Entries for January, 2006

I'm back Mr. T! Just got back...galing kami sa house nila AUNTIE BEBE. Uhmm... ayun... nagkikita naman kami ng mga relatives namin, tatay ng nanay ko side...gets mo? Basta sobrang saya. Nag-games kami, may VIDEOKE pa, kwentuhan sessions and picture sessions. Nahuli kaming umuwi nila Kathleen, Kobe, Tita Lourdes, Mama and Tito Manuel. Wala lang, masaya naman kahit naiwan kami. I'm looking forward to more reunions like this para mas makilala ko naman mga pinsan ko na hindi masyadong close. Ayun muna...sobrang tamad ako magtype Mr. T! Pasensya na... hay.... it's 2006 na talaga... :)
Currently listening to: The electric fan
Currently reading: Karol's Multiply Site
Currently watching: Fox News Live
Currently feeling: super tired
Posted by jjcobwebb on January 1, 2006 at 11:33 PM | Post a comment

     Yesterday nd ako nakaupdate nga pala pero galing akong Makati Mr. T! With Sherry and Gary. Actually galing kaming school ni SHERRY hinintay ko si Ms. Fernandez kaso wala ayun then kumain kami sa TACO MAKER. Umuulan then nagtext si GARY na nag-enroll daw siya... eh napagusapan namin ni SHERRY na pumuntang MAKATI eh papunta rin sa GARY to meet some friends. Ayun, jeep then bus from BUENDIA kami. And then ikot ikot lang... nakita namin yung isang PINOY POPSUPERSTAR sa ...G4...lol. Ayun, and then si SHERRY took the bus ako MRT. Si GARY kasama pa yung mga friends niya sa GB3. Ayun, ngayon naman, ano ba, nakuha ko na rin EAF ko sa wakas. Pasukan na bukas...hindi pa ko nakakapag-enroll... hay. Ayun, ay siya nga pala, nakilala na nila MARCO, MICHAEL mga tito nila from their FATHER SIDE. Naku magandang story toh sakaling makilala na sila ng LOLO nila. I'm happy for them Mr. T! Sana magtuloy tuloy di ba... ang saya saya di ba after ilang years. Pang-telenovela! Ayun, hmm... nakita ko si BECK at SHERRY sa school sinamahan ako ni BECK habang hinihintay niya mom niya... mali kasi date sa cheke. Ano pa ba... ang gulo ng utak ko Mr. T! Tapos ayun, nagvideoke with AJ, ADNAN, JOYCE and MARK. Wala lang saya and then naginternet sa CAFE. Hmmm... ano pa ba... ang init ngayon Mr.T! Hay, God bless sa kin bukas... :D Update you soon okay? :)

Currently listening to: My Humps by Black Eyed Peas
Currently feeling: hot
Posted by jjcobwebb on January 3, 2006 at 10:15 PM | Post a comment
   Bakit kaya hindi maamin nina KAROL MARK RAMIREZ YEE at WILMER RYAN CU na bading sila?? I don't get it.... bakla magsalita, maglakad, umarte, kumilos, mahilig magbiruan na may mga crush sa lalake... anong tawag dun? straight??? Hello... nakakapagod....
Currently listening to: Ikaw Nga by Jonalyn Viray
Currently feeling: pissed off
Posted by jjcobwebb on January 4, 2006 at 09:23 PM | Post a comment
   Hello Mr. T! Ayun, nagsimula na nga ang classes. Yesterday galing ako sa 18th birthday ni Tin. Actually hindi kami masyadong close pero ininvite niya ko sa birthday niya para kumanta. Sa MAKATI SPORT'S CLUB siya nagbirthday. 7pm-12mn, pero mga 10pm umalis na ko kasi pinasusunod ako nina ate sa METROBAR sa West Ave. Hmm... grabe pamilya ni TIN ang tatangkad, over 5'7 siya kababaing tao at nakaheels pa siya nung birthday niya adding 5 more inches siguro...grabe mga 5'11 height niya kagabi! Ahahah... ayun, sa METRO BAR naman napanood namin si ANTON at POOH grabe galing galing nila idol ito. Pinakakanta ko nila ate kaso sobrang iba ang ambiance ng METRO compared sa PUNCHLINE and LAFFLINE, sobrang laki kasi. And then mga 3:00am umuwi na kami. Grabe Mr. T! nakalimutan ko banlawan hair ko kagabi may CLAY DOE pa rin ng BENCH! Ang tigas kakainis! Sige update you soon... mwah! :)
Currently listening to: For the Love of You by Whitney Houston
Currently feeling: busog
Posted by jjcobwebb on January 7, 2006 at 12:52 PM | Post a comment

