dun sa school eh. Since naburaot kami ni Jeffrey sa bench at malapit ang Prov. Nagprovidence na lang muna kami.

Providence

          Walang tao ang providence. Holiday talaga. Ayun, bumili si Jeffrey ng 100php na tokens. And akala namin mauubos ang tokens. Biglang dumating agad si Rhitz. May natira pang 35php atang tokens. In fairness nagimprove ang voice ni Jeff. Ahahah... D+ na siya ngayon from F. Hmmm... tapos yun, tatago ko na lang yung tokens para pagbalik ni Jeffrey sa Pilipinas may tokens pa kami for Providence. Ayun, may dalang kotse si Rhitz and makulimlim na Mr. T! nung paalis kami. Sa may Pasong Tamo raw kami kakain sabi ni Jeff. So yun, habang papunta kami dun, bandang Buendia pa lang kami, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. As in, tapos nung nakarating na kami dun sa kakainan "Kikofuji" yung name ng restaurant, walang parking dahil puno, wala kaming payong at si Jeff lang ang akala naming meron, baha ang kalsada.  So yun, sabi ni Jeffrey sa may Makati Square kami magpark and from there lakarin namin. Kamusta talaga Mr. T! Nung pagkapark namin, lalo pang lumakas ang ulan. Buti naalala ni Rhitz na may payong raw sa kotse and so ayun, kinuha namin. Grabe, akala namin safe na kami dahil sobrang lalaki ng payong, pero grabe as in, ang lakas super ng ulan. Swerte ni Jeff nakatsinelas siya. Kaming 2 ni Ritz nakashoes. So wala kaming magawa. Sa ayaw at sa gusto namin. Nabasa ang aming mga medyas at sapatos. Buti hindi buong katawan namin ang nabasa. Buti na lang mga sapatos lang. Salamat sa payong. Hindi ko maimagine kung yung payong lang ni Jeff ginamit namin nung oras na yun. Siguro para na kaming naligo.

Kikofuji

          So yun, Japanese Restaurant nga, just like what Jeffrey said. Pero akala ko buffet. By order pala! Amp! Ayun, cozy naman yung place. Maraming customers, sikat ata yung lugar. Tapos at first siyempre wala pa si Barry. Naghubad kaming sapatos and socks ni Ritz sa asang matutuyo pero hindi natuyo.  Mga 15 minutes later dumating na siya. Ayun, para kaming may dance number. Si Ritz and ako  nakablue while silang dalawa nakaRed. Saya di ba! So si Jeffrey ang nagorder for us. Siyempre ako hangal sa Sake Sashimi, akala ko pwede umorder ng puros ganun lang pero hindi pala pwede. So yun, nagsushi fest kami. Marami yung food. Hindi ko inexpect na malalaki yung servings Mr. T! Hinamon ako ni Jeff na pagnaubos ko raw yung pagkain ko eh oorderan niya raw ulit ako! Wow! Ako pa hinamon sa mga isdang hilaw! Eh paborito ko ang may yun. But anyways, nahiya naman ako at hindi na ko umorder pa. Ayun, tapos umorder siya ng house tea. Una malamig binigay tapos may mainit din.  Ang labo. Tapos yun, lamunan na. Grabe sarap ng Ebi! Wah... sana mas marami yung sa min ni Jeff na ganun. Yung kay Ritz and Barry marami eh kasi may kanin sila at sa amin sushi lang. Anyways, yun, nagkape kami aftewards tapos since may calamansi akong hiningi at may mga tsaa pa, nilagay ko sa tea yung mga calamansi. Hahahaha... weird ng trip ko. Ayun, picture picturan session kami sa loob nung resto. Ganda ng lighting dun sa resto. Parang star yung mga itsura namin. Tapos may weird na shot na kinunan si Jeffrey. Ang labo, nakasabit na paslant yung cam. The pic shoul've been the best pic for that day pero nakatabingi Mr. T! Sayang. So yun, grabe, parang feeling ko ang ingay namin nun. Pero paki ba nila. Ganun lang talaga pagmasasaya kami.  Ayun, pagkalabas namin, tumila na yung ulan. Basa ang aming mga sapatos Mr. T! So sabi ni Ritz bili raw kaming tsinelas.

Plaza Fair

          Social ng Mall na toh! Pangmayaman *insert sarcasm here*. Walang aircon, ang init, luma at lahat ng pwedeng panglalait. Pero infairness, magaganda yung t-shirt nila at mura pa. Ayun lang ang maganda sa mall na yan. So ayun, bumili kami ni Rhitz ng Banana Peel. And yun, comfortable na kami maglakad ulit. Thanks sa Plaza Fair, nagkatsinelas kami somehow. Hahahah... ayun, so iniisip namin kung san manonood ng Apat Dapat, Dapat Apat. So naisip ko na never pa kaming 4 na nagsama-sama sa Rockwell. So sabi ko dun na lang. At least di ba, unforgettable pag umalis is Jeffrey. Nakatungtong kaming 4 sa Rockwell bago man lang siya nagTaiwan. Nakaka-uta na rin kasi sa Glorietta eh, parang since first year college andun na kami. Parang kahit nakapikit pwede na naming malibot yun. So change of place muna. So, nagRockwell nga kami.

Rockwell

          Ayun grabe, eto ang totoong social na Mall! As in! Pero hindi ko magets, wala naman magawa sa Rockwell sa totoo lang. Movie House lang ata yung useful para sa kin dun. Yung PowerStation naman walang kwenta. Ayun, walang Apat Dapat, Dapat Apat ang Rockwell. Oh di ba, social talaga? Puro english movies lang yung Now Showing nila. Puros foreigner kasi naglipana sa Mall na yun eh. Anyways, umikot ikot na lang kami. Tapos nag Fully Booked. Si Rhitz, namili ng mga Cake dun sa Cake Fair. NagR&D raw siya. Hindi raw kasi sila naapprove dun eh. By invitation lang yung fair na yun. So yun, habang namimili siya, kaming 3 nagtetaste test naman nung iba't ibang cake. Isang cake lang yung nagustuhan ko eh, yung Brazo de Mercedes. Ang dami rin palang "brazo" dun Mr. T! hahaha... so yun, dahil wala na kaming magawa, bumalik na kami sa parking at mali pa yung parking napuntahan namin. Nalito lito na kami. Sa ibang side kami nagpark so yun, habang papunta sa kabilang parking, pinapapak namin yung binili ni Barry na cake. Hahaha... and yun, next stop, Market Market --- para malapit na sa Serendra pag naggabi.

Market Market

          Ayun, hindi ko maalala kung first time din ba namin sa Market Market. But anyways yun, akala namin wala movie house sa Market Market. Ayun, inaakyat namin until top floor. Thank God at merong movie house at merong Apat Dapat, Dapat Apat. Ayun, so si Jeff na nanlibre ng ticket and KKB na raw sa dinner. 4:00pm na nun and yung movie ends at 4:30pm at magstastart ng 5:10pm raw so nagikot ikot muna kami. Ayun, since ang daming tao, yung Timezone ang daming tao, ang daming jologs here there and everywhere, at sabi ni Jeffrey pangmahirap raw, ayun, nagDepartment Store muna kami kung san walang tao. Ayun, nagikot, umupo, naaliw sa mga gown, pumunta sa Toy Section until 4:25 na and we had to make pila na sa labas ng movie house. Anyways yun, weird, nung mga lumalabas na tao, may mga parang naluluha, yung iba natatawa, yung iba naman blank. Anyways yun, pero bago pumila nagGulaman muna sina Ritz and Barry dun sa Siomai House. Wah --- pati dun merong Siomai House. Ayaw ko bumili dun kasi feeling ko pangLRT stations lang yun. Ahahaha... so yun pila pila tapos nakapasok din sa wakas.

