Entries for March, 2005

Hay... hello Mr. Tabulas I'm back! After a long hiatus i'm back... sobrang i didn't have the time to update you the past days. So here are the things i did last week.

February 25, 2005: EDSA DAY
Walang pasok obviously. I sang in the CORONATION NIGHT ng school nila KOBE ng THIS IS THE MOMENT. Tapos supposedly dapat after that singing thinggy eh pupunta ako sa DEBUT ni ROXANNE sa may NOVALICHES but iniwan ako nila CATHY! Fuck... they were trying to call me up sa cellphone ko pero di ko dala but anyways. Ayun... goodthing pagkauwi nila mama eh may PIZZA HUT silang dala! :)

February 26, 2005: JUST AN ORDINARY WEEKEND
Wala lang... just an ordinary day. Spent the whole day inside the house VIDEOKE-ing... ehehe... ano pa ba... that's the only thing that happened that day.

February 27, 2005: VICTORY MINISTRY
Okay... it's like this. My mom attends somekinda fellowship in ROBINSON'S GALLERIA every TUES, THURS and SUN. But first i'm gonna tell what happened in the Bathroom that day. Reamaur went to take a bath before me that day. Tapos and then ako na. I texted my mom na i will follow her sa ROBINSON'S GALLERIA and shop but not attend the FELLOWSHIP. Ayun... while i was opening the faucet... shet!!! SIRA!!! Nabaliw ako... as in nagfountain siya sa buong bathroom na sigaw ako ng sigaw sa loob... nakakaasar talaga... buong oras ko banyo ganun ung gripo... mas malakas pa sa shower! Nkakainis... so buti medyo naayos ko but the water keeps on running. I told MABEL about what happened. He told me to call TITO RICO to fix it... but siyempre inutusan ko si REAMAUR. Ayun... tapos nun... i went to ROBINSON'S na... rode a jeep going there. Tapos yun... nakita ko si MAMA sa CR at ayun... nag-ikot ikot kami. Bumili si Mama ng Magazine tapos nun ikot ikot. Nung napagod kami kaiikot... kumain kami CHEF d' ANGELO and then sabi niya attend daw ako ng FELLOWSHIP ng 7:00pm... sabi ko siya na lang iikot ikot na lang ako sa ROBINSON'S. Ayun binigyan niya ko ng pera tapos ang nabili ko lang APRICOT SCRUB! Ahahah...!!! After one hour bumalik ako dun sa VICTORY... shet.. ang daming artista pala dun... let me enumerate them... KIMPEY DE LEON, DONITA ROSE, JAKIE FOSTER, KUYA GERMS, BAYANI AGBAYANI, DIETHER OCAMPO and KRISTINE HERMOSA... shet... STARSTRUCK... as in. Niloko ko si MAMA sabi ko aattend na ko ehehe... pero siyempre joke lang... the celebrities would just grab my attention. I won't be able to concentrate sa pastor di ba. Ayun... tapos umuwi na kami ni Mama.

February 28, 2005: TANGENT and NORMAL LINE
Hindi ko na kaya ANMATH1! Malapit na kong sumuko! Just read the title! TANGENT AND NORMAL LINE... hay... tapos yesterday.. uhm... shet ayoko ikwento eh... secret ko na yun... basta had a date yesterday. We ate at around 5:30 yun... MAX'S FRIED CHICKEN tapos nung gabi na MC CAFE kami! Ehehehe... sa Makati to ha. Hay... mahal ko na yata siya dahil lagi niya kong binubusog! Eheheh... i wonder where his car was yesterday... hmmm... sige... update you later Mr. Tabulas! :)
Currently listening to: All My Life by America
Posted by jjcobwebb on March 1, 2005 at 12:20 PM in Updates | Post a comment
Grabe... i can't remember anymore that things i did last week... i'll try though...

March 1, 2005: EARLY DISMISSAL
We didn't have PHYCOM1 this day. Uhmm... ano pa ba... met up with a friend then had a date. Max's tapos McCafe.

March 1, 2005: UN-P.E.
OMG.... i woke up at around 11am so i wasn't able to attend my P.E. Class... shucks...i'm absent the second time around in this class... hay...

March 2, 2005: ORDINARY DAY
Nothing much happened this day... uhmm... Ms. Ong just discussed INTEGRALS... oh fuck

March 3, 2005: LAB EXPERIMENT
Wala lang... kagroup ko si RON and JERK sa VECTORS and RESULTANT experiment... then after that nagkita kami nila AK, BECK and SHERRY. I ate lunch with OMAI then met up with JEFFREY.... hmmm... yun lang... tapos nagvideoke kami ni SHERRY.... and then i didn't attend ENGLTWO pero i submitted the paper she was asking from us. Ayun... tapos chika na naman with JEFFREY tapos punta ko MEGAMALL to meet up with RUSSEL wala lang nagkwetuhan lang kami.... hay

March 4, 2004: GATEWAY NA NAMAN
Ayun... PREMIERE ng VIDEO ng IT'S LIKE THAT... i cut PHYCOM1 just to meet up with KAROL and KRV sa GATEWAY MALL!!! And then we went to NETOPIA to watch the VIDEO... hay... ganda ni MARIAH. Tapos yun... nakipagmeet din kami kina ICHEAL, ANGELO and some other GUY i forgot his name. Nanood sila ng PHANTOM OF THE OPERA. Tapos yun... chikahan to the next level kami sa may foodcourt. Then hinatid namin ni ICHEAL si KRV sa MRT, tapos the rest... we were in LRT2. Karol went off sa GILMORE, ako sa J. RUIZ... sila ICHEAL sa PUREZA... ihahatid niya ung dalawa pauwi!