     Hello Mr T!!! OMG, after days of hiatus I'm finally alive. Goodness I feel so guilty today because supposedly, dapat, mageFTK ako with JEFFREY, BARRY and RHITZ. Okay nagising na ako ng maaga ang dapat papunta na ko, pero sa sobrang antok ko sabi ko idlip ako mga 30 mins... ayung... imbis na 6:30am ako magising eh 12:30nn ako nagising. Shet I feel sorry for myself and the kids. Babawi ako promise Mr. T! Sobrang naiinis ako sa sarili ko. On the academic hand, ANMATH2 and COMPRO2 are so hard. Grabe 2 weeks na ang classes and wala pa rin akong natutunan. I'm really trying my best to understand the lessons Mr. T! pero iba eh... baket ganun! Parang feeling ko ang tanga-tanga ko ngayon. Hmmm... ano pa ba...JPRIZAL is okay though boring while ENGLTRI is fun. Ayun, congrats pala sa cousin kong si CATHY for her new BF! Sana they last longer than longest para masaya. I'm going to meet them up nga pala tomorrow sa may ESPAÑA, papakilala siya sa kin ni CATHY. Wow... I'm so excited for them... buti pa si CATHY. Actually this is supposed to be a secret pero who cares, no one is reading my blog anyway. Hmm... ano pa ba... ayun, yung earphones na iPOD ko sira na... I need replacements... and uhmm... puros gasgas na rin pala likod niya kahit nakaSILICON case pa siya...inis... I need to buy a CRYSTAL case! Hmm... ay... I found something interesting sa net about iPOD Nano scratches. CLICK HERE to read and know about how to get those nasty scratches off your iPOD NANO! Sobrang cool niyan, it's a solution that could restore scratched iPOD's like new ones. Pero it's available lang sa STATES ata pero I'll try to find sa mga hard-ware store dito. It's called BRASSO nga pala. Ayun ano pa, naku! Yung BOSE CUBE SPEAKERS na nalaglag na long-overdue na eh 12,000 pesos ang pagpaparepair! Patay ako sa tatay ko! Speaking of BOSE, grabe yung binili ni PAPA para kay ATE DARLENE na sound system... it's a whoping 200,000 pesos ang halaga! Kabaliw! Pero maganda naman kasi talaga yung sound system eh. I tried it yesterday and take-note... buong KALSADA malalaman na nagVIVIDEOKE ka or nananood ka ng MOVIE dahil sobrang lakas talaga ng tunog. Ang sarap magCONCERT-CONCERTAN kahapon sa bahay ni ATE.... social talaga! Pangmayaman ang tunog mala ARANETA ang effect. Hmm...what else, ay the other pala, kinuha namin ung PC nila BLES sa GILMORE pero nagANONAS muna kami dahil kinuha niya sahod niya sa HOSPITAL na pinagtratrabahuhan niya kasi sira yata ATM niya. Wala lang ang gulo namin sa kotse and then nagJOLLIBEE kami sa may AGORA, with ALYSSA, ATE NING-NING, TITA NENE, TITA MERCEDES, LARRY, MARCO and GAB at siyempre si BLES. Wala lang trip lang nila magJOLLIBEE first time namin kumain sa loob ng JOLLIBEE AGORA. Hmmm... ano pa... ayun lang muna, that's all I can remember. Ay nagvideoke din pala kami nina AK, SHERRY and BECK sa PROVIDENCE that same day. Ayun, wala pala akong ANMATH2 tomorrow kasi wala PROF ko. Wala rin naman akong maintindihan hay... what else... ay I need to get my TRANSCRIPT tomorrow para sa shifting form ko at mabigay ko na at hindi na ko malate ng submit. Ayun, sorry talaga kung di kita nauupdate... mag-aaral na ko ng mabuti, mag-aaral na ko ng mabuti, mag-aaral na ko ng mabuti... grrr.... totoo na to. Starting tomorrow. Update you soon Mr. T! Ayt? I love ya, I enjoy ya, I appreciate ya... mwah!