Apat Dapat

I intend not to write anything here for the sake of those people who still have not watched the movie yet. :) Basta sa part na toh, nanood na kami. :)

The Pizza Company

          Ayun, since gabi na at dapat magdinner na, gutom kami in short. Si Barry, gusto magFriday's kaso hindi naman kakain! Wah ang labo! Unfair yun di ba kasi kung dun kami hindi siya hahati! So sabi ko wag dun! Pangmayaman! Ahahaha... so yun, sabi ko si Jeffrey na lang may decide kung san niya gusto kumain.So yun, si Jeffrey ang naglead sa min, sa The Pizza Company kami napadpad. First time ko dito kumain, ganun rin daw sila. Ahahah... anyways, yun, medyo hindi masarap ang luto nila. Tagal pa ng service pero mababait naman yung crew. Pinaglalauran ko yung oregano nila nung pagtapos namin kumain --- wah lakas talaga ng trip ko. Ayun, had pizza, spaghetti, chicken wings and onion rings na may pitcher pa ng Pepsi. Anyways, nakakabusog naman or dahil hindi ko pa totally nadidigest yung kinain namin nung lunch but anyways yun. Kwento kwento, usap usap, parang wala ng bukas or graduation ni Jeffrey the next day --- hahaha.

Seatlle's Best Coffee

          Ayun, tapos kumain sa The Pizza Company, bonding session muna kami sa High Street. Tapos kinuha yung camera para last time  picture picturan session. Hay, tumawag pa si ate tinanong ako kung susunduin raw ako. So sabi ko tignan ko. Parang grabe, ayaw ko na matapos yung gabi Mr. T! Everybody was so happy. Ewan ko ba, may spirit atang nagpapasaya sa min Mr. T! Basta yun, stroll stroll sa High Street tapos nakita pa namin si Kian yung sa PBB. Wow mukhang gay. But anyways yun, gusto kasi nilang magdessert pa, so ang daming tao sa Coffe Bean, expected namin marami ring tao sa Starbucks, so nung nakakita si Jeffrey ng upuan sa SBC, pumasok siya agad at umupo na kami dun. Ayun umorder sila ng mga kape nila, ako hindi na dahil hindi ko na kaya magpasok ng kahit ano pa sa bituka that time or else masusuka na ko. So yun, bonding session na naman. Usap usap, kulitan, picturan, harutan and kung anu-ano pa. Inask namin si Jeffrey kung anong hope niyang makita pagkabalik niya or mangyari, pero labo niya, gusto niya lang marinig sina Ritz and Barry kumanta. Ayaw ni Ritz kasi isang bagsakan lang daw yung and gusto niya yung paghihirapan. Grabe, wala ata akong narinig na wish or hope ni Jeffrey sa kin. Ang narinig ko lang kay Barry, love life, kay Ritz, career, sa kin ata wala. Ano ba yan. But anyways yun. Naglolokohan kami na pagbalik niya payat na yung 2 at ako naman mataba na! Hahaha --- basta sobrang saya. But since super late na and graduation pa ni Jeffrey the next day, as in 6:30am dapat nasa school na siya, at magte 10pm na, everything must come to an end. Ayun, si Rhitz social grabe hindi inubos yung kape niya dahil hindi niya raw type. Sayang sa pera hahahah. So yun, we headed for the parking lot na. Weird, walang kasama mom ko sa house tapos si ate gusto ako patulugin sa bahay nila. Sabi ni mama na dun na raw kami tumira kay ate since lagi naman raw kaming wala sa bahay. Hahaha... nakakatawa pero nakaklungkot at the same time. Ganun ata talaga pagtumatanda, nagtatampo dahil nagiging malayo and pre-occupied na mga anak mo sa iba't ibang bagay. But yun, sabi ko sige uuwi na lang ako sa bahay and hindi na ko matutulog kina ate.

A Good Way to End the Night

          Just when we thought the story is over, may epilogue pa ang araw na toh. Parang pelikula ang nangyari Mr. T! Kasi ganito yan, yung pintuan sa kotse na ako ang nagsara, hindi nasara ng mabuti so sabi ko okay lang dahil wala namang nawala sa loob at locked naman in all fairness ang pinto. So nakaupo na lahat kami sa kotse, sabi ni Rhitz ayaw magstart nung car. Hala, so sabi ko, wag siya magjoke at anong oras na at si Jeffrey baka katayin na ng nanay niya. Pinastart pa sa kin ni Rhitz yung car pero ayaw nga talagang magstart. So sabi niya baka yun or hindi lang baka, most probably dahil dun yun sa pintuan na hindi masyadong nasara. This caused the car daw to loose charges para dun sa battery. Basta parang ganun hindi ko naman magets. So sabi ni Rhitz mag-ask raw kami ng Jump Starter sa may security guard. Ayun, nagask kaming 3 pero wala naman. So sabi ni Rhitz ikot ikot muna kami baka magrecharge and magstart yung car. Ayun, pagkabalik namin wala pa rin. So sabi ko samahan ako ni Jeffrey maghahanap kami aroud Serendra. May nagsabi sa min na sa may HONDA raw most probably meron, so yun, grabe, nilakad namin ni Jeffrey til HONDA pero thanks to our badluck wala pa rin. Pawis na pawis na ko Mr. T! and ang iingay ng mga cricket sa grass (wala lang gusto ko lang sila isama sa kuwento). Ayun, umupo kami at nagisip kung anong gagawin kung magcacab na si Jeff pauwi dahil uber late na or maghihintay kaming himala. While making isip kung anong gagawin, may mga weirdo na pinicturan kai. Hahaha --- ano kami STAR? Hahaha --- ayun, parang may lumabas na lightbulb sa ulo ni Jeffrey and naisip niyang itulak raw namin yung kotse nina Barry while iniistart ni Rhitz. Ewan ko kay Barry and Jeffrey nagtalo muna sa idea na itulak but anyways sabi ni Jeffrey itulak na so ayun, nagtulak na kami.

Testosterone Overload

           OMG talaga Mr. T! First time ko ata ginawa ang magtulak ng kotse sa buong buhay ko! Grabe, ayun pero sobrang saya naman siya! Yung masculinity naming 3 nagsilabasan nung tinulak namin yung car. Anyways, first attempt masyadong mabagal pagtulak namin: FAILED. Second attempt, kumadyot na yung car pero nagstop kami sa pagtulak dahil akala namin aandar na: FAILED. So sabi ni Rhitz, tuloy tuloy raw until umandar ng todo. So yun, buti na lang wala ng nakapark sa harapan namin. Sinadya ata ni Lord para matulak namin ng dire-diretso yung kotse. Ayun, third attempt: SUCCESS. Wow! Para kaming nanalo sa lotto. First time lang din daw ni Rhitz magawa yun, first time din namin ni Barry magtulak... well si Jeffrey nagtulak na raw before. So yun, ang saya. Sa landi naming toh natulak at napaandar namin yung car. May pabukas bukas pa kami ng hood nung kotse eh tulak lang naman pala yung kailangan. At the end of the day, Jeffrey and his brilliant idea was the hero. Ayun, lumabas kaming EDSa and bumaba si Jeffrey sa may AYALA, from there magbubus raw siya. Grabe buti na lang nakauwi ng maayos si Jeffrey. Tapos yun, si Rhitz dadaan ng Wilson para sunduin kapatid niya so nagpababa na lang kami ni Barry sa Promenade and from there nagcab kami. Nung pababa ako nung cab Eversince the World Began pa yung tinutugtog --- wala lang. Ayun, 10 minutes lang ata yung pagitan ng pag-uwi ko and Jeffrey. 11:20pm ako nakauwi sila ata 11:30pm. Hay... sobrang daming nangyari ngayong araw na toh Mr. T! Kung pwede lang sana na hindi na matapos. :) Narealize ko na importante pala yung 3 Godesses sa buhay ko. Hindi ko naimagine na magiging super close kami ng ganito. And for Jeffrey, sana maging okay siya sa Taiwan, kahit sadness na aalis na naman siya like nung hindi niya kami kinausap, sana maging masaya siya dun. And mag-ingats as always. And for the 3 of us na maiiwan dito, malamang bonding session. Sana lagi naming alalahanin na Apat Dapat and Dapat Apat lagi kami para happy always and always happy.  :)

P.S. Naiwan ko ang shoes ko sa kotse ni Ritz. Wah! Kadiri at kahiya dahil andun socks ko na basa... wah....