Posted by jjcobwebb on March 6, 2005 at 01:54 PM in Updates | Post a comment

Hello Mr. Tabulas! Time for some updates! But before that, just wanna say that the enhancements that you had are really cool. Just look at the toolbar on top! Wow... super customizable na siya!! Here are the upadates!!!

March 6, 2005: ROBINSON'S GALLERIA BLUES

On this day, BAMBI and I went to GALLERIA together to meet up with my mom. Tapos nun ikot ikot and uhm... yun lang basically

March 7-8, 2005: CLUELESS

I can't remember what happened during these days... basta we had a DVD marathon of STAIRWAY TO HEAVEN

March 9, 2005: ANMATH1 QUIZ NUMBER 3

Sobran hirap ng quiz! Wah...! Ayoko na ayoko na ayoko na!!! And nanliibre si BECK sa PIZZA HUT dahil birthday niya... together with me are SHERRY and AK.

March 10, 2005: ENGLTWO DISASTER

Had an experiment early in the morning, MIKE and MARK were my groupmates! Shet... naubusan ako ng ENGLISH sa kanilang dalawa! Mga ENGLISH SPEAKING BASTARDS! Ahaha... joke anyways... yun... after that, kumain kami sa JOLLIBEE nila AK, SHERRY and BECK, tapos si BECK umuwi na and the rest of us went to PROVIDENCE then ROBINSON'S MANILA. Ayun, after strolling and eating in the mall... we went back sa DLSU... nyek! Dpat pala after the experiment I should have gotten home na! Wala kasi pala kaming ENGLTWO! Nakakainis sobra!

Posted by jjcobwebb on March 11, 2005 at 02:46 PM | Post a comment

Never This Way by: John Jacob Webb

Can't you give this heart a chance
I've been here for long years
Searching and waiting for someone to come
I really never wanted to be this way
I only wanted this feeling to stay

CHORUS:
Love can't you hear the words I say
Many times I've stumbled in the rain
I've longed to love and be loved
If I could command destiny I would cause
I never wanted to be this way

Gold and glitter won't mean a thing
So as the dandelions that bloom in spring
Long years have I waited for someone to come
I really never wanted to be this way
I just wanted this feeling to stay


BRIDGE:
Someday I'll fly
Someone catch me when I fall
Love, hear the words I say
I never wanted to be this way

Currently feeling: thirsty
Posted by jjcobwebb on March 13, 2005 at 11:54 PM in Songs and Poems as a favorite post | Post a comment

Meet Prince!

Uhmm... playing with Prince! With me on the pic is Kathleen my neice

Uhmm... playing with Prince! With me on the pic is Kathleen my niece

        

Preparing to sing in Kobe's Activity

Posted by jjcobwebb on March 14, 2005 at 12:16 AM | Post a comment

March 11, 2005: Fucked Up
Sa GENPSYC, our teacher made us make a PUPPPET... uch... ahaha... ART THERAPHY raw para sa stress! ahaha...Sobrang bwisit ang day na toh! I've waited for someone na sobrang tagal pero hindi siya dumating!!!

March 12, 2005: Si Alvin at ang AIM
Wow... nakachat ko ulit si Alvin sa AIM. Ang saya saya saya!!! Ehehe... ano pa ba nangyari... hmm... ah... graduation ni EMO ngayon sa MILESTONE LEARNING CENTER!!! May performance sila kaso di ko napanood cause i did not go with them! Mas masaya sa bahay... eheheh...wow... ALDA! Si APPLE natalao si JONALYN sa PINOY POP SUPERSTAR!!! Say congratulations to her from me!!! And then when my mom got home... we went to PUREGOLD to buy some groceries. I bought TRIX and KOKO CRUNCH breakfast cereal... hmm.. C.Y. GABRIEL SOAP... POND'S WHITENING FACIAL WASH and CREAM... TRICKS GEL... and SUNSILK HAIR LEAVE ON... ahah... vain!

March 13, 2005: Nothing Much
Wala masyadong nangyari... just played with my computer the whole day. I installed ENCARTA 2005 and then hmm... record some songs using SONIC and ADOBE PRIMIERE... ehehhe... what else.. yun lang basically eh...Ahh... comment lang sa mga SEARCH FOR A STAR IN A MILLION finalist... uch... I really do not know what the judges are looking for when it could have been me singing on that stage! ahaha!!  hay tomorrow will be my audition for DLSU POP'S ORCHESTRA, I hope i get in!!!

Currently listening to: Mine Again by Mariah Carey
Currently reading: Karol's Instant Message on YM
Currently feeling: amused
Posted by jjcobwebb on March 14, 2005 at 12:35 AM | Post a comment

   Wow... sarap sarap... i just went home from TEMPURA. Ate and I together with 3 REPS ate at TEMPURA sa TOMAS MORATO early this afternoon... around 1:30pm...so bali kanina lang yon. But before that i was in school and had my PE class. As usual we won again sa soccer. Shet... may cute na import ung opponent na namin! Ahahah!!! But he had to leave early. Tapos nun i went sa SOUTH GATE, kasama ko si KREME and KRIS. Nauna na ko sa kanila kasi they went to buy something pa sa 711. I rode an FX papunta sa PLANET DRUGSTORE. When i was in E. RODRIGUEZ na... nakipagmeet pa ko kay BARRY cause malapit lang school niya dun... he looks the same... same FAT BARRY I know since HIGHSCHOOL... he was with his friends. Ayun... dumirecho na ko sa DRUGSTORE and buti na lang paalis na si ATE so nakasama ko... ehehe... mukha akong busabos kanina pagod na pagod. I ordered SASHIMI SAKE and TEPANYAKI TUNA... hay sarap as in... hehehe... shet buti na lang pumunta ko sa DRUGSTORE. Ayan may mga picture pa... wala akong magawa sa phone ko kanina at ako lang kasi mag-isa sa table eh... magkakasama sila ATE and the REPS sa isang table hindi na ko kasya. 