Currently listening to: Respect by Aretha Franklin
Currently feeling: guilty
Posted by jjcobwebb on January 15, 2006 at 11:40 PM in Updates | Post a comment

   Updates update na naman Mr. T! ehehe... here are the things that happened this week. Hope I remember them all...

MONDAY, January 16, 2006: walang ANMATH2, absent si Sir. Kumain kami ni Barry RP, the JPRIZAL, absent si BECK sumama kay AK! Sumunod ako PROVIDENCE. Then pumunta ESPAÑA to meet CATHY'S new boyfriend. Then punta PLANET DRUGSTORE QC. Then tulog...

TUESDAY, January 17, 2006: Sa M407 ENGLTRI namin. Wala pala kaming COMPRO2... ayun after nun umuwi na ko...

WEDNESDAY, January 18, 2006: Sobrang naintindgraihan ko lesson sa ANMATH2! Wow...ehehe...then JPRIZAL then uwi... wala kong maalala... Ayun, UBREAK, went to GK meeting tapos nagyaya manood ng movie sina BARRY, JEFF and RHITZ and IAN, sa GATEWAY dapat, but I insisted MEGAMALL para malapit sa lahat. Si Ian maarte, pasocial ayaw sa mega, ayun umuwi na lang. We watched UNDERWORLD EVOLUTION... I'll give it **/***** ehehhe....

THURSDAY, January 19, 2006: Late for ENGLTRI, buti mabait ung katabi ko binigyan ako ng FORM. Ayun, wala na naman COMPRO2... uwi na naman ako ng maaga.

FRIDAY, January 20, 2006: Wala akong pinasukan para makapagregister PINOY POP SUPERSTAR hindi pa natuloy! Naputol ung linya! Sobrang onti na lang talaga ako na! naputol pa! Shit, then hinanap ko sina CHRISTINE, DECK, MATTHEW and AUBREY and company sa PROVIDENCE, instead nakita ko sina KRESTA and friends, ayun, nakiSING ALONG na lang ako sa kanila. And then, pumunta ko lab nila SHERRY nakigulo. Tapos hindi ako nagCOMPRO2 lab wala kasi si Ma'm eh, then nagVIDEOKE na lang kami nina SHERRY and AK, may mga videos pa kami! Eheheh...

SATURDAY, January 21, 2006: Ayun, met up with PETER and ANGELO sa school. Kain JOLLIBEE then nanood kami ni PETER ng NARNIA, I'll give it ****/*****. Si ANGELO nagBEcS kasi. So ayun binalikan namin siya pagkatapos. PETER went home first so I waited longer for ANGELO sa school. And then pupunta pala si ANGELO ng GREENHILLS, nagLRT1 and LRT2 kami, DJOSE then V. MAPA station. Waited for a bus. Ayun, around 6:15pm got home na, and nakarating naman daw si ANGELO ng maayos sa GREENHILLS. Hmm... then tumambay ako kina RHEIGN, grabe ang gulo pa rin ng bahay nila as usual! Then eto I'm writing on you right now. Nagiinvite si BARRY and JEFF manood ng BROKEBACK MOUNTAIN, naaliw ata sila sa THEME!  eheheh... figure it out Mr. T! Ehehe... update you soon Mr. T! Mwah!