Currently listening to: Ironic by Alanis Morissette
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on October 12, 2007 at 11:19 PM in Everyday Drama | Post a comment
          I'm having my most difficult love problem yet since 2005 Mr. T! I don't know what to do... :(
Currently feeling: confused
Posted by jjcobwebb on October 13, 2007 at 10:07 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)
          Hello Mr. T! Hahaha... I'll stop the drama na! Anyways, I gave Kootchie and Prince a bath today. Grabe, ang hirap pala ng gawain ng kapatid ko! Naku, hindi naging kasing ganda ang kinalabasan ng mga aso sa kamay ko. I even forgot to blower them and comb their hair. Akala ko once natuyo mo na sila ng towel and nakapagshake na sila tapos na yun. Ahahaha, nagmukha tuloy silang mga bruho at bruha. Pero at least mabango na sila di ba? Hehehe --- mmm... ano pa ba, ayun, ako naman ang hindi pa naliligo kamusta naman! Ahahaha --- may quiz pa pala ko bukas sa RELSFOR hindi pa ko nag-aaral. Hay, hmmm... ayun si Mama pupunta na naman ng party! Parang kakaparty lang niya nung isang linggo makikiparty na naman! Social talaga. Hmmm... si Larry pala yung pinsan ko bumalik na sa bansa kanina lang.  Tapos grabe, hay, pasko na kanina sa SM Centerpoint. Grabe! Baket ganun puros Christmas tree na nakadisplay and Christmas lights. Suddenly I feel like it's Christmas. Ayun, wala naman akong binili dun. Pinabili lang ako ni Mabel ng mga electrical stuff para sa PC nila at sa kanila na rin ako nagdinner. Hmmm... ano pa ba... ayun, tulog ako the whole afternoon nung pagkatapos ko magpaligo sa mga aso. Anyways yun muna Mr. T! Ang  dull ng Sunday na toh. Sige sige... update you soon ayt? Mwah!
Currently listening to: Eye Of The Tiger by Survivor
Currently feeling: refreshed
Posted by jjcobwebb on October 14, 2007 at 06:49 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Kumusta naman? Lols, ayun, had my first ever RELSFOR quiz kanina. Check your seatmate's paper. Bakit ang bait ni Georgia? Hindi siya nagchecheat? Hahaha--- anyways, I got 30/40, not bad naman. Walang daya yun ha! Tapos for the remaining time ng RELSFOR pinaginternet na lang kami ni Sister Marave! The best talaga si Sister! Anyways yun, hindi ako late sa RELSFOR siyangapala! Di ba, wala pa rin akong finals as of now. Hmmm... and then yun, since wala naman akong gagawin after RELSFOR, 9:10am kasi di ba yung end nun and 11:40am pa yung next class ko, sinamahan ko muna si Georgia sa South Gate.   

          Wala rin naman gagawin so make the most of my time na lang. So yun, kita namin si Enchong Dee, gay raw sabi niya. Tapos, nung nasa Yuchengco na kami, si Bel daw nasa school. Naloka naman ako! Ano ito meet up na naman with Bel. So yun, nagCR muna ko dun sa may SPS while hinintay niya si Bel. Nung pagkabalik ko CR wala pa rin si Bel, mas matagal pa raw sa kanya magCR si Bel. Nyweiz, yun, nasa CR ng Yuchengco Lobby si Bel. Lols, may accreditation daw yung org niya kaya siya nasa school and nakaoutfit. Anyways, yun, tumambay muna kami dun sa may malapit sa Animo Canteen. Grabe sobrang sarap ng panahon. Walang araw, lamig ng hangin, hindi mainit, tapos makulimlim pa. Gusto ko nga humilata dun sa bench kanina eh. So yun, daming kuwento nung magkaibigan na yun. In fairness naaliw ako sa kanila kasi ang Babatla nila eh <--- new word galing sa kanila. Hahaha --- basta super fun sila. Tapos, yun, since 10:30am yung accreditation ni Bel, pumunta na siya dun tapos si Georgia may pupuntahan so sinamahan ko na lang muna. Dumaan muna ko ng GOX para tignan kung andun yung LITERA1 book nina Aubrey sa locker pero wala. So yun, nagNET lang si Georgia dun sa may cafe kaharap ng Eng gate. Nywayz, yun, may hinihintay siyang friend eh pero hindi ko naabutan kasi time na rin. Tapos yun, si Bel sumunod nung tapos na siya. Ayun, nakakatawa si Georgia kasi ang dami niyang pinapakitang pics hahaha. So yun, BPOUTSR naman. 

          Late si Mr. Sipin, grabe 2minutes na lang free cut na, pumasok pa! Hahaha... nyweiz nireview niya lang kami for the Quiz sa Wednesday. Afterwards, kumain kami sa Erix nina Tin and Aubrey, si Deck umuwi para kunin Litera1 book niya. Ako muna nagdala ng laptop niya. Ayun, HOTDOG SANDWICH, PANCIT CANTON, ISAW at BALUN-BALUNAN at MELON SHAKE kinain ko sa Erix! Grabe busog na busog ako as in. Libre ni Tin yung mga isaw. Tapos yun, si Deck bumalik na. Tapos since pinasasubmit na sa min ni Sir Sipin yung deliverable sa BP, ayun ginawa muna namin. Si Tin umalis na muna. Ayun, hati hati kaming 3 sa pagrerephrase. And then nakatulog ako nung kumain ng sandali si Deck. Tapos wala kaming METHODS. And then sabay sabay kaming umuwi bago mag3. Si Deck may mineet na classmate sa may Intramuros. Ayun, tapos as usual tulog na naman ako sa bahay. Hmmm... yun mga nangyari actually Mr. T! May report pa kami sa LITERA1 bukas grabe hindi ako aware kung ano yun. Hmmm... si Barry gusto makipagkita tomorrow pero di ko pa narereplyan baket. Shoes ko nakay Rhitz pa. Hmmm... ano pa ba... Sige sige yan muna Mr. T! Update you soon. :) Mwah! 

Currently listening to: Beautiful Girls by Sean Kingston
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on October 15, 2007 at 09:07 PM in Everyday Drama | Post a comment

1. What is the best nickname that u
ever had?
=* Jobo

2. Do you think suicide is the best
way?
=* Minsan iniisip ko yun pero sayang ang life...

3.Rate your social life from scale 1
to 10.
=* Siguro 10 --- hahaha

4. Are you in love with someone at the
moment?
=* Oo naman

5. Are you missing someone at the
moment
=* Sadly yes

6. Would you die for the one you love?
=* Opo, para sa magulang ko I think...

7. Do you think love hurts?
=* Oo! At napakasakit!

8.Whats the best thing about love at
first sight?
=* Lust?