   Kahapon naman...hmm... wah... bagsak na naman ako sa ANMATH1... I got a super failing grade of 10%... LORD ano ba toh!!! Hindi ko na kaya!!! Anyways... ayun... tapos later that evening tumawas si AHSE, usap kami sa phone around 11pm-1am na! Puros kalandian pinagusapan namin... anyways... ayun... sorry pero tinatamad na ko pumasok sa ENGLTWO class ko... after this i'll just sleep na lang... wala rin naman nangyayari sa ENGLTWO eh... i'll just make sure na i have my research paper and the things needed ready when she asks for it... hmmm... so bali yun lang naman mga nangyari ngayon and yesterday... nothing exciting... sige... update you soon Mr. Tabulas!!! :)

Posted by jjcobwebb on March 15, 2005 at 03:49 PM | Post a comment

Hmmm... I've got nothing to do so here what I did ahaha...

10 THINGS YOU PROBABLY DO NOT KNOW ABOUT ME

1.)   I used to be called JOBO by the people closest to me
2.)   I have been a Mariah fan since 1993
3.)   The first song I've ever sung in public was NAKAPAGTATAKA
4.)   I love WILLY WONKA and the CHOCOLATE FACTORY
5.)   I have 2 rabbits named BING and BONG
6.)   I had an ex-girlfriend and an ex-boyfriend
7.)   I was a GIA in Xavier School from Nursery-4th Year! BEAT THAT!
8.)   I have a collection of PONDS PRODUCT
9.)   I am frustated with hamsters
10.) I am a "THE SIMS" addict

Actually there are more... can't think of them right now...  :P

Currently listening to: Forever by Martin Nieverra and Regine Velasquez
Currently feeling: relaxed
Posted by jjcobwebb on March 15, 2005 at 04:38 PM | 1 comment(s)

Say It Isn't So by John Jacob Webb

Sitting here waiting for the sun to set
Visualizing us underneath the stars
My mind is overpowered by my heart
It's something explosive, I can't stand it

CHORUS:
Does it always have to be this way?
Both of us at the end of the ray
My mind thinks thoughts of you
My heart pounds my love for you
My body feels the nearness of you
I just don't know, say it isn't so

As the moon starts to glow
I vaguely hear your voice in the silence
The cold breeze blanketing my body
Makes me long for you here in the stillness

BRIDGE:
I guess I have to find my way
Back to someone I really belong
Your presence still haunts me
If it's not meant to be
Just say it isn't so

Currently feeling: silly
Posted by jjcobwebb on March 15, 2005 at 05:03 PM in Songs and Poems as a favorite post | Post a comment
Ang mga naganap sa mga nakaraang araw ay narito na!

March 16, 2005: Wala Lang
Wala masyadong nangyari... pasok ako around 2:40pm tapos nagbonus test sa ANMATH1 pero mahirap pa rin... tapos had PHYCOM1. Supposedly, this day was my PHYSICAL EXAM... nakalimutan ko! ahahah!!!

March 17, 2005: PHYCOM1 3rd DEPEX
Hay naku... asa... ahahah... bagsak na naman ako as usual... as in sobrang hirap ng test... everyone agrees with me! Mukha lahat nalanta pagtapos ng test! Over talaga!!! Ayun... went to school around 10:30am tapos had LBYPHY1 ng 11:20am. Kasama ko sa LAB si SHERRY, AK, BECK and JOAN... ang cool... first time. Ayun... tapos may kagroupmate ako kanina JACOB rin ang name... ehehhe... JAKE nick name niya...sabi ko nickname ko naman MIMI! Ahahah... baliw ka JACOB!!! Jacob Webb ha! After that we and my friends ate sa GREEN PLACE and then went to LA CASITA to review but since mainit dun... we moved to SOUTH CONSERVATORY. Ayun... tapos had ENGLTWO, she let us write our BODY FIRST DRAFT... and then 6:00pm... PHYSICS DEPEX... hay... shet talaga!!! Basta yun!!!

P.S. I'm off to CEBU tomorrow... ay later na pala yun... kasi umaga na... uhmmm... but I'll still be attending GENPSYC class tomorrow tapos i'll go straight na sa AIRPORT... buhbye for now MANILA!!! :) See you Mr. Tabulas... i'll try to update u as soon as i get home!!! :)
Posted by jjcobwebb on March 18, 2005 at 12:24 AM | Post a comment
Linger by John Jacob Webb

Your eyes want to tell me something
The vision of us both caressing
The moon shines with its brightest glow
The feeling is so right I can’t let go
I feel your body move with mine
Hold me tight and I’ll be fine

CHORUS:
This is the way it should be
Both of us can set ourselves free
As your lips touch with mine
Your hand seizes mine
Hold me tight in the dark tonight
We’ll be making love all through the night

My worries and fears all subside
My feelings for you I just can’t hide
Close the door, turn off the lights
We’ll take it slow, no need to rush
Let’s share our wildest fantasies
Tonight it’s all reality

BRIDGE:
Come with me and feel the heat
Tonight we’ll make it pure
We’ll linger ‘til it’s right
Make love to me all through the night
Posted by jjcobwebb on March 18, 2005 at 01:52 AM in Songs and Poems as a favorite post | Post a comment
Wala lang... pumunta ko sa MERCURY DRUGS ngayon para bumili ng PANOXYL and then i saw this machine that gets your height, weight and blood pressure. Eheheh... I tried it tapos here is the result...ang cool talaga dahil napaka-accurate niya tapos nakalagay pa yung ideal weight ko.