Currently listening to: The Phantom of the Opera by Sarah Brightman and Michael Craw
Currently reading: Limewire Search Window
Currently feeling: refreshed
Posted by jjcobwebb on January 22, 2006 at 01:03 AM | Post a comment
     Hello Mr. T! May sakit ako ngayon at may 2 test ako bukas! Paano na toh?!?! Pero bago ang lahat congrats kay MANNY PACQUIAO! Galing galing mo! Fan mo na ko ngayon! Ayun, wala lang, kahapon buti nadaan ako sa PLANET DRUGSTORE GREPALIFE, nabigyan tuloy ako ni ATE ng 500php ng di-oras... ehehe... I'm thinking of a new layout for you Mr. T! nd ko pa sigurado kung okay but it's soon. Ayun, sobrang sakit ng katawan ko! Ahuhuhu... update you soon Mr. T! Mwah!
Currently feeling: sore
Posted by jjcobwebb on January 24, 2006 at 03:42 PM | Post a comment
     Ayan... there you go Mr. T! A new layout for you! I know this is long overdue but anyways... there you have it! Did you like it? Sana! ehhehe... ayun, kamusta naman ako? Ayun, binagsak dalawang quizzes ko kahapon. Sobrang babawi ako sa lahat ng susunod na quizzes. Babangon ako! Hmm... paganda na ng paganda ang JEWEL IN THE PALACE nakakatuwa na nakakainis! Nakakatuwa dahil ang ganda ng story. Nakakainis dahil sa mga kontra-bida! Hmm... hindi ako nakapasok ngayon dahil sobrang lala na ng ubo ko. What else, ayun, the other day PROVIDENCE with AK and SHERRY. Tapos review sa N. CONSERVATORY. Sobrang wala pa kong payong nung umuwi. Ginamit ko jacket ko pangtaklob sa sarili ko. Dahil ata dun lumalala lalo ubo ko. Pero maayos na pakiramdam ko unlike nung last entry ko. Hay, nakasabay ko si GARY nung TUESDAY ata, grabe ang saya saya niya and his LOVER... basta lover na lang para walang iskandalo. Inggit tuloy ako! Kasi naman eh! Ahahah... anyways, Friday na naman mamaya, hay... parang last time SUNDAY lang. Nakakatakot ang oras, sobrang nagmamadali. Ang unti nga pala nung mga COMSCI na nagpapictorial for GREEN and WHITE the other day. Nakakatakot! Ayun, update you soon okay!?!? Love you lots Mr. T! Mwah mwah mwah!!!
Currently listening to: I Made It Through the Rain by Barry Manilow
Currently feeling: itchy
Posted by jjcobwebb on January 26, 2006 at 11:25 PM | Post a comment

    Hay, yesterday was such a tiring day Mr. T! It was KREME'S 18th birthday and unlike any other girls' 18th birthday, it was the funkiest, most fun and coolest DEBUT i've ever attended to. It was in CAPONE along VALERO ST. sa MAKATI. It wasn't a traditional 18th birthday with all those 18 roses, 18 treasures, 18 candles, and all those 18 etc. But instead it was helluva DANCE and DRINKING PARTY! But before anything else, I thought I was already late since I arrived 1 hour after the starting time for the party. To my surprise, I wasn't even late! I was like the earliest, together with BLOCK S13! Andun sina KRIS, EDS, AK, SHERRY, ANDREW, MARVIN, JAPHET and other invited COMSCI PEOPLE. Tapos andun si MAEGAN AGUILAR kumanta, every FRIDAY pala siya nandun. Picture picturan na naman kami nina AK and SHERRY as usual.  Ayun, dumami na ng dumami ang visitors, especially CLA PEOPLE, (KREME shifted kasi from CCS to CLA) and we've already eaten but KREME was nowhere to be found. Ayun, siguro she arrived around 10:30pm and and that was when the PARTY started. Super kanta yung dad niya ng I CAN'T SMILE WITHOUT YOU and then nagPLAY ung band ng brother niya and then yun... it's DANCING TIME! Open bar nga pala nung 11:00pm-1:00am I'm not a drinker so isang San Mig and Margarita lang inimom ko and poof... I felt like I was the QUEEN OF THE NIGHT!!! Grabe, everyone was grooving and dancing like there was no tomorrow. Sobrang saya, I really love dancing and makes me forget who I am. I swear. Grabe ang friendly ni KREME na pati sina IJ and OAN from DLSU CHORALE was also invited. Basta, mga CLA PEOPLE pagsinabing party, party talaga!