9 . Whats the worst thing about being
in love?
=* Nagiging tanga ka!

10. Will you wait for someone you love?
=* Yeah, I'm like doing it for a year now! Tsk tsk...

11. What song best describes your love
life at this moment?
=* Last Chance by Allure

1 3.do you wanna get married?
=* Ayaw! Pero gusto ng anak! Hahaha...

14. Have you talked to the person you
love on the phone?
=* Maraming beses na!

15. Do you keep memories or try to
forget them?
=* I keep them. Importante yan or else di ka makakamove on

1 6. Is love always on your side or the
opposite way?
=* Opposite

17. have u loved someone of the same
sex?
=* Yuch! Kadiri kaya yun. (*insert sarcasm here*)

19. Are you sick of love?
=* No

20. Are you sick of questions on love?
=* Not really.

2 1. What are you going to do tomorrow?
=* Papasok sa school...

22 . What do u want right now?
=* Tell him... 

23. Do you think money is everything?
=* Hindi!

24. What song are you listening right
now?
=* Last Chance by Allure ulit

25 . Whats the song that u last
downloaded?
=* Gimme More by Britney Spears

26 :How much do you love music?
=* Parang buhay ko siya...

27. Do you play an instrument?
=* Instrument ba ang vocal chords?

28. Have u written ur own song?
=* Oo pagnageemote ako

29. Wh at' s the movie that you last
watched?
=* Apat Dapat, Dapat Apat

30 . Do you believe in forever?
=* Why not...

Currently listening to: Gimme More by Britney Spears
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on October 15, 2007 at 11:08 PM in Everyday Drama | Post a comment

Wala kaming magawa ni Jeffrey kaya sumagot kami nito. Parang joke toh but anyways eto yung result ko:

John, you're smartest when it comes to linguistic intelligence

Being linguistically intelligent means that you have a knack for using words and language. As a result, you've probably noticed that you have a greater gift for expressing yourself than most people around you. In fact, you might be known in your circle of friends as something of a wordsmith.

Whether writing or speaking, you're the type to get your point across with both precision and flair. At times, this can make you a very persuasive communicator. By choosing the right words at the right time, you can clearly express your ideas, thoughts, and feelings to others. This can be a crucial skill in both your professional and personal life.

Take the test here

Currently listening to: Beautiful Girls Reply by Jojo
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on October 16, 2007 at 12:27 AM in Online Tests | 1 comment(s)
          Ayun, surprise quiz sa PRTEMAN. Grabe uminit ata ulo ni Sir sa class kanina dahil walang makasagot sa recitation. Ayun, nagpasurprise quiz at 0 ako! Ahahah... anyways yun. LITERA1 quiz kanina. Weird ng objective para kay Ms. Wright, parang essay na oral. Kala ko mga details lang itetest hindi naman pala. Tapos lumamon na naman ako with Tin and Aubs. Ayun, Mozarella Bread, 2 Hash Brown at Chicken Nuggets at Coke ang nilamon ko. Tapos TECNPRE, nasabon ni Sir Molano mga nagreport. Ako pala nagdala ng projector ni Sir Molano sa class. Tapos yung na PRTEMAN na! Naloka loka pa si Anjhe dahil hiniram ni JM yung book niya. Wala pa siyang phone ginamit niya muna yung sa kin. Tapos ako nanghiram ng calcu sa DO. After magquiz nagGroup work na naman as usual. Mas maaga kami natapos compare sa ibang mga groups at cases. Si Camille sabi sina Reena nasa Sweden daw para ipresent yung project nila --- social! Bilib talaga ko sa mga magkakaibigan na yun ibang level! Anyways yun, tapos nagLab muna kasi andun si Aubs and Tin and Matty. Binalik ko yung calcu sa DO baka magkaoffense na naman ako. Tapos nag McDonald's. Takaw ko grabe and then may pinagkwentuhang kadiri. And then umuwi na. Nahihilo si Tin kanina nahawa ata ako. So yun, hmmm... ayun, sumabog yung PC nina Mabel dahil mali yung voltage na sinaksakan. Wala naman atang service center yun dito sa Pilipinas. Tapos ano pa ba... hmmm...  yun lang muna Mr. T! Update you soon ayt?
Currently listening to: Nasty Girl by Destiny's Child
Currently feeling: hilo
Posted by jjcobwebb on October 16, 2007 at 08:52 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Mr. T! Wala na si Garrick. Ngayon ko lang nareceive mga im's and text messages. Hindi ko man lang siya nadalaw sa ospital nun. Hay... buhay... sana masaya na siya at di na naghihirap kung san man siya ngayon... -_- ...
Posted by jjcobwebb on October 16, 2007 at 09:13 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun di ako nakapagupdate kahapon Mr. T! Anyways, eto mga nangyari kahapon:

  • Nalaglag tsinelas ko sa riles, kailangan padaanin muna 2 train bago nakuha yung aking precious Havainas
  • RELSFOR wala naman masyadong ginawa
  • BPOUTSR nagfirst quiz kami --- grabe litong lito ako
  • Attended the COSCA orientation
  • Sobrang lakas ng ulan
  • Kasama ko si Aubs sa conserv si Tin umariba
  • Dumating sina Carmz, Angelica and JM sa table namin
  • Nagsiomai kami ni Aubs sa LRT
  • May babaeng epal na sumingit sa pila ng LRT2 inspection table, sinigawan kong "SINGIT!!!!"

          Ayun mga nangyari Mr. T! kahapon, so eto naman yung ngayon, medyo madami rin:

  • Si Jeffrey nasa Taiwan na --- huhuhu
  • LITERA1 Reporting
  • TECNPRE fiasco, naku, paper namin ginawa lang namin nung TECNPRE period. Sobrang lamig nung classroom, palabas labas ako. Grabe 4 na pala lates ko sa subject na toh
  • Tapos PRTEMAN --- grabe, individual ngayon ang pinagawa ni Mr. Sipin, SLOC, FP Analysis at KLOC --- pero buti nasagot ko
  • Kumain sa McDo kasama si Aubrey and Matty
  • Binurn ko na yung DVD na forever hinihingi ni Matty
  • LRT with Aubrey, si Tin umariba na naman
  • Nagnetwork ng mga computers
  • Pumunta sa wake ni Garrick --- grabe daming tao --- puro UP Peeps, kakaOP, buti andun si Karol at dinadaldal ako. Was there from 8pm - 10:15pm. Try kong bumalik if ever.

          So yun Mr. T! Mga nangyari ngayon. May report na naman kamng BPOUTSR tomorrow. Hay, si Karol iniinvite pa ko sa launching nung album na prinoduce nila. Punta ko bukas dun sa Glorietta 3 raw. Hmmm... ayun muna Mr. T! Update you soon. :) Mwah!