Weight ---------------- 58.1 kg (127 lb 15 oz)
Height ---------------- 169 cm (5'6")
Blood Pressure:
Systolic --------- 130 mmHg
Diastolic -------- 81 mmHg
Pulse Per Minute ------ 97

IDEAL WEIGHT:
57.1 kg --- 71.1 kg or 125 lb 12 oz --- 156 lb 9 oz


*This means na hindi ako over or under weight!!! :)

Ehehe... I've already fixed my things for our flight later... hay... excited na ko! :)


Currently listening to: We Belong Together by Mariah Carey
Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on March 18, 2005 at 09:46 AM | Post a comment

Makulimlim ang langit ngayon. Nandito ko ngayon sa may loob ng DOMESTIC AIRPORT habang sinusulat to sa cellphone ko. Sinundo ako nila ate sa may harap ng GOX ENTRANCE, pero nasa kabilang kalsada sila ng sila'y makarating. Malakas ang ulan kanina bandang 2:30pm. 3 ang subject ko ngayon. GENPSYC lang ang inatenan kong klase sa dahilang kinakailangan kaming makarating sa AIRPORT mga 4:00pm. Nagreview lang kami sa GENPSYC tapos maaga kami dinismiss ng aming teacher. Pagtapos ng subject na yun eh break ko naman talaga kaya hinantay ko na lng sila ate para sunduin ako. Ayun, kasama sa kotse si EMO, BRUNO, ATE, ERWIN at ang nagmamaneho ay si AL. Malakas pa rin ang ulan ng makarating kami sa AIRPORT. Iniwan na namin si AL nang makasapasok na kami sa loob ng AIRPORT, iuuwi niya kasi ung kotse at hindi talaga siya kasama. As usual maraming check check sa loob ng AIRPORT. Mga x-ray, kapkapan, mga garet atbp. Ayun inayos muna namin ang mga dapat ayusin sa loob tapos kumain kami sa may upuan malapit sa RED RIBBON. HAMBURGER, PASTA, JUICE ang kinain namin. LA PAZ BACHOY ang kinain ni ERWIN kanina. Pagtapos kumain ay naisipan kong magtype dito sa cellphone ko. Lumipat na kami ng upuan at hanggang ngayon nagsusulat pa rin ako dito sa cellphone ko. Mag fi5:00 pm na hindi pa rin kami pinagboboard. 5:00pm pa naman kasi flight namin. Sobrang inaantok ako ngayon parang gusto ko matulog... hay...Nagkape muna ko s DELIFRANCE

5:30pm
Delayed ang flight 'til 6:30pm pakshet!

6:30pm
Sa wakas, nakasakay na rin kami sa eroplano. 1 hr and 5 mins. raw ang itatagal ng aming biyahe hanggang CEBU. Maalog at nahilo ako sa eroplano na sinakyan namin. Sayang nga kasi gabi na kami nakaalis hindi na tuloy makita ang view sa baba, mga ilaw na lang. Hindi na rin makita ang ulap dahil nga madilim na. As usual, coffee, milk, tea o juice ang inoffer at asado sa GOLDILOCK'S. Juice ang ininom ko.

 

7:50pm
Wala lang, pagkalapag namin sa MACTAN AIRPORT, ngarag na ko! Hay, ayun, hinanap namin mga bag namin and then sumakay na kami sa kotse na nirent ni ERWIN. Kumain kami sa MATTIAS, isang barbequehan. Puros bisaya mga tao! Ahaha! Malamang! Ayun, nakakaaliw ung kanin dun sa kinainan namin. Nakalagay siya sa lalagyan ng SUMAN! Ang aliw talaga! Tapos tumuloy na kami sa HOTEL, sa CEBU MIDTOWN HOTEL. Kadugtong niya ang ROBINSO'S PLACE CEBU kaya pwede ka magmallmall muna! Ayun, RM 1216 kami, humingi kami extra bed para magkasya kami. After that, ligo na kami tapos natulog na kami.