     But before the party, siyempre since nakalagay BEST NIGHT OUT ENSEMBLE sa invitation, pumunta muna kong GATEWAY with BARRY para bumili ng damit. Eheheh...  ensemble was so gay in my opinion. Paglabas pala namin ni Barry sa GATEWAY sa harap ng SHOPWISE, maraming tao, kala namin dadaan si MANNY PACQUIAO pero hindi pala. It was pathetic to let those people wait, including us tapos hindi rin pala dadaan. We even got rained on... sigh... Basta, KREME'S BIRTHDAY was the best, ahaha... hataw kung hataw talaga last night! I wasn't even drunk and I danced to hell.  Ayun uwian time, umaga na, MARK, together with SHERRY and AYI, dropped me off sa CUBAO and then from there I took the CAB to my house. Sana bigay ni KREME yung mga pics, feeling ko I really looked good on those pics na kasama ko. Ahahah... update you soon Mr. T! Mwah!

VARIOUS QUOTES:

During ANMATH2 : Sir saan po nakuha ung x raised to 2-thirds?.... Salamat po... Wag ka magpasalamat di ka kasi nakikinig! <--- Naku Mr, Diesto! Masama na pala magtanong ngayon! Kung di ako nakikinig baket pa ko magtatanong! Huhuhuh, ang labo mo kahapon. Hindi lang nagbukas ng ilaw inconsiderate na kami. Grabe...

At the party: Did they left for us??? <-- goodness iha! CLA ka pa naman!

Currently listening to: The Trouble With Love Is by Kelly Clarkson
Currently feeling: silly
Posted by jjcobwebb on January 28, 2006 at 04:05 PM | Post a comment

Nothing Compares by John Jacob Webb

You've hurt me
Desert me
Left me
All Alone
Denying
Escaping
Pretending
To be strong

Chorus:
Nothing compares
Nothing comes close
What you are
I need it most
But what we had
I had to close
Nothing compares
Nothing compares
To you

I'm trying
To feel things
And let
Things go on
I found that
It's you that
I want
For my own

Bridge:
Now I'm falling
For someone new
If this works out
Then I'm thankful
And nothing more
To compare

Posted by jjcobwebb on January 30, 2006 at 08:24 PM in Songs and Poems as a favorite post | Post a comment

     Minsan pag-iniisip ko, siguro hindi talaga para sa kin ang magkaroon ng iniibig. Yung pag-ibig na pinagsasaluhan ng dalawang tao na nakakapagpasaya sa kanilang dalawa. Yung pag-ibig na nagdadamayan, yung handang magsakripisyo at yung hindi naninino. Inaamin ko malungkot ako mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung baket tuwing akala ko tama na yung nararamdaman ko, maraming di kanais nais na eksena ang dadating at sisira lamang sa mga pangarap kong magmahal ng tunay. Ayaw ko mang isipin na nagamit ako pero yun yung nararamdaman ko ngayon. Eto siya, dumating nung mga panahong malungkot na malungkot at walang makausap. Walang masasandalan at walang kakuwentuhan. Eto ako, si tanga, tanga na nga nagpakatanga pa rin. Pinagbuksan naman ng pintuan ang taong to. Akala ko wala lang noon

     Sige, magkwento ka lang, ilabas mo lang yang sama ng loob mo at andito ko para makinig. Sa simula pa lang binalaan ko na siya, baka mahulog ako sa kanya pero hindi ko ininda yun at ganun din siya. Naglaon mga araw, naramdaman kong unti unti na nagiging masaya ko pagkausap ko siya, pagkasama siya, pagnaaalala niya ko at kung anu ano pa.