Currently listening to: Torn by Natalie Imbruglia
Currently feeling: sneezy
Posted by jjcobwebb on October 18, 2007 at 11:46 PM in Everyday Drama, Updates | Post a comment
          Ayun nga Mr. T!, was with Barry kanina tapos nagtext ako na wag daw muna ako magMall dahil may sumabog sa Glorietta 2. Naku! Naisip ko agad si Karol at yung event nila dun. Buti grabe hindi sila nakung ano. Anyways yun, 8 raw patay at more or less 90 yung casualties. Ayun, sana di na lang ako pumasok, wala kaming RELSFOR dahil may alternative class dapat ng 6pm-9pm pero di ako pumunta. Tapos, BPOUTSR dapat reporting pero absent si Sir Sipin. Naku! Parehas kami ng damit ni Deck kainis. Then, nagpaphotocopy ng irereport sa TECPRE at hinati na namin mga parts. And then, pumunta kong library, ako na lang ngayon mag-isa Mr. T! Hay, ayun, nagahanap ako ng RLL para sa METHODS. Ayun, 3 libro naman nahanap ko. And then, kumain mag1 sa C-Squared, nag2 Hash Brown at pumuntang Eric's at nagKwek-Kwek --- akala mo mag Hotdog sandwich na naman ako noh! Ayun, 48 years hinintay si Anne pero buti nagreply na si Barry at nagLunch kami sa McDo at bumi ng 1L tubig sa 711. Then had METHODS and then umuwi na. Hay... grabe hindi masaya pagmag-isa lang Mr. T! Sobrang may kulang. But anyways yun. Okay lang ako. :) Update you soon.
Currently listening to: Later by Fra Lippo Lippi
Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on October 19, 2007 at 09:38 PM in Everyday Drama | Post a comment

Hindi ko alam kung kaya kong sabihin
Hindi ko alam kung kaya ko pang ilihim
Damdamin ko'y gusto nang humiway at sumigaw
Mahal kita hindi mo lang talaga ako napapansin

Kung mali mang ibigin ka
Sana'y di na lang tayo nagkakilala
Di na sana pinahaba ating pagsasama
Di na sana muling nagkita

Akala ko'y normal ang nararamdaman ko
Akala ko binibiro ako ng puso ko
Baket hinayaan mo kong mahulog sa yo
Nakakainis ka hindi mo naman ako sinalo

Kung mali mang ibigin ka
Sana'y di na lang tayo nagkakilala
Di na sana pinahaba ating pagsasama
Di na sana muling nagkita

Hindi ako umaasang may pagtingin ka rin
Hindi ko winawalang bahala na baka mayroon din
Sana'y tignan mo ang aking saloobin
At makita na puwede mo rin akong mahalin

Kung mali mang ibigin ka
Sana'y di na lang tayo nagkakilala
Di na sana pinahaba ating pagsasama
Di na sana muling nagkita

Posted by jjcobwebb on October 20, 2007 at 01:30 AM in Songs and Poems | Post a comment

          Hello Mr. T! I'm alive! Thank God! Hmmm... ano ba mga nangyari ngayon. Well, I was online from 11am - 7pm, buong araw ako nagiinternet grabe at nakaYM at kachat ko si Bel lang at si Bel lang. Tapos, iniwan kong bukas ang laptop nung nagbayad ako ng PLDT Bill sa SM Centerpoint. Nag-abono pa ko ng 200php pero binalik ng nanay ko sa kin kanina sa Fully Booked 500php. Tapos yun, kagagaling lang naming Serendra ng family (parang last week lang kasama ko sina Barry, Rhitz and Jeff dito ah! Hay...) Grabe, tagal namin sa Fully Booked parang inisa isa namin yung floor. May mga lumang CD pala si Mariah dun sa 4th floor ng Fully Booked. Dapat bibili ako kanina kaso parang hindi practical. Tapos pumasok sa iStudio, parang gusto kanina ni ate bumili nung Apple Computer, naaliw ata. Anyways, yun tapos bumili si Emo nung Balloon Dog na 500php sa Hobbes and Landes. Grabe! Ang mahal! Sana binigay na lang sa kin yung pera ni ate. Tapos ako nagTimeZone magisa habang naglalakad sila sa Highstreet. Ay meron din buffet ng mga aso dun kanina! Hahaha... Ang dami ng tao ha! Pero before yun kumain kami sa SANGO, Japanese Burger. Grabe di ko feel yung kainan. Kung ano ano trip ng ate ko. 

          Pero yung nanay ko gustong gusto dahil healthy raw. Ang bland nung lasa! Mas masarap pa burger ng Tropical! Tapos dapat sa Rustan's kami pupunta kaso nanay ko siyempre, kahit ako takot dahil kakabomba lang nung Glorietta 2. (sumalangit nawa yung mga namatay dun kahapon)Anyways yun, ano pa ba, wala pa kong nahahanap ng RRL para sa METHODS na pinapapass ng leader namin tomorrow. Maghahanap pa ko ng maghahanap bukas. Anyways yun lang update ko Mr. T! Ay grabe! Ikakasal na pala si Rheign --- yung friend ko Muslim. Naku akala ko joke joke lang totoo na pala! Goodluck naman sa kanya. Iniisip niya ngang tumakas eh. Shux nakakalungkot. 21 pa lang siya ikakasal na! Tsk ha... yun, I'll update you soon Mr. T! Ayt? Love you! 

Currently listening to: How Can We Be Lovers by Michael Bolton
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on October 20, 2007 at 11:27 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Hello Mr. T! Grabe ang dami kaninang pagkain sa bahay nung lunch. As in! Dito kasi kumain lahat ng family --- as in family ha pati mga pamangkin kaya para talagang may party! May, inihaw, ginatan, tilapia, bbq, tahong, okoy, manok... grabe etc. etc. Bundat ako as in kaninang lunch. Tapos si Bambi bumili ng Lhasa Apso, cute ng name Burberry. Tapos pumunta kaming 168 nina Ate, Mabel, Mama, Brian and kuya Joel. Anyways yun, namili ng mga Christmas decor at kumain na naman! Grabe ang sakit na ng tiyan ko! Huhuhu! May pancit, bibingka, puto bungbong and yung shrimp and crab balls! At ako bumili ng Spongebob na stufftoy. Grabe, sobrang cute ng nabili ko. Anyways, yun muna updates ko Mr. T! Mwah!
Currently listening to: Beauty and Madness by Fra Lippo Lippi
Currently feeling: spongebob
Posted by jjcobwebb on October 21, 2007 at 08:45 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Ayun, hindi ako nakapasok ng RELSFOR. Hindi na ko exempted sa Finals --- huhu. Tapos reporting sa BPOUTSR. Late ako at late din si Sir --- hahaha. Anyways, yun, tapos around 1pm nakipagkita kay Rhitz para kunin yung shoes ko sa Beanhoppers, naku! Shoes niya ang nadala niya at hindi shoes ko. Tapos with Tin and Aubrey pumunta kaming PhilNare para tignan yung Reinsurance System nung company. Una nasa labas ako tapos pumasok din sa loob nung opisina. Grabe, tapos megalakad til KFC at kumain muna dun. And then hindi ako nagMETHODS at umuwi na ko at dumaan muna dun sa GYM sa may 1st Street para maginquire. Anyways yun mga nangyari Mr. T! I'll update you soon. May report pa kami TECNPRE tomorrow. Ayt? Mwah!
Currently listening to: Move Over by Spice Girls
Currently feeling: kadiri
Posted by jjcobwebb on October 22, 2007 at 10:41 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Nahihirapan na ko magpanggap Mr. T! Hindi ko alam kung kaya ko pa itago. I'm just so confused and miserable right now. Ilang gabi na kong ganito and weird talaga. Ayaw niya maalis sa utak ko. Sana we're not friends na lang mas madali pa siguro... :(

          Anyways, ako magrereport mag1 sa TECNPRE sa Thursday, quiz rin sa PRTEMAN sa Thursday. Pupunta sana ako sa requiem ni Garrick kaso anong oras na rin. Tumambay sa conserv til 5:30. Ayun, ang lakas ng ulan. Ayaw magON ng laptop ko kanina. Aalis kami bukas METHODS groupmate ko papuntang MMDA Bldg. Yun muna, nanghihina na ko Mr. T! I'll update you soon.

          Ayoko na maghope Mr. T! Nakakapagod din pala... hay...