8:00am
Nagising na kami lahat. Nag-ayos na sina ATE, ERWIN at EMO para sat dadaluhan nilang kasalan. Ayun, kaming dalawa ni REAMAUR dito. May mga housekeeper dito ngayon nag-aayos n kwarto. Pagtapos nito ay naligo ako at naghandang pumunta muna sa ROBINSON'S PLACE CEBU. Ayun, kasabay ko si REAMAUR, papunta sa MALL. Naghiwalay kami ng kapatid k. Ako naghanap ng INTERNET CAFE para idownload ang mga handout namin sa GENPSYC para sa FINALS namin sa LUNES. Wala sa loob ng MALL ng INTERNET CAFE nagtanong tanong ako sa mga tao dito, binibisaya pa ko ng mga iba syempre, sinasabi ko hindi ko sila maintindihan. Sa wakas, nakahanap din ako ng INTERNET CAFE. Mura lang dahil 20php lang per hour. Ayun, nakuha ko na rin ung mga files na kailangan ko. Naglog-in ako sa YM kanina, nakachat ko for the first time si DYLAN. I really had fun talking with him. Tapos un, bumalik ako sa HOTEL at nakita ko sa LOBBY si REAMAUR. Hindi raw sya pinapapasok dahil isang susi lang ang binibigay. Nagbsa na lng siya ng librong binili nya. Kaya un, ako naman bumaba at bumili ng shorts ko dahil isa lang nadala ko. Tapos bumili rin ako ng charger dahil walang nagdala. Bumalik ako sa HOTEL LOBBY, wala pa rin sila. So ang ginawa ko, umidlip muna ko sa sofa dun. Pati si REAMAUR nakaidlip na rin. Nagising ako sa kalabit ng manager ng HOTEL. Bawal daw dun matulog! ahaha, so sinabi ko kung baket dun kami naidlip. Ayun binuksan din sa wakas ang room namin. Pagkadating nila ate, nagpahinga kami muna bago nag-ikotikot. Una namin pinuntahan ay ang MAGELLAN'S CROSS. Bumili ako ng kwintas dun. Tapos nagsindi kami ng kandila sa SIMBAHAN. Ayun, pagtapos naman ay naglakbay kami sa bulundukin mg CEBU. Mala TAGAYTAY at BAGUIO na nga kataas eh.  Pumunta kami dun sa may TOPS. Thet name says it all! As in nasa tuktok kami ng bundok! Ayun, after that mga bandang 7:30pm, kumain kami sa GOODAH-GUD. Sobrang dami kong nakain talaga! Pagtapos nun ay pumunta kami sa bahay ng kapatid ni ERWIN ngayon. Eto kami ni REAMAUR, naghihintay sa VAN hay... masakit na tiyan ko at medyo nahihilo na ko! Sana bumalik na kami sa HOTEL. At saka wakas nakabalik na rin kami. Naglinis at natulog na kami kaagad kahit may Bb. Pilipinas pa.

Nagsimula ang LINGGO sa pagkain namin sa HOTEL ng BREAKFAST BUFFET. Sobrang dami kong nakain, may CEREAL, LONGGANISA, BACON, OMELET, SPAM, SALAMI, CORNED BEEF, at iba pa. Pagkatapos mag-almusal ay naghanda na kaming mag-ayos papunta sa BEACH. Sumakay kami ng TAXI papunta roon. Tumuloy kami sa MARIBAGO BLUE WATERS, isang resort na may beach at swimming pool. Katatapos nga lang namin magbanlaw ngayon dito eh. Medyo nagpapahinga na sa LOBBY nitong resort nag-iisip kung san kakain. Dito sa resort, maraming foreigner, mga HAPON, KANO, KOREANO etc. Paalis na kami ngayon dito sa resort at di ko pa alam kung san pupunta. Dito nga rin pala sa resort may mga DOLPHINS,SHARKS at kung anu ano pa. Maputi ang buhangin dito ngunit mas maputi pa rin ang sa BORACAY. Mapayapa ang dagat at hindi masyadong maalon. Umangkas ako sa JETSKI na minaneho ni ERWIN. First time ko nakasakay sa JETSKI kahit angkas lang. Sobrang nakakaaliw dahil nasa malalalim na parte na kami ng dagat. Ewan ko kung anong taglay ng BEACH at gustong gusto ko sa BEACH kaysa swimming pool magswimming. Nasa taxi na kami ngayon papuntang SUTOKIL, restaurant ata. Hay, ung kapatid kong si REAMAUR nangangati ewan ko kung anong kumagat sa kanya hindi niya rin alam. Ang dami talagang FOREIGNER dito. Paalis na nga lang kami may dumadagsa pa. Eto na kami. Mamimili ka pala ng kakainin mo tapos ipapaluto mo dito sa SUTOKIL. Hinintay namin ang order namin ngayon. May VIDEOKE dito kaso hindi bukas. Nandito na kami sa SHANG-RILA MACTAN. Katatapos lang namin kumain sa SUKOTIL. Ang sosyal ng SHANG-RILA MACTAN. It's PARADISE! Totoo! Sa palagay ko lang naman eh. Una imikot-ikot muna kami sa loob. Kunwari magiinquire kami pero sa totoo hindi. Ayun, umorder lang kami ng 2 BANANA SPLIT tapos humiga dun malapit sa pool. Binigyan pa kami ng twalya ng mga crew dun akala nakaCHECK-IN kami. Tapos yun, nang hindi ko na kinaya, nagbihis na rin ako at nagdamit panlangoy na. Hay ang sarap magswimming dun. Ang dami na namang FOREIGNER may KANO, KOREAN, JAPANESE, ENGLISH, DUTCH atpb. Tapos nun, may beach kasi sa tabi yun, SHET! sobrang puti ng BUHANGIN dun! Man-made raw ung beach dun sabi ni ATE. Ang galing nilang gumawa sa totoo lang. Tapos ayun, after swimming, nagbihis na kami. Nabaliw ako may JAPANESE na lumabas sa SHOWER ROOM ng nakahubo! Over pero okay lang hindi naman siya cute. Ahahaha! Maganda talaga dun. Paano ba namang hindi gaganda eh 12,000 up per night! Pangmayaman di ba?!? Ayun, after leaving SHANG-RILA, we headed over to PLANTATION BAY. Wala lang umikot lang kami dun at nagpicturan. Pagtapos nun, bumili sina ATE ng mga DRIED FISH tapos bumalik na kami sa HOTEL. Kumaim muna kami sa FOODCOURT ng ROBINSON'S. Hindi ko nagustuhan yung binili ni ERWIN kaya pumapak na lang ako ng mga binili ni ATE na pagkain. Nauna sila umakayat sa HOTEL ako pumunta munang MERCURY DRUGS para bumili ng POND'S CREAM pero bumalik ako sa ROBINSON'S at dun ako bumili ng PONDS at MINERAL WATER. Ayun, nasa HOTEL pa rin kami nanonood ng K! 1M at SEARCH FOR STAR IN A MILLION. Patulog na kami ngayon, katatapos lang ng pinanonood namin. 11:00 pm na! Gud night!