     Oo masaya ko nun, dahil masaya siya. Sabi niya rin masaya siya dahil napapasaya niya ko. Minsan nagkakaroon ng mga biruan. Bibiruin niya ko pero lahat ng mga pagbibiro na yun ay para sa kin tinotoo ko lahat. Siguro baliw lang talaga ko. Naging masyado kaming malapit, para na ngang magkasintahan kami eh. Akala ko papunta na yun dun. Pero alam kong hindi dahil siya mismo ang naglagay ng balakid kung hanggang saan lang maaring humantong ang pagkakaibigan namin. Ako naman, sige... okay lang masaya naman ako at masaya ka, yung ang mahalaga. Pero lumipas pa mga araw, unti unti na kong nahuhulog. Isip ng isip kung kamusta na ang kalagayan niya. Hindi siya mawaglit sa isipan. Nilalasing sarili ko sa kaiisip sa kanya. Masakit isipin pero oo alam ko tanga ko. Hindi ko masyadong inintindi yung nararamdaman ko. Sabi ako ng sabi sa sarili ko... okay lang ako...okay lang ako. Pero sa loob ko para na kong sinasaksak ng ilang daang kutsilyo. Magaling ako magtago kung ano talaga ang nararamdaman ko pero mga oras na yun hindi ko na talaga kinaya. Lumuha ako. Nag-isip at pinagtapat ang lahat ng mga ito. Hindi ko sukat akalain na hahantong ang pagiging malapit namin sa ganito.

     Siguro dapat wala akong sisihin dahil naging masaya naman ako ganun din siya. Nagkaroon ng kulay ang mundo ko pansamantala. Pero bakit ganun, kahit anong gawin ko, andito pa rin ako umaasa kahit sobrang imposible. Alam ko na hindi talaga puwede ang mga gusto ko mangyari. Gusto ko manisi oo. Kung bakit sa kin siya lumapit nung mga nangangailangan siya ng masasandalan. Kung bakit itinuloy niya ang pagiging malapit sa kin kung nabalaan ko siya nun na baka mahulog ako sa kanya. Pero ayoko talaga manisi. Sa totoo lang, naging insipirado ako mga panahong magkalapit kami. Naging maganda mga umaga ko at mahimbing mga pagtulog ko. Hindi ako nagpuyat nun dahil ewan ko, may salamangka ata siya. Ayaw kong sabihin na sinaktan niya ko dahil sa simula pa lang alam ko ng masasaktan ako. Sinisisi ko sarili. Sana una pala lang lumayo na ko. Pero dahil sa kanya natutunan ko na kaya ko palang magmahal ng tunay. Yung walang halong paglalaro. Walang halong pag-aalinlangan. Pagmamahal na nakakapagpabago ng ugali kong hindi kaaya aya.

     Gusto ko man ibalik ang nakaraan mahihirapan lang ako. Sa pagtatapos ng araw, kailangan ko siya alisin sa buhay ko pansamantala gumaling lang tong sugat sa puso ko. Kailangan ko siyang kalimutan at pagpatuloy ang bagay na dapat kong ginagawa. Gusto ko magpasalamat sa kanya. Marami akong natutunan na hindi ko alam dati. Tulad ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit at ang pagiging tunay na kaibigan. Oo, isa siya sa mga tunay na kaibigan na nakilala ko. Mahal na mahal ko siya alam niya yan. Masaya ko dahil dumaan siya sa buhay ko. Hindi pa siya yung hinihintay ko... pero sa ngayon, hindi ako magsasawa sa paghihintay ng pag-ibig na para talaga sa kin. Sana maging masaya rin siya sa gagawin niya sa buhay niya.

     Sa oras na maghilom na tong puso ko, babalikan ko siya hindi para umasang mamahalin niya ko, kung hindi para dugtungan ang pagkakaibigan na dapat hanggang pagkakaibigan lang. Minsan ko lang naramdaman ang mga to... ang magmahal ng tunay at masaktan ng dahil sa pagmamahal na tunay.

Currently listening to: Petals by Mariah Carey
Currently feeling: stressed
Posted by jjcobwebb on January 30, 2006 at 11:45 PM | Post a comment
« 2005/12 · 2006/02 »