Currently listening to: Ibulong Sa Hangin by Sarah Geronimo
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on October 23, 2007 at 08:36 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)

          Wala lang Mr. T! Bagong gising ako, grabe anong oras na di ba! 11:55pm na. Naisip ko lang ipost yung song na pinakikinggan ko ngayon which I can super relate right now. Though hindi sumikat yung song na toh, nagkaroon din naman to ng airplay kaso hindi nga lang ganun naging mega hit like other Sarah Geronimo songs,

Ibulong Sa Hangin by Sarah Geronimo 

Halata ba sa ‘king mga mata
Na ako ay may nais ipadama
Ngunit ako ay nangangamba
Baka may masaktang iba

Halata ba sa kilos ko't galaw
Puso ko'y may nais isigaw
Ngunit ‘di mabigkas ng labi
Nag-aalangan kung tama o mali

Chorus:
Ano bang dapat kong gawin
Sa magulong isip at damdamin
Di ko yata kayang sabihin
Wala na ‘kong magagawa kung di
Ibulong sa Hangin

Halata ko sa ‘yong mga mata na
Mayroon kang nais pabatid
Sana'y hanggang dito na lamang
Pagkat ayaw ko rin masaktan

Chorus

Sa hangin kita hahagkan at yayakapin
Wag kang mag-alala di to malalaman ng iba

Chorus

          Ayun Mr. T! 8am pa ko tomorrow. Hay, sige sige... dumaan lang :)

Posted by jjcobwebb on October 23, 2007 at 11:57 PM in Everyday Drama | Post a comment

Your primary fear is moving forward

Growth

 

Have you ever noticed that you're more concerned about making the "right" decisions than many people around you when it comes to your future? Or do you sometimes worry more than you should about committing to your personal or professional goals or feel anxious that you'll never really be successful? If so, you're not alone. There are many people who share your fear of moving forward.

It can be a real strength to recognise your fears. By being aware of the things that frighten you, you can assess whether fear is helping you or negatively impacting your life. For instance, a fear of moving forward may sometimes motivate you to take action in a positive way, like by experiencing a wider variety of things than others.

However, fear's negative aspects can sometimes be more damaging than you realise. Living with fear not only prevents you from living life to the fullest; it can also have a significant negative impact on your energy, health, and your close relationships if not kept in check.

 

Posted by jjcobwebb on October 24, 2007 at 09:59 AM in Online Tests | 2 comment(s)
          Grabe Mr. T! Parang whole day ako nasa MMDA with my METHODS groupmates. After RELSFOR, tumambay muna kong lab tapos 10:30am sinundo na kami ni Sheila sa school. May kasama si Mity na friend. Anyways, yun, una dun sa kakilala kami ni Fernando dinala. Tapos sa MIS, tapos sa MOS tapos sa Training tapos Admin. Naku, hilong hilo na ko, kumain muna ako sa isang carenderiang chipipay. Naku, kung di lang ako hilo sa gutom hindi ako kakain dun. Anyways yun, daming tao sa MMDA. Yung mga Kaminerong tinatawag nila as in. Dagsa! 4:30pm na kami nakaalis ng MMDA. Ayun, sobrang sakit ng ulo ko now. Ewan ko ba! May PRTEMAN quiz pa bukas. Hay... so yun, si Sheila kaskasera magdrive hahaha... pero magaling. Anyways, yan muna Mr. T! Wala na sakit ng ulo as of this moment. Ayt?? Love you Mr. T! Mwah! P.S. Kaya raw ulan ng ulan dahil may paparating na 3 bagyo sa Pilipinas! Wah!!!
Currently listening to: Mama by Spice Girls
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on October 24, 2007 at 07:35 PM in Everyday Drama | Post a comment
         Yep, it has always been like that, add Gareth and Lamar to the list. Long before there were Jeffrey, Barry, Rhitz and Jacob there were those peepz I've mentioned. Hmmm... anyways masaya ako Mr. T! because at long last, bati na kami ni Wilmer Ryan Cu, or should I say we're in speaking terms na. Hmmm... anyways, alam ko gaga ako at times pero mahal ko mga kaibigan ko and I don't want to lose anyone of them. Kahit marami na kong nakilala or makikilala pa, iba pa rin yung nakasama mo nung nagkakaroon ka ng isip eh. Hay, anyways, nagsorry na ko sa dalawa and I know it's my fault naman din. Sana napatawad na ko ng dalawa lalol na si Wilmer dahil kontra bida for life siya eh! Ahahaha --- so yun. Wala lang masaya ako Mr. T! Everything ended on a right note. Sabi ko kay Karol magset ng Videoke session --- hahaha. Update you soon Mr. T! :)
Currently feeling: super blessed
Posted by jjcobwebb on October 25, 2007 at 12:29 AM in Everyday Drama | Post a comment
          Naku! Ang hirap Mr. T! Diosme! Ewan! Basta yun, nagreport ako mag-isa for TECNPRE tapos nagkacontest rin kami. 2nd place group namin and yung kina Klang na group. And then PRTEMAN. Grabe, yung unang class na nauna magquiz sa PRTEMAN shet ang tagal nila lumabas nung classroom eh kami na yung next. Si Sir pinaextend sila kami hindi. Basta yun ang hirap. Nahilo kami ni Angelica! Anyways, ano pa ba... ayun, naghintay sina Tin, Aubs and Deck sa Yuchengco lobby. Salamat at may kasabay ako umuwi. Ayun haba ng pila sa LRT2 inspection kanina ewan ko kung baket. Well, yung lang maisip kong update Mr. T! Hindi pala ko pumasok LITERA1 kanina! Reporting lang naman eh. Hmmm... sige sige update you soon Mr. T! Ayt??? Mwah!
Currently listening to: My Cherie Amour by Stevie Wonder
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on October 25, 2007 at 08:52 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Sobrang daming nangyari sa araw na toh at kung hindi sa pagkain malamang sobrang ubos na energy ko or nalow bat na ko. First, midterms sa RELSFOR, kamusta ang dami kong hindi alam. Tapos nun sinamahan ako ni Georgia sa COSCA para ayusin ko yung conflicting sked ko. Ayun, pinafill outan ako ng form para magrequest ng change of sked sa Community Service. And then, hinatid ko siya sa South Gate and ako tumambay and nagLab muna sa Gox.

          Ayun, wala lang, forever naghintay tapos medyo nagLibrary muna ako tapos kumain sa C2 and then BPOUTSR. Report nina Bo, wala naman masyadong nangyari, report lang. And then nagLab na naman ako. Tapos pagtapos ng SYSDEV2 exam nina Tin, kumain kami sa Eric's. Ayun, hotdog at pansit canton na naman kinain ko and isaw at melon. Ang healthy! Then, umuwi sila at nagMethods ako, tinawagan pa ko ni Sheila natakot naman ako. Wala si Doc Loyd, si Ms. Mavic nagsubstitute. Ayun, pinapatawagan sa kin nila yung MMDA --- fast forward....

          Nagkita kami ni Barry tapos sabi ko sa office niya na lang ako tatawag pero kakahiya so naghanap kami ng payphone. Ayun, ilang beses kong tinatry tawagan yung trunkline and office ni Mr. Ed Fainsan eh wala talaga. So yun, kumain kami ni Barry ng isaw ang nilibre niya ko ng Coke. Aftwerwards dumating si Rhitz.

          Ayun pagkadating ni Rhitz pumunta muna kami ni Barry sa org niya. Grabe, ayaw ako papasukin ng CSB dahil nakaslippers ako. Good thing naiwan ko kahapon sa locker yung shoes kong binalik ni Rhitz at nasa bag ko siya. So yun, nakapasok ako. Pero nagtext si Beck na may PASICATCHAN meeting raw and practice. So sabi ko 6pm na lang kami umalis. So yun, si Barry kaya pala taeng tae umalis dahil may kotse siyang dala. So yun Pasicatchan practice na.