Nagising kami bandang 6:00am, wake-up call kasi namin. Ayun nag-ayos na, nagligpit at kumain ng almusal. Nakasakay na kami sa taxi ngayon papunta ng AIRPORT. Malapit na matapos tong kwento ko tungkol sa CEBU. Nandito na kami sa AIRPORT nakaupo at naghihintay para sa pagboboard sa eroplano. Pasado 9:19am na at inaasahang mga 9:30am ay makalilipad na ang eroplano. Feeling ko madedelay na naman tong flight namin bwisit! Nakabili na kami ng mga remembrance, tshirts at pasalubong dito sa loob ng AIRPORT. Ayan na pinaboboard na kami 9:23am na! 10:38 na at nakalapag na kami sa MANILA. Susunduin na kami ni AL at papasok na ko sa school. Mataas ang sinag ng araw at may background music pa dito sa eroplano. Tumigil na ang eroplano at dito nagwawakas ang aking kwento tungkol sa aking experience sa CEBU


-11:00 am SEAT 30C

P.S. Pagtapos namin makalapag, naghintay pa kami ng 1 oras sa pagaantay ng mga dala naming bag. Nagkaroon daw ng TECHNICAL PROBLEMS. Ayun, around 12:00nn na kami nakalabas ng AIRPORT... nagpahatid na ko diretso sa LASALLE then took my GENPSYC FINAL EXAM... and dali!  

Currently listening to: Karma by Alicia Keys
Currently reading: Ampol's Instant Messege at Yahoo! Messenger
Currently feeling: tired
Posted by jjcobwebb on March 21, 2005 at 10:55 PM | Post a comment

Fuck! Everything I typed awhile ago got deleted... wahhh.... here's a summary na lang!!! Ang haba nung first na tinype ko!!!

March 21, 2003: Gateway with Sherry
Had my hairut at David's Salon, ate at JOLLIBEE with SHERRY. I didn't attend ANMATH1 cause substitute teacher lang naman. Then Sherry waited for me until my PHYCOM1 class ende. Then we went to Gateway Mall...thanks to LRT1 and LRT2... wala lang just strolled and talked about things and everything. The picture on the left was taken in the INDOOR GARDEN sa GATEWAY MALL.

Yesterday: BOOKS
Because i was too lethargic, i didn't attend P.E. Class... nyek... SOCCER again...what's new? We're the winners anyways even if we lose for the first time! Good thing we won yesterday! Eheheh...4-0 sabi nila. Went to the LIBRARY yesterday to return the OVERDUE book i borrowed then borrowed again some books here are the books i borrowed:

1. Coming Out Straight
2. Understanding Homosexuality: It's Biological and Psychological  Bases
3. The Juvenila Homosexuality Experience
4. Conselling the Homosexual
5. Gay and Lesbian Psychology 

Waah... nakakaasar talaga nabura entry ko kanina!!! wahhh... ang haba haba nun!!! Hay sige... update you soon Mr. Tabulas!!! :( We;ll be going to LA UNION tomorrow... beach na naman!!! Wahey!!!

Currently listening to: Beware of Dog by Lil Bow Wow feat. Snoop Dogg
Currently reading: Coming Out Straight by Richard Cohen, M.A.
Currently feeling: blah
Posted by jjcobwebb on March 23, 2005 at 03:00 PM | Post a comment

Distant Lover by John Jacob Webb

I wish you knew
How I wanted you near
Here by my side
Without interfere

REFRAIN:
Distant lover don't make it hard
I know it is cause we're apart
I've fallen for you are you for me

CHORUS:
Distant lover we're undercover
In the passion of the sun
We're on the run
Why can't we be
Wish you're with me

Tell me why I
Should tell myself
That you love me
The way I love you

BRIDGE:
My distant lover tell me why
We can't be together and make it right
Distant lover I know it's hard
But please don't break my heart

OUTRO:
Distant lover say you'll rescue me
And we'll be happy ever after

Posted by jjcobwebb on March 23, 2005 at 03:32 PM in Songs and Poems as a favorite post | Post a comment