          Ang saya nun practice, lahat naman ng kasali kilala ko. Sina AK and Beck and Sherry kasali rin pero si Sherry sa Monday pa aattend. Anyways pinagusapan dun kung ano mga ayaw at gustong kantahin and about Regie nga ang his song choices. Anyways, bahala na sila magsettle nun ako kakanta lang. Tapos dumating si Regie pero time na. So isesend na lang raw sa Yahoogroups yung mga kakantahin. And then nagpractice naman yung Pasicatchan Dance on the same room. Around 6pm tumawag na Rhitz at andun na sila sa harap ng Gox. So yun...

          Aba si Barry nagdadrive! Ahahaha... anyhows and cozy nung car. Wala si Jeffrey the backseat is all mine to sleep. Ayun, sumabog ang Glorietta so hindi kami dun. At first dapat PROMENADE kaso feeling namin traffic sa EDSA so sabi ko yung pinakalapit at maraming maiikutan na lang... MOA. Kala ko lampas na kaming EDSA at papunta na kaming South pero hindi pa pala, talagang malayo pala yung EDSA sa Osmeña Hghway. So yun... Mall Of Asia... Sobrang kabaliw magpark si Barry... hahaha... pero exciting

          Wala grabe, malamang ikot lang kami ng ikot. Kwentuhan, tapos nung 7pm may fireworks pa. And then ikot na naman ng ikot para maghanap ng makakainan. Ayon, sa Bacolod Chicken Inasal kami napadpad. Kare-kare, sisig, Chicken lang kinain namin. Pero marami siya. Ahahaha... hindi ko napicturan para mapakita namin kay Jeffrey. Anyhows yun, dapat magIICE SKATING kami. Kaso sabi ni Rhitz baka maputol daw hands niya --- exaj di ba! So sabi niya sa birthday na lang daw niya at libre pa niya. Ayun, umikot ikot at naglabas pasok sa may BOWLING CENTER. Before finally giving in to playing bowling, kumain muna kami sa Auntie Anne's. Wala nagpretzel lang. So yun, hmmm... nagbowling kaming 2 ni Barry at talo siya! Hahaha... sobrang laki ng lamang ko ang naka 2 strikes ako. Hmmm... si Barry cute na cute dun sa isang employee --- infairness cute naman talaga. So yun... ikot ikot na naman and then it's uwian time. First hinatid si Rhitz and natest ang pagmamaneuvre ni Barry ng car. And then ako naman. First time kong umupo sa harap with Rhitz inside the car. Lagi silang 2 kasi nasa harap eh. So bali yun, nagROXAS and QUIRINO way kami ni Barry. Ayun, dahil senti ang 96.3, nageemote moments kami dun ni Barry sa loob ng kotse at lahat ng kagagahan ko ay nakuwento ko na. So bali yun Mr. T! Daming nangyari and grabe, energy ko RED na (Maglaro kayo ng THE SIMS at malalaman niyo baket red). So yun Mr. T! ang mga updates muna ayt? Sige sige... love you... mwah!

Currently listening to: Don't Stop The Music by Rihanna
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on October 26, 2007 at 10:57 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Since sawa pamilya ko sa Promenade, Glorietta, Serendra etc. NagATC naman kami. Pero before that, nagWTC muna kami at namili nung mga malalaking Santa Clause. And then naaliw kami dun sa nainvent ng isang guy na paran mineral drops. Ahahaha... tawa kami ng tawa ni Reamaur. Tapos yun, nagATC kami. Namili sa Rustans, tapos kumain sa Shakey's. Well yun lang, dapat magseSerendra pa kaso pagod na lahat. So yun, hehehe... update you soon. Gawa pa ko METHODS. :)
Currently feeling: tired
Posted by jjcobwebb on October 28, 2007 at 10:10 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Hello Mr. T! Buhay ako! Heheheh... ayun, baranggay elections kahapon. Since hindi naman ako registered voter, hindi ako nagvote. Tapos panalo si Cando as baranggay captain. Grabe, kahit hindi siya nagkampanya nanalo siya. Dinaya raw ni Ma'm Gia (mother ni JV Ejercito). Anyways, yun, walang LITERA1, hindi na masyadong naghahang THE SIMS 2 ko, nagTECNPRE quiz, absent si Sir Molano. Grabe, feeling ko bagsak na pasa ako sa quiz, hindi ko sure. Tapos kumain sa C2 nina Tin, Aubrey and Deck. Tapos had PRTEMAN. Early dismissal tapos tumambay sa Thesis room. Nakachat si Jeffrey at Gareth sa YM. Mga 6pm plus na kami umalis sa school dahil super hintay sina Tin kay George. Anyways yung ang gist of the things that happened today. Ayun, labo ng panahon, araw tapos ulan. I want to conclude on something I found out Mr. T! pero I'd still look for evidences. Shhh... at wish ko sana mali kutob ko or maloloka ako! Sige sige... update you soon Mr. T! Ayt? Mwah!
Currently listening to: Seasons of Love by Stevie Wonder and RENT Cast
Currently feeling: okay
Posted by jjcobwebb on October 30, 2007 at 08:37 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Kakainis Mr. T! Hindi ako nakapasok RELSFOR pagkakita ko sa orasan kanina 9am na. Tapos around 10:50, nagtext si Ma'm Kathy from COSCA, grabe, bawal raw magpalit ng Service date. So sabi ko di pa ko nakakapagbayad, ayun pumunta raw ako ng school at magusap kami. Effort Mr. T! Til 12pm lang raw siya dun 11am na! So yun, super madali ako. 11:40am nanagmeet kami. Hay, to cut it short, inapprove niya yung change of sked ko and pinapaphotocopy niya EAF ko para may proof raw ako na conflict talaga yung LASARET at RELSFOR Service ko. Anyways, sabi niya, 5pm yung deadline nung bayad. Sana sinabi niya bago ko bumalik nung school. So yun, umuwi muna at naglunch and around 3:00pm bumalik ako. This time di na ko nagLRT, nagcab na ko. Grabe Mr. T! Effort talaga. So yun, nabayaran ko na at ayos na rin ang mga sked ko.

          Eto pa ang isang kainis Mr. T! Hay... aalis bukas family ko papunta Ilocos at hindi ako kasama dahil sa LASARET orientation sa Friday.... huhuhu... ang lungkot di ba. Pinagbabantay ako ni ate ng SJMM, may masama raw siyang feeling dun. So yun, ang lungkot ng buhay di ba? Wah... Update you soon Mr. T! Ayt? Mwah! I love you pa rin!

P.S. Grabe 1 year na pala yung first ever Trick or Treat ko in my life. Ahahaha... grabe ang bilis noh. Kasama ko pa si Jeffrey and Barry dun sa Alabang Hills (Village nina Jeff). Wala lang, ang fun grabe... at least nasabi ko natry kong magtreat or treat kahit di na ko bata... hahaha...

Currently watching: Pinoy Big Brother
Currently feeling: inis
Posted by jjcobwebb on October 31, 2007 at 07:44 PM in Everyday Drama | Post a comment

Stop Ignoring by John Jacob Webb 

Don't get too close
I'm fallin'
I'm just so scared
I'm mending
We're so attached
I'm hoping
You're just so cold
I'm dying

Bridge:
When will you see me?
When will my shadow rise?
When can I touch you?
Do you even know I exist?