5:54 pm na and2 kami ngaun sa ORTIGAS. Sobrang sikip dito sa REVO ngayon. Si ERWIN nagdridrive, si ATE at EMO. Katabi ko si MAMA, katabi niya si KATHLEEN at MANANG LUZ. Nasa likod sina MABEL, MARIE, MARISSA, REAMAUR at KOBE. Maraming bagahe at talagang masikip na. Pero komportable pa naman kami kahit masikip. Nasa EDSA na kami at pinatutugtog ngayon COUNTRY ROAD (TAKE ME HOME) sa radyo. Sana hindi traffic. Nagpalit kami ng lugar ni MAMA dahil gusto niya ng may sandalan ng ulo. Shet traffic paNORTH! Ahaha, hindi pa kami nakalalayn ubos na ang CHEESE BALLS! Hindi na traffic dito ngayon papunta sa SM NORTH EDSA. Pinagtimpla pa ko ng gatas ni EMO! Nagkatapontapon ang gatas! Umaandar kasi eh! Ayan, kakabayad lang namin ng toll at nasa NORTH EXPRESS way na kami. Grabe may makapal na usok kaming nadaanan! 0 vicinity yun ah! Ayan, nilagay ang ERASER HEADS ANTHOLOGY CD! Ayan nasa toll gate na naman kami. 7:13pm na, hay, hindi ako makakanood ng AMERICAN IDOL nakakakainis naman! Si EMO umihi sa lalagyan ng CHEESEBALL sobrang ihi na malayo pa kasi ang mga stop over. May nakasalubong kaming mga 2 lalaki nagbubuhat ng krus. Nagpepenitensya ata. Ang ganda ng tugtog OVERDRIVE akmang-akma. 7:54pm na, nagkakaroon na ng pagbuibuild up ang traffic dito sa bandang TARLAC. 8:22pm na, nandito kami ngayon sa MAX'S FRIED CHICKEN LUISITA branch. Kakain muna kami dito then tutuloy sa pagbibiyahe. Katatapos lang namin kumain, 9:21pm na. NIDO SOUP,FRIED CHICKEN, PANCIT CANTON, SPRING ROLLS at CARAMEL CAKE ang mga kinain namin. Nandito kami ngayon sa PARKING hinihintay si ATE at MAMA nagCR. Ayan paalis na kami at tuloy ang biyahe. 10:25pm at nandito na kami sa PANGASINAN, at tumutugtog sa radyo ngayon ang A WHOLE NEW WORLD. Medyo inaantok na ko. 11:35pm na, nasa La Union na kami pero malayo pa ang destinasyon namin. Nagtext si TITA NENE traffic na raw sobra sa NLEX. May pagkaZIGZAG ang dinaanan namin kanina ang saya. 12:28am na at nakarating na rin kami. CHINA SEA BEACH RESORT ang lugar kung san kami tutuloy. Nasa kwarto na kami kung san kami magis-istay. 2 rooms kami, ROOM 11 and 16. 1:35am na, matutulog na kami. Good night!

8:50am, gising na halos lahat kami. Sina ATE, EMO at ERWIN na lang ang tulog. Nagpapainit sina MAMA ng pagkain sa ROOM 26. Eto nakaupo ako ngayon dito naghihintay. Ayan, gising na lahat kami, nalock pa kwarto namin pero nabuksan na rin sa wakas. 10:58am na, mabilis lang kaming lumusong sa SWIMMING POOL at DAGAT, umahon agad kami. Mababaw lang ang pool at mabato naman ang buhangin ng BEACH. Maitim ang buhangin pero malinis naman ang tubig. Hindi patag ang sahig ng dagat, may malalim, may mababaw mahirap tantiyahin. Nasa kotse na kami ngayon sa may SHELL STATION nagpacheck up ng kotse. Papunta na kami ngayon sa ILOCOS. 2 oras daw ang papunta dun. Salamat naman maluwag na ang kotse. Ayan paalis na kami sa SHELL. Mga 11:50pm na at nasa paa na kami ng bundok dito sa ILOCOS SUR. Puros TOBACCO ang tanim dito Ang ganda tignan, mataas pa sikat ng araw. Nakakarelax at COUNTRY MUSIC pa ang tugtugin dito sa kotse nakakatanggal ng stress.12:47pm na, wala pa rin kami. Ang daming parang DESERT dito sa ILOCOS SUR malaGRAND CANYON. Hala, natanggal ko hikaw ni KATHLEEN! Malay ko kung paano ko natanggal! Umiyak tuloy to! 1:34pm na, stop over muna kami dito sa GREMAR'S EATERY. Ang ganda ng view dito! Mag2 2:00pm na, tapos na kami kumain. PAPAITAN, MENUDO at SEAWEEDS tong mga kinain namin. May nagdive na langaw sa iniinom kong COKE puta! 2:00pm, paalis na kami ngayon... tuloy ang biyahe. Ayan ang ganda ng tulay! Nagpicturan muna kami. Nandito na kami sa Heritage VIGAN, mga luma ang bahay dito, mga sinauna. Ang ganda dito parang bumalik kami nung mga pnahon ng KASTILA. May pagkakahawig tong lugar sa INTRAMUROS. Pumunta kami sa bahay ng mga CRISOLOGO. Ang laki pangmayaman at maraming memorabilia sa loob.  4:00pm, andito na kami sa kotse at papunta naman kami sa ILOCOS NORTE. 30 minutos lang raw simula dito hanggang dun. Hay... nang nalaman namin na pwede kaming abutin hanggang 3 oras papunta sa NORTE, naisipan na lang namin na bumalik at kumain na lang sa HERITAGE. Kumain kami ng OKOY na may LOBSTER at EMPANADA ILOCO. Hindi ko masyadong nagustuhan pero sila gustong gusto. Pagtapos namin kumain, nagpunta naman kami sa VIGAN CATHEDRAL. Dumami ng dumami ang mga turista kanina. Pumasok kami sa loob ng simbahan pero madali lang kami sa loob dahil hindi namin naintindihan ang misa dahil nasa wikang ILOCANO. Pagkalabas namin ng simbahan, namili muna sila sa may PLAZA sa harap ng simbahan. Parang mini-LUNETA. Okay naman siya kahit marami na ang tao. Nasa kotse na ulit kami papuntang PAGUDPOD para panoorin ang DAPIT HAPON. 5:22pm na sana makita pa namin ang paglubog ng araw. Wah! 6:26pm na! Wala pa kami dun sa pupuntahan namin! Hindi na namin nakita ang takip-silim. Nakatulog pa ko simula kanina pa sa balikat ni MAMA at ngayon lang ako nagising. Napapagod na ko. Nagstop muna kami ngayon para bumili ng gatas ni EMO. Ayan may nadaanan kaming PROSISYON. 8:05pm na at nandito na ulit kami dito sa CHINA BEACH RESORT. Iba na room number namin, room #16 na. Kakain na ata kami.  8:40pm- Ang sarap ng kinain namin kanina, INIHAW NA LIEMPO, ADOBO, SALAD, MANGGA at DININGDING. Hay busog na naman ako. Magsiswimming sila. Ako wala sa mood manonood na lang ako ng MYX. At hindi rin ako nakatiis... nagswimming na rin ako! May 3 babae kanina ang sesexy tapos may foreigner ang gwapo...hay.Tapos nun nagmasahe ako kina ATE, ERWIN, MAMA at MANANG LUZ. Ang sakit na ng likod ko! Eto ngayon 11:09pm na at katabi si KATHLEEN at patulog na naman kami.