Chorus:
Stop stop stop
Let's not get too close
Stop stop stop
My heart's the one to blame
Stop stop stop
It just can't stop falling
Stop stop stop
Stop ignoring

You're on my mind
When waking
And when I sleep
I dream on
That you and me
Together
Eternally
Forever

Posted by jjcobwebb on October 31, 2007 at 10:31 PM in Songs and Poems | Post a comment

          Wah di ako makatulog Mr. T! at November na pala!!! Dapat magsusulat ako ng something about what I'm feeling right now pero nung halughugin ko tong blog ko, may entry na pala akong super duper ineexpress nararamdaman ko as of these moments. Eto siya, sinulat ko siya noong  May 12, 2007, or kung gusto mo eto yung link niya ::CLICK HERE::

"Back Mr. T! Hay sobrang totoo yang nararamdaman ko na yan. Minsan nga alam mo iniisip ko kung Choice ko bang maging single or there really isn't a chance for me to experience to be in a relationship at all Mr. T! I'm already 21 pero parang highschool pa rin ako dahil crush dito, crush doon lang ang mga lovelife ko. Nakakaaliw minsan isipin pero parang hello di ba. Meron nga diyang iba highschool pa lang nagkarelasyon na at tumagal pa hanggang college. Alam kong 21 is still too young for me to worry about relationships and lovelife pero alam mo, iba eh. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na masaya ko with my friends, family and relatives and even my relationship with God, iba eh. Not putting God aside naman, for practicality's sake, may kulang pa rin. Alam kong may kulang and the more I try to say na hindi ko kailangan ng relationship, the more I long for it.

    Baket kaya ganun, hindi ko talaga alam kung anong dapat gawin para makaranas nito. Sabi ng iba maghintay, sabi naman ng iba, maghanap. Eh ano ba ang mas tama Mr. T? Di ba, ang gulo eh. Kung maghihintay naman ako, eh paano kung mabulok ako sa kahihintay? Ang lungkot di ba? Sa kabilang dako naman, kung maghahanap ako eh magmumukha naman akong desperado at parang atat na atat na magkaroon lang ng isang relasyon. Hindi naman sa pagmamayabang Mr. T!Marami na rin naman nangarir sa kin. Pero sa lahat sa kanila napakabilang lang ng mga taong nahulog ang puso ko. Nahulog nga sumasablay naman pagtumatagal ang pagkilala ko sa kanila. Meron naman iba, sobrang hulog na hulog na ko, ayun, hinayaan lang akong mahulog hindi naman ako sinalo. Minsan tuloy dahil sa mga ganyang pangyayari, nawawalan ako ng tiwala sa iba pang mga darating. Oo, sige, siguro sasabihin mo na dapat maging bukas ang puso at pag-iisip ko at iba-iba naman ang mga tao pero iba pa rin eh. Alam mo yung isang pakiramdam na ayaw mo na maramdaman ulit dahil napakasakit? Meron namang pakiramdam na sobrang tamis na ayaw mo na matapos eh bigla na lang magwawakas sa dahilang hindi mo namalayan kung ano. Gusto mo man maramdaman ulit eh wala ng pagkakataon at hindi mo na maramdaman to sa ibang tao. Hindi ako bitter Mr. T! Sinasabi ko lang nararamdaman ko ha.

    Isa pa sigurong problema sa kin kung baket takot at hindi ako handa maging parte ng isang relasyon eh mahirap kasi ako madevelop. Naku, nakakalungkot Mr. T! pero napakatotoo niyan. I don't fall easily with someone I've just met. It might take long months or even years para mafully develop ako sa isang tao. Swapang na kung swapang pero isang paraan lang para madevelop ako sa isang tao eh time. Nadedevelop ako sa isang taong lagi kong kasama, nakakausap at present physically. Hindi ako nadedevelop sa chat, sa text o sa pakikipagusap sa phone. Iba pa rin yung physically present at may contact kayo. Kaya nga naiinis ako sa sarili ko eh.

    Baket kaya ako ganito? Masyado ba kong choosy or I'm just making sure na tama yung taong gusto kong maging karelasyon. Though inaamin ko choosy ako pero not all times. Sige, oo, choosy ako sa mga crush pero crush sila. Hindi ko sila gusto mahalin agad. Iba yung crush at iba rin yung gusto mo mahalin. Sobrang malaki pagkakaiba nila sa kin Mr. T! Ang crush for me physically attracted ka lang or naattract ka to some of his assets --- like magaling kumanta, matalino etc. On the other hand naman, pag yung taong gusto ko namang mahalin, I make sure that we connect a lot. Gusto ko yung taong pinagkakatiwalaan ako at pinagkakatiwalaan ko rin. Gusto ko mahalin yung taong hindi nagprepretend to be somebody else. Gusto ko rin yung taong tatanggapin ako bilang ako at hindi ko rin kailangan magkunwari sa harapan niya. Ang dami kong angal noh Mr. T! Alam mo sa mga gusto ko sa isang karelasyon, sobrang posibleng mahulog ako sa napakalapit na kaibigan eh. Pero sobrang natatakot ako mangyari yun or maging kami ng kaibigan ko. Naalala ko tuloy sinabi ni Earl na there are big rewards for big risk. Pero nakakatakot pa rin aya siguro wala pa rin akong lovelife dahil sa kaartehan ko. Ayoko rin naman magkaroon ng karelasyon na nakilala ko lang sa isang bar --- this kind of acquaintances never ever work sa pagkakaalam ko. Mga tao naman sa net, pareparehas din. Sa dami ng nahook up ko, sila ang gusto ulit makipagkita sa kin ulit pero ako ayaw ko na sila makita. Sama ko noh, pero ganun talaga Mr. T! It's a matter of preference lang siguro.

    Hay Mr. T! nakakalungkot pero kailangan ko maging masaya :). Hay... gusto ko ng mamahalin at mamahalin din ako. Ng aalagaan ko at aalagaan ko rin. Yung tatawagin kong beh, baby, sweetheart, honey at ganun din siya sa kin. Nakakatuwa isipin noh pero nakakalungkot at the same time. Actually ngayon, hindi ko alam kung magiging masaya ako sa pagiging single or hindi. Pero lahat naman ng bagay di ba may PROS and CONS. I'd take and do anything just to experience LOVE right now. Hay... baka mamatay akong hindi nakakapartake sa isang romantic relationship hahaha. Huwag naman sana. :)
    
    Tapusin ko na toh Mr. T! dahil wala na sa lugar tong pinagsusulat ko. Sana dumating or mahanap or magparamdam or makita ko na yung taong pwedeng umintindi sa kin, kaya akong tanggapin, yung pagkakatiwalaan ako, yung pagpapasensiyahan ako, yung maaliw sa kin, yung sasabihan ako ng mga pinakakatago niyang sikreto, yung pasasayahin ako, yung patatawanin ako, yung walang paki sa sasabihin ng iba, at higit sa lahat yung mamahalin ako ng buong buo at mamahalin ko rin siya tulad ng pagmamahal niya sa kin. Buong buo. Hay... sarap isipin... :)"

          Drama noh? Talo ka? Hahahaha--- anyways, naaliw naman ako dahil nakakatuwa isipin at nakakalungkot din dahil baket hanggang ngayon yan ang nararamdaman ko? Hahaha --- baliw na ba ko Mr. T! Desperado? Lonely? Weird? Pathetic? Hmmm.... basta ang alam ko lang, yan ang nararamdaman ko, no more, no less? Ayt? Okay na? Aalis na sila papuntang Ilocos in 2 hours at ako maiiwan sa bahay at magbabantay ng drugstore! Wahuhu! Sige sige... I love you Mr. T! :)  

Currently listening to: Fallin' by Teri DeSario
Currently feeling: smiley
Posted by jjcobwebb on November 1, 2007 at 02:10 AM in Everyday Drama | 5 comment(s)
« 2007/09 · 2007/11 »