Nagising ako bandang 8:45am. Ako na lang ang tulog nun. Namalengke sina MAMA atbp. Pagkagising ko nakiswimming na rin agad ako sa swimming pool. Tapos, pumunta kami ni MABEL sa BEACH. Ang lakas ng alon ang sarap. Nandito na ko ngayon sa kwarto kaaahon ko lang sa tubig. Hindi man lang ako nagTAN! Buti pa tong sina EMO, KOBE at KATHLEEN namula. Ako nagbabad na sa tubig wala pa rin. Kumain na ang lahat ng lunch ako hindi pa. Hindi pa ko gutom eh. Hay 12:45pm na, nakahiga lang ako. 5:00pm mahigit, kagigising ko lang! Nakatulog na naman ako sa sobrang pagod. Feeling ko nangitim ako pero wah! Nagdry ang skin ko! Nagpatuyo ako sa hangin kanina eh! Yung mga bata, nagswiswimming na naman. Ako eto nakaupo malapit sa beach. Naghahanap ng SUNSET wala naman. Mga 6:05pm, katatawag lang ni KAROL, nung una di ko narinig boses niya pati sa pangalawang beses di ko rin narinig kala ko sira na phone ko. Tumawag siya para sabihing lahat ng kanta sa THE EMANCIPATION OF MIMI ni MARIAH naLEAK na! Wah! Gusto ko na umuwi! Pinakita pa kanina ang MUSIC VIDEO ng ANYTIME YOU NEED A FRIEND! Ayun nandito na naman ako sa kwarto nanonood ng balita habang nagswiswimming at nasa ibang kwarto ang iba. Sana magSING-ALONG kami gusto ko ng kumanta! Ang ganda ng STATION OF THE CROSS na dumaan sa dagat kanina lang! Ang ganda ng ilaw! Ang sarap ng pagkain kanina, SINIGANG at INIHAW NA BANGUS, SALUYOT,PORK CHOP, NILAGANG OKRA at TALONG, MANGGA na naman! Sarap! Ayan, 12:30am na... kagagaling lang namin sa CABANA RESORT at nagvideoke kami at katatapos lang din nila ERWIN mag-inuman! May stage pa ang MUSIC BAR at maganda ang SOUND SYSTEM! Ayun may singe sila dun tapos pwede ka rin magVIDEOKE. May mga katabi galing MAKATI at may kasama pa silang BRITISH... sikat! Ahaha! Ayun, kasama ko sina ATE, SALVE at yung kapatid niyang isa. Umorder kami ng drinks tapos SING-ALONG na.Tapos nung medyo tumagal kami roon, sumunod si MAMA na may kasamang 2 alalay. Ayun tuloy pa rin kami sa pagkanta. Yung singer dun sa BAR okay sana eh kaso yung lettet T niya nagiging Z! Yung THAT niya nagiging ZAT! ehehe... eto patulog na naman kami. Aalis kami bandang 8:00am daw! Daw! Feeling ko hindi masusunod yon!

Eksaktong 8:00am nga kami nakaalis! Galing! Nagising kami bandang 7:15am. Naligo tas kumain ng breakfast. Si MAMA may nakita pang beauty queen si DANG CECILLO. Kinausap pa at nakipagchikahan! Ngayon nandito na kami sa loob ng kotse pabalik ng MANILA. 9:31am, stop oveq muna kami dito sa PETRON gagamit ng CR. 1:44pm, nasa NLEX na kami. Kakakain lang namin sa ALING LUCING'S SPECIAL SISIG. Ang sarap! Nakakaasar ang laki na ng tiyan ko! Nawala na ang abs-absan ko! Ehehe! 73 km na lang to MANILA! Wah! kamuntik malaglag cellphone ni MABEL binuksan kasi ni KOBE ang bintana! 2:30pm, nasa MANILA na kami pero wala pa sa bahay. 2:51pm, WE'RE HOME!

Currently listening to: Let's Wait A While by Janet Jackson
Currently feeling: sore
Posted by jjcobwebb on March 26, 2005 at 04:11 PM | Post a comment

Cornball by John Jacob Webb

INTRO:
I know it's cornball but...

Have you ever felt
You were on cloud
Sitting with someone you love
And screaming so loud?

Have you ever been
In love and might have been
To the one who cares
And makes you feel he's there?


CHORUS:
I know it's cornball but...
Have you ever been in love
To the one who knows and loves you
Have you ever felt he's right
So as you can spend a lifetime together
Have you ever tried to talk and cry
And he eagerly listens
Have you ever? Have you ever?

Have you ever tried
Reaching for the sky
Both of you weaving dreams
Up up way up high?

Have you ever known
A person so deeply
That your bodies and soul
Could one day just collide?

Currently feeling: cramming
Posted by jjcobwebb on March 28, 2005 at 10:06 PM in Songs and Poems as a favorite post | Post a comment
ang saya saya ko!!!
Posted by jjcobwebb on March 29, 2005 at 11:51 PM | Post a comment
« 2005/02 · 2005/04 »